THE BILLIONAIRE'S CHASING ME!
Kabanata 03: be my personal doctor.
—
ALY'S POV
Hanggang ngayon ay hindi parin mawala-wala ang trauma ko. Kagabi ay maraming mga police ang na pumunta upang alamin kung ano ang nangyari.
Nang ma-check nila ang cctv footage ay halos matakot ako dahil ang lalakeng nakita ko sa elevator kagabi ay s'ya ang gumawa niyon kay doctora rose.
Kitang-kita ng mga mata ko ang pag hatak n'ya kay doctora rose papunta sa cr na kung saan ako pumasok kagabi at maya-maya lang ay nag mamadali itong lumabas na walang nakakapansin sa kaniya.
At hindi nga mali ang kutob ko una palang may mali na sa kaniya. Hindi ko tuloy mapigilan manginig dahil paano nalang kung sa akin n'ya 'yun ginawa.
Kaya ngayon ay mas dumoble na ang sekuridad dito sa loob ng montero ospital dahil sa nangyari kagabi.
Ang pinagtataka ko lang ay bakit n'ya pinatay si doctora rose? Anong nagawa ni doctora rose para patayin n'ya? Ang daming katanungan sa isip ko. At isa pa sa iniisip ko na paano kung ang lalakeng 'yun ay tauhan ng lalakeng ayoko ng makita pa?
Hindi imposible dahil mukhang kayang-kaya n'yang mag utos sa mga tauhan n'ya para patayin ang mga taona nag babalak na kalabanin s'ya.
Tila may namuo sa isipan ko at napatayo nalang ako sa kina-uupuan ko.
Naalala ko na nakipag palitan ako kay doctora rose mg pasyente, posible kay—
Napatingin ako sa pinto ng office ko nang marinig ko ang katok doon.
"Come in!" Sabi ko at mabilis na umayos ng upo at nag kunwaring may binabasa sa papeles na nasa ibabaw ng lamesa ko.
"Doc. Aly pinapatawag po kayo ni director J." Mabilis akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi n'ya.
"Susunod ako." Tumango naman ito at mabilis na lumabas sa office. Bakit kaya ako pinapatawag? Dahil ba kagabi?
Tumayo nalang ako at agad na naglakad papalabas sa office. Nang makalabas ako ay agad na akong naglakad papuntang elevator.
Nasa last floor ang office ng director at nasa 2nd floor naman ang office ko.
Malaki ang montero hospital at sa katunayan nga ay hindi ko pa nakikilala at nakikita ang may ari ng hospital na ito at tanging si director J palang ang nakita ko.
Mabilis lang akong nakarating sa elevator. May mga nakasabay pa ako sa pag pasok sa elevator at binati ako, na binati ko rin pabalik.
"Who is that very handsome man that the director is talking to?"
"I don't know either, but do you know there is talk about that man who might be the owner of this hospital."
"Omy! Totoo ba?" Hindi ko nalang pinansin ang pag chichismisan ng dalawang babaeng nurse na nasa harap ko.
When the elevator opened, I immediately got out. Nang makalabas ako ay dali-dali na akong naglakad papunta sa office ng director. And when I arrived, I immediately knocked.
When I heard his voice inside, I slowly opened the door, and director J immediately appeared to me, sitting in the swivel chair, and his attention was focused on the paper he was holding.
Nang isarado ko ang pinto ay tsaka s'ya lumingon saakin. Nginitian naman ako nito. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti dahil nakakaakit ang ngiti niya.
"Have a sit." Umupo naman ako sa sofa na katapat n'ya.
"Ahm b-bakit n'yo po pala ako pinapatawag?" Tanong ko na hindi mawawala ang pag galang sa kaniya.
"That's why I'm calling you because I have something important to tell you." Hindi ko naman mapigilan ang mag taka. Umayos na ako ng upo at diretsyong napatingin sa kaniya.
"Someone wants you to be his personal doctor," he said and immediately handed me the brown envelope.
Agad naman akong tumayo sa pag kakaupo at lumapit sa kaniya upang kunin ang inaabot n'ya.
Nang makuha ko ito ay nag tataka akong napatingin sa kaniya. Sino naman ang taong gusto ako maging personal doctor n'ya?
"Open it," utos n'ya saakin na agad ko namang sinunod. Nang buksan ko ito ay agad kong kinuha ang laman ng brown envelope.
At unang basa ko palang ay agad na pa kunot ang noo ko.
"Sawyer canvell?" Takang basa ko at agad na lumingon kay director j.
"Sino po si sawy—"
"It's me." Pag singit ng isang malamig na boses na pamilyar saakin.
Nang mapalingon ako sa likod ko ay halos manlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sa kaniya. Naka business attire ito na mas lalo n'yang kinagwapo!
Napamulsa itong nakatayo malapit sa pinto at hindi ko manlang narinig ang pagbukas ng pinto at napansin ang presensya n'ya!
"Ikaw? Ikaw si Sawyer canvell?!" Gulat na tanong ko. Seryoso at malamig lang itong nakatingin saakin.
"Why? is there a problem?"
Mabilis akong napatingin kay director j.
"I'm really sorry direct, hindi po ako papayag na maging personal doctor n'ya." Magalang na sabi ko.
"Why don't you read the contract document first? And maybe you'll change your mind." Hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga at agad na binasa ang kontrata na hawak ko.
Nang mabasa ko 'to ay halos magulat ako dahil sobrang laki ng sweldo kung magiging personal doctor ako ng animal.
Like nag bibiro ba s'ya 100,000 kada month! Ganu'n na ba talaga s'ya kayaman?! Sh*t sinong taong tatanggi dito?! Sobrang laki na ng opportunity nito!
Agad akong lumingon kay direct nang marinig ko ang pag tikhim nito. Naramdaman ko pa ang malamig na titig ng taong nasa likuran ko.
"Sorry po direct Hindi parin po ako papayag, marami pa naman po d'yan kaya mag hanap nalang po kayo." Magalang na pag tanggi ko.
Isa sa dahilan kaya bakit ako tumanggi dahil baka s'ya ang nag papatay kay doctora rose, at isa pa hindi pa s'ya nakakaganti saakin kaya baka ito ang gawin n'yang pagkakataon na maghigante kung sakaling pumayag ako at hindi malabong may gawin s'ya masama saakin o baka patayin n'ya rin ako?!
Nang lumingon ako sa animal ay malamig parin itong nakatingin saakin at hindi ko mapigilan ang mapairap sa kaniya.
"Mawalang galang na po, aalis na po ako." Agad na akong naglakad papalabas sa office at hindi na ako tumingin kay sawyer na animal na hanggang ngayon ay hindi parin inaalis ang tingin n'ya saakin.
Nang tuluyan na akong makalabas ay agad nakahinga ako ng maluwag.
—
Kinagabihan ay kakatapos ko lang mag check ng mga temperature ng mga pasyente ko at ngayon ay naglalakad ako papuntang cr.
Napatigil nalang ako sa paglalakad nang makita ko ang animal na mukhang hindi pa naalis dito sa hospital. Nang makita ako nito ay nakita ko ang pag sama ng tingin n'ya saakin.
Kumaway naman ako sa kaniya at pag katapos ay tumalikod at tumakbo ng mabilis. Narinig ko pa ang galit na sigaw nito na parang may malaki talaga akong nagawang kasalanan sa kaniya!
Nang lumingon ako sa likuran ko ay halos manlaki ang mga mata ko dahil may mga armadong lalake na humahabol sa akin na hindi ko alam kung saan sila nang galing na bigla nalang sumulpot!
Halos pinag titinginan na kami ng mga tao dito sa hallway at nakakahiya dahil parang hindi ako doctor!
At dahil sa pagmamadali na makatakas sa mga alipores ng animal. Mabilis akong pumasok sa isang pinto na nakabukas at doon nag tago at sinarado ko pa talaga ang pinto para hindi ako makita.
Pero agad akong napatigil dahil sa mga boses na narinig ko dito sa loob
"T*ng na may babae!"
"Miss what are you doing here?!"
Nang humarap ako sa harapan ko ay halos manlaki ang mga mata ko at natuod nalang ako sa kinatatayuan ko at sa dinami-daming puwedeng pasukan bakit sa cr pa ng mga lalake!
"AHH! MAY MGA HOTDOG!"
—
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 13 Episodes
Comments