CHPATER 3

"Manang, natatakot ako" pag amin ko kay Mannag na ngayon ay parang may hinahanap sa loob ng Mansyon.

Ang lawak ng hacienda nila, sa gitna nun may malaking Mansyon, parang mas malaki pa sa Mansyon namin sa bahay. D maitatanggi na d basta basta yung may ari ng Hacienda na ito.

"Wag ka matakot." Sabi niya sa akin and hinila na ako palapit sa isang babae na may kausap na mga katulong.

"Ma'am. May ipapakilala po ako" Sabi ni Manang Bett. Napaharap sa akin yung may katandaan na na ginang.

"Oh, Bett. " Sabi niya, parang maldita ang matandang ito kasi nakataas pa ang kilay eh. "At sino naman ito?" Tanong niya kay Manang Bett.

"Hello, I'm Czarina. I want to apply here po" sabi ko sa kanya, nakalahad pa ang kamay ko. Gulat naman si Manang Bett sa formality na ginawa ko habang lahat sila nakatingin sa nakalahad kong kamay. Pinalo ng pamaypay yung nakalahad kong kamay kaya diko maiwasa  mapadaing.

"Ma'am! Wag naman po ganyan." Sabi ni Manang sa kanya. Napahawak ako sa kamay kong napalo. Like ang sama naman ng matandang to. If I know siya yung Old na Maid dito, yung leader ng mga katulong.

"At bakit? I'm sure  iba pakay niya dito." Masungit na sabi niya. Sinasagad niya ba pasensya ko?

"Di naman po." I said. I'm stopping myslef to fight her back, baka hindi ako makahanap ng trabaho pag naoffend ko tung matandang to. Siya yata naatasan magbantay sa Mansyong ito.

"Sa gandang mong yan? I'm sure wala kang alam sa gawaing bahay. " Sabi niya pa sa akin. "Sa balay mong makinis at maputi, malabong taga rito ka. Sa itsura mo palang na maganda, and perpekto, I'm afraid baka si Sir lang pakay mo."dagdga niya pa.

"What's with my beauty? I'm here to work, not to flirt." Inis na sagot ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay saka lumapit siya sa akin na parang sinusuri talaga ako kung totoo ba sinasabi ko.

"Para malaman mo, Kasala na si Sir. Kung balak mo manira ng pamilya, pwes umalis ka." Sabi niya sa akin. And i get it. I slapped her.

"That's too much! I just want to work here because that's the only thing we know that can help us from starvation. How dare you judge me without knowing the real me?" I angrily said. Magsasalita pa sana siya nung biglang may malamig at malakas na boses ang nagpatigil sa amin.

"What's goin' on here?" Tanong niya. Naglakad siya papalapit sa amin, pati ako nastatwa sa aura niyang diko malaman laman pwera sa nakakatakot ito.

He's tall, white and ang gwapo. If I'm not mistaken he's already 30 pero diko siya bet. Wait, sino bang may sabi na bet ko siya? Wala naman eh.

"Señorito, yang babae kasi mag aapply na nga lang nananampal pa" sumbong niya.

"Hoy Ma'am, ikaw kaya humusga sa kanya" tanggol naman ni Manang. Hinawakan ko siya sa kamay para mapakalma. Baka parehas pa kami mawalan ng trabaho dito. Kahit naiinis ako sa matandang yun ay ayuko rin naman na dahil sa akin mawala ng trabaho si Manang Bett.

"You're?" He asked me. Tinignan ko siya sa mata. Ang lamig. Those black eyes and pointed nose, are perfectly placed sa mukha niya.

"I'm Czarina." Sabi ko sa kanya. Paano ko ba ito ieexplain, baka pati siya maweirduhan saakin. Sa ganda kong to narereject?tsk.

"Czarina? Surname please." Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay, I saw him smirked sa pagtaas ng kilay ko.

"Sorry, but I can't give you my family name." Sagot ko sa kanya. Sa mundo ng mayayaman, mabilis ka nilang ipainvestigate para makuha background mo.

"So tough. " Hes said. "If you wish to work here, feel free." Sabi niya saka tumalikod na at umalis. Naiwan kaming nakanganga kasama yung mantang maldita sa sobrang gulat. Wait? Tanggap na ako?!

"Oh may gash hija! Tanggap kana!" Sabi ni manang Bett and niyakap ako. Nagdadabog na umalis ang maldita na ginang kasama ang dalawang kausap niya kanina na mga katulong rin.

"Nakuu hija! Ngayon ko lang nakita yung lalaking yun  diko akalain na gwapo niya pala" kinikilig na sabi ni Manang Bett. Natawa naman ako sa inasta niya. Kahit ako d nakapaniwala na natanggap ako .

"Nakuuuu. Halikana. Magtrabaho na tayo. Katylong tayo, so nasa loob lang tayo ng bahay " sabi ni Manang. Tumango naman ako and dinala nila ako sa maid quarter. Sabi ni Manang bihira lang de siya makauwi doon sa bahay nila kasi lahat dw ng katulong dito ay naka stay in. Every weekend lang siya pwede, pero nakadependi kung may bisita dito or wala.

Binigyan nila ako ng uniporme para makapagpalit na. Pagpasok ko sa CR ng mga katulong ay napabuntong hininga ako. This is it. I'm doing this for my life. For my happiness.

After ko magpalit ng uniporme ay lumabas na ako and dumiretso sa kusina. Nakita ko silang busy doon.

"Czarina, ikaw na muna magluto para sa lunch ni Señorito." Sabi ni Manang Bett sa akin. Biglang aking kunabahan.

Kakauspain ko pa sana siya kaso umalis siya dala ang ibang mga gulay. Naiwan ako kasama ang ibang maids na busy sa kanya kanyang gawa.

Ang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa mga nangyayari. I DON'T KNOW HOW TO COOK!

"May isang oras nalang bago ang lunch. Ayaw ni Sir na late and madumi ang buong bahay." Sabi nung malditang Ginang na nakasagutan ko kanina.

"Bahala na." Bulong ko sabay kuha nung kawali and mga pwede ko maluto. Gish, diko alam anong lulutuin ko. Naalala ko bigla yung mga niluluto sabbahay na simple lang.

Nagprito ako ng itlog, basta itlog yun na yun. May saysage rin sila dito kaya prinito ko na rin. Halos d ko pa maayus dahil sa mga mantikang tumatalsik. I don't know ang hirap pala kahit magluluto kalang.  Eh paano kung ako mag mag isa always ako nag oorder sa labas. Never ko naturuan sarili kong magluto. And today, I'm doomed.

After ko maprito mga need prituhin ay nag try naman ako sa adobo. Di ko kabisado yung ingredients nun basta ang alam ko may tuyo. Nilabas ko yung manok  and hiniwa. Nung kompleto na yung sa paningin ko ay sangkap, ay niluto ko na. Ang goak ko lang ay makuha ko yung itsura ng kinakain ko sa bahay.

"Ibigay na ang pagkain!" Sabi nung Ginang Maldita. Nataranta naman ako, anong oras na pala, alas dose na.

Nakita ko si Manang Bett na natataranta papalapit sa akin sabay tingin sa mga niluto ko. Napaface palm siya sa ginaw ako. Tinignan ko naman yung mga niluto ko. Well, medyo umitim yung mga prinirito kong itlog and saugsage. Kasalanan talaga yun ng Mantika eh.

"Jusmeyo, Czarina. Baka unang araw palang sesante kana." Sabi niya sa akin.

Natawa naman yung Ginang na Maldita sabay irap sa akin. "Sana nga matanggal kana agad. Performance mo ay kay pangit." Sabi niya sa akin.

Napayuko naman ako. Di na napigilan ni Manang Bett ang yung mga katulong na nagdadalanng mga niluto ko para ibigay kay Señorito.

"M-manang... Diko alam mag luto." Kinakabahan kong pag amin sa kanya. Parang naawa naman siya sa akin. Hinaplos niya nalang yung likod ko para ipakalma ako.

"May I know who cooked my food?" Narinig kong yung boses ni Señorito. Diko alam. Pero mas lalo akong kinabahan. Sa buong buhay ko never ako natakot ng ganito. Madami akong maling nagawa pero not here. Di sa taong to.

"M-manang.-" kinakabahan kong tawag sa kanya. Humarap siya sa akin and ngumiti. Hinila niya ako palabas ng kusina and nagpakita kami kay Señorito na parang hindi nagustuhan ang mga niluto ko.

"A-ako po yung nag luto señorito." Sabi bigla ni Manang. Nagulat ako sa ginawa niyang pag ako ng ginawa kong mali.

"Manang.." tawag ko sa kanya. Hinawakan niya lang ang kamay ko ng mahigpit pero hindi niya ako nilingon.

"Explain." Maikling demand niya  naramdaman kong nanginig si Manang  kaya pinigilan ko na siya bago magsalita.

"Sorry, it's my fault." Sabi ko. Napalingon siya saamin. Nahuli ko nanaman yung matang diko mabasa kahit isang emosyon.

"Don't know how to cook?" Sabi niya. Napayuko ako. Hindi ako makasagot kasi totoo naman. First time ko magluto sa buong buhay ko.

"Tanggalin nyo na sir. Baka mapahamak pa kalusugan niyo." Sabi nung Malditang Ginang.

"Ang sama mo talaga Ma'am" sabi ni Manang.

Kung pwede ko lang talsga patulan yang matandang yan, kanina ko pa sana ginawa. Nakakainis lang.

"Totoo naman. I'm sure aakitin niya lang si sir. Papaawa effect para magustuhan--"

"Hey. You're too much. You're such a judgemental!" I scolded. Nakakainis na. Parang diko na kaya yung ginaganito ako.

"Wag moko ma english-english jan. Pulubi ka naman--"

"STOP." Sigaw ni Señorito sa amin. Diki maiwasang di mapaluha. For the first time nakarinig ako ng mga salita na never ko narinig. Agad ko pinunasan ang luha ko and naisip ko naman na pag susuko ako dito, baka wala na talaga akong magawa.

Yes, Modelo ako, pero wala akong magagawa dun kasi controllado ni Daddy  binayaran niya yung Agency na kumukuha and nagaalaga sa akin na wag ako ipagtanggol. How bad he was!

"From now on, you clean my room and the entire house. You're not allowed to cook unless I say so. Get it?" Malamig niyang sabi. Agad akong tumango sa kanya.

Diko alam kung maflaflatter ako or what, kasi nakita kong kinain niya yung mga niluto ko ng walang pag aalinlangan. Ngumiti si Manang Bett sa akin and kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko dahil d napunta sa sayang yung mga niluto ko. D man presentable,pero atleast okay naman yung lasa kahit hindi mashadong masarap.

Mashado siyang mabait para tanggalin ako sa konting pagkakamali. I smiled for that thought.

--------

ENJOY READING! LET ME KNOW YOUR COMMENTS.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play