THE BILLIONAIRE'S CHASING ME!
Kabanata 02
—
THIRD PERSON'S POV
Hindi mapigilan kabahan ng isang lalake habang naglalakad sa mahaba at may ka dilimang pasilyo.
'F*ck this is not good!' Sa isip-isip n'ya.
Nang makarating s'ya sa pinaka dulo ng pasilyo ay dahan-dahan s'yang kumatok sa malaking pinto.
"Come in!" Isang nakakatakot na boses ang narinig n'ya mula sa loob. Hindi n'ya mapigilan ang mapalunok.
Nang dahan-dahan n'yang pihitin ang door knob ay agad na tumambad sa kaniya ang madilim na silid.
Hindi n'ya mapigilan ang manginig dahil ramdam n'yang may dalawang matang nakatingin sa kaniya.
"Spill it."
"S-sir, h-he's still alive." Nauutal na sabi nito.
Hindi n'ya mapigilan ang makaramdam ng kaba at takot dahil ramdam na ramdam n'ya ang pag babago ng atmosphere sa loob ng silid.
Wala s'yang narinig na tugon galing sa taong 'yon. Kaya't ipinag patuloy n'ya ang mga nakalap n'yang impormasyon na nakuha n'ya.
Isinalawat n'ya lahat-lahat ng mga nakita n'ya kanina sa loob ng montero hospital ang mga kaganapan do'n.
Nang matapos n'yang sabihin lahat-lahat ay hindi parin mawala-wala ang kabang nararamdaman n'ya.
"Find that f*cking doctor!"
"M-masusunod po.
"Leave." Walang salita s'yang naglakad papalabas sa silid. Peri bago s'ya makalabas ay narinig pa n'ya ang sinabi nito.
"And if you find that doctor, k*ll whoever he/she is." Seryoso at maotoridad na utos nito.
"M-masusunod po."
ALY'S POV
Hinihingal akong napahawak sa mag kabilang tuhod ko at napasapo nalang sa noo.
"Bruha ka bakit ba tayo tumakbo?" Nag tatakang tanong nitong si cin. Hinihingal rin s'ya tulad ko.
"At isa pa, sayang naman! Ang hot at handsome niyong lalake na mukhang pupunta sa 'tin kanina. Jusq ka nasa atin na ang grasya e!" Dismiyadong turan nito na ikinataas ko ng kilay.
"Disgrasya! hindi grasya!" Pag tatama ko. Inismiran n'ya lang ako.
"Bakit nga pala tayo hinahabol niyong mga lalake kanina? Nakakatakot sila!" Takang sabi niya. Muli s'yang lumingon saakin.
Nag kibit balikat lang ako. Hindi ko naman puwedeng sabihin na nakipag bardagulan ako sa lalakeng 'yun!
"Ano may saltik lang te? Hinatak mo 'ko at tumakbo ng walang dahilan?!" Napa irap nalang ako dahil sa pag rereklamo n'ya.
Inilibot ko nalang ang paningin ko at mukhang nasa E.R kami. Hindi ko alam na dito na pala kami idinala ng mga paa namin.
Parehas kaming napalingon sa pinto nang makarinig kami ng mga yapak at mga boses.
Nag ka tinginan kaming dalawa ni cin at dahan-dahan s'yang naglakad papunta sa pinto upang silipin kung sino ang mga 'yun.
Nang makasilip s'ya ay mabilis n'yang isinarado ang pinto at agad na lumingon saakin.
"Aly 'yung mga lalakeng humahabol saatin kanina! Nandito sila at iniisa-isa nila ang bawat room na nadadaanan nila!" Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya.
"We need to hide!" Mabilis s'yang tumango at sabay kaming naglakad sa pinaka dulong bahagi.
Mabilis kong hinawi ang kurtina at agad na nag tago sa ilalim ng hospital bed. Nang mapatingin ako kay cin ay nakatago din s'ya sa ilalim ng kama.
Mag kaharap lang kami kaya kitang-kita namin ang isa't isa. Bawat kama ay may mga harang na kurtina at hindi malabong iisa-isahin rin nila 'to.
Sabay kaming napatakip ng bibig ni cin nang marinig namin ang pagbukas ng pinto.
Sinenyasan ko s'ya na manahimik at huwag mag balak gumawa ng ingay.
Kahit hindi ko kilala ang lalakeng 'yun ay alam kong mapanganib s'ya at nag sisisi tuloy ako kung bakit ko s'ya pinatulan at nakipag away sa kaniya!
'Kainis!'
Nakita ko ang mga pares ng mga sapatos na naglakad papunta sa bawat kwarto dito sa emergency room.
At tama nga ang hinala ko dahil inisa-isa nila bawat kwarto na tanging harang lang sa pagitan ng kwarto ay kurtina.
At nasa pinaka dulo kami pumwesto ni cin.
Maya-maya lang ay nanlaki ang mga mata ko dahil may pares ng sapatos na nasa harapan ko ngayon.
Napakagat nalang ako sa labi at halos hindi na ako huminga dahil sa kaba na baka makita ako.
Nakahinga nalang ako ng maluwag dahil naglakad na ito paalis.
"No one here!" Rinig ko pang sabi nito.
Parehas kaming nakahinga ng maluwag ni cin nang sabay-sabay na silang umalis papalabas dito sa silid.
Nang masigurado namin na wala na talaga sila ay agad na kami lumabas sa pinag tataguan namin.
"Bruha ka! Pati ako kinakabahansa 'yo! Dinamay mo pa talaga ako!" Sabi nito nang makalapit s'ya saakin. Sabay naming narinig ang pag ring ng phone.
At mukhang cellphone ni cin ang nag ri-ring.
Nang makuha n'ya ang phone n'ya sa bulsa ng pantalon n'ya ay halos manlaki ang mga mata n'ya.
"Gosh! Mukhang hinahanap na ako ng boss ko, I need to go aly!" Agad s'yang naglakad papalabas.
Napatampal nalang ako sa noo dahil nawala ata sa isip n'ya na baka makita s'ya ng mga armadong lalake na humahabol saamin.
Mabilis nalang ako nag lakad papalabas at nang makalabas ako ay halos kakaunti lang ang mga tao dito.
Muli akong nag simulang naglakad papuntang elevator.
Nang makarating ako doon ay agad na bumukas ang elevator na nasa harapan ko at agad kong nakita ang taong nasa loob ng elevator.
Naka itim na jacket ito at may suot-suot na itim na sumbrelo at hindi ko makita ang mukha nito dahil nakayuko ito
Agad naman akong gumilid nang makita kong naglakad s'ya papalabas.
Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa taong 'yun?
Napa iling nalang ako at agad na pumasok sa loob. Pero ganu'n nalang ang gulat ko at mabilis na tumalikod upang hindi makita ang mukha ko ng mga armadong lalake na humahabol saamin kanina.
'Gosh!'
Naramdaman kong napatingin sila sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapa pikit.
Sana hindi nila ako makilala! Sana hindi! Huhuhu!
"Miss are you okay?" Tanong pa ng isa saakin.
"Ah hehehe o-oo naman," mabilis na sagot ko na hindi humaharap sa kanila.
Naramdaman ko pa ang pag titig nito saakin hanggang sa marinig ko ang pag tunog ng elevator.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang nakalabas na sila.
Agad na akong humarap at mabilis na naglakad papunta sa bottom at agad na pinindot ang 2nd floor.
Umayos na ako ng tayo at nang bumukas ang elevator ay halos manlaki ang mga mata ko dahil sa lalakeng ayoko ng makita pa na nakatayo sa labas ng elevator.
Nataguan at nalagpasan ko nga ang mga alipores n'ya, pero s'ya! Ahh!
Nang makita ako nito ay otomatikong sumama ang tingin nito saakin na ikinalunok ko ng laway.
"Hehehe h-hello?" Hindi parin nag bago ang ekspresyon nito, masama parin ang tingin n'ya saakin.
'I'm dead!'
Ganu'n nalang ang pag kagulat ko dahil sa biglaang pag pasok n'ya dito sa loob ng elevator at mabilis n'ya akong hinila papalabas ng elevator.
"P*nyeta ano ba?!" Inis na sabi ko at parang nawala ata ang kaba at takot ko dahil nagawa ko pa s'yang sigawan.
"You shouted me again, lady!" Malamig na sabi nito habang hawak-hawak nito ang pala pulsuhan ko.
Seryoso ang mukha nito habang nakatitig saakin.
"L-let me go!" Pinipilit kong kumawala sa pag kakahawak n'ya pero dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak n'ya saakin ay hindi ko magawang makawala.
"Now that I've found you, you must pay for everything you have done to me." Hala! Seryoso ba s'ya sa sinasabi n'ya?!
Agad akong naka isip ng paraan para makawala sa pag kakahawak n'ya.
Kaagad kong kinagat ang kamay n'ya na nakahawak saakin dahilan para mabitawan n'ya ako.
Hindi pa s'ya nakakabawi nang sipain ko ang kinabukasan n'ya.
"D*mn f*ck!"
"Para 'yan sa paghila at pag hawak mo saakin, you deserve it babush!" Mabilis akong tumalikod at kumaripas na ng takbo.
Nang makalayo na ako ay agad akong nag tungo sa cr. Nang makarating ako sa cr ay halos ako lang ang tao na nandito. Mabilis nalang akong nag tungo sa pinaka dulong cubicle.
Nang buksan ko ito ay halos mapasigaw ako dahil sa bumungad saakin.
Napatakip pa ako sa bibig ng makilala ko kung sino 'to, si doctora rose! Dilat na dilat ang mga mata nito habang may tama ng bala sa noo na patuloy parin ang pag agos ng dugo.
'Who did this to her?! '
—
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 13 Episodes
Comments