CHAPTER2

...BoysLoveStories||B.L.S...

ARYS POINT OF VIEW.

Krriiinnnnggggggg....

Napatayo ako mula sa pag kakaupo sa bench na aking inuupuan nung mag simula kong marinig ang tunog ng bell.

Akala ko madali lang ang paghahanap ng aking magiging room napabunsangot naman ako lalo ng mahirap pala hanapin ang room ko dapat pala nung may time pa ako naghanap.

Bakit ba ang daming naka tingin sakin and i hate it pag na sakin ang mga tingin nila.

Makadagdag pa sa aking inis ang mga bulungan ng mga ito.

diba yan yung scholar

diba sya marunong ngumiti.

gwapo.

ang creepy ng mata nya thou maganda dahil kulay blue.

Masama kong tinignan ang mga lalaki at babaeng nag chi-chismisan mula sa gilid ng aking dinadaanan.Agad din silang nag iwas ng tingin sa akin.

LUCIEN POINT OF VIEW

Kasalukuyan akong naka tingin sa bintana nitong room habang nagdi-discuss ang aming Profesor sa harapan pero wala ako sa mood para pakinggan ang mga dinidiscuss niya.

Ang layo kasi ng upuan ni Tiffany mula sa akin.Kaklase ko sya dahil pareho kami ng kinuha at ito rin ang gusto ng mga magulang ko Buisness ad, one seat apart kasi ang layo ng bawat isa samin dito kaya hindi ako makapag daldal.Hindi ko tuloy maka limutan ang.

scholar nayon.

"Mr Lucien are you Listening " tanong ng aming Profesor na kanina lang ay nag di-discuss ngayon ay nasa akin na ang atensyon hindi lang sya pati ang buong klase.

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na naka tingin din sakin pati si Tiffany ay naka tingin sakin **** nakaka hiya.

Nakita ko din ang mapang asar na tingin ni Gray at ng kagrupo nya badtrip.Hanggang sa mapatingin din ako sa mga kagrupo ko.

"Mr Lucien I think y-"hindi na ituloy ni Profesor ang kanyang sa sabihin ng mag bukas ang pinto. Malakas iyon dahilan para kumalabog ang pinto at nag bigay ingay sa room namin.

BLAAAGGGG

"Sorry" Malamig ang boses na yon na parang wala naman talagang balak mag sorry.Napatingin ako sa Pinto at ang buong klase ay nan duon ang tingin sa pinto.

"Yes Mr I think you are the scholar halos matapos na ang oras ko ngayon ka lang Dadating"sermon ng aming Profesor dito.

Yes buti na lang dumating ka i'm safe now.

Nag simulang lumapit ang aming Profesor sa kanya.

...THIRD PERSON POINT OF VIEW....

"so why are you late Mr?" Tanong ng aming Profesor dito.Seryoso lang ang tingin ni Arys dito na animoy wala talagang paki sa sina sabe ng Profesor sa kanya.

"sorry ma'am this is will not happen again" Sagot at paghingi ni Arys ng pasyensya dito.Sa totoo lang wala naman talaga syang paki.Napasinghap naman ang kapwa istudyante ni Arys halata kasi nila na wala talagang paki si arys sa pananalita palang.

" good ayoko na ulit mangya-yari na male-late ka sakin.Pumasok kana at mag pakilala ka muna sa harap"Ani ng Profesor nito

.Nag lakad naman si Arys ng dire diretso sa harap.

"Arys Reminton"simpleng pakilala ni arys at halatang tinatamad pa ito.

"is that all Mr Arys"tanong ng kanilang Profesor.

"do you hear anything ma'am" Tanong ni Arys sa kanilang Profesor.

"Wala"sagot ng Profesor nito na animoy sya pa ang nahiya.

"so is that all " Pabalang ang sagot ni arys dito Hindi naman maiwasan ng ibang kapwa nya istudyante ang mag pigil ng tawa pero ang iba ay hindi nagustuhan ang sagot ni Arys sa kanilang Profesor.

Bastos

walang maners

bulong ng ibang mga istudyante na hindi na gustuhan ang sagot ni arys.Nag salubong ang kilay ng Profesor dito.

"Ganyan kaba pinalaki ng magulang mo Mr Arys tandaan mo istudyante ka lang dito at scholar kung ay-" Hindi na naituloy ng Profesor ang kanyang sa sabihin ng putulin iyon ni Arys.

"Say something again about my parents i'll make sure you will regret it" Walang imusyon ang sabi ni Arys na nag pakilabot sa mga ito.Natahimik naman ang Profesor at natulala sa kabang naramdaman.

"Can i seat now?" Tanong ni Arys.Dahan dahan naman na napatango ang guro dito.Nag lakad si Arys pa punta sa pinaka likod kung saan may bakante pang upuan.

nakatulala lang ang mga kapwa nya istudyante sa kanya at hindi iyon na gustuhan ni Arys kaya-

"Pag hindi nyo tinanggal ang pag kakatitig sakin dudukutin ko ang mga mata nyo" Bata nya sa mga ito.Mabilis na nag iwas ang mga istudyante ng tingin dito kahit ang grupo nila Lucien At Gray ay napaiwas dito.

bahagyang nag Smirk si Arys dito.

Gray Point of View

Bakit parang iba ang dating nya bahagya ko ulit sinubukan tinignan ang kanyang pwesto.Nagulat ako ng makita na naka dukmo na ito sa kanyang upuan.

**** paano nya nagagawang dumukmo habang nag di-duscuss ang aming Profesor sa harapan.

Sabagay nasagot nya nga kanina ang Profesor kanina.

Lucien Point Of view.

Napaka bastos naman ng scholar na ito.Walang galang sa Profesor although minsan ay nagagawa namin na mabastos aming guro.but unlike him halos ipahiya nya si Profesor sa harap at nagawa nya rin bantaan ang aming Profesor

"C-Class thats all for to day good bye class" Pag paalam ng aming Profesor.Nakita ko din na sumulyap sya kay scholar at napapailing na lumabas sa aming room.

Naka dukmo ba naman ang scholar na ito napaka bastos.

Hanggang sa pumasok ang sunod naming Profesor.Kaya agad kaming tumayo at bumati dito.

"Good morning class" Pang bungad ng aming Profesor

"Good morning Prof" Bati rin namin dito.Kita ko din ang pag sulyap ni Prof sa scholar na hanggang nga yon ay naka yuko.kaya lumapit sya dito at tatapikin nya sana ng mag angat ng tingin ang scholar mula sa pag kakadukmo nito.napa atras pa aming guro ng seryoso syang tignan nito.

"May i know your name Mr-"tanong ni Prof " I think na naka pagpa- kilala ka na sa kanila kaya sakin ka nalang mag pakilala" Dugtong pa ni Prof

"Arys Reminton" Katulad ng pag papakilala nito kanina wala ng kasunod yun na talaga yon di nya ba sa sabihin ang kanyang edad.

"Well Mr Arys aware kaba na may guro na sa harap diba dapat ay hindi ka natutulog sa oras ng klase lalo pat ayoko sa lahat ng may natutulog sa oras ng klase ko"sermon ni Prof dito.

"sa susunod ayoko na makikita kang natutulog sa oras ko o sa pag pasok ko,okay" Huling sabi ni Prof bago ito tumayo sa harap.Napatingin muli ako kay scholar.

Talaga bang ganyan sya wala man lang pake napaka seryoso nya thou ngayon ay hindi na sya na ka dukmo

"Before mag simula ang buong semister natin gusto ko muna kayo bigyan ng Pre-test.Gusto ko malaman kung meron parin ba sa inyo ang nakakatanda ng mga pinag aralan nyo nung nakaraang taon.aware naman kayo diba pwede ko parin matalakay ang dati nyong pinag aralan" Sabi ng aming Profesor

"so lets start.get one and pass "Sabay abot ni Prof sa mga test paper.

"we have 30 minutes bago chekan natin ang test paper nyo.now kung meron na kayo mag sagot na kayo and by the way kapag may nakita akong nangongopya pinupunit ko ang papel " Paalala ni Prof.

Tinignan ko ang papel na hawak ko nga yon. **** yung iba hindi ko alam.

sinikap kong sagutan lahat ng dapat masagutan.halos 15 minutes na akong nag sa sagot ang hirap ng iba nakakainis.

Napatingin kaming lahat sa scholar na kasalukuyang pina pasa ang test paper niya ngayon kay Prof.

Ang bilis nya tingin ko hula lang yon kaya ang bilis nya.Sabe ko sa aking sarili.

"Ang bilis mo naman sigurado kaba sa sagot mo Mr Arys baka naman ng hula ka " Sabi ni Prof.Pero walang na tanggap na sagot si Prof dito bagkos mabilis na nag lakad ulit ang scholar pabalik sa kanyang upuan.

nag kibit balikat na lang si Prof dito.

Ng matapos ang oras na binigay ni Prof ay binigay na namin ang sina sagutan naming papel tapos o hindi tapos.

"get one and pass walang kukuha ng sarili nyong papel ang makikita o mahuhuli ko ay diretso sa ditention Office " Banta ni Prof.

Tuwang tuwa naman ako ng mapunta sakin ang papel ni Tifany.

one to one hundred 60 ang points ni tiffany pwede na para sa Pre-test.bagay na bagay talaga kami.

"o my god "

napatingin ako sa nag salita na iyon kaklase naming si Jessa naka takip ang bibig nito habang nakatingin sa papel na kanyang hawak

"is there any problem Ms Jessa"tanong ni Prof dito.

"wala po ma'am nagulat lang po ako sa hawak kong papel."sagot nito.

"ano ba iyon"tanong ulit ni Prof at lumapit na dito.

"Oh my god Mr Arys you got a perfect score "sabi ni prof.Nagulat naman kaming lahat dito.

Panong ng yari yon e ang hirap nga ng ibang tanong dahil hindi pa naman namin na pag aaralan yung iba don.

Halos lahat ng mata ay nasa kanya.Nagulat ako ng umirap lang ito pero mas ikinagulat ko ng may pitik talaga ang pag irap nya.

"hindi kaya nan daya lang sya"

sabi ng isa sa aming mga kaklase na si Karen.Natahimik din naman ito agad sabay yuko ng masama syang tignan ni Scholar.

"how did you know?Do you have any evidence?" Malamig na tanong ni Scholar dito.

"n-no" Sagot na nauutal at bakas ang takot ni karen sa kanyang boses.

"Tsskkk next time wag kang nang bibintang " Sagot ni Scholar.

Natahimik naman ng tuluyan si Karen na animoy na pahiya.

"Yah Ms karen,Mr Arys is right i think matalino naman talaga si Arys " Si Prof.pero hindi ito sinagot ni Scholar

umiling iling naman si Prof dito.

"i think mahirap kuhanin ang loob ng istudyante na ito" Bulong ni Prof na saktong kadadaan lang sa aking harap.

Hanggang sa matapos ang aming dalawag subjet.At nga yon ay break time na mabilis kong niyaya si Tifany sa Cafeteria kasama narin namin ang kanyang kaibigan na si Denise.

"Anong gusto mo Tiffany ako na o-order para sa inyo" Tanong ko dito.sinabe naman nito kung ano ang gusto nila ang kasama ko din na omerder ay si Akih at keilah. Habang naiwan ang iba sa table namin.

Napatingin ako sa mga bagong dating sa Cafeteria ang grupo nila Gray umupo ang grupo nya sa tabi ng aming table.Nag salubong naman ang aking kilay nung sulyapan nya si Tifany.

Pero na wala agad iyon ng mapabaling ako sa dalawang taong kakapasok lang ng Cafeteria.

ARYS POINT OF VIEW

"Arys kamusta ang unang araw ng klase mo dito"tanong ni elcy sakin

"Fine"simple kong sagot dito.Pumasok kami sa loob ng cafeteria at ito ang isa sa pinaka ayaw ko ang mga mata nilang naka tingin sakin.

"don't mind them na lang "sabi ni Elcy.

"ako na lang ang oorder hanap kana ng upuan natin" Sabi nito.tumingin ako sa paligid saktong napatingin ako sa pinaka dulo nitong cafeteria walang tao duon mas gusto ko don.

ELCY POINT OF VIEW.

Kung nag tatanong kayo kung bakit ko kilala si Arys at bakit ko sya nakakausap well kaibigan ko sya kahit hindi iyon ang nakikita kong turing nya sakin.

Nang maka order na ako ay hinanap ko agad si Arys na kita ko itong naka upo sa pinaka sulok nitong cafeteria.Kahit kailan talaga walang pinag bago ayaw parin sa ibang tao.

Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla akong matalisod dahil sa paang naka harang dahilan para matapon ang aking dala.at sobra akong kinabahan nung matapon ito kay Troy ang isa sa leader ng gang nakilala dito thou ang pinaka kilala ay sina Lucien at Gray mortal silang mag kalaban pag dating sa pwesto ng pagiging hari dito sa paaralan na ito.at buti na lang hindi sila ito at kung magiging sila ito " i'm sure i'm dead"

Ilang beses akong napalunok habang naka tingin sa natapunan ko ng pag kain nag kalat sa kanyang damit ang pagkain masama ang tingin nito sakin na animoy gusto na ako nitong lapain.

"so-sorry" Paghingi ko ng sorry dito.Pero mabilis itong tumayo at kinuwelyuhan ako.Kilala ko sila wala silang pake kung pati babae pa ang kanilang sa saktan.

"anong sorry Huh?sa tingin mo mawawala ang pag kain na natapon mo sa damit ko pag nag sorry ka" Nanggigil ito sa lubong din ang kilay sayang gwapo na sana masama lang ang ugali.Lahat ng tao sa cafeteria ay nasa amin ang tingin kahit ang grupo nila gray at Lucien ay nasa amin ang tingin.

Natatakot ako baka saktan nya ako dito.napa pikit na lang ako at inantay na saktan nya ako.

"Put her down" Malamig ang pinanggagalingan ng boses na iyon at kilalang kilala ko ang tao nayon.Kaya nag mulat ako ng mata

"At sino ka naman diba ikaw yung scholar " Tanong ni Troy habang naka kwelyo parin sakin.napatingin naman sakin si Arys walang emosyon ang muka at mata nito na nag bigay din sakin ng kilabot.Kilala ko si Arys kapag ganito.

"Last warning Put her down if you don't want to regret it" Sa pag kakataon na ito ay mas lalo akong kinalibutan ang kaninang maingay na Cafeteria nga yon ay naging tahimik.

"si-sino ka naman sa tingin mo para utusan ako bago ka lang dito kaya siguro hindi mo din talaga ako kilala" Si Troy at pabato akong binitawan kaya napasalampak ako sa lapag.

"wrong move"Halos manigas ako at ang mga taong nan dito sa cafeteria ng marinig ang sinabe nyang yon kakaiba talaga ang boses nya.ma-otoridad.

sa isang kurap ng aking mata ay nakita ko na lang si troy na nakabulagta sa sahig hirap na hirap itong huminga dahilan para maalarma ang mga kasama nito at ang mga tao sa cafeteria.

Napatingin ako kay Arys na seryoso lang na nakatingin kay Troy na nahihirapang huminga parang mamatay na ito dahil sa pag hahabol ng hininga.Naalarma ang lahat ng tao dito pati ako kina kabahan baka mawalan talaga ng hininga si troy.

"tsskk wag kayo mag alala hindi sya mamatay" Walang paking sabe ni Arys at mag lakad pabalik sa kanina nyang pwesto.

napatingin naman ako kay Troy mukang nakakahinga na ulit ito ng maayos halos mamutla din ang muka nya.

"pre ayos kana ba?" Tanong ng mga kasama nito kinabig nya naman ang mga kasama nya at kahit nahihirapan ay tumayo ulit ito pati ako ay tumayo narin mula sa pagka-kasalampak sa lapag.

"yu-yun na yon tsskkk w-wala" Si troy halatang inaasar nya si Arys pero halata din sa boses nya ang kaba at hirap.

"tsskkk"si arys. ( -_-)

"aba ang yabang mo ah tara dito sa gitna suntukan tayo" Pag yaya pa ni Troy dito.

"ano uupo ka nalang ba dyan ano ka bakla" pang aasar ni Troy dito

"tama na nga yan nag sorry na ako sayo diba troy" Pag aawat ko dahil wala ata syang balak tumigil sa pang aasar kay Arys.

"pwede ba wag kang humarang dito kung ayaw mong masaktan ng tuluyan " Banta ni Troy sakin.

"ano sa tingin mo hahayaan ko na saktan mo ang kaibigan ko manigas ka" sabi ko at mas humarang pa sa kanya.

"ah ganon ah"sabi nito at malakas akong tinulak pero nagulat ako ng masalo ako ni arys.

"wrong move again" This time ay sinubukan ko nang awatin si arys kahit na takot na takot din ako.Pero nagulat ako ng walang kahirap hirap nyang mabawi ang kamay nya mula sakin.

Sa sapakin na sana ni Troy si Arys ng mabilis itong tuhuran ni arys at iumpog sa lamesa ni arys si troy dahilan para mawalan ito ng malay.

Ganon na lang ito kabilis na Walan ng malay.

"Tssskkk weak" sabi ni arys at umalis sa cafeteria na parang walang ng yari tinignan ko naman si troy na ngayon ay walang malay.kita ko din ang mga reaksyon ng mga tao sa cafeteria mga nakanganga ang mga ito.

mali ang kinalaban ni troy

-itutuloy-

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play