Just Living
Habang naghihintay ako sa mga kaibigan ko sa plaza dahil maglalaro kami ng basketball, tama kayo ng narinig basketball kahit napakababae kong tao, may napansin ako na buo ang pamilya na nakaupo sa gilid kung saan ako nakatambay, pinagmamasdan ko sila at masasabi kong napakasaya nilang tignan, mayroon din naman ako niyan dati bago magkawatak-watak.
Akala nila wala akong alam sa mga nangyayare, nakakatawang pangyayare. Alam ko ang lahat ngunit hindi ako nagsasalita.
“hindi bali na”
Bulong ko sa sarili ko, anim na taong gulang palamang ako ng iniwan ako ni mama sa tatay niya para mag trabaho sa malayo, anim lamang ang edad ko ng iniwan ako ni lolo sa bahay kubo kung saan siya naninirahan, isang mangmang, tahimik ngunit matapang na bata, hindi nag rereklamo. Ang totoo iyakin akong bata ngunit ano paba ang magagawa ko? Ayaw kong iwan si mama, pero ako ang iniwan nila.
Buwan ang lumipas bago bumalik si mama, hindi ko tanda kung paano ako na buhay ng wala siya na nag aalaga saakin at naalala ko pa na pumapasok pa ako sa paaralan.
but how did i survive?
maybe it's survival instinct?
or maybe more than just that?
i instinctively thought, my brain become foggy a little bit.
Pagbalik ni mama mas naging sakitin ako nang walang kadahilanan, nagpalipat-lipat hanggang sa gumaling ako but i became numb and forgetting most of my childhood memories. It became mystery for teenage girl like me.
My mother and i decided to stay in Cagayan De Oro as she found work as a maid in a wealthy neighborhood, it's peace and promising as we rise up from poverty but then God gave another challenge. I got sick once again at mas malubha pa, hindi isa, hindi dalawa, kung hindi tatlong sakit.
I was diagnosed with Congenital Heart Disease, Dengue, and UTI. Lumubog na naman kami sa utang dahil saakin, i was confined in ICU and needs immediate operation sa puso, but sadly the doctors said they can't do it because of lack of equipment, and also a lack of fund at ito yung nakakatawang pangyayare my father side did not help, ha! They gave every burden on my mother.
Supposedly may taning na ang buhay ko, i'm like a cigarette, unti unting nauubos ang buhay, but my mother gave everything pumunta kung saan-saan para humingi ng tulong para mapa operahan lang ako, dugo't pawis ang ibinigay para may maibili ako ng gamot at mga kakailanganin ko
That's the only thing i remember, the sacrifices my mother did just to let me survive such a disease, she let me survive to live my life.
“tolllll!”rinig ko na siyang ikinagulat ko
“bat ka ba sumisigaw?!”naiinis kong sigaw kay matthew, habang inaayos ang buhok ko
“kanina pa kita tinatawag, nakatulala kana naman! Ano mag lalaro paba tayo? kanina pa sila naghihintay sabi ni michael”kitang-kita mo sakanyang mukha ang inis at irita
“ano tara na!”sabi ko nalamang upang wala ng gulo
I should be dead right now, but i live.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments