Chapter Three

...Chapter Three...

ALAS-SYETE NG GABI NANG DUMATING SI TITO FELIX GALING TRABAHO. Doon na rin naisipan ni Zari ang bumaba para salubungin ito. Nasa hagdanan palang siya ay nakita na kaagad niya ang masayang pagsalubong ni Jhay-jhay sa Daddy nito. Nakita rin niya ang kanyang Tita Edna, na binigyan pa ng halik sa pisngi ang asawa.

Larawan ng isang masayang pamilya ang kasalukuyang nakikita niya ngayon sa kanyang harapan. Isang pamilyang hindi niya naranasan simula pa noong bata pa siya. Bahagya siyang nakadama ng lungkot para sa kanyang sarili pero mabilis din niyang iniwaksi iyon sa kanyang isipan. Para sa kanya, isa na lamang pangarap ang maranasan ng ganitong kasiyahan sa piling ng kanyang mga magulang.

“Oh, Zari! Ano’ng oras ka dumating?” baling sa kanya ni Tito Felix nang makita siya.

“Mga bandang ala-una po, Tito…” magalang na sagot naman niya, at saka siya lumapit rito para magmano.

“Kamusta naman ang byahe?”

“Okay naman po! Sa katunayan nga po, hindi ako nakatulog sa sobrang excitement!” masiglang kwento niya.

“Naku, Hon! Kaya ‘nung pauwi na kami rito, nakatulog siya!” dagdag na kwento ni Tita Edna.

“Naku, ganyan ka rin naman noong unang punta mo rito sa Manila diba? Kwento mo pa nga, nakanganga ka pa ‘nun sa public sa bus dahil sa sobrang antok mo!” balik ni Tito Felix sa asawa nito.

“May pinagmanahan lang itong si Zari!” sabi na lang ni Tita Edna.

Natawa naman si Tito Felix. Pero ilang saglit pa, nagpalinga-linga ito sa paligid, “Si Gerald, umuwi na ba? Nagtext siya sa akin. Sabi niya, may practice lang sila ng banda sa bahay nila Ryo. At dito siya maghahapunan?”

“I’m here!” buhat sa pintuan ay lumitaw roon ang binata, “Tamang-tama ang dating ko for dinner, right? Anong ulam?”

“Sinigang na Baboy, Tito!” tugon naman ni Jhayjhay.

“Wow!” anito saka dali-daling nilapitan ang pamangkin.

Kaagad napansin ni Zari ang pagiging malapit ni Gerald kay Jhay-jhay. Dahil kahit sa hapagkainan ay magkatabi ang dalawa. Nasa kabesera naman si Tito Felix, at katabi nito si Tita Edna na siyang katabi rin niya. Kasabay rin nila sa pagkain si Jean na katabi rin ni Jhay-jhay.

“May one month ka pa pala para magkapag-ready sa entrance exam, ija...” pagbabasag ni Tito Felix sa katahimikan nilang lahat.

“Pahihiramin kita ng mga natago kong mga note,” sabi naman sa kanya ni Tita Edna na siyang graduate rin ng Engineering.

“Basic lang naman ang exam,” biglang sabi ni Gerald.

“Wow, really?” baling ni Tito Felix, “Dahil d’yan, samahan mo siya sa university para makapag-exam!”

“No problem! Kung gusto n’yo, tuturuan ko na rin siya ng ilang teknik!” sabay ang pagkindat nito.

Natigilan naman si Zari dahil sa ginawang pagkindat sa kanya ng binata. Parang may kung ano kidlat siyang naramdaman. Never pa niyang naranasang may kumindat na lalaki sa kanya. Maski si Iking, never na ginawa iyon sa kanya.

“No thanks!” agaw ni Tita Edna, “Alam na alam ko na ang mga teknik na sinasabi mo! Baka nakakalimutan mo, pamangkin ko siya! And I’m sure, iyan din ang tinuro mo kay Aira kaya patay na patay sa’yo!”

Napahalakhak naman ng malakas si Gerald.

Maang pinasalin-salin na lang ni Zari ang kanyang paningin sa dalawa. Wala pa siyang ganoong maintindihan sa pinag-uusapan ng mga ito lalo pa’t hindi pa niya kilala kung sino ang Aira na tinutukoy ng mga ito. Hindi kaya…girlfriend ito ni Gerald?

Ang sakit naman.

Wala pang twenty-four-hours niyang crush ito, mukhang basted na siya kaagad!

“Ilang taon ka na ba, ija?” biglang taong sa kanya ni Tito Felix.

“Twenty po,” tugon naman niya.

“Hmmm…mas matanda pala si Gerald ng dalawang taon sa’yo!” tuwa ni Tita Edna, “Huwag kang mahihiyang tawagin siyang Kuya.”

“Kuya talaga?” react ni Gerald.

“What’s wrong?” natatawang sabi ni Tita Edna, “Dito sa bahay, iisang pamilya na tayo. Huwag kang mahiya, Zari ah! Hindi ka na iba sa amin, pwedeng-pwede mo siyang ituring na parang isang kapatid.”

“Whatever!” umikot ang mata ng binata.

“Huwag kang mahihiyang magsabi kapag may problema or may kailangan ka, ah?” segunda naman ni Tito Felix, “Nangako ako kay Tatay Berto at Tito Edmund mo na aalagaan ka naming rito.”

“Opo!” nahihiyang tumango siya.

Lihim naman siyang naging panatag dahil sa mga binitawang kataga ng mag-asawa.

Nang matapos nilang kumain ng hapunan ay nagpasya na siyang maligo. Hindi naman niya maiwasan ang lihim na mamangha sa ganda at linis ng banyo. Daig pa nito ang istilo sa mga hotel. Samantalang doon sa kanilang baryo, napakasimple lang ng kanilang palikuran. Hindi na rin niya maiwasan ang labis na matuwa nang makita niyang may shower pa roon. First time niyang gagamit ng ganito. At sadyang nakakatuwa!

Para siyang batang naglalaro!

Pakanta-kanta pa siya!

Dahil sa sobrang kasiyahan niya, hindi na niya namalayan ang oras hanggang makarinig siya ng mahinang pagkatok sa pintuan.

“Are you done?” tanong ng lalaking nasa labas. At kung hindi siya nagkamamali, boses iyon ni Gerald.

“A-ah…oo!” natatarantang tugon naman niya. At nagmamadali niyang sinuot ang kanyang bestida. Pagkaraa’y nakayuko siyang lumabas ng banyo. Bahagya siyang nakadama ng hiya sa binata dahil ngayon lang niya napagtanto na parang tumagal yata siya sa pagliligo ngayon. Saka ewan nga ba niya, hindi niya magawang tignan ito ng diretso.

Patungo na siya sa kanyang kuwarto nang muli siya nitong tinawag. Nagtatakang nilingon naman niya ito, “B-bakit?” tanong niya.

“Iyong ano mo kasi…” nahihiyang napakamot ito ng ulo.

“Ang alin?” napakunot ng noo niya dahil hindi niya nakuha ang ibig nitong sabihin.

“Yung panty mo nahulog,” diretsong sabi nito.

“Huh?” natatarantang tinignan niya ang pinagbihisan niyang damit. At dahil sa pagkakataranta niya, hindi naman sinasadyang mahulog naman niya ang kanyang bra. Dali-dali niya itong dinampot, pero bigla siyang natigilan nang mapansin niyang kasama sa nahulog ang panty niya.

“It’s a prank!” natatawang sabi nito saka pumasok na sa loob ng banyo.

Napakuyom ang kamao niya. Hindi niya inaasahan na lolokohin siya ng ganoon ni Gerald. At nakakahiya dahil nakita nito ang undies niya!

“May araw ka rin!” pagbabanta niya.

...ITUTULOY…....

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play