Timeless Promise

Timeless Promise

Part 1

…TIMELESS PROMISE...

part 1

Once upon a time, there was an island where all the feelings lived: Happiness, Sadness, Knowledge, and all the others, including Love. One day it was announced to the feelings that the island would sink, so all constructed boats and left, Except for Love.

Love was the only one who stayed. Love wanted to hold out until the last possible moment. When the island had almost sunk, Love decided to ask for help.

Richness was passing by Love in a grand boat.

Love said, “Richness, can you take me with you?”

Richness answered, “No, I can’t. There is a lot of gold and silver in my boat. There is no place here for you.”

Love decided to ask Vanity who was also passing by in a beautiful vessel.

“Vanity, please help me!”

“I can’t help you, Love. You are all wet and might damage my boat,” Vanity answered.

Sadness also passed close by, so Love asked, “Sadness, let me go with you.”

“Oh . . . Love, I am so sad that I need to be by myself!”

Happiness passed by Love, too, but she was so happy that she did not even hear when Love called her.

Suddenly, there was a voice,

“Come, Love, I will take you.” It was an elder.

So blessed and overjoyed, Love even forgot to ask the elder where they were going. When they arrived at dry land, the elder went his own way. Realizing how much she owed to the elder, Love asked Knowledge, another elder,

“Who helped me?”

“It was Time,” Knowledge answered.

“Time?” asked Love. “But why did Time help me?”

Knowledge smiled with deep wisdom and answered, “Because only Time is capable of understanding such a great love”.

“Masyado kang obsess sa pambatang story na yan.” Pang-aasar ni Marvin.

“Hindi naman beks, it’s just timesless yung story di ba? “ Sabi ni Seb

“Ewan ko sa’yo, kapapanood mo ng mga love stories masyado ka ng hopeless romantic.” Sabi ni Marvin.

“Panahon ba ang magtatakda kung kelan mo makikita ang tamang pag-ibig o pag-ibig ang magtatakda ng tamang panahon?” pabulong na tanong ni Seb

“Ano na naman yang binubulong mo dyan?” Balik na tanong ni Marvin.

“Wala don’t mind me, by the way natapos mo na ba yung reaction paper natin sa Rizal 101?” Pag-iba ng topic ni Seb.

“Hindi pa babasahin ko muna yung Noli Me Tangere nakakabored sobra.” Sabi ni Marvin.

“Ang ganda kaya, Spanish era, love story, if you’ll think about it sa mga lalaki at babae may masayang love story, meron ding tragic, how about us? Nung time na yun paano ang buhay ng mga tulad natin?” pagsalungat ni Seb kay Marvin.

“Ay ma at pa, walang cellphone? Walang wifi? Walang net? Malamang boring.” Sagot ni Marvin sa tanong ni Seb.

“O HB ka na naman nagtatanong lang eh, o sya uwi na ako, magbabasa din muna ako para magawa ko na yung reaction paper na yan.” Sabi ni Seb

“Wait lang maiba ako, wala ka ba talaga balak mag transfer ng school?” Tanong ni Marvin

“Ha bakit naman ok naman sa school natin ah?” Balik na tanong ni Seb

“Di ba matagal ng gusto ng mga kapatid mo na sa Manila ka na mag-aral para kasama mo sila.” Sagot ni Marvin.

“Wala kasing titira sa bahay namin dito, baka mapabayaan ang ancestral house sayang naman.” Sabi ni Seb

“Nandun naman si manang Seña para bantayan ang bahay.” Sabi ni Marvin.

“Pag-iisipan ko next sem or school year.” Sabi ni Seb

“Oks sige, bye na talaga.” Pamamaalam ni Marvin.

“Ciao, see you tomorrow.” Pamamaalam ni Seb kay Marvin.

Pag-uwi ni Seb ay agad nyang binasa ang Noli Me Tangre, kabanata pito; Suyuan sa asotea, kinailangan pa nya ng Tagalog dictionary para lamang maintindihan ang ibang mga salita, mabuti na lamang at may google translate siyang maasahan para mas mabilis ang pag sesearch niya.

“Ang chessy masyado ni Crisostomo Ibarra, haha si Maria Clara naman masyadong pabebe.” Sabi ni Seb sa kanyang isipan.

“In fair natututo ulit ako ng mga sinaunang salitang Filipino dito sa pagbabasa interesting.” Pagkamangha ni Seb sa kanyang binabasa.

“Tinikis, ibig sabihin ay tiniis, sumisikdo, meaning kumakabog, pasuling suling naman ay paikot-ikot, Nayuyung, nayungyung, nayuyungyungan tongue twister naman to ibig sabihin ay nalilimliman.” Pagkabisa ni Seb sa mga malalalim na salita.

Nakaramdam ng bagot si Seb kaya bumangon sya sa kama upang pumunta sa asotea sa labas ng kanyang kwarto, napatitig sya langit at napangiti sya habang nakatingin sa mga bituin at dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang mukha. Bigla siyang napapikit at naisip nyang masaya din ang manirahan lamang sa probinsya kaysa sumama sya sa kanyang mga kapatid na nasa manila o sumunod sa kanyang mga magulang na nasa ibang bansa na.

“Ang ganda talaga tignan ng stars sa probinsya kitang kita mo ang ganda, at ang sarap ng simoy ng hangin.” Pabuntong hiningang sinambit ni Seb

“Di ko maunawaan ang iyong salitang tinuran ngunit ramdam kong ito’y tumutukoy sa mga tala, talang sing ningning ng iyong mga mata, Sebastian.” Boses ng isang lalaki mula sa kanyang likuran.

“Paano kang nakapasok dito Nicolas?” Tanong ni Sebastian

“Tinatanong mo pa ba yan hindi ba’t gumawa tayo ng hagdang gawa sa kawayan na nasa gilid ng iyong silid.” Sagot ni Nicolas

“Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo parito sa akin?” Tanong ni Sebastian.

“Bawal na bang bisitahin ang aking katoto?” Balik na tanong ni Nicolas.

“Sa dis oras ng gabi, hindi ka ba nangangambang mahuli ka ng mga guardia civil at isiping isa kang masamang tao.” Sagot ni Sebastian

“Sa kisig kong ito sinong magsasabing isa akong masamang nilalang?” Pang- aasar na tanong ni Nicolas

“Mahabaging Diyos, matakot ka nga sa iyong mga sinambit Nicolas.” Wika ni Sebastian.

“Nakakatuwa ang iyong mukha kapag ikaw ay nayayamot.” Sabi ni Nicolas sabay kurot sa pisngi ni Sebastian.

“Maghunos dili ka sa iyong mga ginagawa Nicolas, hindi na tayo mga paslit.” Sabi ni Sebastian.

“Bakit ano bang masama sa aking ginawa?” Tanong ni Nicolas

“Hindi ito gawi ng magkaibang lalaki, hindi ka ba natatakot na may makakita at isiping binabae tayo?” Balik na tanong ni Sebastian.”

“Para na kitang nakababatang kapatid Sebastian, sinong magsasabing ikaw ay aking katipan.” Bulalas ni Nicolas.

“Por Dios por santo, ano ba ang iyong mga tinuturan, mangilabot ka.” Namumulang sinabi ni Sebastian.

“Halika nga dito, hindi nalalaman ng ibang tao ang halaga mo sa akin at wala silang karapatang husgahan ang ating pagkakaibigan.” Sabi ni Nicolas sabay yakap kay Sebastian.

“Nicolas nakatatandang kapatid man ang turing ko sa ‘yo iba ang mata ng mga nakakakita, ayokong mapahamak sa tuglisa ng mga nakakakita.” Sabi ni Sebastian sabay tulak kay Nicolas at tumalikod siya.

“Magpapaalam na ako, magkita na lamang tayo sa ating tagpuan bukas.” Sabi ni Nicolas.

“Ngunit… Nicolas?” Pagharap muli ni Sebastian ay wala na si Nicolas sa kanyang tabi.

“Nicolas… Nicolas… nic…” paulit ulit na sinasambit ni Sebastian.

RIINNNGGG!!!!!!

Nag-alarm ang Cellphone ni Seb at bigla siyang napabangon sa kanyang higaan, ilang minuto din siyang tulala bago bumalik sa reyalidad ang kanyang diwa. Biglang nag ring ang kanyang cellphone, tumatawag si Marvin.

“Hello…” pagsagot ni Seb sa tawag.

“Hello mong mukha mo, charot, ano na sleeping beauty akala ko ba maaga tayo papasok today?” Pang-aasar ni Marvin.

“Ay oo nga pala, sorry I forgot na baguhin yung alarm ko.” Sagot ni Seb.

“Excuses, oh sya kita na lang tayo sa school mamaya ok.” Sabi ni Marvin.

“Ok bye.” Sabi ni Seb.

Habang nasa byahe si Seb ay di mawala sa kanyang isipan ang kanyang napanaginipan, sino ang lalaki sa kanyang panaginip, di niya maalala ang pangalan nito, at ang eksaktong pangyayari sa kanyang panaginip pero, pakiramdam nya ay totoo ang mga ito.

Pagdating sa kanilang school ay sa library sila nagtungo ni Marvin upang pag-usapan ang reaction paper na kanilang gagawin, sa kalagitnaan ng pag-uusap ay naisingit ni Seb ang kanyang panaginip.

“Cute ba yung otoko sa panaginip mo?” Tanong ni Marvin

“Di ko nga matandaan yung itsura at pangalan nung nasa dream ko eh.” Sagot ni Seb

“Ang chaka mo bakla.” Pang iinsulto ni Marvin.

“Basta sabi nya magkita kami sa tagpuan namin.” Sabi ni Seb

“Ang bongga may katagpuan, suko ako sa ganda mo.” Sabi ni Marvin.

Magtigil ka nga, oo bakla ako pero di naman ako cross dresser o nagsusuot ng pambabae.” Inis na sinambit ni Seb

“Ay sensitive, wag OA di ka mananalo ng award dyan.” Sabi ni Marvin.

“Sorry na, para ka kasing tanga eh.” Sabi ni Seb.

“Kababasa mo ng Noli Me tangere at nood pa more ng BL (boys love) na Korean, Chinese, Thai at Japanese, yan napapala mo.” Sabi ni Marvin.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Seb.

“Mga panaginip mo, makalumang panahon, feeling mo si Maria Clara ka na sasagipin ni Ibarra.” Sagot ni Marvin.

“Sa panaginip ko parang kuya ang turing ko sa kasama ko eh, hindi bilang jowa o aura.” Sabi ni Seb.

“Ay ayaw palotlot friend, #bromance #CrispinBasilo #Sisa.” Pang-aasar muli ni Marvin.

“Dami mong dama, ewan ko sa’yo.” Sabi ni Seb.

“O baka naman kasi na mimiss mo na sya kaya ka nagkakaganyan.” Hinuha ni Marvin.

“Sino naman?” Tanong ni Seb na tumaas ang isang kilay.

“Ang Knight in the shinning armor mo, yung laging nagtatanggol sa’yo pag may nang-aasar sa’yong bakla ka o malamya ka.” Sagot ni Marvin.

“Maybe, later punta tayo sa may park sa may ilog ha.” Pag-aaya ni Seb.

“Sabi ko na miss mo lang sya eh, dun kayo madalas tumambay dati eh.” Sabi ni Marvin.

“Oo na, basta mamaya ha?” Pamimilit ni Seb.

“Okay as you wish prinsesa.” Pang-aasar ni Marvin.

Nang hapon ding iyon pagkatapos ng kanilang klase ay dumirecho sila sa park para doon muna tumambay bago umuwi dahil maaga pa naman.

“Dyan ka muna ha bibili lang ako ng chicha at drinks baka sabihin ng mga tao dito purita tayo.” Sabi ni Marvin.

“Ok, bilisan mo lang ha.” Sabi ni Seb

“Oo na, demanding masyado.” Sabi ni Marvin.

Habang bumibili ng makakain at inumin si Marvin, ay umupo si Seb malapit sa may ilog, malungkot ang kanyang mga mata na tila may iniisip na malalim, at napapabuntong hininga pa sya habang nakatitig sa kanyang repleksyon sa tubig, nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan, isang boses na kilalang kilala nya.

“Kanina mo pa ba ako hinihintay?” Tanong ng boses sa kanyang likuran

“Hindi, tama lang naman ang iyong pagdating Nicolas.” Sagot ni Sebastian

“Tila baga ika’y may dinadamdam, bakas sa iyong wangis ang kalungkutan?” Tanong muli ni Nicolas.

“Huwag mo na lang akong pansinin, wala ito.” Sagot ni Sebastian.

“Maaari bang hindi ko indahin ang iyong kalungkutan, ikaw na pinaka mahalaga kong kaibigan.” Sabi ni Nicolas.

“Huwag mo ng nililito ang aking isipan, dahil alam ko namang ikaw ay lilisan na.” Sabi ni Sebastian.

“Oo nga pala sa makalawa na ang aking paglalayag tungong Madrid.” Ani ni Nicolas.

“Mang-iiwan ka din pala, iyong sinambit noong mga bata pa tayo ay di ka lilisan sa aking tabi.” Sinambit ni Sebastian ng may kalungkutan.

“Hindi naman ibig sabihin na ako’y tutungong Madrid, ay hindi na ako babalik, ako’y magbabalik.” Sabi ni Nicolas.

“Ngunit ako’y mangungulila sa iyong pagkawala.” Sambit ni Sebastian.

“Kinakailangan kong magpakadalubhasa ito’y iyong batid hindi ba.” Sabi ni Nicolas.

“Ito’y matagal ko ng batid, ngunit ako’y hindi handa sa pagdating ng araw na ito.” Paliwanag ni Sebastian.

“Sa aking pagtungo sa malayong lupain, ay siya rin namang iyong paglisan dito, hindi ba’t mag-aaral ka na sa Colegio de San Juan de Letran.” Sabi ni Nicolas.

“Mas nais kasi ni Papa na doon ako mag-aral ng colegio kahit na ang nais ko ay sa Real Universidad de Santo Tomás.” Sabi ni Sebastian.

“Saan ka man mag-aral ay di nito mababago ang katotohanang kinakailangan nating malayo sa isa’t-isa.” Sabi ni Nicolas

“Bakit ba kasi hindi tinulutan ng Diyos na tayo’y maging magkasing gulang na lamang, bakit ba kasi singko anyos ang ating pagitan, di sin sana ay sabay na tayo sa pagpapakadalubhasa sa Madrid.” Mga katanungan ni Sebastian.

“Hindi ko rin masasagot ang iyong katanungan, iyong ipagpaumanhin.” Malungkot na sagot ni Nicolas.

“Halika at magtungo tayo sa simbahan, ipagtutulos kita ng kandila upang maipagdasal ko ang iyong nalalapit na paglalakbay.” Pag-aaya ni Sebastian.

“Halika na bago pa mag dilim.” Sabi Nicolas.

Nagtungo sila sa simbahan, ipinagdasal ni Sebastian ang kanyang kaibigan para sa paglalakbay nito, nagdasal siya ng isang Ama namin, tatlong Aba ginoong Maria at isang Luwalhati.

“Salamat sa iyong mga panalangin, ako’y nakatitiyak na magiging maayos at ligtas ang aking paglalakbay.” Pasasalamat ni Nicolas.

“Ito lamang ang aking maipapabaon sa iyo, iyong ipagpaumanhin.” Sabi ni Sebastian.

“Sapat na ang iyong mga panalangin, labis akong mangungulila sa iyo.” Sabi ni Nicolas.

“Lagi kang magpapadala ng telegrama ipangako mo iyan, at sya ring aking gagawin.” Sabi ni Sebastian habang nakatitig kay Nicolas.

“Oo aking ipinapangako, ako’y magbabalik makalipas ang ilang taon, nawa’y hintayin mo ako.” Sabi ni Nicolas.

“Walang hanggang pangako, ako’y naririto lamang sa iyong pagbabalik.” Pagbitaw ng pangako ni Sebastian.

“Sa harap ng altar na ito ipinapangako ko rin sa aking pagbabalik hindi na ako muling lilisan.” Sabi ni Nicolas.

Nagyakap sila pagkatapos mangako sa isa’t-isa, bahagyang naluha ang magkaibigan ngunit mabilis din nila itong pinawi. Nag-aya ng umuwi si Sebastian dahil nalalapit nang magdilim at siya ay masesermunan na naman ng kanyang papâ at mamâ.

“Sandali lamang, bago tayo umuwi, may ibibigay ako sa’yo.” Sabi ni Nicolas.

“Ano iyon?” Tanong ni Sebastian.

“Ito, sana ay iyong maibigan.” Sabi ni Nicolas sabay suot ng isang kwintas sa leeg ni Sebastian.”

“Ang ganda, maraming salamat, isang kwintas, ngunit may isang palawit na hugis otso?” pasasalamat ni Sebastian.

“Ako’y nagagalak at ika’y nalugod sa aking handog.” Sabi ni Nicolas.

“Ngunit ano itong nakalagay na palawit anong ibig nitong ipakahulugan?” Tanong ni Sebastian.

“Ang kahulugan ng palawit na hugis otso ay walang hanggan, tulad ng aking pangako sa iyo.” Sagot ni Nicolas.

Muling nagyakap si Nicolas at Sebastian, kasabay ng paglukob ng kadiliman sa liwanag, dinama nila ang mga huling sandali na sila ay magkasama, dahil alam nilang hindi madali ang kanilang paghihiwalay, mula pagkabata ay magkasama na sila at ito ang unang pagkakataon na magkakalayo sila ng matagal.

“Señorito Sebastian, Señorito!” Sigaw ng isang lalaki na tumatawag kay Sebastian na humahangos pa ang boses.

“Seb, ano ba Seb?” pamilyar na boses na tumatawag sa kanya.

-itutuoy

-AKI LEE ZHOU-

Please leave your comments

Maayos ba ang pagkakasulat?

May dapat bang baguhin?

May dapat bang idagdag?

Salamat

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play