Paalis na sana ako, nang mapatigil ako dahil sa sinabi n'ya, rinig na rinig ko ang boses n'ya kahit nasa labas na ako dahil naka mic s'ya.
"Will you merry me?" Halos mabingi ako dahil sa hiyawan ng mga tao na nandito.
Dahan-dahan akong napalingo at nakita kong napatakip ng bibig ang babae at unti-unting tumango at muling nag lapat ang kanilang labi.
And that's when my heart broke. Siguro imposible talaga ang gusto kong mangyari. I'm such a coward
Sobrang kong pinag sisisihan ang naging desisyon ko noon, naging duwag ako! Kung di ko lang sinunod ang kasunduan namin ay hindi sana 'to mangyayari!
We would have been happy together.
Before I could leave, I saw him turn to the guests until our eyes met.
Malungkot akong nakatingin sa kaniya at mapait nalang napangiti at dahan-dahan ng tumalikod paalis, hindi ko na kaya.
Nakatulala lang ako habang naglalakad papunta sa kotse ko. Nang makarating ako ay agad ko muna pinunasan ang mga luha ko bago ako pumasok sa loob at agad na pinaandar.
Nang mapatingin ako sa side mirror ay hindi ko in-expect na lumabas s'ya para habulin ako.
Siguro nga dapat tanggapin ko nalang ang masakit na realidad.
Ilang minuto lang ay nandito na ako sa tapat ng bahay namin, pagkababa ko palang sa kotse ay saktong nakita kong papalabas si kuya
At nang makita n'ya ako ay agad nag iba ang timpla ng mukha n'ya.
Akmang babalik s'ya sa loob nang pigilan ko s'ya. Mabilis kong nahawakn ang kamay n'ya, na mabilis naman n'yang iwinaksi.
"Hindi ba't sinabihan na k—" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin n'ya namg bigla ko nalang s'yang mahigpit na niyakap.
"Kuya!" Umiiyak na pag tawag ko sa kaniya habang nakayakap sa kaniya. Alam kong nagulat s'ya sa pagyakap ko bigla. Naramdaman kong nanlaban s'ya kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sa kaniya
"K-kuya kahit ngayon lang mayakap kita. S-sorry, patawarin n'yo ko nila mama at papa, napaka duwag ko kuya, n-ni hindi ko sinabi sainyo ang totoong nangyari saakin kung bakit b-bigla nalang ako n-nawala..."
"K-kahit ngayon lang....h-hayaan mo 'ko magpaliwanag at pag tapos nito h-hindi na ako m-mag papakita."
"Naalala mo ba kuya nu'ng araw ng birthday mo? 'Yun 'yung araw na excited ako dahil alam kong magiging masaya at magugustuhan mo ang regalo ko. Pero 'yun din pala ang araw na masisira ang pagkatao ko." Kahit ayoko ng maalala ang gabing 'yun ay nagpatuloy parin ako sa pag sasalita.
"K-kuya na r*pe ako nu'ng gabing pauwi na ako galing school. Na r-rape at ng malaman kong n-nabuntis ako, s-sobra akong natakot na baka h-hindi n'yo ko tanggapin. K-kuya p-patawarin n'yo ko. At dahil saakin kaya nawala sila mama at papa. O-okay lang saakin na kakalimutan mo 'ko bilang nakababatang kaptid mo, b-basta mapatawad mo lang ako."
"A-and happy birthday kuya!" Sabi ko at agad na bumitaw sa yakap at agad kong kinuha ang kamay n'ya at nakangiti kong inilapag sa palad n'ya ang regalo ko, ang matagal ko na dapat ibigay sa kaniya.
"This is my gift, and I hope you like it kuya." Nakatulala lang s'ya habang nakatingin sa'kin.
"Alam kong gustong-gusto mo magkaroon ng motor at ito na n-natupad ko na ang gusto mo." Nakangiti kong sabi. Tinignan n'ya lang ang inilagay ko sa palad n'ya bago s'ya muling tumingin saakin.
Ilang minuto lang kami nakatayo at mukhang wala s'yang balak mag salita kaya napag pasyahan ko ng umalis.
Nang tumalikod ako ay muling nag simulang pumatak ang aking mga luha.
Hanggang sa makapasok ako sa kotse. Nang mapatingin ako kay kuya ay nakita ko ang luha sa kaniyang mga mata.
Umiwas nalang ako ng tingin at agad na magsimulang paandarin ang sasakyan.
Nang makalayo ako ay agad kong hininto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Napahampas nalang ako sa manabela at napahagulhol nalang
"AHHH!!!!" sigaw ko, gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman at hinanakit ko.
Kahit ngayon lang! Napapagod na ako.
Sila ang dahilan kaya ko pinatuloy ang mabuhay. Nu'ng araw na gustong-gusto ko ng mawala sa mundo, pero kapag tuwing iniisip ko ang mga taong malapit saakin ay hindi ko na tinutuloy ang binabalak ko.
Pero dahil nawala na sila saakin ay wala narin halaga ang buhay na meron ako.
Ang taong mahal ko ay masaya na sa iba at mukhang magkakaroon pa s'ya ng masayang pamilya kasama ang babaeng pakakasalan n'ya.
Nawala rin ang mga magulang ko dahil saakin. Pati ang kaibigan ko ay nawalan ng pangarap ng dahil saakin.
While me mag isa na naman ako.
"BAKIT NAPAKADAYA NG MUNDO!" sigaw ko sa loob.
"HINDI KO 'TO GINUSTO! AYOKO NITO! PATI KASIYAHAN KO PINAGKAIT SAAKIN!"
"AHHHHH!!!!!!"
Nang matapos akong umiyak ay agad kong pinaandar ng mabilis ang sasakyan ko.
Magiging masaya lang siguro ako kapag tinapos ko ang buhay ko.
Napangiti ako sa naisip ko. Mas lalo komg binilisan ang pagtakbo ng sasakyan hanggang sa may truck na dumaan sa harapan ko.
*biffffffffff*
*bogshhh!
Liwanag! 'Yan ang nakikita ko.
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
"Mon! Mon! Mon! H'wag mo ipipikit ang mga mata mo! Mon andito na si kuya. Mon h-hindi ko kayang kalimutan ka, k-kaya hindi ako makakapayag na pati ikaw ay mawala saakin." Boses ni kuya ang pangalawang narinig ko.
Hanggang sa mag adjust ang paningin ko at nakita ko si kuya na pinipilit akong gisingin.
Hindi ko alam kung saan pa ako nakakuha ng lakas para maingat ko ang kanang kamay ko. Nang maabot ko ang kaniyang mukha ay dahan-dahan kong pinunasan ang kaniyang mga luha at nginitian s'ya.
Naramdaman ko na parang kinakapos na ako ng paghinga. Ramdam ko rin ang pagbagal ng tibok ng aking puso hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments