Nagtatawag si Tito! That only means one thing!
Nagkatinginan nga kaming tatlong magpipinsan sa isa't isa at agad alam na namin ang gagawin, and plus our scripted reasons and explanations. Pagkatungo namin sign na handa kami kung ano man ang mangyari at sabihin ni tito ay handa na, sabay sinagot na ni ate Suzette ang tawag.
ON CALL
Tito: Kumusta kayo?
Suzette: Ayos lang po
Tito: Kumusta ang mission nyo?
Suzette: Ayos lang po-
Tito: Nagawa niyo ba ng maayos?
Suzette: Opo
Tito: Good... Pero ano yung narinig ko na may kinuha raw kayong bata?
Napa tahimik na lang mga kami sa tanong ni tito. It was unexpected, akala namin matatago pa namin si Zyne ng matagal-tagal, pero mukhang nakadating na agad ang report kay tito. Napa tingin na lang ako kay ate Suzette, unsure kung ano yung pwede naming sabihin na excuse, especially na kasalanan ko kung bakit siya nandito.
Suzette: Ahh, about that po pa.. Ano po kasi...
Tiningnan na muna ako ni ate Suzette bago sya magpatuloy sa kanyang sasabihin kay tito na para bang nag aalala.
Suzette:... I will just make a report about it, pa and give it to you right away po.
Tito: I shall be expecting that tomorrow, naiintindihan?
Suzette: Opo
Tito: Sige na.
Pagkatapos ng tawag ay tiningnan ako ni ate with a disappointed look, and it hurts me so much na makita yun kay ate, alam ko na hindi niya man sabihin ay alam ko na, dahil halata pa lamang ito sa kanyang mga mata.
"Ate..." I said with a low voice.
"Sige na Ella. pumunta ka na sa taas at gamutin mo na ang ibang mga sugat ni Zyne, tapos may extra pa tayong kwarto sa pagkakaalam ko. Dun mo na lang sya patulugin na muna. Pagkatapos matulog ka na, bukas na lang tayo mag uusap" , utos ni ate, 'ni hindi man lang si ate makatingin sa aking mga mata.
Gusto ko nang umiyak, mag sorry ng maraming beses.. Pero kahit na gawin ko yun lahat ay wala pa ring magbabago. Kasalanan ko pa rin. Ako ang nagkamali, nagdesisyon ako agad ng hindi ko man lang kinukunsulta ang mas nakakatanda sa akin. And of course I have no choice but to comply and obey.
Dinala ko na nga si Zyne sa nursing room. Yes meron kaming room na kung saan nandoon lahat ng mga panggamot sa mga sugat, medicines and other things.Pagpasok namin sa room, ay sinimulan ko nang gamutin ang kanyang mga sugat. Wala ni isa sa amin ang nagsalita.
Habang ginagamot ko ang kanyang mga sugat ay napansin ko na sobrang dami ng kanyang mga sugat. Cuts, bruises, mga pasa at marami pa. Halata na kung ano ang pinagdaan nitong batang ito, halatang halat sa kanyang mga sugat kung ano ang trato sa kanya. And i felt bad kasi isa ako sa reason kung bakit niya yuon dinanas.
Napabuntong hininga na lang nga ako at hindi na umimik. Pagkatapos kong gamutin ang kanyang mga sugat ay dinala ko na sya sa kanyang kwarto."Ito ang kwarto mo, dyan ka na muna." nung papaalis na ako ay bigla akong napatigil dahil kinuha niya ang aking kamay.
"Saglit!-"I look at him confused. "Bakit? Gutom ka? Dadalhan na lang kita ng pagkain", ngayon ko lang na notice na hindi pa sya na kain, nor pinakain dahil sa sobrang payat nya.I yank his hands away, and then walk away.
Hindi ko na siya pinansin at continue lang ako na naglalakad papuntang kusina.Pagpunta ko ng kusina ay may narinig akong sasakyan na papaalis, and i guess sila ate Suzette yun.
There they go again, always fixing my mistake.
Nagsimula na ako nun na magluto, hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ulam kaya nagluto na lang ako ng itlog with kamatis para healthy kahit papano.
Pagkatapos ko magluto ay hinand ko na ang pagkain niya sa isang tray, kanin, ulam, at tubig. Pinunta ko na yung pagkain niya sa kanya.
"Zyne, nandito na pagkain mo!" sigaw ko sa pinto niya dahil hindi ako makakatok dahil may bitbit akong tray.
Pagkatapos kong magsigaw ay dali dali na niyang binuksan ang pinto para papasukin ako."Hindi na. Hindi na ako papasok" sabi ko sa kanya sabay abot sa kanya ng tray. "Ayan oh pagkain, kumain ka na, at pagkatapos mong kumain ay iwanan mo na lang yung tray dyan, kahit saan dyan sa kwarto tapos matulog ka na, pero magpahilan na muna bago matulog.
Pagkatapos kong iabot sa kanya ang kanyang pagkain ay umalis na ako agad. Wala na akong pake kung tinatawag pa niya ako ang gusto ko na lang matulog, itulog na lang ang lahat, ayoko na.
Dali dali na akong pumunta sa kwarto ko, ni lock ang pinto at pinabayaan ko nang mahulog ako sa higaan.Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang buwan at mga tala... ang ganda... inayos ko na ang higa ko, nagdasal na sana panaginip lang ang lahat, at natulog na.
That happen, that's how i met Zyne, even up until now I still feel the guilt inside me, I should've done better, because ever since then ginawa ko syang assistant, utusan, but i never hurt him physically nor mentally, but sometimes, I push him away, kasi takot ako na baka masaktan ko sya especially kung galit ako.
"Sige ate, ako na bahala" sagot ko kay ate sabay patay ng phone call.
I can already feel my heart beating faster. Hindi ko kaya syang harapin, I left him in the head quarters for over almost 3 years, after nyang mahilom lahat ng sugat nya at, matapos ko syang turuan ng ways at mga basic training. I purposely left him and avoided him, so why now?! Why must this kind of incident happen these days? Really, I can't believe this. I know I have heard all the reports about him being devoted and hating the traitors and not leaving the organization, but why?! I gave him enough hints and ways to escape all these years.
Napabuntong hininga na lang ako. "Hayyysstt, ano ba Zyne? Bakit hindi ka na lang umalis sa grupo?" pabulong kong sabi habang nakatingin sa mga gawain ko.
Natapos ko mana lahat ng mga gawain pero ayaw kong umalis, ayoko syang makita.Nagdali dali na nga ako magbihis, para makapunta na ako agad sa headquarters.
Magiging delikado na ang lahat, lalo't na may kaaway kaming nakaalam ng headquarters namin, so that means we have to move into another place again.
This will be another headache.
Nakalabas na ako ng bahay namin ng nakito ko si kuya Lewis.
"Oh? Anong ginagawa mo dito kuya? Akala ko ba may pasok ka?" tanong ko sa kanya takang taka.
"Cancel ang school-"
"Huh? Cancel? Bakit?"
"Eh kung patapusin mo na muna kaya ako. oh, edi kung pinatapos mo ako malalaman mo yung reason, dba?!" medyo pasigaw niyang sabi, with irita on the side.
"Anyway na cancel kasi may meeting daw mga teacher kaya wala kaming pasok. Tapos na saktohan na nagtawag si ate Suzette, sabi daw may emergency at i-explain na din sakin yung situation kaya alam ko na ang nangyari. At, as your kind cousin, ay ihahatid kita at sasamahan na rin... Oh diba, ang sobrang bait ko" sabi nya proud na proud pa siya, eh hindi naman ako na naniniwala na mabait yan, kung nagsabi siya na siraulo siya. Abay! Mas maniniwala pa ata ako doon.
"Wow, as if maniniwala ako na mabait ka at ginagawa mo ito ng walang kapalit. Buraot ka pa naman" pabulong kong sabi habang naglalakad papasok sa kotse niya.
Pagpasok ko sa kotse ay nabigla ako sa linis nito.
"Naglinis ka ng kotse mo?" tanong ko halos di makapaniwala.
"Wow naman minsan lang 'to mangyari ah. What a miracle!" I said full of sarcasm.
"Manahimik ka na lang o hindi kita sasamahan" panakot niya sa akin, mukhang nawawalan na siya sa mood, kaya naman tinahimik ko na lang ang aking mouth, kasi baka kung ano pa ang mangyari pag inasar ko siya.
Nagsimula na siyang mag drive habang ako naman ay nanahimik.
Hindi na ako umimik pagkatapos niya akong takutin, dahil alam ko kung ano ang pweding masabi ni kuya if ever ako ay nasosobrahan na ng pag aasar. Kaya naman ang naging buong byahe namin ay sobrang tahimik.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments