I have a suitor named Vince. Sa lahat ng bagay o okasyong nagaganap sa buhay ko ay palagi siyang nandiyan. Minsan ay napapaisip akong may gano'n pala talagang klase ng tao. I just felt so lucky dahil kahit walang kami ay kusa niyang ipinaparamdam na meron .
"Pwede akong sumama?" Tanong nito.
I just heaved a sigh and slowly nodded. Alam niya namang hindi ko siya kayang tanggihan.
Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papuntang airport. Doon ko susunduin ang pinsan kong si Nicole na pansamantalang titira sa'min. Laking states at wala pang gaanong alam sa pagiging independent.
"Mary!"
Agad naagaw ang pansin ko nang sigaw na 'yon. Nakangiting tumakbo papunta sa'min si Nicole habang hila-hila ang kaniyang maleta.
From her long blonde hair, slim body, down to her long leg. You can't even resist but to stare at her deep set of eyes, well-carved nose and luscious lips.
Masasabi mong isa nga siya sa depenisyon ng mga babaeng perpekto ang panglabas na anyo. Bonus na lang sigurong matalino't talented siya. Malayong-malayo kumpara sa akin.
"Mary, pwede bang kumain muna tayo? I still have jetlag but I'm so hungry," She said while holding my wrist.
Napalingon naman ako kay Vince na tulalang nakatingin kay Nicole. Agad ko itong kinulbit dahilan para mapansin siya ni Nicole.
"Oh, hi. I'm Nicole."
Nginitian naman ito ni Vince bago maglahad ng kamay.
"I'm Vince. Mary's friend."
Napatingin ako bigla kay Vince na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Friend? Is he even serious?
Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko.
Ano bang gusto kong marinig mula sa kaniya? Na manliligaw ko siya? Pero 'yon naman 'yong totoo, e.
Ilang beses kong iwinaksi sa utak ko ang bagay na 'yon bago namin mapagdesisyunang kumain. Pero mukhang ako lang yata ang pagkain lang talaga ang ginawa. Tuloy-tuloy lang sila sa pag-uusap. Sinubukan kong sumingit ngunit wala rin akong maintindihan. Pakiramdam ko ay nakikihati lang ako ng lamesa sa kanila.
Week has passed. Gano'n pa rin, pumupunta pa rin sa'min si Vince gaya ng dati. Nagdadala ng bulaklak at nagmamano kay Mama.
Ngunit sa bawat araw na dumadaan ay ang palaging tanong na lumalabas sa bibig niya ay, "Nandiyan ba si Nicole?"
Ako pa ba talaga o hindi na?
"Ah, oo. Nasa kwarto niya." Walang gana kong saad bago bahagyang ngumiti.
Edi sana'y isinama niya na lang 'yang si Nicole sa condo niya para hindi siya nahihirapang magpabalik-balik dito sa bahay. Buti sana kung siya lang 'yong nahihirapan pero hindi e, pati ako. Hirap na hirap na akong makitang palagi na lang silang magkasama habang ako, durog na durog na.
"Pakihintay na lang."
Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang braso ko.
"Galit ka ba?"
Nagtaas ako ng kilay at bahagyang natawa.
"Ako? Magagalit? Kanino?"
"Sa'kin."
Lumungkot ang boses nito. Dahilan kung bakit nag-init ang gilid ng mga mata ko.
"Alam mong hinding-hindi mangyayari 'yon, Vince. Just do what makes you happy. Nandito lang ako palagi..."
Wala akong naggawa kun'di tumalikod nang gumaralgal ang boses ko. Agad akong tumakbo papasok sa kwarto.
I should've gave him the permission to be mine before. Ang daming pagkakataon pero sinayang ko. Ang tanga-tanga ko.
Sa labis na pag-iyak ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagbangon ay sumalubong sa'kin ang salaming nagpakita kung gaano ako kamiserable ngayon.
Agad akong lumabas ng kwarto na parang walang pakialam sa mundo. Ayoko ng magkaroon ng pakialam sa lahat. Wasak na wasak na ako, iisipin ko pa ba sila?
Unang tungtong pa lamang sa baitang ng hagdan namin ay umalingawngaw agad ang tugtog mula sa baba. Ano na naman bang drama ni Mama sa buhay?
Hindi ko na 'yon pinansin pa't dire-diretso lamang na bumaba. Sumalubong sa akin ang nag-uumapaw na kulay pulang lobo. Halos pinuno na nito ang buong sala.
Nandoon ang pinsan kong si Nicole na nakangiti sa'kin. Tinaasan ko lamang ito ng kilay at nagtuloy-tuloy sa paglalakad nang bigla nitong hawakan ang braso ko't may inginuso sa likuran.
Nang lingunin ko iyon ay sumalubong sa'kin ang ngiting hanggang ngayon ay hindi ko kasasaawang tingnan.
Para saan ba lahat ng 'to?
Kung may balak silang maglandian, ba't dito pa sa bahay?
Agad kong tinanggal ang kamay ni Nicole at dumiretso na sa paglalakad. Wala akong panahon para sa drama nila.
Nang mapatigil ay parang nahigit ko ang aking hininga. Ramdam ko na ang sariling pintig ng puso nang hapitin ni Vince ang bewang ko.
"Please, don't turn your back at me..." Bulong nito sa tainga ko.
Muli ay umapaw na naman ang luha ko.
"Ano ba talagang gusto mong mangyari, Vince ha? Pinaglalaruan mo ba talaga ako? Kasi kung nakikipaglaro ka lang, ayoko na! Kung kailangan mong mamili sa'ming dalawa ng pinsan ko, siya na ang piliin mo kasi kahit kailan hindi ko ginustong maging isa sa pamimilian! If you really love me, there shouldn't be any choices! Dapat ako lan—"
"E, ikaw lang naman talaga..."
I almost forgot how to breathe when he cutted me off. He started to look more serious than the usual.
"Ikaw lang simula umpisa, Mary. You're in a competition with nobody. You run your own race. I'm all yours, baby..."
Dahan-dahan niyang hinuli ang kamay ko't pinagsalikop ito.
"Nagpatulong lang ako sa pinsan mo para sa planong 'to."
Nang bitawan niya ang salitang 'yon ay nagsilabasan mula sa iba't-ibang sulok ng bahay ang mga kabarkada niya. They're holding a small piece of card board. May lumapit pa upang magbigay ng bouquet ng roses.
Dahan-dahan niyang hinaplos ang mata ko.
"Sorry for making you cry. I love you so much, Mary."
Umingay ang paligid nang iharap na ng mga kaibigan niya ang mga hawak nitong papel.
I almost laugh when I saw what's written on it.
"YOU WILL BE MY GIRLFRIEND."
Natatawa akong humarap kay Vince.
"Hindi mo na talaga ako tatanungin?"
He shook his head.
"I don't wanna waste more time, Mary. Just let me be yours now, officially and I promise to court you forever."
I slowly nodded my head while smiling from ear to ear.
"Akin ka na?" Mangha nitong tanong.
"Sa'yo lang naman talaga ako."
And with that, he hugged me tight.
There's no exact words or phrase that can explain how much I'm happy right now.
Finally, I already have him.
I already have the man...
Whom I can truly call my own.
written by john patrick
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 10 Episodes
Comments