Part 2

Timesless promise part 2

Tinulak ni Marvin si Seb, at ito ay nagising sa kanyang pagkakahimlay, ilang sandali pa ay bumalik na ang kanyang diwa, at napalingon lingon siya sa kanyang paligid, nasa park pa din siya, at kasama na ulit nya si Marvin.

“Loka loka ka, nakatulog ka talaga sa may ilog? Eh kung nahulog ka, sirena ka ba?” Pang-aasar na tanong ni Marvin.

“Sorry na di ko din napansin na nakatulog na ako.” Pagsosorry ni Seb.

“Fifteen minutes lang ako nawala, ang tagal kasi ng pila eh, tapos nagmala sleeping beauty ka na dyan.” Sabi ni Marvin.

“Tara na nga kainin na natin yang dala mo.” Sabi ni Seb

“Wait lang baka mas ma excite ka sa isang dala ko aside dito sa pagkain.” Sabi ni Marvin.

“Bakit ano ba yun?” Tanong ni Seb na naiirita na

May naglalakad na lalaki patungo sa kinaroroonan ni Marvin at Seb, dahil medyo antok pa ay inaaninag pa nya ang lalaking ito.

“Hindi ba ako namiss ng Baby bro ko?” Tanong ng lalaki

Hindi agad nakapag salita si Seb sa pagkagulat, tumayo na lamang siya at napayakap sa lalaki, siya ay naluluha, mahigpit ang kanyang mga yakap na tila ay isang siglo silang di nagkita.

“Big bro, namiss kita sobra.” Sabi ni Seb

“Ay teleserye, dramarama sa hapon ang peg?” Pang-aasar ni Marvin

“O bakit ka naiiyak?” Tanong ng lalaki.

“Hay naku kuya Nico ganyan naman yan eh, balak ata mag audition para mag-artista.” Muling pang-aasar ni marvin.

“Shut up!” Sabi ni Seb

“I’m here na as promise di ba.” Sabi ni Nico

“Don’t mind me Big bro, masaya lang akong nakabalik ka na, 5 years ka din sa USA.” Sabi ni Seb.

“Sorry if lately naging busy ako, and I want to surprise you din kasi kaya di ako sumasagot sa mga chat mo.” Sabi ni Nico

“Ok lang yun, wag mo na ako intindihin yun.” Sabi ni Seb.

“By the way dito, talaga ako unang nagpunta nagbabakasakaling nandito ka kasi alam ko favorite place mo to eh” Sabi ni Nico

“Kilala mo talaga ako, nga pala di ka nagsabi sana nasundo ka namin daya mo may pa surprise surprise ka pa.” Sabi ni Seb.

“Ano ako dito, bestfriend ng bida tapos dahil nagkita na kayo exit na ako sa eksena?” Tanong ni Marvin.

“Hindi bida ka may palabas ka na nga eh ang title Insekyora.” Pang-aasar ni Seb.

“Haha, kaya mas namiss ko dito eh.” Sabi ni Nico

“Saan ka pala tutuloy nyan nirerenovate yung bahay nyo di ba?” Tanong ni Seb.

“Ay sa amin kuya Nico may extra pang kwarto wala yung kapatid ko now.” Pagsabat ni Marvin.

“Kainin mo yang binili mong hotdog di ikaw ang kinakausap.” Sabi ni Seb sabay duldol sa bibig ni Marvin ng hotdog na binili nito.

“Maphysical ka na friend ha.” Sabi ni Marvin.

“Saan pa ba? Edi sa inyo, di ka na makakapalag kasi nag sabi na ako kay tito at tita, nakausap ko na sila nung isang araw pa.” Sagot ni Nico kay Seb

“Ha paano, bakit walang nabanggit si papa sa akin?” Naguguluhang tanong ni Seb

“Surprise nga di ba, edi nalaman mo kung sasabihin nila.” Sagot ni Nico

“May point sya friend, infairview Quezon city." sabi ni Marvin

Nagkwentuhan pa silang tatlo hanggang sa magdilim na, nagdecide na din silang umuwi na, iba ang daan pauwi ni Marvin kaya humiwalay na siya sa dalawa. Habang nasa daan pauwi ay nakaakbay si Nico kay Seb, nagkukwentuhan lamang sila habang pauwi.

“Kumusta na pala kayo ni Anna?” Tanong ni Seb

“Ok naman.” Sagot ni Nico

“Ang nipis naman ng sagot mo.” Sabi ni Seb.

“Sa totoo lang kaya din ako umuwi dito, ay para makapag-isip.” Biglang naging seryoso ang mga salita ni Nico.

“Ha bakit naman?” Tanong ni Seb

“Tsaka na natin pag-usapan, ayan na bahay nyo, gutom na ako kumain na tayo at maligo gusto ko na magpahinga.” Di sinagot ni Nico ang tanong ni Seb.

Pagdating nila sa bahay ay nakahain na ng dinner si manang Seña, tinolang manok at bagong saing na kanin, mayroon ding itlog na maalat at kamatis.

“Parang kailan lamang bagito pa itong si Nico, tignan mo nga naman at ang isog-isog mo na.” Sabi ni Manang Seña

“Si Manang Seña talaga mga words kasing luma ng bahay na to.” Sabi ni Seb

“Nakakatuwa nga eh, I really miss this place and the language itself.” Sabi ni Nico.

“Ay di halata Big bro ha, maka English ka dyan wagas eh.” Sabi ni Seb.

“Opps I’m sorry force of habit lang.” Sabi ni Nico

“Maupo na kayo sa lamesa at nakahain na ang iyong hapunan.” Sabi ni Manang Seña

“Mukhang ang sarap nito manang Seña, namiss ko talaga ang lutong Pinoy.” Sabi ni Nico

“Huwag mo ng bilugin ang aking ulo, kain na at nakahanda na din ang iyong pampaligo mga ginoo.” Sabi ni Manang Seña

Nang matapos silang kumain ay naligo na sila at nagtungo na sa kwarto ni Seb, upang magpahinga.

“Nakaayos na ang guess room ano pang ginagawa no dito Big bro?” Tanong ni Seb

“Bakit dito naman ako natutulog dati ah, ayaw na ba ako katabi matulog ng Baby bro ko?” Balik na tanong ni Nico

“Big bro, di na tayo mga bata, malapit na nga ako maka graduate ng college eh.” Sagot ni Seb

“Halika nga dito, dami mong alam.” Sabi ni Nico sabay hila kay Seb sa kama at niyapos niya ang huli.

“Big bro…” Ito na lamang ang nasabi ni Seb habang ang kanyang ulo ay nasa dibdib ni Nico, pinapakinggan ang tibok ng puso nito.

Ilang sandali ding walang boses na naririnig sa kwarto ni Seb maliban na lamang ang ilang buntong hiningang nagmumula sa kanilang dalawa. Nang maisip nilang mahiga na ay nag-usap sila ibinalik ni Seb ang topic tungkol kay Anna.

“Ang tagal nyo na din ni Anna, wala pa ba kayo balak magpakasal?” Tanong ni Seb

“Gusto na ng parents nya na magpakasal kami, pero…” Hindi naituloy ni Nico ang kanyang gustong sabihin.

“Pero, hindi ka pa handa?” Tanong muli ni Seb

“Hindi sa ganoon, pero hindi ako sigurado kung magiging Masaya ba ako sa buhay ko.” Sagot ni Nico

“Anong ibig mong sabihin eh college pa lang kayong dalawa na di ba?” Naguguluhang tanong ni Seb.

“Bata ka pa kasi kaya di mo naiintindihan, ang pag-aasawa pang habang buhay yan, desisyon na di pwedeng basta basta na lang talikuran pag hindi ka na masaya.” Sagot ni Nico

“Siguro nga di ko pa nauunawaan kasi di pa naman ako nagkakaroon ng relationship, pero ang alam ko lang pagmahal mo di ba dapat masaya ka pag kasama mo sya.” Sabi ni Seb

“Di lahat ng nagmamahal ay masaya, kung minsan kahit kasama mo ang iyong minamahal ay may lungkot pa din sa iyong puso na di mapapawi ng ano man.” Malalim na sinambit ni Nico

“Ang lalim nun Big bro ah, medyo nalunod ako, pakapit.” Pang-aasar ni Seb sabay hawak sa braso ni Nico.

“Matulog na tayo, bukas na tayo mag-usap madami pang susunod na mga araw para kwentuhan tayo.” Sabi ni Nico

Nakahiga sa bisig ni Nico si Seb habang nakayap ito, nakatulog na si Seb, habang si Nico ay nakatitig lamang kay Seb, napapangiti sya ngunit naluluha, bago siya tuluyang nakatulog ay hinalikan nya ang noo ni Seb.

Lumipas ang mga taon patuloy na naghihintay si Sebastian sa pagbabalik ni Nicolas, nagpapalitan sila ng mga telegrama, ngunit ito ay natigil at labis itong ikinalungkot ni Sebastian, itinoon na lamang niya ang kanyang oras sa pag-aaral, madalas ay nagsisimba siya sa simbahan ng San Agustin sa Intramuros, humihingi ng gabay at tulong sa Inang Maria kung bakit hindi na sumasagot si Nicolas sa kanyang mga liham. Hanggang sa isang araw.

“Señorito Sebastian, halina at umuwi na tayo, mahaba pa ang ating lalakbayain, naghihintay na inyong mama at papa.” Sabi ni Marcos, ang kanyang silbedor at kaibigan.

“Sige susunod na ako magtutulos lamang ako ng kandila.” Sagot ni Sebastian.

Habang nagdarasal si Sebastian na nakapikit ang mga mata ay biglang may tumawag sa kanyang ngalan, isang boses na di niya inaakalang maririnig pa niya.

“Kumusta na ang aking minamahal na kaibigan?” Tanong ni Nicolas

“Ako’y nagdaramdam sa iyo, ngunit Masaya sa iyong pagbabalik.” Sagot ni Sebastian.

“Salamat naman kung ganoon.” Sabi ni Nicolas

“Paano mo napagtanto na ako’y naririto?” Tanong ni Sebastian

“Ako’y nagbakasakali lamang.” Sagot ni Nicolas

Sabay silang umuwi sa kanilang mga tahanan, ng sumunod na araw, may salo-salo para sa pagbabalik ni Nicolas mula Madrid, gayun din sa nalalapit na pagtatapos ni Sebastian sa colegio, malapit ang kanilang mga pamilya. Pag datinjg nila sa tahanan ni Sebastian ay madaming tao, nagkakasiyahan umiinom ng alak at ang iba ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga negosyo at ari-arian.

“Narito na pala si Sebastian kasama ang kanyang matalik na kaibigang si Nicolas.” Bulalas ng papa ni Sebastian.

“Papa, Malugod na gabi sa inyo.” Pagbati ni Sebastian.

“Buensa noches Señor.” Pagbati din ni Nicolas

“Maari ko ba munang makausap ang aking anak.” Pagpasintabi ng Ama ni Nicolas.

“Si, señor.” Pagsang-ayon ni Sebastian.

“Halika muna Sebastian ipapakilala kita sa aking mga kasama sa negosyo.” Pag-aaya ng ama ni Sebastian

Hindi man sila magkasama sa iisang grupo ay panay pa din ang sulyap nila sa isa’t-isa, at sumisenyas na mag-uusap sila pagkatapos ng piging.

“Nicolas, ipinapakilala ko sa’yo si Juliana, ang iyong magiging esposa” Pagpapakilala ng papa ni Nicolas kay Juliana.

“Papa, anong iyong mga tinuran ako’y nagugulumihanan?” Tanong ni Nicolas.

“Ipagpaumanhin nyo, pagod lamang siya sa kanyang naging paglalakbay.” Sabi ng ama ni Nicolas.

“Kinalulugod kitang makilala, Nicolas.” Sabi ni Juliana.

“Gayun din ako.” Maikling sagot ng naguguluhan pa ding si Nicolas.

“Humayo muna kayo nang kayo ay makpag solo, at magkapalgayan ng loob.” Utos ng Ina ni Juliana.

Nagtungo ang dalawa sa may asotea at doon nag-usap. Samantalang si Sebastian naman ay hinahanap si Nicolas dahil bigla itong nawala sa kanyang paningin, nang matagpuan niya ito ay kasama si Juliana kaya dagli niya silang pinuntahan.

“Bigla kang nawala sa aking paningin Nicolas narito ka lamang pala.” Sabi ni Sebastian

“Paumanhin, ipinapakilala ko nga pala sa iyo si Juliana.” Sabi ni Nicolas

“Buenas noches señorita.” Pagbati ni Sebastian.

“Maayong gabi din sa iyo ginoo.” Pagbati ni Juliana

“Si Juliana ang napili ng aking papa upang aking maging esposa.” Sabi ni Nicolas.

Laking gulat ni Sebastian sa mga binulalas ni Nicolas, sino ang Julianang ito na mistula babago sa kanilang pagkakaibigan. Nakarinig si Sebastian ng tilaok ng manok, paglingon niya ay wala na si Nicolas at Juliana sa kanyang tabi.

“Nicolas, Nicolas, Nicolas!!!” Paulit ulit niyang sigaw ngunit tila baga walang nakakarinig sa kanya.

-Itutuloy-

-AKI LEE ZHOU-

Please leave your comments

Maayos ba ang pagkakasulat?

May dapat bang baguhin?

May dapat bang idagdag?

Salamat

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play