"Lumayo ka sa anak ko!"
"T-tita." Nang lingunin ko si tita ay masama itong nakatingin saakin.
Agad itong lumapit kay kristal at inalalayan tumayo.
"Bakit ka pa nag pakita?! Bakit ka pa nagpakita sa anak ko!" Napayuko nalang ako.
"Tita p-patawarin n'yo po ako. K-kris patawarin mo 'ko." Wala akong nakuhamg tugon sa kaniya.
"Mom I want to rest," Turan nito kay tita.
Masama muna akong binalingan ng tingin ni tita bago sila naglakad at muli na naman ako naiwan mag isa.
Bakit ba hindi ko magawa-gawang ipaliwanag sa kanila ang totoo, bakit hindi nila ako hinahayaan magpaliwanag.
"M-masakit din ang dinanas ko, Sobrang h-hirap tanggapin. N-nasira din naman ang pagkatao ko, ang pagkababae ko." Mapait akong napangiti sa kawalan at muli na namang nag silandasan ang aking mga luha.
-
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa condo ko. Dahan-dahan akong napahiga sa kama habang may luhang nag sisilandasan, hanggang kailan ako magiging ganito.
Mag isa na naman ako. Walang karamay, walang masasandalan. Ayoko ng bumalik sa madilim na karahasan pero mukhang mananatili parin ako sa madilim na kung saan ako lang ang mag isa.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising, napangiti ako ng mapait sa salamin. Ngayong araw ay birthday n'ya.
Iniisip ko parin na mag babalikan kami, ibabalik ko 'yung dating pinagsamahan namin na kahit alam kong imposible.
Pumanhik na ako sa bathroom at ginawa ang morning routine. Tumagal ako ng isang oras dahil kakaisip kung anong p'wede kong ipang regalo sa kaniya.
Marami akong alam na favorite n'ya pero ang naisip ko ay gawan nalang s'ya ng favorite cake n'ya.
I wearing white blouse and jeans. At nang mapag tanto kong okay na ay agad na akong naglakad palabas ng condo.
May super market na malapit dito, so no need na para gamitin ko 'yung car ko.
Hindi naman mainit kaya hindi ko na kailangan mag payong.
Nang makarating ako sa super market ay agad na akong pumasok at kumuha ng cart.
Sa vegetables section muna ako dumiretsyo. Pagkatapos ko makakuha ng kailangan ko ay agad ko na hinanap ang mga ingredients sa cake.
Mabilis ko lang nahanap ang milk, baking soda, butter, salt, flour, creme at iba pa.
Ilang minuto lang ay naglakad na ako sa counter at buti nalang talaga ay hindi gaano kahaba ang pili at mabilis rin akong nakalabas sa supermarket bitbit ang mga pinamili ko.
Tulad kanina ay mabilis lang din ako nakarating sa condo.
Inilagay ko muna sa table ang mga pinimali ko at pumanhik sa bedroom para makapag bihis. Pagkatapos ko mag bihis ay dumiretsyo na ako sa mini kitchen bitbit ang mga pinamili ko.
Inilabas ko na ang mga ingridients sa pag gawa ng cake. Nag suot muna ako mg apron bago na ako mag simula.
Hindi ko pala nasabi sainyo na hilig ko mag bake.
Ilang oras akong nag tagal bago ako matapos. Nakangiti ako habang inilalagay ang mga chocolate bar sa ibabaw ng cake at sa bawat gilid.
Nang matapos na ay agad ko ng inilagay sa malaking brown na box. Nakangiti ako habang inilalagay ang chocolate cake na gawa ko sa color brown na box.
Sana magustuhan n'ya 'to.
Nang sumapit ang hapon ay umalis na ako ng condo. Simpleng dress lang ang suot ko.
Nakangiti kong inilagay sa tabi ng upuan ko ang cake na dala ko at agad na pinaandar ang sasakyan na hindi gaano kabilis, baka kase masira 'yung cake o baka mahulog sa lalagayan.
Agad kong naisip si kuya, napa pikit nalang ako at pag uwi ko nalang dadaanan si kuya.
Nang makarating ako sa bahay nila ay napansin kong kaagad ang mga bisita n'ya.
Ang ibang bisita n'ya ay karamihan mga school mate n'ya no'ng highschool and college.
Nang makababa ako sa sasakyan ko ay agad na akong naglakad. Hindi ko alam kung bakit sobra akong kinakabahan.
Bitbit ko ang cake na ginawa ko habang papasok sa gate nila.
Hindi pa ako nakakapasok sa gate ay agad kong narinig ang mga palakpakan nila.
"Omy gosh ang sweet nila!"
"Sana all nalang talaga!"
"Sana tulad rin ako ni jesy,"
"True ka dyan girl, nakaka inggit sila."
"Nakaka excite dahil imbitado tayo sa kasal nila chanler!" Doon na ako tuluyan napatigil dahil sa narinig ko.
Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit na nag sisink sa utak ko ang narinig ko.
Napapikit nalang ako at huminga ng malalim bago ako naglakad papasok na sana hindi ko nalang ginawa.
Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko si chanler na nakaluhod sa harap ng babaeng hindi ko kilala, at mula dito sa kinatatayuan ko ay alam ko na kung ano ang bagay na hawak ni chan.
Muli kong narinig ang palakpakan nila, at nakita kong tumayo si chan at hinawakan nito ang kamay ng babae at may kung ano itong isunuot sa daliri ng magandang babae.
Pabigat na pabigat ang nararamdaman ko, umiinit narin ang gilid ng aking mga mata hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko dahil kitang-kita ko kumg paano halikan sa labi ni chan ang babaeng mahal n'ya.
Hindi ko namamalayan na nabitawan ko na ang cake na dala ko at patakbong tumalikod paalis sa lugar na kung saan ikadudurog lang ng puso ko.
Ang mga mata n'yang may kinang at puno ng saya, ang halik n'ya na puno ng pagmamahal sa babaeng kaharap at kahalikan n'yan. Halatang masaya na s'ya, mukhang kinalimutan n'ya na ako,
'Pero paano naman ako?'
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments