ONE

As I was doing my mission, a friend of mine suddenly chat me.

IN THE CHAT

Laura: babaee....

Laura:huy

Laura:Ellaaaaaaaaa

Ella: Ano?

Laura: Natapos mo na lahat ng assignments?

Ella: Oo bakit?

Laura: Ano na nga ulit yung mga subject na may assignment tayo?

Ella: Math, Science, English at MAPEH

Laura: Ayyy ang dami naman.. :'(

○°seen°○

Laura: Huy Ella kausapin mo naman ako

○°seen°○

Laura: Ella

Ella: Ano baga? Busy ako ngayun mamaya mo na lang ako kausapin

Laura: Ehhhh di ka pa rin ba tapos sa mga gawain mo?

Ella: Hindi pa

Laura: Ahh sige sige

Pagkatapos nun at sineen ko na lang sya at bumalik sa paggagagawa ng mission ko.

After a few minutes nagawa ko na yung mission ko at pagkatapos nun ay nagpahinga na ako because it was already 9:15 pm tapos may pasok pa ako ng 6:30 am bukas.

THE NEXT DAY (4:00am)

"beep beep beep bee-"

After kong magkagising dahil sa alarm ko ay bumalik ako sa pagkakahiga, at nagdedecide kung babangon pa ba ako.

"Babangon na ba ako?" tanong ko sa sarili ko habang nakatunganga at nakatingin lang sa kisame.

Pagkatapos kong magtanong sa sarili ko ng maraming bese nagdecide na akong tumayo at mag asikaso na at pagkatingin ko sa cellphone ko ay 4:48 na.

"Wow grabing pagdedesisyon kong 'to umabot ng 48 minutes.... Lupit." sabi ko sa sarili ko sabay nagsimula na akong mag asikaso.

Ang una kong ginawa ay ang pagsasaing since may mainit na tubig mana kaya di na ako nag init at nagkape na lang, well to be honest bawal talaga ako ng kape pero since inaantok ako at ang kape na lang ang nag iisang solusyon para sa akin para ako ay magkagising, kaya wala akong choice.

Pagkatapos kong magkape ay maliligo na ako, pagkatapos kong maligo (5:35am) ay magkakain na ako it is either na may ulam na or magluluto pa ako so it will be in between but it will comsume some of my time so it will be better if may ulam na para di na ako magluluto since tamad tamadin din ako eh, or minsan magbubukas na lang ako ng delata para ,you know, di time consuming.

Pagkatapos ko na nga mag asikaso ay diretso school na ako. Ako nga pala ay nasa public school, habang sila ate Suzette naman ay private.

Nakarating nga ako ng school ng 6:25 am, may 5 minutes pa bago magsimula ang lecture namin.. At simula palang ng araw ay tinatamad na ako pero good thing dahil nandyan ang best friend ko na si Laura.

"Laura~" tawag ko sa kanya habang papasok sa aming room.

Nung pagtawag ko sa kanya ay lumingon sya agad sa akin at nginitian ako.

"Ella~... Nakagawa ka ng mga assignment?" tanong nya sa akin.

"Opo, natapos ko lahat."

"Wow naman talaga, good student yarnn" pabirong sabi nya sa akin.

Nilagay ko na nga yung mga gamit ko sa aking upuan habang nag uusap kami.

"Bhie may chika ako" pabulong nyang sabi sa akin

"Oh ano yun?" tanong ko sa kanya curious na curious sa sasabihin nito.

"Well so ito na nga yung chika... May nalaman ako-"

"Oh ano yun?" tanong ko sa kanya na inip na inip na sabihin na nya kung ano naman ang gusto nyang sabihin.

"Pwede bang patapusin mo na muna ako? Susko po naman Ella.... Patapusin mo na muna kasi ako bago ka magdada dyan... So ito na nga narinig ko na may gc daw sila Kristina at Franzine, at dun daw nila ako pinag-uusapan-"

"Oh ano daw sinasabi nila?"

"Well sinasabi daw nila na malandi ako-"

"Huh?! Ikaw malandi?!-"

"Patapusin mo na muna ako, wag kang mag para dada dyan agad-agad, susko po... patapusin mo na muna ako.. So ito na nga may group chat daw sila kasama yung iba pa nating mga kaklase ay nandun ewan ko kung ilan sila lahat, basta nandun sila, at ang pinag chichismisan nila is about nga sa akin na malandi daw ako, at sinasabihan ko daw sya ng malandi dahil daw sa pananamit nya"

"Wow naman grabe ka na. Like i mean oo, marami ka nung naging ka m.u. pero di malandi kasi sila yung nagkakagusto sayo tapos kapag nagkausap na kayo ay tsaka mo lang sila nagugustuhan, dahil nga may attachment issue ka-"

"Grabe ka naman. Attachment issue agad?!... Ang sakit nun ha"

"Oh so ano na gagawin mo since nalaman mo na yan?" tanong ko sa kanya not bothering na tanungin kung saan niya yun nakalap dahil alam ko na, masyado kami ditong maraming kakilala which is good for us, since we are able to gather information kung sino naman ang nagsasabi sa amin ng masama.

"Well ewan ko... I think much better pa na baguhin ko na rin yung sarili kasi medyo na totoxican na rin ako sa sarili ko for the fact na madali akong mangjudge ng ibang tao"

"Hmmmm ok, di lang naman nag iisa pero it should be better na i keep nalang sa sarili kung ano naman ang na judge natin or nakita natin sa iba para, you know, walang ganitong mangyayari"

"Pano? PANO?! Masyado akong judgemental, nasasabi ko yun lahat ng najujudge ko, di ko kayang ikeep yun sa sarili ko..... Wait pano mo ba yung nagagawa?"

"Well since I believe naman na much better na ishut na lang ang mouth kaysa sa sabihin pa yun sa iba. And also I grew up always thinking and should be aware of what others would think if i do this, or do that, something like that"

"Ahhh kaya pala" sabi nya, at sa sinabi niyang yun ay nagtaka ako

"Kasi may times na napapansin ko pamasid-masid ka tapos bago ka magsalita ay naglo loading ka na muna akala ko. Akala ko nun di mo magets yung ibang sinasabi nila ampalan iniisip mo yung sasabihin mo kung makakasakit ba ito ng emosyon ng iba parang ganun" sabi nya sa akin, more like kinaclarify nya kung tama yung kutob nya or something and if I am going to be honest—

"Oo tama ka, takot ako na makasakit ng emosyon ng iba kaya pinag iisipan ko na muna ang sasabihin ko bago ko yun sabihin....... At takot rin ako na baka pag isipan nila ako ng masama. I care too much about what they think of me to the point na konting kibo or may something akong ginawa ay pinag ooverthink ko na sya agad..." sinabi ko sa kanya na para bang kinakawawa ko na yung sarili ko, but I know that I am only telling the truth to her.

Matapos ko nga young sabihin ay napatunganga na lang sya and from what i can see from her expression she is shocked that I'd confess something like that to her. Since all I was like is not caring and I was just like a 'go with the flow' person as I am always smiling and laughing, actually mababaw lang talaga ang kaligayahan ko to be honest, just being with Laura, my best friend is already enough to make me happy and forget all of my problems.

"Mukang natunganga ka ata dyan" sabi ko sa kanya ng pabiro

"Nabigla lang ako" sabi niya sa akin and sa tingin ko naghahanap na siya ng ibang topic na pwedeng pag usapan bago pa lumala at lumalim ang topic na ito.

"Nakagawa ka na ng mga assignment?" nagtanong ako sa kanya, para maiba naman ang topic.

"Well yung sa english di ko tapos, ikaw?"

"Tapos ko lahat"

"Wow sana all"

"Diba yung sa english ay essay?"

"Oo, may gawa na ako pero di ko pa sya nasusulat sa papel"

"Ahhh, akala ko ba naman, as in di mo pa nagagawa or nasisimulan ganun"

"Grabe ka naman syempre good student tayo kaya maggagawa tayo ng mga gawain natin" pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagtawanan na lang kami at nagsimula na si Laura na gumawa ng kanyang gawain, which is yung english essay habang ako naman ay sinusulat ko na yung mga notes sa iba naming mga subject.

Bago pa ako makapag simula magnotes ay dumating na agad yung teacher namin sa science, dahil siya ang first subject namin.

"Good morning everyone" bati sa amin ni ma'am Michelle habang papasok ng room.

"Good morning ma'am" nagsitayuan kaming lahat at nagbati pabalik kay ma'am.

Pagkatapos nga noon ay nagsimula na kami mag lesson, and for today palutang lutang lang ang utak ko, di ko magets ni isang sinasabi ni ma'am, nakakahilo pati na din yung mga words, yung handwriting kasi ni ma'am di ko maintindihan, well yung iba kahit papano ay naiintindihan ko pa.

Natapos ang pangalawang subject ay nagrecess na kami, at kasama ko si Laura.

"Lutang na lutang ako kanina, di nag fufunction ang aking brain, at unti unti na akong iniiwanan ng aking mga brain cells. Like how could they?! My brain cells......" napa buntong hininga na lang nga ako that time and having an exaggerated reaction, but I know na sanay na si Laura sa ganito kong behavior lalo na kapag nag rarant ako about sa school works.

"Ayoko ko na" sabi ko habang naglalakad kami papunta sa canteen.

Nung nakarating na kami sa canteen ay hinanap agad namin kung ubos na ba yung lumpia, and gladly hindi pa.

"Pabili po.... 1 nga pong lumpia" sabi ko sa tindera habnag inaabot ko yung bayad ko.

Ang 1 lumpia ay 5 piso, in this way nakakatipid ako at para may maipon din ako syempre.

"3 lumpia naman po sa akin" sabi naman ni Laura.

Parehas kaming dalawa ni Laura na nagtitipid, at takot gumastos ng malaki.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play