chapter 5

THE BILLIONAIRE'S CHASING ME!

Kabanata 05: Ang mahiwagang brief at abs ni sawyer!

ALY'S POV

Hanggang ngayon ay pala isipan parin saakin ang lalakeng naka puting maskara na tumulong saakin. Kahit sobra akong natakot sa nasaksihan ko at sa nakita ko ay lubos parin akong nag papasalamat dahil tinulungan n'ya ako.

At buong akala ko talaga ay gagawin n'ya rin sa 'kin ang ginawa n'ya sa mga masasamang lalake na balak pa akong galawin.

Ngayon ay kasalukuyan akong nakahiga at pasado alas dos na ng madalimg araw pero hindi pa rin ako nakakatulog. Kapag ipinipikit ko ang mga mata ko ay ang lalakeng naka maskara ang nakikita ko at ang mga lalakeng nakahandusay.

Kahit naman sanay na ako makakita ng dugo ay hindi ko pa rin maiwasan ang matakot. To be honest hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako dahil hindi pa rin mawala ang takot na nararamdaman ko.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang marinig ko ang pag langitngit ng gate sa labas. Halos bumilis ang tibok ng puso ko dahil ngayon ko lang naalala na hindi ko pala na lock ang gate sa labas!

Kahit natatakot ay napabangon ako at nang maka alis ako sa kama ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa bintana na nasa gilid lang ng kama ko. Nang makarating ako sa bintana ay dahan-dahan kong hinawi ang kurtina.

At ganu'n nalang ang pamumutla ko at halos ma estatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa taong nakatayo sa labas ng gate.

Sh*t! Papaano n'yang nalaman na nandito ako?!

Wala pa rin pinag bago, may bahid pa rin ng dugo ang puting maskara na suot n'ya at wala pa rin s'yang pang itaas kaya litaw na litaw ang maganda nitong katawan.

'Nyeta aly! May mamamatay tao na nasa labas ng gate ng apartment mo nagawa mo pang i describe ang lalakeng 'yan!' Sabat ng isip ko.

Maliwanag doon sa labas dahil lagi kong iniiwan na bukas ang ilaw doon kapag tuwing gabi. At dahil sa liwanag ay kitang-kita ko ang nakaka attract nitong katawan. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapalunok.

'Shuta aly itigil ang kalandian!'

Napa iwas nalang ako ng tingin sa katawan n'ya at nang mapadako ang tingin ko sa mukha n'ya ay halos manlaki ang mga mata ko at bumalik kanina ang takot ang nararamdaman ko.

Nakatingin ito sa kinaroroonan ko at hindi ko magawang maigalaw ang katawan ko na parang napako ako sa kinatatayuan ko.

Nag simula ng manginig ang buong katawan ko dahil unti-unti n'yang pinasok ang malaki n'yang kamay at braso sa loob ng gate. Pero ganu'n nalang ang pagtataka ko dahil buong akala ko ay tuluyan n'ya ng bubuksan ang gate pero mali ako. Pinanliitan ko s'ya ng mata dahil may kung ano itong hawak at nang makita ko kung ano ito ay hindi ko mapigilan ang magula dahil ang hawak n'ya ay padlock na mukhang kinuha n'ya sa gilid ng gate.

At mas lalo kong ikinagulat dahil sa ginawa n'ya dahil s'ya na mismo ang nag lock ng gate at nang matapos n'yang ilock 'to ay may kung ano pa s'yang inilagay sa mail box bago s'ya tumingin saakin. Tumagal ng ilang segundo ang pag tingin n'ya bago na s'ya tuluyan tumalikod at umalis.

Hindi ko mapigilan ang makahinga ng maluwag dahil akala ko katapusan ko na at pansin ko na wala s'yang hawak na kutsilyo na ginamit n'ya kanina sa pag patay sa mga masasamang lalake.

Muling bumalik sa isip ko kung ano ang inihulog n'ya sa mail box na nasa gate. Hindi ko mapigilan ang ma curious.

Mariin nalang akong napa pikit at na pa iling dahil hindi ako puwedeng lumabas ng basta-basta lang. Malay ko bang patibong 'yun? At kung lalabas ako para tingnan 'yun ay baka bumalik s'ya at saksakin nalang ako bigla! edi namatay ang magandang ako?

'Bukas ko nalang siguro titingnan 'yun'

Naglakad nalang ako papunta sa kama at nang makahiga ako ay agad ko ng ipinikit ang mga mata ko. Maaga pa pala ako gigising dahil kailangan ko pang mag impake. Hindi ko pa pala nasasabi na kapag pumerma ako sa kontrata ay kailangan kong mag stay sa canvell house sa kung saan doon nakatira ang animal.

Sana naman hindi ako atakihin ng malandi kong hormones! Nag iiba kase ang mood ko kapag nakikita ko s'ya! At kahit hindi ko aminin ay sobra talaga gwapo ng animal! 'yung tipong makalaglag panty kung titingin ka sa kaniya. Matangkad at malaki ang katawan n'ya na kasing tulad ng katawan ni mask guy. At 'Big boy' kung tatawagin.

'Ay wait! Bakit ko nga ba sila pinag kukumpara?'

Inihilig ko nalang ang ulo at muli ko nalang ipinikit ang mga mata ko dahil kailangan ko na talagang matulog.

Maaga palang ay nagising na ako dahil sa alarm at nang mapatingin ako sa bintana ay hindi pa maliwanag sa labas pero ito ako gising na at kulang pa sa tulog.

Agad nalang akong tumayo at mabilis na pumanhik sa bathroom. Ilang minuto lang amg itinagal ko sa loob ng bathroom dahil sobrang lamig ng tubig. At ngayon ay kasalukuyan kong pinapatayo ang buhok ko habang nag hahanap ng maisusuot ko. S'yempre kailangan kong maging mukhang presintable sa paningin ng animal. Hindi sa nag papaganda ako, ayoko lang talaga na mag mukha akong dugyot.

Nang makahanap ako ng maisusuot ay agad ko na itong isinuot at humarap sa body mirror.

"Hala sino ang magandang dilag na 'yan!" Parang baliw na sabi ko habang nakaturo pa talaga sa repleksyon ko sa salamin.

Napatampal nalang ako sa noo at napa iling nalang. Agad pumasok sa isip ko ang mail box! Mabilis akong napadilat at agad na naglakad palabas ng apartment.

At nang makalabas ako ay patakbo akong naglakad papunta sa gate ng hindi iniinda ang malamig na hangin.

Nang makarating ako ay agad kong binuksan ang mail box at tiningnan ang laman niyon. At ganun nalang ang pag kunot ng noo ko nang makita ko ang loob ng mail box. Isang papel. Nang kunin ko ito ay hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan.

Dahan-dahan kong binuklat ang papel na hawak ko at nang maibuklat ko iti ay halos manlaki ang mga mata ko at nabitawan ko pa ang papel na hawak ko.

Nanginginig akong napatingin sa labas ng gate, medyo madilim pa kaya wala pang gaanong katao na dumadaan. Napa balik ulit ang tingin ko sa papel na nasa lapag.

'See you again my little kitten.' 'Yan ang nakasulat sa papel at ang pinang gamit n'ya pang pansulat ay dugo ng mga lalakeng pinatay n'ya.

Mabilis ko nalang pinulot ang papel at patakbong bumalik sa loob ng apartment.

Katatapos ko lang mag impake at saktong dumating na ang sundo ko na mag dadala saakin sa canvell house. Mabilis na akong lumabas ng apartment habang hila-hila ang maletang hawak ko.

At talagang sosyal talaga ang animal sa Limousine pa talaga ako pasasakayin. At may napansin akong lalake na medyo may edad na nakatayo sa harap ng limousine na halatang hinihintay ako.

Nag simula ulit akong nag lakad at nang makarating ako sa gate ay agad n'ya akong bintana.

"Good morning too, sir." Magalang na sabi ko. Tinanguan n'ya lang ako at pinabuksan ng pinto. Nag pasalamat muna ako bago ako pumasok sa loob.

Nang makapasok s'ya ay agad n'ya ng pinaandar ang limousine na sinasakyan ko.

Napasandal nalang ako at hindi ko mapigilan ang ipikit ang mga mata ko dahil bigla akong nakaramdam ng antok. Hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok.

NANG maimulat ko ang mga mata ko ay mabilis akong napabalilwas ng bangon dahil wala na ako sa loob ng limousine at nasa loob ako ng hindi pamilyar na silid.

Nang tingnan ko ang paligid ay pansin ko ang mga gamit na nandito sa loob na mukhang bago at mamahalin. Nang dumako ang paningin ko sa gilid ng malaking kama na hinihigaan ko ay nakita ko ang maleta ko do'n.

Hindi ko mapigilan ang mag taka. Sino kayang nag buhat saakin papunta dito sa maganda at malawak na silid?

Agad akong umalis sa kinahihigaan ko at agad na naglakad papunta sa pinto na medyo may kalayuan sa kinaroroonan ko. Nang makalapit ako sa pinto ay agad ko itong binuksan at agad na bumungad saakin ang isang pinto na kaharap lang ng pinto na kinaroroonan ko.

Nang mapatingin ako sa kanan at sa kaliwa ay halos manlaki ang mga mata ko at napag tanto ko na mukhang nandito na ako sa loob ng canvell house.

Humakbang na ako papalabas at nang mapatingin ako sa hallway ay ganu'n nalang ang pag kunot ng noo ko dahil wala na akong nakitang pinto, bukod sa pintong nasa harapan ko at nasa likod ko.

Nang tumingin ako sa kaliwa ay wala rin akong nakitang pinto, puro mga paintings ang mga nakikita ko na naka sabit sa wall. May mga malalaking vase pa akong nakikita na halatang mamahalin.

Agad nalang ako naglakad papunta sa pinto na nasa harapan ko. Nang makalapit ako ay dahan-dahan ko itong binuksan dahil na ku-curious ako kung ano ang nasa loob.

Nang tuluyan ko ng mabuksan ang pinto ay halos matuod ako sa kinatatayuan ko at nanlalaki ang mga mata ko sa bumungad saakin.

Nakatalikod ito saakin at naka topless. At mukhang katatapos lang maligo ng animal. Pero ganu'n nalang ang gulat ko nang humarap ito saakin at kasabay niyon ang pag hulog ng towel na nasa bewang n'ya at ngayon ay kitang-kita ko amg napakagandang view!

Nang mapatingin ako sa katawan nito na may 8 packs abs at nakadagdag pa sa pagiging hot n'ya ang mga butil ng tubig na tumutulo papunta sa abs n'ya! Sh*t bakit ang sar—ehem!

'Aly please sumapain nawa ang iyong kaluluwa! '

Nang bumaba ang tingin ko sa katawan n'ya ay ganu'n nalang amg panlalaki ng mga mata ko dahil sa brief na suot n'ya na kulay gold at mas lalo akong namula dahil may mahaba at malaking nakabakat do'n!

Omy! Titikman!

Muntik na akong mapatalon sa gulat ahil sa malamig at galit n'yang sigaw.

"YOU! GET OUT!"

"Ayyy titikman!" Mabilis akong napatakip sa bibig dahil sa lumabas sa bibig ko at nang mapatingin ako sa kaniya ay ganu'n nalang ang gulat ko dahil may hawak na itong baril na nakatutok saakin habang masamang nakatingin sa 'kin.

'Opss! I'm dead!'

Note: kung sakaling may typo po ako or kung may mga mali man akong words kindly correct me po.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play