Roxanne’s POV:
First day of school namin ni ate Kinsley pero tulog pa rin silang lahat. It’s 6 A.M in the morning, sabi ni ate Mariah ay 8:30 A.M daw ang pasok namin. I started to wake them up one by one. Med’yo ayaw pa nila gumising pero pinilit ko sila dahil baka ma-late kaming lima.
“ Ang aga-aga pa Rox! ” Sabi ni Shanaia na halatang ayaw pa bumangon. Hinila-hila at nilaro ko siya upang magising ang kaniyang diwa. Kaagad din naman nagising ang tatlo at nagsigawan.
" Ang ingay niyong dalawa, Rox at Shanaia! ” Sabi ni ate Mariah na kagigising lang din. Tinawanan ko lang silang apat tsaka ako binato sa mukha ng unan ni Savarah.
“ OY MASAKIT AH! ” Sigaw ko, tumawa siya pabalik at ibinato ko sa kaniya pabalik ang unan na binato niya sa’kin. Inawat naman na kami ni ate Kinsley, tsaka ito nag luto para sa breakfast namin.
After we eat, s’yempre ay sabay-sabay din kaming nag-asikaso. Kahit ako, si ate Mariah at Shanaia ay nag make-up pa. We love girly and kikay things, of course we have make-ups.
Pang-akit daw sa mga manliligaw nila, mga baliw ’di ba? Pero alam ko naman na pinagsasabihan din sila ni ate Kinsley dahil siya ang pinaka matanda sa ’min. Si Savarah ang bunso, same age lang kami pero mas nauna ako pinanganak kesa sa kaniya.
Pagkatapos namin mag-ayos, isa-isa na kaming lumabas nang dorm ni Shanaia, tsaka naglalakad na papuntang school.
While we’re walking beside the road, we were about to cross the road but a loud honk suprised us. May kotseng mabilis ang pagtakbo ang papalapit sa ’min. Pero agad naman ito tumigil sa harap namin. At sa kotsyeng ito, isang babaeng matangkad, may aura, mayaman, naka Ferrari SF90, at shet.. POGANDA!
“ Hey guys, are you out of your mind? Can’t you see na may paparating na sasakyan? You’re out of my way! ”
Pero kulang sa ugali. Ako ang nagsalita dahil parang hindi rin makakibo ang tatlo.
“ Hoy babaeng akala mo puno ng kapogian! ”
She looked at me confusedly and the four are trying not to laugh.
“ What did you say, woman? ” Lumapit ito
sa ’min at hinawakan naman ni ate Kinsley ang kamay ko. Sinasabing huwag na ako gumawa ng away. Pero hindi ko pinansin ’yon.
“ Ang sabi ko, ikaw babae kang akala mo puno ng kapogian. Huwag mo ngang pinagsasalitaan ang ate ko at mga kaibigan ko ng ganiyan! Wala ka bang good manners?!” But the next thing is, she laughed at me like a mock. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Is she judging me?
“ An Amor student? Huh, you will pay for this, new girl. At kaibigan niyo pa talaga Flores, Aviller at Sevilla. ” She laughed again, baliw na ata ’tong babaeng ’to.
“ Pogi ka sana eh, kulang ka lang sa aruga ng mga magulang mo! ” I said and mas lalong nag-iba ang aura niya. It felt darker and bitter. Did I went to far? It’s her fault naman eh! I was just trying to defend my sister and my friends.
And then, isa pang babae ang lumabas sa loob ng kotse. Pula ang buhok nito, poganda rin at mayaman. Lumapit ito sa ’min.
“ What’s happening here? ” A cold voice, aura and demeanor. Med’yo nakakatakot ang aura niya pero hindi naman siya halatang masungit.
“ M-Mikhson..! ” Utal-utal na sabi ni ate Mariah. Ano ba nangyayari? Kilala ba nila ang babaeng ’to at ang ungas na ’yon?
“ What trouble did you do again, Marceline? ”
Tanong ng babaeng pulang buhok sa katabi niya. Ang babaeng muntik na kaming mabangga.
“ Ito kasing babae ’to ate, she keeps yapping about something! It irritates me, she even said na kulang daw ako sa aruga ng parents natin. ” Sabi niya at totoo naman na kulang siya sa aruga ng magulang niya! At mukhang mag kapatid pa ang dalawang ’to. Pero mas lalong dumilim ang kapaligiran dahil sa mga aura nila.
“ Ms, I apologize for my sister’s action. But please, never mention our parents, because you know nothing. Here. ” Pagkatapos niya sabihin ang mga ’yon, hinagisan niya kami ng pera. ANG DAMI HOY! Pero that doesn’t mean na convince na kami, ang sama ng ugali ng dalawang ’yon!
“ Hoy! Bumalik ka rito! ” Sigaw ni ate Kinsley sa inis at halatang ibabati niya na ang kaniyang bag sa kotse ng dalawang babaeng masungit. Pero huli na dahil ito ay nakalayo na, inawat naman naming apat si ate Kinsley. Med’yo nakakainis nga naman. Pero, bakit nag-iba ang aura nila no’ng mabanggit ko ang parents nila. Whatever, hindi naman na ’yon kasama sa concerns ko.
“ Ano ba meron sa dalawang ’yon, ate Mariah? Kilala niyo ba ’yon ” Tumango-tango sila at nagsimulang magkuwento.
“ They are the Del Valle siblings. Powerful ang dalawang ’yon dahil anak sila ng isang pinaka mayaman na CEO rito sa mundo. Lahat ay ginagalang sila. Nakakatakot nga naman ang aura nila dahil minsan bully din ang dalawang ’yon. Kaya ate Kinsley at Rox, iwasan niyo na silang dalawa dahil baka mapag-initan kayo no’n. Lalo na ’yong nangyari kanina. ”
So, are they saying na anak sila ng may-ari ng school at pinaka makapangyarihang tao rito sa mundo? That’s insane, but it doesn’t mean I will tolerate what they did to us. That’s disrespecting, kulang nga talaga siguro sila sa aruga ng mga magulang nila.
Pero, may naramdaman akong kakaiba no’ng lumapit ’yong babaeng masungit na ’yon. ’Yong itim ang buhok. Hays, kabag lang siguro ito.
Iiwasan ko muna sila sa ngayon, ayokong gumawa ng kahit anumang gulo. Baka maalis pa ako sa university at matanggal ang scholarship ko. Ayaw kong madamay si ate, at lalong mas ayaw kong madismaya sa ’kin si mama at papa.
We promised to them na kami ni ate ang mag-aangat sa pamilya namin. We promised that to them. Gusto kong makapag tapos ng pag-aaral para maging doctor ako. Gusto ko na talaga ang pagiging doctor simula pagka bata. Dati rin kasing doctor ang mama ko, kaya sa kaniya ako nag mana.
Si ate naman ay gusto niya maging business woman, ang taas ng pangarap naming dalawa. Kaya need namin mag-aral nang mabuti. More like, we’re the breadwinner in the family.
Ayaw ko lang maulit ’yong dati, ayaw ko lang madamay si ate sa ’kin, ayaw kong madismaya si mama at papa ulit sa’kin. At mas lalong ayaw kong makita pa siya sa lugar na ’yon, dahil kung magtagpo man ang aming landas, hindi rin naman niya ako maaalala.
Hindi rin naman niya ako makikilala. She will never know who I am, but maybe.. her brain forgot me, but her heart didn’t.
Pero kung sakali man na maalaa niya ako, sana bumalik kami sa dati. Pero kung mahuli man ang lahat, susubukan ko ulit. Susubukan kong mag simula ulit. Pero kung kailangan ko gawin ang lahat para piliin ko siya kesa sa academics ko, gagawin ko. Kung kailangan kong gawin lahat upang maalala niya ako, gagawin ko.
If it’s you, why not? I will do everything just for you to remember me. Because after all, it’s still you. It’s just you, the person, who my heart always beats for.
Yes, all I want is to study, study and study. And maybe.. also her.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 4 Episodes
Comments