...CHAPTER TWO...
“TARA, DOON NA TAYO SA MAGIGING ROOM MO!” excited na sabi ni Tita Edna.
“Po?” gulat naman ni Zari. At saka siya hinila paakyat ng hagdanan ng kanyang tiyahin.
Pagtungtong palang ng mga paa niya sa second floor ay hindi na niya maiwasan pa ang mamangha sa ganda at linis nito. At lalo pa siyang nagulat nang dalhin na siya ni Tita Edna sa kanyang magiging kuwarto. Bumungad sa kanya ang maala-prinsesang istilo nito. Napakaraming teddy bear sa paligid, at sobrang lambot ng kanyang kama.
“Sobra-sobra naman po ito, Tita!” nahihiyang sabi niya pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkamangha.
“Ano ka ba? Hindi noh!” saway nito, “Actually, ito sana ang silid ng magiging anak naming babae ni Tito Felix mo. Kaso diba? Ilang beses na akong nalaglagan ng bata? But blessed pa rin kami kasi biniyayaan pa rin kami ni God kahit isang anak na lalaki.”
Hindi na siya umimik pa. Hindi na rin naman lingid sa kanyang kaalaman ang mga pinagdaan ng kanyang Tita Edna sa nakaraang pagbubuntis nito. Pero masasabi niya ng maswerte pa rin naman ito dahil mukhang nakakaluwag sa buhay ang napangasawa nito.
“Sana magkasundo kayong dalawa ni Jhay-jhay!”
“Gagawin ko po ang lahat!” confident na sabi niya.
“Pa-hug nga ulit!” hiling nito.
Niyakap naman niya ito.
“Ahhh…at last, may anak na rin akong babae!” tuwang sabi nito.
Damang-dama talaga niya ang pananabik ni Tita Edna na magkaroon ng anak na babae dahil sa mainit nitong pagyakap sa kanya. Siya rin naman sabik sa yakap ng isang ina, dahil maliit palang siya nang mamatay ang kanyang mga magulang. Bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng mga ito patungong Manila noon.
Sa kanyang Lolo Berto at Tito Edmund na siya lumaki. Si Tito Edmund na isa ring biyudo, at may isang anak na babae, si Euphemia. Hindi naman siya tinuring na iba dahil nagawa siyang pag-aralin ng mga ito. Pero nang banggitin niya ang pangarap niyang maging isang Engineer, nagprisinta si Tita Edna na pag-aralin siya sa Manila. Maaga man siyang iniwan ng kanyang mga magulang, hindi naman siya pinabayaan ng mga kapatid ng kanyang Papa.
At iyon ang labis niyang pinasasalamat sa Diyos.
Kaya gagawin niya ang lahat, para masuklian ang kabaitan ng mga ito sa kanya.
“Feel at home, sweetie! Huwag kang mahihiyang magsabi sa amin kung ano ang problema, okey?” bilin nito
“Opo,” tumango siya, “Thank you, Tita!”
“O siya, maiwan muna kita para makapagpahinga ka na! Nakita ko kanina, antok na antok ka sa bywahe natin. Tinulugan mo nga ako, eh!” natatawang sabi nito.
“Excited po kasi ako masyado kaya hindi ako nakatulog ng maayos!” nahihiyang sabi niya.
“O, siya. Matulog ka na! Ipapatawag na lang kita kapag kakainin na hapunan,” bilin pa nito.
Matamis na ngiti pa ang binato sa kanya ni Tita Edna bago ito lumabas ng kanyang kuwarto. Nang mapag-isa na siya ay saka naman na niya tinawagan ang kanyang pinsan na si Euphemia para ipaalam rito na nakarating na siya sa bahay nila Tita Edna. Buong pagmamalaki rin niya pinakita rito ang magandang kuwartong binigay sa kanya ng tiyahin nila.
“Kainggit ka bruha! Matagal ko na rin kayang pangarap makarating ng Manila! Kaso kahit madalas kaming nag-aaway ni Papa, ayoko naman siyang iwan!” parang naiinis na sabi pa nito sa kabilang linya.
Natawa naman siya.
Saksi siya sa madalas na pagtatalo ng dalawa. Ito kasing pinsan niya ay may katigasan rin ang ulo kung minsan.
“Mag-ingat ka lagi d’yan! Huwag mo kaming alalahinin dito,” Bilin nito sa kanya, “Saka Goodluck sa Entrance Exam, ah! Galingan mo!”
“Yup! Yup! Yup! I’ll do my best,” tugon naman niya, “Gusto ko rin masuklian ang butihan nila Tito Edmund at Tita Edna sa akin balang-araw!”
“Sige na…” pagpapaalam na ng kanyang pinsan, “…May serve ako ngayon sa simbahan.”
“Sige,” pagpapaalam na rin niya saka na niya tinapos ang kanilang pag-uusap, “Ikamusta mo na lang ako d’yan sa mga kasamahan natin sa Choir ah! Pati kay Padre!”
“Okay!” ngumiti ito.
Matapos niyang makausap ang kanyang pinsan, naisipan na lang niyang ayusin ang kanyang gamit. Dalawang maleta lang ang bitbit niya, naglalaman ng limang pares na mga bestidang binili niya. At ang ilan ay ang kanyang ilang mga notebook kung saan nakasulat roon ang mga nilikha niyang tula. Pati ang nag-iisang wedding picture ng kanyang mga pumanaw na magulang.
Konti lang ang gamit niya kaya madali rin siyang natapos sa pag-aayos. Saglit niyang tinignan ang kabuuhan ng kanyang kuwarto, at nang mapagod ay humiga na siya sa kanyang kama. Pinagmasdan niya ang puting kisame, at kusang naglakbay ang kanyang isip patungo sa kanilang probinsya.
Ilang oras palang siyang nasa Manila, parang namimiss na niya ang kinalakihan niyang bayan.
Ang Lolo Berto niya.
Si Tito Edmund.
Ang pinsan niyang si Euphemia.
Ang mga kaibigan niya.
Mga dating kaklase.
Higit sa lahat ang crush niyang si Iking.
Hinding-hindi niya makakalimutan noong araw ng graduation nila. Inabutan siya nito ng bulaklak. Halos himatayin siya sa kilig ng mga sandaling iyon dahil sa dami-daming kaklase nilang babae na may gusto rito, siya ang binigyan nito ng bulaklak.
Pero bigla siyang napahinto nang muling sumagi sa kanyang isipan ang bayaw ng kanyang Tita Edna, si Gerald. Hindi mawala sa kanyang isipan ang guwapong mukha nito.
Wait! Kung hindi niya nagkakamali, nadinig niyang nag-aaral rin ito ng Engineering. Ibig sabihin ba nito, posibleng sa iisang school din sila mag-aaral?
Wala sa loob na napayakap siya ng mahigpit sa staffstoys na kamukha ni Pikachu dahil sa sobrang kilig. Lalo lang siyang na-excite sa darating na pasukan! Lalo lang din siya nagkaroon ng motivation na pagbutihin ang pag-aaral para sa darating na Entrance Exam!
Pero bigla rin siyang napahinto nang maalala niyang bayaw ito ng kanyang Tita Edna, nakakabatang kapatid ito ng kanyang Tito Felix, at tito ito ng kanyang pinsan. Hindi naman sila magdugo pero… Hindi ba magiging complicated ang situation?
Saka bakit ba niya iniisip na magiging complicated ang lahat, una sa lahat? Posible ba itong magkagusto sa kanya? Hindi siya maputi, laking probinsya siya kaya morena ang balat niya. Sasabihin din niyang may kalakihan ang kanyang mata. Sa katunayan, kwago ang tukso sa kanya ng kanyang mga kababata.
It’s really hurt.
Ayaw man niyang laiitin ang kanyang sarili pero iyon ang totoo.
ITUTULOY....
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 8 Episodes
Comments