Part 5

Timeless promise part 5

Naguguluhan si Seb sa sinabi ng matanda, ngunit pag-uwi nya sa kanilang bahay nagtungo siya sa sinasabing puno ng matanda sa tabi ng kanyang kwarto, ang ipinagtataka nya ay paano nalaman ng matanda na may puno sa tabi ng kwarto nya. Siniyasat niya ang puno, pero wala siyang nakitang clue, hanggang sa naalala nya ang sinambit nito tungkol sa pag huhukay, sinubukan niyang hukayin ang paligid ng puno, nais na sana niyang sumuko hanggang sa may makapa siyang isang matigas na bagay, isang kahon na gawa sa bakal, kinuha nya ito at nakita nya may mga pahina ng papel, naninilaw na ang papel at may mga parte na medyo Malabo na. Akmang babasahin na nya ang papel ng biglang dumating si Nico, kaya napatakbo siya sa likod bahay para doon dumaan at dumirecho sa kanyang kwarto para magpalit, dahil baka makita ni Nico na puno ng putik at lupa ang kanyang mga damit.

“Manang Seña nasaan si Seb?” Tanong ni Nico

“Ay baka nasa kwarto lang nya kanina pa yun hindi bumababa eh.” Sagot ni Manang Seña

“Sige po thanks puntahan ko na lang sya.” Sabi ni Nico

Pag-akyat ni Nico ay binuksan agad niya ang pinto nakalimutan ni Seb na ilock ang pinto, akmang magsusuot pa lang ng underwear si Seb, kaya nagulat silang dalawa at bahagyang namula ang kanilang mga pisngi.

“Lumabas ka nga muna hintayin mo muna ako makapag bihis.” Utos ni Seb kay Nico

“Ano bang tinatago mo, nakita ko naman lahat yan, noong nagpatuli ka nga ako ang kasama mo.” Sabi ni Nico sabay pasok sa kwarto at nilock ang pinto

“Bakit ba kasi may sasabihin ka ba?” Tanong ni Seb na nakalimutan ng isuot ang brief nito

“Oo may sasabihin ako.” Sagot ni Nico sabay hawak sa mga balikat ni Seb

“Ako din may gusto sanang sabihin sa’yo.” Sabi ni Seb habang nakatitig sa mga mata ni Nico

“Sige mauna ka na magsabi.” Pagpapaubaya ni Nico

“Mahal kita Nico.” Sabi ni Seb sabay yakap kay Nico

“Mahal din naman kita, Baby bro kita di ba?” Sabi ni Nico

“Mahal na mahal kita higit sa kuya ko, higit sa kaibigan.” Sabi ng naluluhang si Seb

“Ano bang pinagsasabi mo Seb?” Inalis ni Nico ang pagkakayap ni Seb sa kanya

“Alam ko mahirap paniwalaan pero yung mga nasa panaginip ko totoo yun, reincarnation ako ni Sebastian at ikaw si Nicolas.” Sabi ni Seb

“Teka anong panaginip, sinong Nicolas at Sebastian?” Naguguluhang tanong ni Nico

“Reincarnation nila tayong dalawa, galing sila sa Spanish colonial era, sa panaginip ko bumabalik yung mga alaala ni Sebastian, at alam ko ikaw si Nicolas, naalala mo yung necklace na binigay mo sa akin, yung infinity necklace, binigay yun ni Nicolas kay Sebastian.” Sagot ni Seb

“Baby Bro ang weird ha, nabagok ba ulo mo sa pagkahimatay mo kahapon.” Napapangising sinabi ni Nico

“Pero yun ang totoo, ito nahukay ko sa tabi ng puno ang diary ni Sebastian, hindi pa ba sapat na proof to?” Tanong ni Seb

“Seb hindi mo naman kailangan gumawa ng kwento eh, pwede mong sabihin ng direcho na mahal mo ako no need put up some drama.” Sabi ni Nico

“So di ka naniniwala, sorry if sinasabi ko pa sa’yo to, I’m so stupid.” Sabi ni Seb sabay talikod kay Nico at akmang kukunin ang twalya

“Hindi mo kailangan maging si Sebastian at maging ako si Nicolas para mahalin kita, mahal kita bilang ikaw, kung tayo man ay reincarnation nila o hindi, ang alam ko mahal din kita.” Sabi ni Nico na niyakap si Seb mula sa likuran.

“Anong ibig mong sabihin Big bro?” Humarap si Seb at napatingin kay Nico

“Mahal na mahal din kita, wala lang akong lakas ng loob na sabihin sa’yo dahil natatakot akong masira ang pagkakaibigan natin, takot sa mga pwedeng mangyari.” Sagot ni Nico

“Bakit ngayon mo lang sinabi?” Tanong ni Seb habang tumatangis at napayakap kay Nico

“Narealize ko lang ito nung nagpunta akong Amerika, na hindi ko pala kayang mawala ka.” Sabi ni Nico

Nagkita ang kanilang mga mata, nangungusap, maraming tanong pero may sayang namumutawi, nagkita din ang kanilang mga labi, naglapat habang sila ay magkayakap, ang mga bisig ni Seb ay nasa balikat ni Nico at ang mga kamay ni Nico ay nasa bewang ni Seb, parang di tumatakbo ang oras ng muling magkita ang dungan ni Sebastian at Nicolas.

TOK! TOK! TOK!

-itutuloy

-AKI LEE ZHOU-

Please leave your comments

Maayos ba ang pagkakasulat?

May dapat bang baguhin?

May dapat bang idagdag?

Salamat

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play