Chapter 5: Lindol
Written by BlackRavenInk16
LIMANG MINUTO na lang, magsa-start na siya sa work kaya nagbubutinting muna siya ng cellphone.
Nakita niya ang post ni Marga kasama ng boyfriend nito na kabirthday din niya. Pinusuan niya iyon kaya tinawagan siya nito.
"Pasensya na girl, hindi tayo nakapagcelebrate!" sabi nito sa messenger.
"Ayos lang 'yon. Alangan namang unahin mo pa ako kaysa riyan sa jowa mo."
"Nasaan ka ngayon? Tapos na ba handaan n'yo?"
Bigla siyang nalungkot nang marinig ang sinabi nito.
"Walang handaang naganap. Nasa work na ako," sabi niya.
"Ano? Hindi ka man lang hinandaan ng family mo?" Kumunot ang noo nito.
"Hayaan mo na. Nakalimutan nila. Kasalanan ko rin kasi hindi ko sinabi," sabi niya.
"Hindi mo kailangang sabihin dahil dapat maalala nila iyon ng kusa. Para saan pa at pamilya kayo? Nakalimutan na nga nila last year, pati ba naman ngayon?"
"E gano'n talaga, e. Wala akong magagawa." Nagkibit-balikat na lang siya but deep inside, malungkot din siya.
"Magboyfriend ka na kasi, friend! Para may nag-aalaga na rin sa 'yo katulad ko! Tingnan mo ako, kahit wala ring pakialam ang parents ko sa akin, hindi ako sad dahil nandito si Bruno sa tabi ko. Mag-jowa ka na rin!"
Tumawa lang siya.
"Madali lang 'yang sabihin pero mahirap gawin. Saan naman ako makakahanap ng forever? Ni wala ngang nagkakagusto sa akin."
"Hindi na ngayon dahil nakapag make over ka na! Ipagpatuloy mo lang 'yang naumpisahan ko, tingnan mo, may magkakagusto rin sa 'yo. Saka hindi mo ba alam na masarap magkaroon ng boyfriend? May nag-aalala sa 'yo, nag-aalaga. May kausap ka pa palagi," sabi nito kaya medyo napaisip siya.
Masarap nga siguro sa pakiramdam ang ganoon. Lalo na sa isang katulad niya na uhaw sa atensyon at pagmamahal, impokrita siya kung hindi niya sasasabihin na hindi niya rin pinapangarap na may taong magmamahal sa kanya.
"Pero 18 years old pa lang tayo. Masyado pa tayong bata 'no," sabi niya.
"Iyon na nga girl, dapat ienjoy natin ang kabataan natin. Hindi naman natin seseryosohin masyado, enjoy lang."
"Tama na muna siguro si Ace sa buhay ko. Hanggang crush na lang muna ako," nakangusong sabi niya.
"Hay, ewan ko sa 'yo. Naghahangad ka na may magmamahal sa 'yo pero parang masyado ka namang nasanay sa pagiging single. Hindi naman masamang humanga, tingnan mo ako, kahit may boyfriend na ako, crush ko pa rin si Max. Pero iba pa rin kasi iyong may napagnanasaan ka ng personal kaysa nangangarap ka lang nang hindi mo naman maaabot. Mga Diyos 'yang mga crush natin kaya doon muna tayo sa mga normal na tao. Maintindihan mo rin ako kapag nagkajowa ka na!"
"Magjo-jowa lang ako kapag si Ace ang nagkagusto sa akin! O kaya si Max, pwede na rin," pabirong sabi niya.
"Gaga! Huwag kang matakaw, akin na 'yon! Si Kai na lang ang second husband mo!"
"Bakit dalawa lang kung pwede namang tatlo sila?"
"Sugapa!"
Tinawanan lang niya ang kaibigan.
"O siya, sige na, alis na ako, dito na si Bruno! Bye, bestfriend!"
Iyon lang at tinapos na ni Marga ang video call nila.
Napapangiti na lang siya habang naaalala ang kaibigan. Ito na lang talaga ang nagpapasaya sa kanya lalo at pakiramdam niya, buong mundo, ayaw sa kanya.
Mag-o-online na sana siya sa chat para mag-umpisa na sa work nang bigla na lang lumindol ng malakas. Nagpatay sindi pa ang mga ilaw doon sa cubicle nila kaya lalo lang nagpanic ang lahat.
Agad na nagsipuntahan sa ilalim ng table ang lahat at siya, puno ng kaba ang dibdib dahil nasa 20th floor sila ng building. Kapag gumuho iyon, sureball na deds na siya!
Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay huminto na ang lindol.
"Guys, relax. Tapos na ang lindol, get back to your seats," sabi ng TL nila.
"I'm sorry but I want to file vto, tl. I want to go home now."
"Oo nga, gusto na naming umuwi. Hindi na kami makakapagconcentrate sa trabaho kapag ganito."
"Baka mamaya lumindol ulit at gumuho itong building, nakakatakot na tl!"
Sabi ng mga kaworkmate niya. Sino nga ba naman ang makakapagtrabaho pa sa gano'ng sitwasyon? Kahit siya, parang nagsisisi na rin na pumasok pa siya.
Sana pala tinulog na lang niya ang birthday blues niya
Hindi bale sana kung mahina lang ang lindol kaso ang lakas. Mabuti na lang, mukhang moderno ang pagkakagawa ng building na iyon at matibay kaya buo pa rin sila.
"Guys, we can't do that! You all know that we have an ongoing sales and we need permission from the management before we do any action--"
"Ah, bahala kayo, aalis na ako!"
Hindi na nagpapigil ang isang kaworkmate niya.
"Ako rin! Bahala na kayo kung iterminate n'yo ako, basta uuwi na ako!" sabi naman ng isa pa.
"Mas mahalaga ang safety kaysa sa work, tl!"
"True! 'Di naman kami mga tagapagmana ng kumpanya, 'di kami magpapakamartir dito!" sabi ng isa pa.
Hanggang sa wala ng natirang mga empleyado sa loob maliban sa kanilang dalawa.
"Fine, you can also leave now. I already received a text from the management that we can all go and they will close chat support for the meantime," sabi ng supervisor nila na talagang pinanindigan ang pagiging employee of the year. Kulang na lang dito patayuan ng monumento dahil sa sobrang dedicated at loyal nito sa trabaho. Talagang hindi umalis ng walang abiso.
Hindi na siya nagdalawang isip at lumabas na rin siya ng room na iyon kasama ng tl niya. Nagkukumahog na sila sa pagbaba.
At hindi lang pala sila ang mga nagmamadaling bumaba kung hindi ang halos lahat ng naroon sa building. Halos lahat sila, sa hagdanan bumababa dahil sa takot na baka matrap sa elevator.
Halos patakbo na nga kung bumaba ang iba at ang malala, sa sobrang panic, nagkatulakan at nagkadaganan pa!
"Tulong!!! Ahhh!!!" pagsigaw ng isang babae na nadapa at ang mga taong naroon, walang pakialam at kanya-kanyang baba na lang!
Dahil sa sobrang panic, tila mga natataranta na rin at sarili na lang ang iniisip. Inaapakan pa ng mga ito ang may edad na babae.
Nagmamadali siyang bumaba at lumapit papunta rito. Tinulungan niya itong makatayo at ang tl naman niya, humarang din sa mga tao at kumapit sa hawakan ng hagdan para walang bumangga sa kanila.
"Ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong niya sa matanda.
"Oo, salamat, ineng," sabi nito.
Iyon lang at lahat sila, sabay-sabay nang bumaba paalis ng building na iyon.
- To Be Continued...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments