Chapter One

...CHAPTER ONE...

“ZARI! ZARI!”

Napakislot si Zari sa kanyang kinauupunan nang maramdaman niyang may yumuyugyog sa kanya. At nang unti-unti na niyang idinilat ang kanyang mga mata ay naaninagan niya ang mukha ng kanyang Tita Edna. Wala sa loob na bumangon siya, sabay ang pagpunas ng kanyang bibig. Pakiramdam kasi niya, tumulo ang laway niya dahil sa magandang panaginip niya.

“Nandito na tayo!”

Bigla namang nagising ang diwa niya, sabay ang pagbaling sa bintana ng sasakyan.

Kasalukuyan nang nakaparada ang sasakyan ng kanyang Tita Edna sa isang bakuran na may napakadaming iba’t ibang klaseng halaman. Hindi na rin nawala sa kanyang paningin ang malaking bahay sa tapat. At kahit hindi pa niya ito nakikita sa loob, alam niyang napakaganda nito.

“Let’s go!” aya na ng kanyang Tita Edna, saka bumaba na ito ng sasakyan.

Sumunod naman siya. Nagtungo siya sa likod ng sasakyan kung saan inilabas ni Tita Edna ang dalawang bagahe niya.

“Ang laki-laki naman ng bahay n’yo, Tita!” buong pagkamanghang komento niya.

“Kaya nga eh. Iilan lang kaming nakatira d’yan! Tara na sa loob! I’m sure, hinihintay ka na ni Jhay-jhay!”

Nakangiting tumango na lang siya. At saka siya sumunod sa kanyang Tita Edna papasok ng bahay. Nasa pintuan palang siya ay para na siyang nalulula sa laki at ganda ng kanyang nakikita.

“Hey, Mr. Gerald? Where are you going?”

Nadinig niyang pagtatanong ng kanyang Tita Edna kaya napabaling ang kanyang tingin sa hagdaan kung saan nakita niya ang isang lalaking pababa roon. Para namang biglang bumagal ang takbo ng oras sa pagitan nila nang masilayan niya ang guwapong mukha nito. Kaagad niyang napansin ang matangos nitong ilong, at kissable nitong lips. Mabilis niyang naramdaman ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib habang unti-unti itong lumapit sa kanila.

“Mmmmmaaaaayyyyyy prrrrraaaacccttttttiiicccceeee kaaaaaammmiiii ssssssaaaaa baaaahaaayyyy niiilllaaa Ryyyyyyooooo…”

Slow-motion effect sa kanyang paningin ang bawat kilos ng lalaking ito. ‘Ni hindi nga niya naintindihan ang mga salitang binigkas nito, eh.

“Ka gwapo man sang lalaki nga ini!” wala sa loob kong bulong na ang ibig sabihin ay ‘Ang guwapo naman ng lalaking ito.’

“Hello?” kumaway-kaway pa ang naturang lalaki sa harapan niya na siyang dahilan para muling magbalik ang kanyang diwa sa kasalukuyang panahon at oras.

“H-hi!” bati naman niya sabay ang pagyuko sa harapan nito.

Bahagya naman natawa ang lalaki sa kanya. Pero ilang saglit pa ay muli itong ngumiti. At doon lumabas ang pantay-pantay nitong mga ngipin na parang isa itong endoser ng brand ng toothpaste.

“I’m Gerald Tamayo. Your Auntie’s Brother-in-law! Nice to meet you, Zari!” sabi nito. At naglahad pa ito ng kamay sa kanyang harapan.

Kahit loading pa sa kanyang utak ang sinabi nito ay nakuha pa rin niyang makipag-shakehands. Doon niya naramdaman ang mainit at malambot nitong mga palad. Parang palad ng prinsipe sa kanyang panaginip. Dahilan parang kumabog ng malakas ng dibdib niya.

“Nagpaalam ka ba sa Kuya mo?” biglang tanong ni Tita Edna.

“Yup!” nakangiting tumango naman si Gerald.

“Baka hindi ka na naman umuwi, ah!” may galit na paninita ng kanyang Tita Edna.

“Practice lang, ate! Every Saturday Night lang naman ang gig namin! Dito ako magdi-dinner!” paliwanag nito, “Okay! I have to go na! Hinihintay na ako nila Ryo!”

Aktong magsasalita pa sana si Tita Edna nang nagmamadali na itong lumabas ng bahay. Wala na itong nagawa pa kungdi ang mapabuntong-hininga.

“Hay, mas inuuna pa niya ang banda kesa sa pag-aaral niya! Kapag nalaman-laman lang ito ni Papa, tiyak magagalit ‘yun!” napapailing na sabi pa ni Tita Edna.

“Siya po ba ‘yung nakakabatang kapatid ni Tito Felix? Bakit hindi ko siya nakita ‘nung kinasal kayo?” nagtatakang tanong ko.

“Nasa Canada kasi siya ‘nun, at si Papa at Mama lang umattend ‘nun sa kasal namin,” paliwanag ni Tita Edna, “Nang mamatay si Mama, three years ago, nag-asawa ulit si Papa. At hindi iyon nagustuhan ni Gerald. Kaya umuwi siya rito sa Pilipinas, two years ago. At dito siya ngayon sa amin nakatira. Iyon nga lang, gusto ni Papa na makapagtapos siya ng Engineering katulad nito, at ng Tito Felix mo. Pero sa nakikita ko, passion ni Gerald ang pagbabanda. Mas nauubos pa ang panahon at oras niya sa kanyang mga kaibigan. May usapan sila ng Tito Felix mo, papayagan niyang magbanda si Gerald basta huwag niyang pababayaan ang pag-aaral.”

“Ahhh…” napatangu-tango naman siya.

“Tara! Tara! Puntahan na natin ang pinsan mo! I’m sure, excited siyang makita ka ulit!” natutuwang hinila siya papasok sa isang silid kung saan bumungad sa kanyang paningin ang isang malaking LED TV. Halos malula siya sa makulay na screen habang abala sa paglalaro roon ang walong taong gulang niyang pinsan na si Jhay-jhay.

“Nand’yan na ang Mommy mo,” sabi ng isang babaeng naka-uniform na kulay blue na parang sa mga caregiver.

“Nandito na siya! Nandito na ang pinsan mo!” parang batang hinila-hila pa siya ni Tita Edna, “Say Hi to Ate Zari!”

Napatingin naman ang bata sa kanya pero muli rin itong tumingin sa nilalaro.

“Come,” hinila muli siya ni Tita Edna paupo sa sofa na katabi ni Jhay-jhay, “Pagpasensyahan mo na, ah?”

“Okay lang po,” ngumiti naman siya.

“Jhay, do you remember? Si Ate Zari, na laging nakikipaglaro sa’yo kapag nasa Ilo-ilo tayo? And from now on dito na titira si Ate Zari mo…” malumanay na paliwanag ni Tita Edna sa anak nito.

Katulad kanina ay saglit lang din itong napatingin sa kanila, pero muli rin itong tumingin sa nilalaro nito. Parang may sariling mundo ito. Maski naman kapag bumibisita ito sa kanila sa Ilo-ilo ay para itong may sariling mundo.

“Jean, okay na ba ‘yung kuwarto? Nalinis mo na ba?” baling ni Tita Edna sa babae.

“Opo, ate…” magalang naman na tugon nito.

“Oo nga pala, si Zari pamangkin ko. Zari, siya ang nag-iisa at all-around naming kasambahay, si Jean…” pagpapakilala ni Tita Edna.

Nagkangitian naman silang ni Jean.

“Bye the way, thirty-six years old na siya!”

“Po?” gulat naman niya dahil hindi niya akalain na mas matanda ito sa kanya. Kung titignan kasi ay parang mas matanda siya rito dahil may kaliitan ito.

...ITUTULOY…...

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play