Sea Crossed Our Paths

"Ganiyan nga, Hestia!" Natutuwang sigaw ng kaibigan kong si Shane.

Titig na titig lamang ako sa bawat pag-alon ng dagat. Tila musikang sumasabay sa bawat pag-indayog nito ang sinaksakyan kong surfing board.

After some trials, finally I was able to balance myself. Ang sarap sa pakiramdam.

"Miss, 'wag masyadong seryoso."

Nang marinig ang boses na 'yon ay agad akong napalingon, dahilan kung bakit bigla akong nawalan ng balanse. Ramdam ko ang sakit na idinulot ng pagbagsak ko sa dagat.

Nang makaahon ay dinig na dinig ko ang tawanan ng ilang mangingisdang nasa malapit. Kahit pa ang sama ng timpla'y napansin kong halos lahat sila'y parang kaedad ko lamang.

Agad naagaw ang atensyon ko ng lalaking nakangisi habang nakatingin sa akin.

"Sabi sa'yo, e 'wag masyadong seryoso," Panunuya pa nito.

I raised my eyebrows at him. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to.

"Excuse me—"

"Daan ka na," Pagpuputol nito sa sasabihin ko't sumabog sa pagtawa.

Halos lahat ng kasamahan niya'y binabatukan na siya habang sapu-sapo ang kani-kanilang tiyan dahil sa kakatawa.

Tangina?

Muli ako nitong nilingon bago ngitian.

"Ang ganda mo talaga kapag napipikon."

Agad ko naman siyang inirapan bago iritang lumangoy pabalik. Hindi na rin ako muling lumingon pa.

Bwisit na lalaking 'yon. Ang kapal ng mukha!

Kunot-noo akong sinalubong ni Shane.

"Oh, anong nangyari? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa ah," She said while laughing.

Inis ko lang siyang tiningnan habang patuloy sa paglalakad. Akmang babalik na ako sa hotel nang bigla ako nitong pigilan.

"Omyghad, Hestia!" Tili nito habang may itinuturo malapit sa dalampasigan.

Nilingon ko naman 'yon at gano'n na lamang ang galit ko nang makitang nakatitig sa'kin ang hampaslupang lalaking 'yon.

Agad akong hinila palapit doon ni Shane.

"Ano ba, Shane? Kung gusto mong humarot, ikaw na lang. 'Wag mo na 'kong isama, please."

Tinaasan naman ako nito ng kilay.

"As if namang ako 'yong haharot e, sa'yo kaya nakatingin 'yong gwapong fisherman".

Napairap na lamang ako sa kawalan.

Nang makarating malapit sa dalampasigan ay dahan-dahang lumapit sa'kin ang mangingisdang 'yon.

"Miss, galit ka ba?"

I don't know why everytime I look at him, I can't help but to be upset. Maybe because first impression really matters. Ang sama ba naman ng ipinakitang ugali.

"Mukha bang close tayo para magalit ako sa'yo ha?" Singhal ko rito.

Ramdam ko naman ang bahagyang pagkurot ni Shane sa tagiliran ko bago ako pandilatan ng mata.

"Binibiro lang naman kita kanina, e."

Hindi ko na lamang siya pinansin at agad nang umalis doon.

Wala siya sa posisyon para makipagbiruan sa'kin. Ang kapal ng mukha niya.

"Hoy, bruhilda!" Sigaw ni Shane bago ako tabihan.

I let out a deep breath.

Kasalukuyan kaming nasa harap ng isang bonfire. Nagc-crave ako sa marshmallow pero ayaw 'yon ibigay ni Shane sa'kin dahil sa ginawa ko kanina.

May gusto ba siya ro'n?

"Hoy, ikaw ha? Mukhang type ka pa naman ni Kael tapos tinatarayan mo," Nanghihinayang nitong saad.

My forehead creased.

"Ang bilis mo naman. Nalaman mo agad ang pangalan."

She smiled from ear to ear while raising her eyebrows repeatedly.

"Ako pa ba?"

Napairap na lamang ako. Kahit kailan talaga.

Days had passed. Mas lalo lamang kumapal ang mukha ng Kael na 'yong bwisitin ako.

Bilang pangpakalma sa sarili ay iniisip ko na lamang na nagbabakasyon lamang kami't aalis din.

"Palagi kang galit, gusto ko lang namang makipagkaibigan."

Kanina pa siya sunod nang sunod sa'kin. Kung hindi lamang siya maitsura't walang taong bumabati sa kaniya ay iisipin kong isa siyang rapist.

"Pero ako, hindi," Sagot ko bago siya talikuran. Mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"More than friends lang?"

Natigilan naman ako sa sinabi niyang 'yon. Agad ko siyang hinarap habang magkasalubong ang kilay.

"Biro lang!" Pahabol nito ngunit huli na.

Ibinato ko sa kaniya ang napulot kong bunga ng mangga. At halos magpagulong-gulong na ako sa buhangin nang nasapul siya ulo.

"Buti nga sa'yo, shokoy!" Natatawa kong wika. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang tinitingnan siyang iniinda ang sakit.

Dahan-dahan ay iniangat nito ang kaniyang ulo. Madilim at seryoso ang titig diretso sa mga mata ko.

Akala ko'y galit siya kaya't bigla akong kinabahan. Kahit pa alam kong marami pa akong bungang ibabato sa kaniya'y wala pa rin ako laban.

Pero mali ako.

"Hindi ka pa rin nagbabago..."

"Ang ganda mo pa rin kapag nakangiti," He whispered before he left me.

Kumunot naman ang noo ko sa inakto niya. Nagsawa na yatang mang-asar kaya't umalis na.

Napailing na lamang ako nang pilit alalahanin ang sinabi niya. Hindi ko masyadong narinig 'yon dahil bulong lamang.

Hindi ko na lamang 'yon inisip pa't bumalik na sa hotel.

Habang abala sa pag-aayos nang gamit ay pansin kong masama ang panahon. Summer naman pero parang may nagbabadyang bagyo.

Dinala ko na ang maleta pagkalabas ko ng kwarto, nagbabakasaling matutuloy na pag-uwi. Ngunit mukhang hindi na yata kami matutuloy.

Naabutan kong nag-aaway sina Mom at Dad sa sala.

"We can't leave, Denice. Kahit ipilit mo pa'y hindi maari dahil sa bagyo. Delikado para kay Hestia dahil sa kalagayan niya," Pagpapaintindi ni Dad kay Mom ngunit mukhang hindi ito naniniwala.

Napatulala ako nang marinig ang sinabi ni Dad. Bumibigat na lamang bigla ang dibdib ko sa t'wing maalalang may amnesia ako. Pakiramdam ko ay lahat nagsisikreto sa akin.

"Ang sabihin mo'y dahil nandito ang kalaguyo mo! 'Wag na nga tayong maglokohan dito, Leo!" Bulyaw nito habang patuloy sa pag-agos ang luha. "Kung magpapaiwan ka rito'y bahala ka! Pero ako, si Hestia't si Shane ay aalis!"

Nabigla ako sa sinabing 'yon ni Mom. Agad niya kaming hinila paalis.

Walang mangingisdang pumayag na ihatid kami sa daungan ng barko dahil sa masamang panahon kaya't nagbayad si Mom ng malaki para lamang mabili ang bangka. Siya ang nagmaniobra no'n.

Binalot ako ng kaba dahil alam kong hindi magiging ligtas ang paglalayag na 'to. Malakas ang hangin at alam kong isang hampas lamang ng alon ay kaya kaming buwagin.

Ramdam ko ang mahigpit na pagkapit ni Shane sa braso ko. Nginitian ko na lamang ito para kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam niya.

Ngunit ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay hindi nga ako nagkamali. Sa isang iglap ay tila bumaliktad ang mundo ko. Pakiramdam ko'y nakikipaglaban ako sa gitna ng buhay at kamatayan.

Habol-habol ko na ang hininga ko nang sa isang kisap mata'y naramdaman ko ang pagpulupot ng maskuladong braso sa aking baywang. He's getting a hard time just to lift me.

Sumilay sa'kin ang pamilyar na mukha ni Kael. Agad nitong ipinasuot sa'kin ang suot-suot niyang lifejacket.

Bigla ako nitong niyakap.

"I thought I'm gonna lose you."

Bakas ang pagpula ng mga mata niya. Marahil ay dala ng pag-iyak. He caressed my cheeks.

Habang tinititigan ang mga mata niya'y biglang kumirot ang ulo kasabay nang pagbalik ng mga alaalang nagdaan.

Paulit-ulit na sumilay ang mukha ng batang Kael. Ang kababata ko.

"El..."

Tila bumbilyang nagliwanag ang mukha nito nang tawagin ko ang palayaw niya.

Si Kael. Siya ang kababata ko!

"Hes! Naalala mo na 'ko!"

Agad akong napaluha dala ng labis na galak. I was about to hug him when a huge wave separated us. Sinubukan kong hulihin ang kamay niya ngunit hindi ko na 'yon naabot.

I tried so hard to find him but he's nowhere to be found. Until everything went black.

Nagising ako nang maramdaman ang pagkirot ng buo kong katawan. Pagmulat ng mga mata'y bumungad sa'kin ang kalinisan ng aking kwartong ito.

Nakaligtas ako?

Nagulat ako nang makita si Dad. Pagkakita'y agad ako nitong niyakap.

"Dad, where's Mom? Si Shane?" Taranta kong tanong ngunit pinilit ako nitong ihiga.

"Gusto ko silang makita, Dad!"

He caressed my face.

"Just rest, Hestia. I know you're tired. Don't worry about your Mom and Shane, ligtas na sila."

Lumuwag ang aking paghinga nang marinig 'yon. Ngunit natigilan din agad nang maalala si Kael.

"Dad, si Kael? Nakaligtas ba siya?"

Hindi siya umimik.

"Iniligtas niya ako, Dad! Siya 'yong childhood friend ko! Naalala ko na siya! Please, tell me he survived..."

My tears began to fall.

Nakaligtas siya, alam ko. Imposibleng hindi.

Agad ako nitong niyakap.

"Please, Dad..."

Please, tell me he's alive.

Hinalikan nito ang ulo ko bago ibulong ang mga salitang hindi ko inakalang dudurog sa'kin.

"I'm sorry, Hestia...

"But he doesn't."

Akala ko noo'y alaala lamang ang maaring ibalik ngunit pati pala ang nararamdaman. I admit, I've fallen for him before. Pero ano pang saysay noon ngayon?

Wala na. Masyado na 'kong huli.

Ang sakit malamang sa iisang bagay lamang nagsimula't natapos ang lahat.

Because sea is the reason why we met...

And sadly, the reason why we parted.

written by john patrick

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play