Ash POV
Nagising ako ng may takip ang ulo ko pakiramdam ko ay nakaupo ako sa kahoy na upuan at nakatali ang kamay ko sa likod at may nakikita akong dalawang tao sa harapan ko
Hindi ko makita ang mukha nila kasi nakatakip yung brown na paper bag sa ulo ko
"sino kayo" sigaw ko, hindi sila umiimik
Maya maya ay nagbukas ang malaking pintuan sa gitna nung dalawang tao
"sino kayo" sigaw ko pero hindi parin umiimik
Maya maya ay nagsalita na yung isang taong pumasok sa pintuan
"likat kang bata ka, what did you do to her, bat ganyan itsura niya, sabi ko sa inyo imbitahin niyo not being kidnapper" boses ng babae
"sumunod lang ako sa utos niyan" boses yun ni Pei ah
Sa nakikita ko ay pinapalo ng babae yung isa
"ouch stop huhuhu" boses ng lalaking dko kilala
Napansin kong papalapit yung namamalo papunta sakin matangkad siya mas matangkad pa sa dalawa at parang model pa kung maglakad
hindi nako nag-alala pa kung masamang tao siya dahil sa napakinggan ko kanina
"are you okay baby" malambing na boses nung babae
"p-po?" baby? Sino ito
"wait tanggalin ko muna yung nakatakip sa ulo mo, ano ba tong si Lei ang daming kalokohan ang nalalaman, Pei tanggalin mo nga yung tali sa kamay ni Ash" nagtataka na talaga ako
"sino ka" tanong ko nang makita ko na ang mukha nung nasa harapan ko, si Pei ay nasa likod ko tinatanggal parin yung tali
"grandma mo baby" ano lola ko eh pano nangyare
"ilan taon napo ikaw?" bigla ko nalang naitanong
"98 baby" napanganga naman ako sa sinabi niya eh parang nasa 20+ palang siya eh tingnan mo naman ang ganda niya, ang kinis pa ng balat, ang puti, at parang may pagkahawig sila ni daddy
"i will explain later, tara kain muna tayo" inalalayan ako ni lola kuno tumayo
Ngayun ko lang napansin na ang lawak pala nitong loob ang tagal naming makalabas ng pintuan eh
Nang makita ko si Pei sa katabi ko sinamaan ko agad siya ng tingin
"i will explain later too" sabay yakap niya sa braso ko at kinissan ako sa pisngi wala ako magagawa kaibigan ko siya mula bata eh
"nasan tayo" tanong ko
"later malalaman mo" sabi sakin ni Pei
......................
Pagkalabas na pagkalabas namin ng pintuan hindi ako makapaniwala sa nakikita ko puro paro paro at iba't ibang kulay ng bulaklak ang sumalubong samin at may subrang laking puting bahay, mansion kung tatawagin
"wowwwwww.....nanaginip bako"
"no your not" paglingon ni lola sakin at ngumiti ang ganda ng ngiti niya parang anghel
"nasa likod tayo ng bahay ko" sabi niya
"ahh ang ganda naman po dito" sabi ko
"hahaha" pakinig kong tawa ni lola
Pagkapasok namin sa bahay sinalubong agad ako ng mga nanay at ate
"welcome home ma'am Ash" sabi nina nanay at ate sabay sabay, ang dami nila mga 14
"a-ah eh i o u charr...Ash nalang po wag niyo napo samahan ng ma'am" nahihiya kong sabi, pero seryoso lang mga mukha nina ate at nanay
"don't mind them mga yaya natin sila" natin? As in natin? Dito naba ako matira jokeeee
"let's go to the dinning table, let's eat na, alam kong gutom na kayo" sabi ni lola
Bigla naman napatingin sila sakin maliban sa mga yaya ng tumunog yung tiyan ko.....nakakahiya huhuhu
Natawa nalang sila tsaka na kami pumunta sa upuan at naghanda na ang mga yaya kuno ng mga pagkain
Grabi sobrang dami may juice, lechon, adobo, cupcake at iba't ibang uri ng mga ulam
"may birthday poba?" tanong ko kaya napatigil sila ng subo
"who" tanong ni lola kaya nagtaka naman ako
"haahhahaha sadiyang ganto kami kumain, madaming nakalagay sa lamesa" pagpapaliwanag sakin ni Pei
"ahh" tsaka tuluyan na kaming kumain
Tingin ng tingin naman sakin sina lola at Lei nakakailang tuloy kumain
"ano po problema" hindi ko natiis ang mga tingin tingin nila, parang nakakahiya tuloy sumubo
"bakit mo ginagamit yung kamay mo sa pagsubo?" tanong ni lola, mukhang nandidiri si lola sa ginagawa ko, anong masama?
"ahh nasanay napo kasi ako sa amin" nahihiya kong paliwanag
"next time don't do that again, it's disgusting" sabi ni Lei
"Lei stop that, respect naman" suway ni Pei, ginaya nalang ni Lei ang sinabi ni Pei yung pang-asar ba
Inirapan ko nalang si Lei at tuloy ang subo
.
.
.
.
.
"burppp" dighal ko, grabi dami kong nakain
"excuse me po heheheh" sabay peace sign sa kanila
.
.
.
.
"ok yaya pakihatid nga si Ash sa kwarto niya" may kwarto din pala ako dito, ano kaya itsura
"ehh yae napo mauwi naman po ako mamaya" sabi ko
"no gabi na oh~, and from now on dito kana matira, pwede mong sabihin sakin kung anong gamit ang kulang sayo at bibilhin ko iyan kahit yacht payan eroplano or barko, tsaka wala kanang kasama duon at bawal mag-isa ang babae sa bahay, baka pasukin ka nang mga manyak dun" napanganga naman ako sa sinabi niya
Grabi ang yaman naman nina lola, tapos si Pei at Lei nakatingin lang samin ni lola, nung nagtama ang mata namin ni Lei bigla nalang siyang umiwas at umalis papuntang...ewan d ko alam, suplado niya
"eh pano po yung gamit po namin ni nanay Ellen sa bahay namin, pwede kopo bang dalhin dito kung dito napo ako matira?" tanong ko
"of course" sabay tayo niya sa upuan, pinuntahan ako at hinawakan ang ulo ko
"feel at home ka dito baby" sabi pa niya
"yung gamit dito gamit mo rin" sabi ulit niya
"sa-salamat po" kahit nakakahiya 'man ay wala nakong magagawa
"ok yaya, samahan mo na siya papuntang kwarto niya" utos niya sa katulong
"yes ma'am" kaya sumama na ako sa katulong
isang oras nako dito sa hagdan tapos si yaya naman andun na sa taas iniintay ako, halos manganig na ang aking binti habang nahakbang
sino gang naggawa nitong hagdan at pupuntahan ko gagawa na nga lang ng hagdan ginawa pang bubog
"ma'am wag po kayo mag-alala hindi po iyan mababasag" sabi sakin ni yaya
"sure kapo?" tumango nalang siya habang nakangiti, "OK"
Kaya nilakasan ko na ang loob kong umakyat kapag nabasag to siya sisisihin ko charrr
"ok ma'am andito napo tayo" una akong tumingin kay yaya sunod sa pintuan
pagbukas ni yaya ng pintuan napanganga na ulit ako sa ganda ng loob
Malawak ito, may air-con, kulay pink ang pader, may malaking higaan na may kulay pink na kurtina pang nakapalibot, madaming stuff toys, may bubog pang pintuan papuntang balcony kitang kita ang labas at langit tapos may dalawa pang pintuan na brown dto sa loob mamaya ko nalang puntahan iyon at kung ano ano pa ang nakikita kong magaganda dito
Ang girlish naman pero ang ganda" bulong ko
Ngayon ko lang napansin na kanina na palang umalis dito si yaya
"makaligo na nga, feeling ko ang lagkit kona" at naghubad
Binuksan ko ang pintuan na nakita ko kanina at hindi naman ako nabigo na ito na yung cr, naka balot na kasi ang katawan ko ng towel
Pati cr ang ganda, may shower at may bathtab pa, tapos katabi lang din yung bowl mga isang hakbang ang layo tapos may maliit na drawer
Sinubukan kong buksan ang shower ang sarap ng tubig fresko sa katawan
*FF*
Nang matapos nako maligo tsaka ko lang naalala na wala pala akong dalang damit
"tingnan ko nga itong isang pintuan nato baka may extra" pagbukas ko namangha ako sa nakita ko, ito ay may napakaganda at napakadaming damit iba't ibang uri ng disenyo at may mga accessories din
"wowww" feeling ko na excite akong suotin lahat ito pero hindi mangyayari baka abutin pako ng isang taon sa subrang dami
kaya ang kinuha ko nalang ay hoodie at pajama hindi pako sanay pumorma pagkatapos nagsuklay nadin ako
Ngayun ko lang napansin na mag e-8 na oras na pala tsaka ako nakaramdam ng uhaw
Napagisip isip ko na bumaba at pumunta sa kusina para uminom, pagbaba ko ng hagdan maliwanag parin dito sa loob kahit patay na ang ilaw
.
.
.
.
aakyat na sana ako ng hagdan ng may umagaw ng pansin ko
May nakita ako sa labas ng bintana na may nakaupong babae na umiinom habang nakatingin sa langit
Nilapitan ko ito at tsaka ko lang nakilala kung sino ito
"good evening po l-lola" hindi ako sanay na matawag siya ng personal na lola
"good evening baby" bati niya sakin at ibinaba yung iniinom niya
"u-umhh pwede kopo bang ibahin tawag ko sayo? " tsaka ako tumabi sa kaniya
"sure baby"
"pwede po bang "mommy 'la" ?"
"mommy la? Hmmmm" parang pinagiisipan a niya
"hmm i like that baby" sabay yakap niya sakin at napunta naman mukha ko sa kaniyang malaking boobs niya
"hehe ok po" hindi nako makahinga at pilit kumawala sa yakap
"by the way what are you doing here?" sabay kumawala sa yakap
" a-ano po?, pwede po bang tagalog? Hehe" diko maintindihan eh, unti lang ang alam ko
"umm ano ginagawa mo dito, gabi na ah bat dikapa natutulog" -mommy 'la
"hindi po kasi makatulog eh hehe, pwede ko pobang malaman name mo po" sabi ko
"ako nga pala ang iyong fairy grandmother Elizabeth De Katana " pagbibiro niya
"ahh ok po hehe" ngayun alam ko na ang apilyedo ko, ano naman meron sa apilyedo ko hindi nalang mismo sakin sinabi nina nanay
Pagkatapos nun ay bigla nalang tumahimik, ang napapakinggang nalang naminng ingay ay ang mga puno at ibon
Tatayo na sana ako ng biglang nagsalita si mommy 'la
"namimiss ko sayo ang anak ko" kaya hindi ko na tinuloy ang pagtayo ko at ininom ulit niya ang hawak niya
"bakit po" tanong ko at napatingin nalang sa paligid ngayun ko lang napansin na ang lawak din ng paligid, lahat nalang malawak
"siya kasi ang nagiisang lalaki at bunso dito at dahil sa napaka isip bata niya nuon naging paborito ko siyang anak...I don't know why" sabi niya at uminom ulit siya
"hindi naman po nagseselos yung iba niyo pong anak? " tanong ko
"hindi naman, paborito din siya ng mga kapatid niya maliban nalang sa pinakang panganay
Nang dahil sa kwento ni mommy 'la diko namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat niya
...----------------...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments