Chapter 3: Getting Bullied.
Written by BlackRavenInk16
"GRABE, ang gwapo talaga ni Ace! Sana makita ko siya sa personal!"
Pagpasok pa lang ni Dahlia sa classroom, bulungan na agad ng mga humahagikhik niyang klase na may hawak na magazine ang narinig niya.
Naupo na siya sa silya niya habang mga kaklase niya, nagkukumpulan sa isang sulok habang pinagpepyestahan ang machong katawan ni Ace na half naked sa magazine.
Sa panahon kung saan kdrama at mga kpop idols na ang sikat, kayang-kaya pa rin talagang makipagsabayan pagdating sa kasikatan ni Ace Montenegro Park. Well, half korean din naman ito pero sa Pilipinas pa rin ito lumaki kaya mas sanay itong magtagalog. Pero kahit ganoon, ang looks ng mga koreano na kinababaliwan ng mga kabataan ngayon ay taglay nito kaya kahit nasa local industry ito, umaariba pa rin ang career nito.
Hindi lang gwapong mukha ang taglay ni Ace, magaling din itong sumayaw, umarte at kumanta. Kahit sino, masasabi na deserve nito ang kasikatan nito ngayon.
Kaya nga kahit siya, idol na idol niya si Ace. Wala siyang pinalalagpas na mga movies, tv series at albums nito. May koleksyon din siya ng mga posters, postcards at magazines nito katulad ng mga kaklase niya. Pati nga unan niya at mga bed sheets, may mukha rin ni Ace.
Ganoon siya kabaliw dito. Iyon nga lang, pagdating sa concert ticket, wala siya. Mahirap maging poor.
"Best, puro sila Ace 'no? Hindi lang naman siya ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo! Ako, si Max ang dream guy ko! Ang gwapo niya best!" Halos himatayin sa kilig si Marga saka inilatag sa harapan niya ang newspaper na binili nito.
Isa namang business tycoon ang kinababaliwan nito. Si Maxwell Davis. Gwapo rin at sikat ang lalaking kinababaliwan nito. Bukod doon, matalino pa. Iyon nga lang, kahit sikat ito, kaunti pa rin ang nalalaman ng mga tao tungkol dito. Paano ba naman kasi, masyadong pribado ang buhay nito. Kahit Facebook nito at instragram account, nakaprivate.
Sa sobrang yaman nito, barya lang siguro ang kinikita niya rito. Marami itong iba't-ibang klase ng business, mapa-real estate business, clothing brands, hotels and restaurants at marami pang iba. Kaya hindi nakapagtataka na hinahabol din ito ng maraming babae at kahit ang mga katulad nila, kilala rin ito.
"Gwapo nga siya, friend. Kaso mukhang wala ka namang pag-asa sa kanya. Mukha siyang seryoso sa buhay, ni hindi ngumingiti tapos ikaw kengkoy. 'Di kayo compatible," prangkang sabi niya.
"Hoy, grabe ka naman sa kengkoy! Hindi mo ba alam na opposite attracts? Kapag nakita niya ang alindog ko, mala-love at first sight siya!"
"Oo, sige. Sabi mo, e!" natatawa na lang na sabi niya.
"Hay naku, prend, ang sarap hilahin ng buhok mo!" nanggigil na sabi ni Marga.
Natawa na lang siya dahil sa sinabi nito.
Maya-maya, bigla na lang lumapit sa kanya ang kaklase niyang si Rita, kasama ang dalawa nitong kanang kamay na si Becky at Sarah.
"Hoy, where's my assignment?" nakasimangot na tanong nito.
Agad naman niyang binuksan ang bag saka inabot ang notebook nito rito.
"Siguraduhin mo na tama ang mga sagot dito dahil kung hindi, tatamaan ka sa akin!" sabi pa ni Rita.
"Hindi ko maipapangako, kahit scholar ako, pagdating sa math hindi ako gaanong magaling pero ginawa ko naman ang best ko," sabi niya.
"Aba, Rita, pinopolosopo ka, oh!" panggagatong ni Bhecky.
Parang nainsulto naman lalo si Rita.
"Hoy!" muling sabi ni Rita saka lumapit sa kanya at hinila ang kwelyo ng damit niya.
Nakaramdam naman siya ng kaba. Siga talaga itong si Rita. Maganda pa naman sana pero mahilig sa basagan ng ulo at gulo kahit pa na babae ito. Gangster kung tawagin ng iba.
"Hindi mo ba alam na may koneksyon ang daddy ko sa mafia na si Kai Ashford? Don't tell me, hindi mo siya kilala?" tanong nito.
"Wala naman sigurong hindi nakakakilala sa kanya. Kinatatakutan siya ng lahat," sabi niya.
Totoo naman ang sinabi niya. Kahit ang ordinaryong tao lang na katulad niya, kilala ang sikat na si Kai Ashford. Kalahating pilipino, kalahating amerikano at kalahating italyano ang lahi nito. Kilala ang pangalan nito dahil sa paggawa ng masasamang bagay sa mundo. Isang tao na ginagawa ang lahat ng naisin out of a whim at hindi nangingiming pumatay na walang kinatatakutang batas. Ito ang ulo ng iba't-ibang klase ng underground business katulad ng pagbebenta ng drugs, ilegal na pasugalan, shark loans, human trafficking at marami pang iba. Marami ring kontrol na mga corrupt politicians at mga pulis si Kai. Kung tutuusin, parang ito na mismo ang batas at Diyos ng mga kriminal. Walang hindi natatakot dito.
Sabi nga ng iba ay marami na raw itong napatay pero kahit kailan, hindi nakahimas ng rehas dahil sa lakas ng impluwensya. Mabubura ka sa mundo na walang nakakaalam kapag kinalaban mo ang isang katulad nito.
Pero kahit ganoon, napakagwapo nito. Macho, matangkad, matangos ang ilong at may magagandang pares ng mga mata. He has dark hair, piercing blue eyes and fair skin with olive undertones. He also has a square jaw and a menacing bad boy smile. Kahit sino'ng babae, masasabing malakas ang dating nito kaya kahit masama itong tao, marami ang binabalewala na lang iyon. He's a handsome devil.
"Kilala mo naman pala siya at dahil may koneksyon ang pamilya ko sa kanya, ibig sabihin lang no'n, malaki ang consequences kapag kinalaban mo ako. Kaya kung ako sa 'yo, tigil-tigilan mo ang pagsasasagot sa akin ng ganyan kung ayaw mong baragin ko 'yang mukha mo," sabi nito.
"Sorry, sige, hindi na ako sasagot," duwag naman na sabi niya.
Iyon lang at binitawan na siya ni Rita saka umalis na ito sa harapan niya.
Para siyang natanggalan ng tinik sa dibdib ng makaalis na ang bruha.
"Girl, bakit mo naman ginawa ang assignment niya? Kaya ka nabubully, hinahayaan mo lang siya!" halos pabulong na sabi ni Marga.
"Tatlo sila, isa lang ako. Kahit isumbong ko siya sa mga teachers, pagdating sa labas, aabangan din ako ng mga 'yan. Ayoko lang ng gulo kaya hinahayaan ko na lang sila," sabi naman niya.
"Pero parang hindi naman yata tama na gawin na lang nila kung ano ang gusto nila. E 'di ipapulis mo na lang para magtanda ang mga 'yan."
"Hayaan mo na. Hindi mo ba narinig ang sinabi niya na konektado siya kay Kai Ashford? Kung totoo iyon, ibig sabihin, malaki din ang impluwensya ng pamilya niya. Ayong mainvolve ang buhay ko sa isang demonyo 'no. Gusto ko pang mabuhay ng matagal."
"At naniwala ka naman do'n? Girl, halata namang nagsisinungaling lang siya! Kahit nga mga celebrities at mga sikat at mayayamang tao, hirap na hirap magkaroon ng koneksyon kay Kai Ashford, siya pa kaya na hindi naman gano'n kayaman? Girl, inuuto ka lang no'n! Nagpapauto ka naman!" prangkang sabi nito.
"Hayaan mo na. Gano'n talaga ang life, hindi patas," sabi na lang niya.
Totoo naman talaga na hindi patas ang buhay. Mula pagkabata pa lang niya ay napapansin na niya iyon. Ang mga magulang niya ay palaging parang nanghihinayang na magbigay sa kanya noon. Ultimo mga damit niya, puro pinaglumaan. Kahit minsan, wala siyang gamit na hindi na nagamit ng Ate Misty niya. Pero pagdating sa kapatid niyang Mark, kahit ito pa ang bunso, kahit kailan hindi niya naipasa ang mga lumang gamit niya rito.
Kahit sa tuwing birthday ng mga ito, palaging may paparty noon at handaan pero pagdating sa kanya, kung hindi pa siya ang magluluto, baka hindi pa siya magkakaroon ng handa.
Kung sa loob pa lang ng tahanan nila, nakikita na niya na hindi patas ang mundo, sa labas pa kaya?
"Hay naku, girl, maghanap ka na kasi ng magiging boyfriend mo para may magtatanggol na sa 'yo!"
"'Yan ang mas imposible, walang magkakagusto sa akin," sabi niya.
"Oh, isa pa 'yan. Paanong may magkakagusto sa 'yo kung ikaw mismo, walang confidence sa sarili mo? Maganda ka kaya, hindi ka lang nag-aayos. Kaya mamaya, sasamahan kita sa parlor, magpaganda ka!"
"Wala akong pera. Alam mo namang malapit ng dumating ang bill ng kuryente. Palaging nag-e-aircon sina Nanay kaya sigurado malaki na naman ang bill namin, dapat pag-ipunan ko 'yon."
"Oo, alam ko ng yan ang sasabihin mo kaya ako na ang bahala."
"Huwag na, nakakahiya!"
"Sus! Para saan pa ang pagiging magbestfriend natin kung hindi kita maililibre man lang sa birthday mo!"
Nanlaki ang mga mata niya.
"Alam mo?" gulat na gulat na sabi niya.
Buong akala niya, hindi nito natatandaan. Simula pa ng pagkabata niya, mababa na ang presence niya pagdating sa ibang tao. Siya iyong tipo na kahit siguro tumayo sa harap ng maraming tao ay hindi pa rin papansinin o dadaan-daanan lang. Wala rin siyang gaanong kaibigan. Dahil siguro weak ang personality niya, ang mga tao, kung hindi siya iniiwasan ay binubully naman siya katulad nina Rita. She never made an impact with other people's lives.
Sa totoo lang ay si Marga nga lang ang kaibigan niya sa school. Kung wala siguro ito, baka sobrang out of place na siya roon dahil walang gustong kumausap sa kanya.
Kung tutuusin, maganda si Marga at maraming nagkakagusto rito. Kahit kenkoy ang tingin niya rito dahil palagi siya nitong napapatawa, sa ibang tao ay aloof ito at walang ganang makipagkaibigan.
Ang sabi nito ay namimili raw talaga ito ng kakaibiganin at dahil mukha raw siyang mabait at mapagkakatiwalaan, siya ang napili nitong gawing kaibigan kahit medyo sikat din ito sa school dahil sa galing nitong mag volleyball.
"Dahil nakalimutan ko ang birthday mo noong nakaraang taon at pagcheck ko kinabukasan ng Facebook ko ay nalaman kong birthday mo pala, pinangako ko sa sarili ko na babawi ako sa 'yo ngayong taon. Pinag-ipunan ko talaga ang pampaayos mo ngayong araw, 'no! Kahit man lang isang araw ay makapagpaganda ka!"
Nangilid ang luha sa mga mata niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito.
"Salamat, prend! Ikaw lang talaga ang nagmamahal sa akin!" sabi niya.
"Oo na! Oo na! Huwag ka nang madrama riyan!" natatawang sabi ni Marga.
"Seryoso, salamat talaga, Marga. Kung wala ka siguro rito, matagal na akong nagdrop out dahil kina Rita," sabi pa rin niya.
"Don't mention it, Dahlia. Masaya rin ako na naging kaibigan kita. Huwag na tayong magdrama, nandiyan na si Sir!"
Iyon lang at pumasok na nga ang guro nila sa classroom nila at nag-umpisa nang magturo.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments