SECRETLY MARRIED TO MR. CEO
"Mom! I told I cannot marry a man---"
"Then what are you? A tomboy?---"
"Will you just at least shut up?! I'm leaving! If you cannot give me a peace of mind then I'll leave."
Huling sabi ko sabay kuha ng mga bags ko na prepared ko na kagabi habang siya ay hindi talaga tumitigil sa kakasalita. I just really can't stand it. Why rush things? I'm not ready. Since I was grounded and Daddy collected all my cards and keys of my cars, I need to ride a taxi para makalayas sa mansion na ito.
May nakita akong taxi and dali dali ko itong pinara saka walang lingong likod na sumakay sa taxi. This is it.
Hours have passed and nandito na ako sa diko malaman kung saang banda ba ito ng mundo. Pinababa ako ni manong driver sa may waitingshed and walang ka tao tao dito. Like oh my gosh, how will I survive here?! My bestfriend only gave me a map and told me to come here. I did not even imagine myself living in this place! Nandito yata ako sa province. Like really? Bago pa ako mapaface-palm ay nagring cellphone ko.
[Best! Where are you? Have you arrived safely?] Dramatic na tanong ng Bestfriend ko. Kahit ako maiinis din bat ako napunta dito. I asked her to bring me somewhere away from my parents BUT NOT TO THIS KIND OF PLACE.
"What the heck, Kaye! Where am I?! I didn't expect you'll bring me here!---" pasigaw na sabi ko kanya. I'm really angry. I don't have enough money and still she played me like this?
[--best naman. Calm down, okay? Someone's gonna pick you up. Don't worry.] kalmadong sabi niya sa akin. I tried to calm myself because if not, I might throw some hurtful words towards my bestfriend. I hate that.
"Okay. Make it faster." I commanded. I turned off the call and waited for someone to pick me up from this hell, until someone ask for my name. Like really? Is she kidding me?!
May nakatayo lang naman an dalawang tao sa harapan ko, isang kalbo na walang ngipin sa gitna, at isang ginang na ang gulo gulo pa ng buhok.
"The heck." Mahinang bigkas ko.
MINUTES later ay nasa kalsada na kami, na convinced nila akong isama papunta sa bahay ng friend ni kaye. I didn't know she has a low-class friend. We've been walking for minutes, and ang dami na ng taong nakichismiss.
"ma'am, nandito na po tayo." Sabi ni manong, yung may dala sa malita ko. Tumango nalang ako saka napahinto while looking sa bahay ng kaibigan ni kaye.
Actually, hindi ako complete sa things kasi nga unexpected yung pagtatalo ni mamii. Ito lang yung maleta na dala dala ko always every may lakad akong important lalo na pag labas na sa country. Well, I'm a fresh graduate pero madami na ang obligation kong binubuhat knowing na ako lang young successor ng family namin.
"Ma'am bayad po.." Nagtataka akong tumingin sa lalaking kalbo na nagbitbit ng gamit ko. What the?
"Seriously?" Inis kong tanong sabay labas ng wallet ko and kuha ng 500 saka inabot sa kanila. Wala akong barya, and diko alam if aabot pa ang pera ko sa mga susunod na buwan. Wala akong mga cards na dala dahil kay Daddy.
Nakita kong lumabas yung kaibigan ni Kaye. Nagtataka siya pero ngumiti parin sa akin. Hindi siya kaputian, may itsura parin naman kahit papaano. Masasabi mo talaga na ang layo ng pinagkaiba ng manila sa lugar na ito. Mga tao palang dito nakikichismiss na kala mo may rambulan. Like seryoso ba sila?
"H-hi? " Awkward na bati niya sa akin habang nakangiti. I forced a smile saka nag sabi ng hello. Tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ito. Nakita ko yung minsahe ni Kaye.
Frome Kaye: Diko sinabi kung sino ka talaga. They only knew na kaibigan kita pero hindi nila alam yung status ng buhay mo. Ingat ka jan best! I'll visit pag natapos ko itong shooting ko.
Napairap nalang ako sa minsahe niya but I'm still thankful na walang nakakaalam sa identity ko dito. Dapat talaga na puntahan niya ako dito kundi magagalit talaga ako sa kanya.
Sumunod na ako sa kaibigan ni Kaye papasok sa bahay nila dala ang gamit ko. Napabuntong hininga nalang ako. Saka ko nalang iisipin yung pag lisan ko dito if may mahanap na akong apartment dito.
Pagpasok ko sa bahay nung kaibigan ni Kaye ay napalunok ako. Though hindi ako nageexpect ng magarbong mae-stayhan pero sa ganitong kawayan lang, mantel sa sahig, isang bumbilya and may butas pa medyo sa bubong ay diko alam if makakaya ko. Mas matangkad pa ako medyo sa pintuan nila dito sa loob.
"Pasinsya na po sa bahay namin, Ma'am." Sabi niya na nahihiya sa akin. I took a deep breath and ngumiti nalang. Ayuko maging judgemental, hindi naman talaga natin sila masisisi kung ganyan lang inabot nila sa buhay nila. Realization hits me, I'm really fortunate. Thanks to my parents pero habang tumatagal kasi ay maslalong nalulunod sila Mammy sa business, to the point gusto nila akong ipakasal sa isang tao na diko kilala. Malamang taga business world rin yung taong yun. Ang ayuko sa lahat pinapakialaman nila ako.
"Kain kana po muna Ma'am. I coke pods for you." Sabi niya. Natawa ako medyo sa pag eenglish niya kaya napakamot siya sa ulo habang nakangiti. Babae itong kaibigan ni Kaye, if I'm not mistaken ay kaedad lang namin halos ito.
"Thanks but I'm still full." Sabi ko nalang sa kanya saka umupo sa kahoy nilang upuan.
Nakita ko siyang pumasok sa isang kwarto dala ang gamit ko. Nung lumabas siya ay lumapit siya sa akin habang nakangiti parin.
"Doon kana po muna sa kwarto Ma'am--"
"Stop saying Ma'am. " Sabi ko sa kanya. Nagtaka naman siya sa sinabi ko kaya napabuntong hininga ako. "Ate nalang itawag mo sa akin. Parang 1 year gap or 2 lang naman agwat natin sa edad." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango.
"Okay po ate." Sabi niya . "Doon po ang kwarto mo. Pagpasensyahan mo na po. Dalawa lang kami ng kapatid ko dito, si Ate Kaye yung tumutulong sa amin minsan at siya ang takbuhan namin pag wala na kaming makain" sabi niya sa akin.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Mabait pala yung demonita na yun? Napailing nalang ako saka ngumiti.
"Saan na pala kapatid mo?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa labas nakikipaglaro po" sabi niya. Napatango naman ako. So ang babata pa pala nila. I'm 22 and these kids were alone sa bahay na to.
"If you don't mind, magtatanong lang sana ako kung nasaan parents niyo?" I asked. Nakita ko yung kalungkutan sa mga mata niya kaya sasabihan ko nalang sana na wag nalang sagutin kaso naunahan niya ako sa pagsasalita.
"Si nanay po nasa hacienda ni Mr. Taylor, katulong po siya doon. Yung bahay na yun kasi walang tao parati, bihira lang pag may nakatira doon. Si tatay naman ay nakulong. Napagbintangan." Sabi niya.
May mayaman rin pala dito? Napataas kilay ko doon ha. Akala ko kasi isang mahirap na lugar to, basi na rin sa nakikita ko nung papunta palang kami dito. Didn't expect may hacienda dito.
"Ate Mayettttt! May naniningil poooo" nagulat ako sa pag pasok ng isang batang lalaki na medyo mataba ang tumatakbo palapit sa ate niya.
"Tao po?"
Nakita ko yung lalaki na medyo nasa 20s rin. Nakasumbrero siya na may dalang papel. Nagtago naman yung bata sa likod ng ate niya, nakita ko rin si Mayet (yung kaibigan ni Kaye) na parang kinakabahan.
"W-wala po si Mama dito" sabi niya sa lalaki. Napatingin naman ang lalaki sa akin saka nangunot ang noo. Problema nito?
"Ilang buwan na kasi kayo d nakakabayad sa lupaing ito." Sabi nung lalaki. Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo ang tinignan yung papel na pinapakita nung lalaki. Napapatingala pa siya medyo sa akin dahil sa tangkad kong namana kay Mama. Well, it runs in our blood.
Nabasa ko doon na may balance sila na 30k. I can pay for it, ang kaso wala sa akin ang cards ko and hindi rin sapat ang pera sa wallet ko.
"Ahm..dalawang taon na kasi Yan ma'am na di nababayaran nila. Binabaan na nga yan ng may ari ng lupang pinatayuan nila ng bahay eh. Kaso d parin kaya bayaran, ang tagal na--" sabi nung lalaki kaso sumabat si Mayet.
"Eh kasi naman po kuya mahirap lang po kami. 500 nga lang hirap na hirap na kami san kukuha eh--" sabi ni Mayet.
"Pwede naman kayong umalis dito kung d niyo babayaran" sabi nung lalaki na kay tapang magsalita.
"Kuya, pwede next month ka nalang bumalik? I'll pay it double. "Sabi ko sa kanya. Parang nagningning naman yung mata niya.
"Okay, Ma'am! ---Hoy kayo! Pasalamat kayo dito sa bisita niyo! " Sabi nung lalaki saka ngumiti ulit saakin sabay alis ng bahay. Napabuntong hininga naman ako. Now, saan ko kukunin yung bayad? Argh. Bahala na, for now ang importante ay hindi na sila mae-stress sa bayarin na yun.
"A-ate salamat po." Sabi ni Mayet.
"Walang anuman" sabi ko sa kanila and ngumiti.
Nakita kong sumaya na ang mga mukha nila, napangiti narin ako. I hope makakasurvive ako dito kahit saglit lang.
PLEASE ENJOY READING🤗
REMINDER: NO HATE, JUST LOVE.
THIS WORK IS WRITTEN IN TAG-LISH, KASO WALANG FILIPINO SA LANGUAGE OF WORK KAYA DI KO MAAWARE YUNG READERS NA SUSUBOK SA BOOK NA ITO, PERO SANA MAGUSTUHAN NIYO.-Ms.Ewan
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments