CHAPTER 4 ("can i have your number")

Ash POV

"harapin mo ang aking paghihiganti mwahahah" bulong ko, ang galing mo mamigay ng pangalan ha *hmph

"HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAA STOP TIGIL WAG HAHAHAHAHAHAHA" kiniliti ko lang naman siya kasi yun ang kahinaan niya

"gising na, may pasok kapa" sigaw ko sa kaniya

"opo, good morning Ash" sabi niya sakin sabay kusot ng mata

"good morning din, ohh kain na gulay ulam, tsaka pala hindi ako malipat sa inyo, ayaw ko munang iwan bahay namin ni nanay Ellen" sabi ko

"ok"

Maya maya ay nagpaalam na siya sakin na uuwi na siya, at ako naman ay nagwalis ng harapan dahil walang maggawa sa bahay

Nakalimutan ko nga pala yung damit kong naiwan kagabi, naligo muna ako bago balikan yung damit

......................

Pinuntahan ko na yung damit ko kung san ko naiwan, may hinahanap ako dun pero hindi ko makita

"Nasan na yung bracelet ko" kinakabahan ako, galing yun sa magulang ko ayaw kong mawala iyon regalo nila sakin yun

"excuse me miss, oh it's you Ash" siya ulit, kaya tinago ko agad sa likod ko yung damit ko

"oh hi Max"

"ha? Alam mo na pangalan ko?" oh no isip isip isip

"a-ah eh oo, sabi sakin ni Pei nanggaling kadaw sa bahay ko"

"ano nga pala ginagawa mo dito" sabi ko

"ohh right...nakalimutan ko ibigay sayo to, nalaglag mo kasi nung nabangga mo ako sa daan kahapon, bat kanga pala tumakbo nung paglabas mo ng tindahan" tanong niya sabay abot nung bracelet

"maraming salamat" sabay kuha ng bracelet at isinuot

"ahh tungkol dun na-natatae ako nun" anong palusot yan, napapikit nalang ako ng patago sa hiya

"hahahahaha ahh" ang gwapo niya lalo pag tumatawa

"damit mo yan ah, bat nanjan" oops nakita niya pala

"tinangay ng aso ko hehe" galing ko magsinungaling ah

"tara sa bahay, nagkakapeng barako kaba?" tanong ko kakahiya naman sa kaniya kung tatambay lang sa bahay

"o-oo" sa tingin ko hindi niya alam ang kapeng barako, hindi siya sigaroda kung oo o hindi ang isasagot eh

"nag-umagahan kana ba"

"oo"

Habang naglalakad kami papuntang bahay ang akward ng katahimikan namin

"Ash..." Max

"bakit nga..." ako

Sabay naming salita sabay kaming napalingon sa isa't isa at nagtama ang aming mata

"Ikaw na mauna haha" hiya kong sabi at umiwas ng tingin

"lady first" sabi niya, edi wow haha

"bakit hindi mo nalang iniwan yung bracelet ko kagabi sa bahay"

"ahh nakalimutan ko nagmamadali kasi akong umuwi baka isipin ng parent ko naglalakwatsa ako"

"ahh"

"mag-isa ka lang ba sa bahay, nasan magulang mo?" tanong niya

"oo mag isa lang ako, ang magulang ko umakyat na sa langit" malungkot kong sabi

"ahh sorry diko alam"

"ok lang yun....andito na pala tayo sa bahay haha"

Kinuha ko yung dalawang upuan na plastic at inilabas, kakahiya naman kung sa loob kami eh ang sikip nanga ng loob namin tsaka baka mainitan siya sa luob wala pa naman kaming electric fan

"maupo ka muna jan, magtitimpla lang ako ng kape"

Sa labas ng bahay na kami tumambay ang sarap ng simoy ng hangin tsaka malilom naman puro puno andito eh

"eto na yung kape mo" sabay abot ko sa kaniya ng tasa meron din naman akong kape

"thanks......hmmmm delicious" matapos niyang higupin ang kape

"nasan nga pala si Ashim, bat diko nakikita dito" bigla niyang tanong, wag pahalata wag pahalata kalma lang, natatawa ako sa pangalan na binigay ni Pei

"baka nakikipaglaro sa ibang aso, maalam din naman yun umuwi" palusot ko at pigil sa tawa

"ahh" at ito namang crush ko patango tango naniwala agad

Nakahinga naman ako ng maluwag ang dali niyang mapaniwala

"Ash can i have your number?"ano gagawin niya sa number

"ok hmmm....number 7 paborito kong number" napatampal naman ang kamay niya sa noo niya, ano meron number lang naman hinhingi niya ah

"i mean phone number" tsaka siya tumawa, natulaley na naman ako, bat kasi ang gwapo niya

"hello are you there?" kaway kaway niya sa harap ko

"a-ah phone number ba, wala akong selpon" sabi ko

"ahh ok" nakita ko sa mukha niya na parang nadismaya

"bakit? " tanong ko

"para makatext ka at matawagan" nakanguso niyang sabi

Ang cute mo sabi ko sa isip ko

"a-ako?" namumulang mukha ni Max

Wait sa isip ko yun sinabi ahh luhh nailabas ko ata sa bibig, hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Max

"mukhang uulan ata ah" napatingin si Max sa langit napansin niyang makulimlim na ito

"oonga eh, mauwi kana baka abutin kapa ng ulan, magkasakit kapa niyan" pag-aalala ko

"concern ka? " biglang tanong niya

"hi-hindi no" sabay kamot ko sa pisngi

"tsaka pala wag ka pupunta dito ng gabi may naglalakad kasi ditong white lady paikot-ikot" pananakot ko sa kaniya, mahirap na pag nakita niya ako magpalit anyo

"sige bye bye, bibisitahin nalang kita" pagtayo niya sa upuan, tumayo nadin ako bilang respeto

At maya maya ay tumakbo na siya papalayo, pinapanuod ko lang ang likod niya at ang pagtakbo

May naramdaman naman akong may nakatingin sa likod ko, nilingon ko naman ito at wala akong makita, nakaramdam naman ako ng kilabot sana hindi totoo yung white lady

Biglang umambon na kaya pumasok nako sa bahay

...ΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩ...

Someone's POV

"muntik nako makita ah, itext ko kaya si Pei

To: 09********

–puntahan mo yung puting van isama mo si Ash at ang gawin mo ay gjg hjbkkfhjvhccjjvjhvnhvhjj

*sent*

...ΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩ...

Ash POV

"Ash" sigaw ng kaibigan kong loka loka

"ano na naman" sinigawan ko rin, natutulog ang tao eh nambubulabog

"wag kana matulog maghahapon na oh" pumasok siya sa kwarto

Bat ganun ang sarap matulog pag umuulan

"ano ang kailangan, tsaka may pasok ka ah bat ka andito" mahinhin kong tanong

"half day lang ako, pasyal naman tayo, kalungkot naman dito eh ang tahimik" nakanguso niyang sabi

"wait magbibihis lang ako" tsaka siya ngumiti

"ano pa ginagawa mo, magbibihis na ako ah" sabi ko sa kaniya kasi hindi pa naalis sa kwarto

"magbihis kana"

"labas" saway ko sa kaniya

"magbihis kana parehas lang naman tayong babae tsaka gusto ko makita kung gano kalaki yan" turo niya sa aking boobs at ang pisngi ko ay namula

"lumayas kanga, kababaeng tao eh" tsaka ko siya hinampas ng hinampas hanggang sa lumabas siya

"Ash patingin" sigaw niya sa labas ng kwarto ko

"yung sayo nalang ang tingnan mo" sigaw ko rin, napailing nalang ako

*FF*

"ok tapos na" tsaka ako lumabas ng kwarto

"ang tagal mo besh" halatang naiinip siya kakaintay

"ok tara na" sabay hila sa kaniya

"san pala tayo pupunta" tanong ko sa kaniya

Mga limang minuto din kaming naglalakad ang layo kasi ng kalsada sa bahay ko

"punta tayong MALL" sabi niya

"ok"

Pagdating namin sa kalsada ay may tumigil na van sa harapan namin

"yan ba yung sasa...." natigil ako nang may nagtakip ng panyo sa ilong ko pagtingin ko ay si Pei at paunti unti akong napapapikit

Bat niya to ginawa sakin kaibigan ko siya ah

...----------------...

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play