...BoysLoveStories||B.L.S...
LUCIEN POINT OF VIEW
WHAT THE HELL.ganon nya lang kabilis pinataob si troy.
Halos lahat kami dito ay nakatingin sa taong palabas nga yon ng Cafeteria.Nung tuluyan na itong naka labas ay agad nag lapitan ang mga tao kay Troy.
"Arys wait" Ani nung kaibigan nung arys.Wait meron pa pala syang kaibigan papano nya pinakasamahan ang ganong tao.
"Ang yabang naman ng tao na yon pwede bang sampalon mo yon lucien" Si Tifany.napatingin naman ako sa kanya.
natapos kaming kumain sa Cafeteria at muling nag tungo sa room.Nagulat ako sa sarili ko ng unakong hinahanap ang tao na iyon sa room pero wala ito kahit ang kaibigan nya kaya nag kibit balikat na lang ako na naupo sa aking upuan.
"pinatawag daw ang tranferee sa Dean office dahil sa gulo na ginawa nito " Bulong sa akin ni Akih.tumango lang ako dito hindi parin napasok ang sunod naming Prof anong oras na.
napatingin ako sa pinto ng pumasok ang kaibigan ni scholar sa pinto pero wala si scholar siguro ay nasa Dean office pa
mayamaya ay kasabay ni Prof pumasok itong si Scholar suot ang muka nitong seryoso na naman kakaiba talaga ang mata nito kung makatingin.
naupo ito sa upuan nito at diretso lang na nakatingin sa harap.
Hanggang sa Matapos ang klase.Agad kong nilapitan si Tiffany para kunin ang mga gamit nya ako kasi ang nag hahatid sa kanya sa bahay nila.
"Lets go" Yaya ko dito tumango naman ito bilang sagot ka sabay din namin lumabas ang tropa pa puntang parking lot.
Habang nag lalakad kami ay kapansin pansin na parang sinu sundan kami ng Grupo nila Gray.
Nakakainis tingin ko ay ayaw nya parin tigilan si Tiffany.Hanggang sa makarating kami sa parking lot at duon ay hinarap ko ang grupo nila Gray.
"sinu sundan nyo ba kami" Pagku-kumpwerta ko sa grupo nila.Hanggang dito kasi ay naka subod sila.
"Muka ba" Sagot nung Gabbi.Medyo nag init naman ang ulo ko sa pag sagot nito.
"Dito naka park ang mga kotse namin malamang ay dito kami pupunta" Sagot nung Naethan.
"Aba gago ka ah" Si Keilah at ambang susugod ng pigilan ito ni Akih.Hanggang sa makipag matigasan ang grupo namin ng masasamang titig sa kanila.
"Please guys wag dito ang dami ng tao oh" si Tiffany pero hindi ko ito pinansin bagkos ay nakipag titigan parin ako ng masama sa grupo nila Gray na ganon din ang ginagawa samin.
Hanggang sa maputol ang titigan namin dahil sa taong walang pasintabeng dumaan sa gitna namin.hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang na dadaanan nya.
"excuse"walang imusyon na sabi nito kay Tiffany naka yuko din ito ng bahagya.Pero naka tayo parin si Tiffany sa kanyang harap.
"bat hindi ikaw ang tumabi alam mong naka tayo ako dito" Mataray na sagot ni Tiffany dito naka taas din ang isang kilay nito.
"dadaan ako tumabi ka dyan" Malamig ang pag kakasabi nito at may halong maotiridad na utos.
Kakaiba ang dating sakin non.
"a-ayoko nga bat hindi ikaw ang mag adjust" Sagot pa ni Tiffany pero bakas ang medyo kaba sa kanyang boses.kaya agad akong pumagitna sa kanila at sakto din naman na naki sali si Gray.
Epal talaga.
"Kilala mo ba kami" Si Gray.agad naman na pumalibot din ang grupo ni Gray sa likod ng scholar.
"Hindi" Tipid na sagot nito.
"May pag daan kapa sa gitna namin sino ka sa akala mo" Ako at medyo lumapit dito.pero hindi man lang ito umatras bagkos ay nag angat pa ito ng tingin sakin.
**** hindi ko mabilang kung ilang beses akong napalunok ng diretso nya akong tignan sa mata.
"Naka harang kayo kaya tumabi kayo" Utos nito at bumaling kila gray at sa iba pa muli nya rin naman binalik ang tingin sakin.
Nagulat kami ng biglang sampalin ni Tiffany ang scholar ang lakas ng impak non sa kanyang muka bahagya pang pumaling ang ulo nito at natakpan ang mga mata nya ng kanyang bangs.
KEILAH POINT OF VIEW
Muli sanang sa sampalin ni Tiffany ang scholar ng biglang may sumigaw sa pangalan ng transferee kaya agad kaming napabaling dito.
"ARYS "ani ng kanyang kaibigan na si Elcy.Maganda tong si Elcy sexy ang pangangatawan actually crush sya ni Akih.
"Buti naman at dumating ka pag sabihin mo yang kaibigan mo na wag maging bastos "Si Tiffany habang dinuduro ang scholar sa muka.
"pasesya na ayaw namin ng gulo" Pag hingi ni Elcy ng pasensya at bumaling sa kanyang kaibigan na hanggang ngayon ay naka paling ang ulo at natatakpan parin ang kanyang mata ng kanyang buhok.
"bakit ikaw ang humihingi ng pasensya ikaw ba sya dapat sya ang humihingi non" Si Gray at masamang tinignan ang scholar.
Pansin ko talagang may kakaiba sa scholar na ito hindi ko lang matukoy kung ano ito.
"Wrong Move ,i will make sure you will regret it " Hindi ko alam pero ng mag salita ito parang may kuryenteng gumapang sa aking katawan at nahaluan ng kakaibang takot.
"Ngayon tumabi kayo dyan at dadaan ako" Dugtong pa nito at isa isa kaming tinignan.Hindi ko alam pero kusang humakbang ang aking paa at ganon din sila nagsi-hawi ang lahat para magkaroon ito ng daan.
Walang sabi sabi itong nag lakad at pati ang kanyang kaibigan na si Elcy ay iniwan na nakatingin lang sa kanya.Hanggang sa makarating ito sa isang motor.
Huh?nag mumutor sya pero wala sa kanyang itsura.Hanggang sa paandarin nya ito at muling bumalik sa aming pwesto.
"Sakay"Walang imusyon at walang tingin tingin na utos nito kay elcy.Nang maka sakay si Elcy ay nagulat na lang kami ng mabilis nitong patakbuhin ang kanyang motor hanggang sa hindi na namin ito makita.
Nag simula ang bulong bulungan.
Ang cute nya
Pero ang taray mga sis huh ang cool nya kanina.
.
Ang yabang naman non
Hambog
Ilan sa mga naririnig ko na bulungan sa kanya.Aaminin ko ang cool nya nga kanina kakaiba talaga sya.Iba ang dating nya.
"Ahh ang kapal ng muka nya pinahiya nya ako"si Tiffany habang nag kukuyom ang kamao.
"bessy na kita ko yon a" Singit ng kaibigan nyang si Denise na kakarating lang.
"Ang kapal ng muka nya para ganonin ako.Lucien pinahiya nya ako" Pag mamaktol nito kay Lucien na naka titig parin sa pinag alisan nila Elcy at ng scholar.
"Lucien ano ba nakikinig kaba" Si Tiffany at nag dabog pa.kaya napatingin sa kanya si Lucien ng naka kunot ang nuo.
"a-ano yon"si Lucien na parang wala sa sarili.
"Arggghh isa ka pa wala kang kwenta" Si Tiffany sabay irap kay Lucien kasama si Denise ay nag lakad ito paalis.balak sana itong sundan ni Lucien ng pigilan ito ni Tiffany kaya wala itong nagawa kundi tignan na lang si Tiffany na ngayon ay nag lalakad palayo.
"Aarrgghhhh kasalanan to ng lintek na scholar na yon " Si Lucien at nag kukuyom ang kamao kasabay ng pag iigting ng panga nito.
"Tsskk" Si Gray.kahit kelan talaga ang yabang nito gustong gusto kong basagin ang muka nya.
"isa ka pa kasalanan mo din to" Sii Lucien at akmang susugod kay Gray ng pigilan namin ito.nakaka hiya na kanina pa kami pinag titinginan at pinag bubulungan.
"tama na pre ang daming naka tingin " Si Akih.Mabilis naman na binalingan ni Lucien ang mga ito.
"Tapos na ang palabas umalis na kayo dito kung ayaw nyong pati kayo ay pag balinan ko ng galit" Pag babanta ni Lucien sa mga nanonood.Mabilis naman na nag sialisan ang mga ito.
"Tara na nga mga pare wala rin naman kwenta ang pag tayo natin dito lalo pat nakikita ko ang muka ng mga ito" si Gray.imbis na patulan ay nag kanya kanya na lang kami ng sakay ng aming kotse.
May araw din ang Gray na yan.
-itutuloy-
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 25 Episodes
Comments