Chapter 2: Adopted

Chapter 2: Adopted

Written by BlackRavenInk16 

BIRTHDAY ni Dahlia no'ng araw na iyon kaya medyo excited siya. 

Pero ang mga magulang niya, tulog pa rin kaya siya na ang nag-asikaso sa kapatid niyang 10 years old para makapasok sa school.

"Wow. Bango na ng baby namin. Pakiss nga kay ate!" sabi niya sabay halik sa pisngi ng kapatid niyang si Mark.

Pero lumayo lang ito sa kanya. Parang naiinis pa.

"Ate naman, e! Hindi na ako baby, 'no!" nakasimangot na sabi nito. 

"Hmp! Lumaki lang ng kaunti, feeling binata na. Bakit, may nililigawan na ba ang baby namin na 'yan?" pang-aasar pa niya rito na kinurot pa ang pisngi nito. 

"Aalis na ako, ate! Malelate na ako!" sabi nito na hindi pinansin ang pagbibiro niya.

"Sige, ingat ka bunso, ah?" sabi naman niya.

Iyon lang at tumalikod na ito at naglakad palabas ng pinto. 

Pero bago pa man ito makalabas, tinawag niya itong muli.

"Mark!" tawag niya.

"Bakit po?"

"Wala ka bang naaalala ngayong araw?" tanong niya saka ngumiti.

"E, ano naman ang maaalala ko ngayong araw?" masungit na tanong ng kapatid niya.

"Ah, wala. Sige, alis ka na. Ingat ka, ah," sabi niya. 

Ano bang inaasahan niya? Na maalala ni Mark ang birthday niya? He's just 10 years old, baka nga hindi pa nito saulo ang kalendaryo.

But for some reason, parang kinakabahan siya ngayong araw. Hindi niya alam pero may masama siyang pakiramdam na para bang may mangyayaring hindi maganda.

Naglinis lang siya ng kaunti sa kwarto nila ni Mark at pagkatapos ay nagluto na ng aalmusalin ng mga magulang nila para paggising ng mga ito ay may kakainin na. 

Walang trabaho ang papa nila pero may isang paupahan ito sa tabi ng bahay nila. Sakitin na ito pero kahit papaano, nakakapaglakad pa naman. Ang mama naman niya ay walang trabaho. Sa bahay lang ito at madalas, kaisa sa mga marites na madalas ay tsismisan tungkol sa kapitbahay ang hobby.

Kung minsan nga kahit siyang anak nito, topic din ng tsismis nito at ng mga kumare nito. Madalas, nilalait siya ng sarili niyang ina. Kesyo hindi raw siya marunong mag-ayos ng sarili at mahina raw ang ulo niya. Hindi raw siya katulad ng ate niya na isang superstar na malaki ang kinikita. Siya raw palamunin.

Nasasaktan siya sa sinasabi ng ina niya pero hindi na lang niya pinapansin. Kahit hindi naman talaga totoong palamunin siya dahil working student naman siya. Totoong hindi kasing laki ng ate niya ang sahod niya pero kahit papaano, nakakapag-abot naman siya. 

Maliit nga lang dahil kahit pa may mga part time job naman siya, nauubos lang din ang kita niya sa mga school projects at allowance sa school. Scholar din siya sa sikat na university na pinag-aaralan nila kaya hindi rin totoong mahina ang ulo niya. Nag-apply siyang scholar dahil kung hindi niya gagawin iyon, hindi talaga siya makakapag-aral ng college. 

First year college na siya sa kursong HRM. Maaga siyang nag-aral noon sa elementary kaya mas bata siya ng isang taon sa mga kaklase niya.

Pero kahit scholar siya, syempre hindi naman kasama roon ang mga gastos sa uniform, miscellaneous fees at baon niya kaya kailangan pa rin niya ng pera. Kaya naman minsan lang talaga siya makapag-abot sa ina. Although nag-aambag naman siya ng pagkain sa bahay, tubig at kuryente, para sa ina, hindi pa rin sapat iyon dahil hindi naman dito napupunta iyon kung hindi sa pangangailangan nila.

"Mabuti pa si Misty, ang laki na ng kita sa showbiz, ano?"

"Swerte mo, Mareng Inday, naging anak mo siya!"

"Pero bakit nga pala ni hindi man lang namin nakikita ni anino ng anak mo? Halos limang taon na siyang hindi umuuwi sa inyo, ah? Anak mo pa ba talaga iyon?" pang-eechos naman ng isang kumare nito.

"Gaga! Syempre busy sa trabaho ang anak kong maganda! Aba, sikat na sikat na siya, syempre wala lang time pumunta rito. Ang mahalaga, nagpapadala naman siya ng pera! Malaki ang pakinabang ko sa anak kong iyon. Hindi katulad niyan ni Dahlia!" sabi pa ni Inday.

Biglang kumalabog ang dibdib niya nang marinig ang pangalan. Kakatapos lang niyang maligo kaya paglabas niya, narinig niya ang pinag-uusapan ng ina sa harap ng bahay na malapit sa banyo nila. 

"E 'di ba masipag naman iyong anak mo na 'yon? Buti nga kahit hindi n'yo na siya pinag-aaral, napag-aaral niya ang sarili niya. Maswerte ka pa rin!"

"Wala akong pakialam sa kanya dahil hindi ko naman siya tunay na anak! Hindi ko nga alam kung bakit hinahayaan ko pa na tumira iyon dito! Sayang lang ang kinakain niya."

Nanlaki ang mga mata niya.

Kung ganoon ay hindi siya tunay na anak ng mama niya? Kaya naman pala hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya.

Matagal na niyang napapansin iyon. Ang bunso nilang si Mark, lahat ng gusto nito ay ibinibigay nito. Ang Ate Misty naman niya, kahit halos hindi na sila lingunin nito ngayon dahil may pangalan na ito, pinagmamalaki pa rin ito ng ina. Kahit pa madalas ay kinakahiya sila ng ate niya sa ibang tao at tinatanggi na kapamilya. 

Ang akala niya noon, kaya ganoon ang mama niya sa kanya ay dahil bunso si Mark at may magandang trabaho naman si Misty. Dagdag pa na middle child siya. Iyon pala ay dahil hindi siya anak nito.

Biglang tumulo ang luha sa mga mata niya. Kaya naman pala...

"E sino pala ang nanay niya kung gano'n? Anak ba ni Bong sa ibang babae?" Parang nabuhayan ng dugo ang kumare ng mama niya nang makarinig ng tsismis.

"Naku, hindi niya rin anak iyon. Ang sabi niya, napulot lang daw niya iyon sa kalsada, baka tinapon ng nanay. Saka hindi naman niya kamukha ang batang iyon. Kaya nga wala akong kaamor-amor," sabi pa ni Inday.

Hindi na niya pinakinggan pa ang ibang sinasabi ng mga ito at agad na lang siyang pumunta sa kwarto niya at doon nag-iiyak. 

Sa pamilya nila, ang tatay lang niya ang mabait sa kanya. Iyon naman pala ay dahil hindi siya parte ng pamilya. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit madalas, nararamdaman niya na mag-isa lang siya. Iyon pala ay dahil mag-isa na lang talaga siya. Kahit ang totoong magulang niya ay tinapon siya...

Napatingin siya sa poster ng favorite niyang artista na si Ace Montenegro Park. Nakangiti ito roon at tila ba sinasabi ng mga mata nito na huwag na siyang umiyak. Kaya naman pinunasan na lang niya ang luha sa mga mata at nagbihis na ng school uniform para pumasok na rin.

Bumuntong-hininga siya ng malalim saka pinilit na ngumiti sa poster ng hinahangaan niyang aktor. Ang tanging tao na nagpapasaya sa kanya kahit hindi naman siya kilala nito.

"Kaya ko 'to! It's my birthday today! Hindi dapat ako malungkot!" sabi niya kahit sa totoo lang ay down na down talaga siya dahil sa nalaman niya na ampon lang pala siya.

"Alis na po ako, 'nay," sabi niya na nagmano pa sa ina paglabas niya ng bahay.

"Magdala ka ng andoks mamaya pag-uwi mo, ha," nakataas ang kilay na sabi nito.

Nang marinig ang sinabi nito ay tila nalusaw ang tampo niya dahil sa sinabi nito kanina. Mukhang naaalala naman pala nito ang birthday niya. Kaya siya pinagdadala ng ulam. Baka magluluto ito para sa kanya at idadagdag ang andoks na gusto nito sa handa.

"Sige po, 'nay, alis na po ako!" sabi niya na yumakap pa rito. 

"Siya, sige, mag-ingat sa byahe, ha," sabi pa nito.

"Sige po, salamat po. Mauna na ako..." Iyon lang at naglakad na siya palayo sa kanila.

Bumuntong-hininga siya. Gusto sana niyang kausapin ang ina dahil sa narinig niyang sinabi nito kanina tungkol sa pagkatao niya pero parang hindi pa niya kayang gawin iyon ngayon. Masyado pang masakit para sa kanya. 

Isa pa, wala rin naman itong alam kung sino ba talaga ang totoong mga magulang niya. Marami pa namang araw, siguro bukas na lang.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play