chapter 2

Matamlay akong bumaba sa kotse ko at napatingin sa bahay namin.

Simula kanina ay hindi ako pumunta sa bahay namin. Kinakabahan at natatakot ako sa mangyayari kung sakaling mag pa kita ako sa kanila. Alam kong sobrang laki ng kasalanan na nagawa ko. Marami akong iniwang tao dito at isa na ang pamilya ko.

Natakot ako nu'ng araw na 'yun, natakot ako na sabihin sa kanila na nabuntis ako. Napaka duwag ko.

Napahinga ako ng malalim at buo na ang desisyon ko na magpakita sa kanila at handa 'ko marinig kung anuman ang sasabihin nila sa'kin.

Dahan-dahan akng humakbang sa gate namin at ng makita kong bukas ang gate namin ay walang pag aalinlangan kong binuksan ang gate namin.

Nang makapasok ako ay naglakad ako papunta sa pinto ng bahay namin. Wala parin pinagbago. Nang nasa harap na ako ng pinto ay akma na sana akong kakatok nang biglang bumukas ito at agad na bumungad saakin si kuya.

Nagulat ito ng makita ako, pero ganun nalang ang gulat ko sa biglang sinabi n'ya.

"Ang kapal ng mukha mo para magpakita at bumalik pa rito." Seryosong sabi nito.

"K-kuya sorry p-patawarin n'yo 'ko."

"Don't call me kuya, dahil wala akong kapatid na tulad mo!" Sigaw n'ya pag mumukha ko. Amoy alak s'ya at mukhang nakainom s'ya

"K-kuya lasing kalang, please sa loob tayo mag usap at A-asan sila mom and dad?" Nagtaka ako ng mas lalong naging seryoso ang mukha n'ya at nakita ko sa mga mata n'ya ang halo-halong emosyon.

"K-kuya?" Nakaharang parin s'ya sa pinto at seryoso parin ang mukha n'ya at ganun nalang ang pag ka bigla ko nang mag silandasan ang kaniyang luha.

"Dahil sa'yo namatay ang mga magulang natin! Kung hindi lang nila sinundan ka, pagkatapos nilang malaman na nasa ibang bansa ka ay hindi sana mangyayari ang trahedyang 'yun!"

Umiling-iling ako sa kaniya. "Kuya b-bawiin n'yo ang sinabi n'yo, h'wag kayo magbibiro ng ganinyan, please."

Sinamaan n'ya ako ng tingin.

"Ayoko na makita ang pagmumukha mo, simula ng mamatay sila ay kinalimutan ko na mayroon akong kapatid, kinalimutan na kita. At hindi ka tanggap sa pamilyang ito! Isa kang malas!" Halos madurog ako dahil sa sinabi n'ya, hinila n'ya ako papalabas ng bahay at nang mailabas n'ya ako ay agad n'yang nilock ang gate

"Kuya! Buksan mo 'to please!" Sigaw ko kay kuya na naglalakad papasok sa bahay.

"Kuya naman eh! Please kuya mag usap tayo!" Sigaw ko pero hindi n'ya ako nilingon.

"Kuya!" Napa upo nalang ako sa harap ng gate at do'n napahagulhol.

"K-kuya." Napapikit nalang ako at mas lalo pa akong naiyak dahil sa sinabi n'ya about kila mom and dad.

Hindi ko alam kung anong oras na akong nakaupo at umiiyak sa harap ng gate namin. Nang mahimasmasan ako ay dahan-dahan akong tumayo at mapait na napangiti habang nakatingin sa bahay namin.

Malungkot akong nakatingin doon at napag pasyahan na umalis. Siguro bukas nalang ako babalik.

Nang makasakay ako sa kotse ko ay agad ko itong pinaandar.

May isa pa akong dapat puntahan.

Isa rin s'ya sa iniwan ko... Ang nag iisa kong kaibigan. Nang makarating ako sa subdivision nila ay agad akong pinapasok ng guard dahil nakilala at naalala n'ya pa ako.

Nang makarating ako sa mismomg tapat ng bahay nila ay agad akong lumabas.

Nang lumingon ako sa gilid ko ay nanliit ang mga mata ko dahil napaka pamilyar saakin ang taong naka upo sa bench na nasa tabi ng poste.

Lumingon muna ako sa bahay nila bago ako naglakad papunta sa taong naka upo.

Nang makalapit ako sa kaniya at naiiyak akong napatingin sa kaniya dahil si kristal ito ang matalik kong kaibigan.

"Sino 'yan?" Tila para akong natuod sa aking kinatatayuan ng may kinuha s'yang baston. Nang lumingon ito sa gilid kung nasaan ako ay do'n na ako tuluyan napatakip ng bibig dahil napansin ko na diretsyo lang ang tingin n'ya.

"K-kristal." Kumunot ang noo nito.

"Sino ka? Bakit mo alam ang pangalan ko?" Mas lalo akong napaiyak. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya, kung bakit naging bulag s'ya.

"Kristal a-ako 'to si monica." Pagkasabi ko nun ay wala akong narinig na boses galing sa kaniya. Ilang minuto s'yang natahimik hanggang sa tuluyan s'yang napaluha.

"Bumalik ka." Matamlay n'yang pagkakasabi. Akma sana akong lalapit pero mukhang naramdaman n'ya na lalapit ako sa kaniya.

"H'wag na h'wag mong balakin na lumapit saakin."

"K-kris." Naiiyak na pagtawag ko sa pangalan n'ya. "Kris p-patawarin mo 'ko, s-sorry kung iniwan kita, kung iniwan ko kayo."

"Hindi ko matatanggap ang sorry mo, monica. Nakikita mo ba 'to." Sabay turo sa kaniyang mga mata.

"Nabulag ako nang dahil sa 'yo."

"K-kasama ako sa na aksidente, na kasama rin ang mga magulang mo, at sa kabutihang palad buhay ako, nabuhay akong walang nakikita."

"Ang sakit-sakit kase 'yung pangarap na gusto ko pang matupad ay mukhang hanggang panaginip ko nalang talaga matutupad. N-nasira na ang buhay ko, nasira pa ang pangarap ko dahil sa'yo!" Umiiyak na sigaw n'ya.

Agad akong lumapit sa kaniya at agad s'yang niyakap nanlaban naman s'ya dahil sa pagyakap ko na mas lalo kong ikinaiyak.

"H'wag mo 'kong yakapin... N-napakadaya mo monica! Bumalik ka kung kailan hindi na ako nakakakita."

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play