Chapter 4: Birthday Blues
Written by BlackRavenInk16
GAYA ng pinangako ni Marga, pinaayusan nga siya nito sa parlor at ito nga ang gumastos. Tumataginting na P3,000 lang naman ang ginastos nito sa parlor mapaganda man lang ang buhok niya. Hindi na iyon buhaghag at super straight na dahil pinarebond nito iyon. Pati kilay niya pinakortehan nito at bukod doon, nagmall pa sila pagkatapos. Binilhan siya nito ng maayos na damit at pati sapatos.
Kakain pa nga sana sila pero tinawagan na ito ng boyfriend nito. Kaya iyon, umuwi na lang siya. Pero kahit papaano, naging masaya siya kahit na isang tao lang ang nakaalala ng birthday niya. Halos hindi niya nakilala ang sarili sa salamin ng parlor kanina.
Hindi niya akalain na maganda rin pala siya kapag naayusan. Kahit kailan kasi, hindi siya nagparebond, ngayon lang. Hindi rin siya nakakabili ng magandang damit dahil wala naman siyang pera. Kung hindi pa niya naging kaibigan si Marga, hindi pa niya mararanasan ang gano'n.
"'Nay, ito na po ang ulam."
Ipinatong na niya sa mesa nila ang andoks na binili nang makauwi siya sa bahay. Naroon na sa hapagkainan nila ang mama, papa at si Mark pero napansin niya, itlog lang ang kinakain ng mga ito.
Mukhang hindi na nga talaga naalala ng mga ito ang birthday niya. Medyo nasaktan siya dahil noong nakaraang taon, nakalimutan din ng mga ito iyon pero ngayon, ganoon na naman ang nangyari.
Nagdudumilat ang katotohanan na mukhang wala talaga siyang halaga sa pamilyang ito. Noong mga nakaraang birthday niya, siya lang ang palaging nagluluto at nagpapaalala na birthday niya pero ngayong may trabaho na siya habang nag-aaral, mahirap na iyong pagsabayin.
"Nagawa mo pang magpaganda? Wala na nga tayong panggastos dito sa bahay!" naiinis na sabi ng ina nang mapatulala sa mukha niya na tila ba parang nakakita ng ibang tao.
"Hindi po 'nay, kasi--"
"Hindi nagpadala ng pera ang Ate Misty mo kaya wala tayong panggastos ngayong buwan! Hindi ba at sahod mo ngayon? Akin na!" pagputol nito sa sinasabi niya.
Wala na siyang nagawa kung hindi ang iabot dito ang pitaka niya sa bag. Kinuha nito lahat ang pera sa wallet niya, wala man lang tinira.
Totoong sahod niya ngayon pero sa totoo lang, marami siyang utang na dapat pa sanang bayaran pero alam niyang magagalit lang ang ina kapag nakipagtalo pa siya. Bukod doon, birthday niya at minsan lang siyang maging maganda kaya ayaw niyang mastress.
But deep inside, gusto niyang maiyak. This day should be special pero hindi niya magawang maging masaya dahil parang wala namang may pakialam.
Kakain na sana siya nang bigla siyang makareceive ng text. Ang boss niya iyon. Nakikiusap na baka pwede raw ay magcover siya sa shift ng katrabaho niya dahil biglang umabsent. Hindi raw pwedeng kulang sila sa tao dahil kyuwing daw sa chats. Part timer siya sa isang bpo company.
Tumayo na siya. Sa tingin niya, mas okay na umalis na lang siya dahil mas lalo lang siyang malulungkot na makitang tila walang pakialam ang sarili niyang pamilya sa birthday niya.
"Mauna na po ako. Kailangan ko raw pumasok sa work dahil umabsent yung isang kaopisina ko."
"Hindi ka na ba kakain, anak?" nagtatakang tanong ni Bong.
Umiling siya ng malungkot. Impokrita siguro siya kung hindi niya aaminin na kahit dito ay nagtatampo siya. Kahit ito man lang, hindi naalala ang birthday niya.
"Hindi naman po ako gutom. Sige po, una na ako," sabi niya saka tumayo na.
Saktong-sakto na bago ang damit niya na binili ni Marga. Hindi na niya kailangang magpalit. Parang hinatid lang niya ang school uniform niya.
Nakasalubong niya pa sa pinto ng bahay ang kumare ng mama niya bago siya tuluyang umalis.
"Ano ang ginagawa mo rito, mare?" nagtatakang tanong ni Inday ng makaalis na si Dahlia habang kumakain.
"Aba, nandito ako kasi may birthday. Nasaan ang mga handa? Bakit itlog at manok lang 'yan?"
Natigilan sa pagkain ang tatlong nasa lamesa.
"Wow? Don't tell me na hindi n'yo alam na birthday ni Dahlia ngayon? Nasa Facebook ko, may notification kaya ko nalaman. Sasama n'yo naman! Hinayaan n'yo lang umalis iyong bata na hindi man lang pinaghandaan? Mukhang hindi n'yo pa yata binati!" panunumbat ng kapitbahay na tsismosa.
Nagkatinginan sina Inday at Bong nang dahil sa sinabi ng kapitbahay.
"Hay makaalis na nga! Wala naman palang makakain dito!" Umalis na lang ang kapitbahay nilang matakaw.
"Kawawa naman si Dahlia. Birthday pala niya ngayon tapos hiningan mo pa ng pera," sabi ni Bong.
"Hayaan mo na. Bawi na lang tayo next year," sabi naman ni Inday na mukhang kahit papaano ay nakunsensya rin.
----
HALOS MAPANGANGA ang mga kaworkmate ni Dahlia nang pumasok siya sa office at bumati ng good pm sa mga ito. Hindi yata siya nakilala dahil pinagtitinginan siya.
"Siya ba 'yan? Grabe, ang laki naman ng ginanda!"
"Kailangan lang palang mag-ayos ng kaunti para lumabas ang ganda."
"Bro, na-love-at-first-sight yata ako!"
Sunod-sunod ang bulungan sa paligid niya pero naririnig naman niya.
Umupo lang siya sa isang sulok.
Dahil part timer lang naman siya roon, halos hindi niya nakakabonding ang mga katrabaho niya. After lunch kasi ng mga ito ang pasok niya kaya wala rin siyang masyadong kaclose. Hindi naman siya pwedeng makipagtsismisan habang nagtatrabaho. Pure work lang talaga kaya siya naroon.
Kung minsan, gusto rin niyang makipag-usap sa mga ito pero hindi niya magawa dahil nahihiya siya. Lalo at close na ang mga ito, hindi katulad niya na bagong salta lang.
Alam niyang may social anxiety siya and she can't help it. Mula pagkabata, kung hindi siya naiignore ay madalas nabubully lang siya.
Siguro dahil na rin sa mismong loob ng tahanan, palagi niyang nararamdaman na wala siyang halaga kaya natatakot siya palagi sa rejection mula sa ibang tao.
Maaga siyang dumating sa office kaya kinuha muna niya ang cellphone niya. Tinitingnan niya kung may bumati man lang sa kanya ng happy birthday pero talagang wala.
Kung minsan naiinggit siya dahil iyong mga kakilala niya na parehas niya ng birthday, kanya-kanyang handa ng mga ito. May nagpopost pa na sinurpresa sa birthday, ginawan ng video greeting compilation at bumabaha sa gifts.
Samantalang siya, kahit isa sa mga iyon, wala siya. Minsan naiisip niya kung tao pa ba siya o isa siyang potato. Bakit parang lahat ng tao, ayaw sa kanya?
Kaya ayaw niya ng birthdays. Doon kasi nabubuo ang expectations niya na pumapalya palagi at para bang obligado siyang maging masaya.
Kung wala lang siguro si Marga na kaisa-isahang taong nakaalala sa birthday niya at nag-ipon pa para mailibre siya sa parlor ay baka natulog na lang siya sa birthday niya.
"Dahlia, baka gusto mong mag-ambag. Birthday bukas ni KC, plano naming bumili ng foods to surprise her." Biglang may lumapit sa kanyang katrabaho.
"Sure, no problem," sabi niya saka nag-abot ng pera rito.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang mape-feel dahil sa biglang paglapit ng mga ito sa kanya para hingan siya ng pang-ambag. Tradisyon na sa office na every time na may birthday, nag-aambagan lahat para may panghanda sila. Pero birthday din naman ngayon pero wala man lang nakaalala.
Ganoon ba talaga kahina ang presence niya? Naignore na nga siya sa bahay, pati ba naman sa work? Ni hindi naman siya makakakain sa handaan ng mga ito bukas dahil after lunch pa ang pasok niya. Wala na rin siyang pera pero syempre, kailangan niyang makisama.
- To Be Continued...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments