GEM OF SECTION E
GEM OF SECTION E
CHAPTER 1
THIRD PERSON PO'V
nakatayo si Hera sa tabi ng puno habang pinapanood ang dalawang batang lalaki at isang batang babae na nagmamadaling tumakbo para tumakas sa mga taong humahabol sa kanina , hindi niya makita ang kanilang mga mukha para bang may takip ito dahilan para hindi niya sila makilala , tumingin siya sa paligid at nakita ang mga matataas na punong nakapalibot sa kanila na labis niyang ipinagtaka
nasaan siya? , sino sila? , tanong sa kanyang isipan
"kuya si mommy" iyak na sigaw ng batang babae habang akay siya ng kanyang kapatid na lalaki , napalingon si Hera sa kanilang pwesto at doon ay nakita niya ang dalawang batang lalaki at isang batang babae habang nakatingin sa kanilang ina na nakikipag agawan ng baril sa isang lalaking naka maskara
"KRIS TAKBO , TUMAKAS NA KAYO NG MGA KAPATID MO" sigaw ng isang ginang sa kanyang mga anak
"HINDI MAMA , HINDI NAMIN KAYO IIWAN" sigaw naman ng isa pang batang lalaki na nasa harapan lang ni Hera
"hindi...hindi..." mahinang sambit niya habang nakatingin sa trahedyang dinadanas ng pamilya gusto niya itong tulungan ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang katawan tila bay isa siyang estatwa at kahit na anong pilit ay hindi niya maigalaw ni daliri niya
"MAKINIG KAYO KAY MAMA , UMALIS NA KAYO BILISAN NIYO PAPARATING NA SILA , ILIGTAS NIYO ANG SARILI NIYO" sigaw muli ng ina sa mga anak dahil ayaw nitong sumunod at tumakas
"NANDITO SILA BILISAN NIYO" sigaw ng kung sino sa di kalayuan , naririnig ni Hena ang papalapit at mabibigat na mga yabag
pilit niyang iginagalaw ang katawan para tulungan ang mga bata piro hindi niya ito magawa "TAKBO PAKIUSAP , TUMAKBO NA KAYOOOO" sigaw ni Hera ngunit tila bay hindi siya naririnig ng mga ito , nagsimula na ding tumulo ang kanyang luha habang tinitingnan ang madugong senaryo sa kanyang harapan
kahit papano ay nabawasan ang kanyang pag aalala ng makita niyang tumatakbo na papalayo ang mga bata, sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong nawala
gulong gulo siya sa mga nangyayari, hindi niya alam kung ano ang mararamdam sa sitwasyong ito
BANG~ BANG~ BANG~
nakakabinging putukan sa paligid , biglang nag echo ang pandinig niya , hindi niya na narinig ang sinasabi nila nawala nadin ang putok ng baril na tumatambol sa dibdib niya kanina , hanggang sa unti unti na ding nandidilim ang paningin niya
--------------------------------------------------------------------
"how is she Mike? " nag aalalang tanong ni Kairo habang naka tingin sa kapatid niyang walang malay na nakahiga sa kama
"she's fine Kairo nag pagod lang siya kaya nawalan siya ng malay , maya-maya ay magigising na din siya" mahinahong tugon ni Mike kay Kairo
"Bro I need to go, I still have an important meetings to attend to if anything happen again just call me" dugtong pa nito at tinapik ang balikat niya saka tuluyang umalis
"Kiel samahan mo siya" ani ni Kairo sa kanyang assistant na si Kiel , tumango naman ito at sinundan palabas si Mike
HERA KATHALENA RAZON PO'V
"WAG" sigaw ko kasabay nito ay ang pagdilat ng mata ko , malakas ang tibok ng puso ko para bang lalabas na sa dibdib ko
"Hera what happened" dali daling lumapit si kuya sakin at inalalayan akong umupo , panaginip lang pala, isang napakasamang panaginip
"wa-wala masamang panaginip lang" ani ko saka pilit na ngumiti
nilibot ko ang paningin sa buong silid
"saan to kuya?" tanong ko rito ng makita ang pamilyar na silid , kararating lang namin galing probinsya , naalala kong pababa na ako ng sasakyan ng bigla nalang nag dilim ang paningin ko
"This is your old room, bigla kang nawalan ng malay kanina habang pababa sa van kaya binuhat na kita papasok dito" paliwanag nito at inabutan ako ng isang basong tubig , tumango ako at kinuha ang baso saka uminom
pagkatapos ay tumayo ito at ginulo ang buhok ko "change your clothes at bumaba kana pagkatapos , ipapahanda kona ang tanghalian kay manang" ani nito , tumango naman ako bilang tugon
lumabas na ito ng kwarto kaya dahan dahan akong tumayo saka muling nilibot ang paningin ko ,kaya pala mapilyar , bumalik na kami sa dating bahay namin kung saan maraming masasayang alaalang naiwan , ganon pa din ang kwarto ko malinis piro walang pinagbago it's been five years since umalis kami dito, it's also been five years mula ng nawala sina mama at papa because of a car accident , simula non si kuya na ang pumasan ng lahat , nung una ay medyo nahihirapan pa kaming mag adjust,kaya napagdesisyonan ni kuya na umuwi sa probinsya para unti-unting makalimot , maraming nagbago palagi ng busy si kuya sa pag-aaral kung papano i mamanage yung kompanyang iniwan ng parents namin , piro kahit papano ay hindi niya ako pinabayaan at binibigay lahat ng kailangan ko , piro kahit na ganon pakiramdam ko ang layo ni kuya hindi ko siya maabot , kahit na hindi niya sinasabi alam kong marami siyang tinatago sakin
kumuha na ako ng damit sa maleta saka pumasok sa banyo para maligo para kahit papano ay ma himasmasan ako , pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at tumungo sa kusina, naabutan ko si kuya na abalang sa babasa ng paperwork habang si manang naman ay nag lalapag ng plato at pagkain sa mesa habang si Kiel naman ay nakatayo lang sa likuran ni kuya
"hi kuya" bati ko rito saka naupo sa kaharap niyang upuan
"Kiel ilagay mo to sa study ko mamaya ko nalang babasahin ulit" ani ni kuya at iniabot yung mga papel kay Kiel, tumango naman ito at agad itong kinuha
"nga pala, lunes na bukas kaya bumili ka na ng mga gamit mo sa school mamaya, isama mo nalang si Kiel para safe at di ka maligaw "ani nito saka nilagyan ng pagkain ang plato ko, tumango nalang ako saka nag simula ng kumain
"Hera ngayong nakabalik na tayo dito, you need to be careful, hindi na to probinsya" seryoso ang tuno ni kuya , nakikinig lang ako habang nag lalagay ng pagkain sa plato ko
"and from now on , Razon na ang apelyidong gagamitin mo sa school" pahabol pa nito na ikinataka ko
"bakit ?"takang tanong ko
"don't ask why , just do what I say"tugon nito kaya hindi na ako nag tanong pa ,alam ko naman hindi niya sasabihin ang dahilan
--------------------------------------------------------------------
|•AT THE MALL•|
"miss mag kano lahat?" tanong ko sa cashier
"897.25 lahat ma'am" tugon nito kaya nag bayad na ako, nilibot ko muli ang tingin sa loob, at nahagip ng mata ko ang isang poster ng library kaya naalala kong bibili din pala ako ng novel book yung bagong published na book ni Cleo my favorite author
binalik ko ang tingin sa cashier saka nag tanong "ah miss may bookstore po ba dito?"tanong ko habang abala siya sa pag silid ng pinamili ko
"meron po, nasa second floor, pagdating niyo sa taas may makikita kayong store na ang pangalan ay book cave, yan na po yun" ani nito at iniabot sakin ang supot sabay ngumiti , tumango ako rito bilang tugon saka lumabas ng store
umakyat na ako sa taas sakto namang nahagip ng mata ko yung store kaya dalidali akong pumasok dito at boom , paradise ang daming libro may mga comic book din sila dito, napangiti ako ng malawak saka nag simulang umikot sa loob, grabe ang dami na excite tuloy ako
gusto kung bilhin yung bagong published na book ni Cleo yung...
"When The Sun Glow"sambit ko ng makita ang libro, nagiisa nalang ito sa bookshelf, at akmang kukunin ko na ito ng may humawak sa kamay ko kaya nilingon ko ito , nakita ko ang isang lalaking nakangiti habang nakatingin sakin
"ah miss last copy na kasi yung libro and I need it ipang reregalo ko sa kaibigan ko, baka pwede sakin nalang" ani nito at ngumiti pa
"Im sorry sir piro gusto ko din kasi ang librong to kaya hindi ko pwedeng ipaubaya sayo" mahinahong ani ko at ngumiti din , para tuloy kaming tangang nag-ngingitian sa isat isa
"how about I give you one thousand" alok nito at naglapag ng pera, yawa balak pa kong bayaran, piro no way nag iisa nalang to
"two thousand" patung ko dito, gumagat ka please wala na akong pera huhu
"five thousand" seryosong ani nito at naglabas ulit ng pera sa bulsa niya, mukhang walang balak mag-paubaya ang luko , nabaling ang tingin ko sa bookshelf sa likuran niya, kaya napangiti ako
"Deal" ani ko at agad na binitawan ang libro, binitawan niya na din ang kamay ko at ibinigay yung five thousand
"thanks" ngumiti ako dito at dali daling kinuha yung isang pang copy ng libro sa may likuran niya
gwapo sana kaso tanga hehe Im rich, hindi niya nakita yung isa pang libro kaya naluko ko siya wahahahahahahaha
agad akong tumungo sa counter para magbayad "miss mag kano" tanong ko sa cashier at inalapag ang libro
"you..." napalingon ako sa likod ko ng may magsalita , gagi ang sama ng tingin niya sakin
"your good ah naloko mo ako, now give me my money back" inis na ani nito, gago akin nato noh wala ng bawian
"no we have a deal, I already give you the book"ani ko at tumalikod para sana kunin yung paper bag piro naunahan niya ako at itinago sa likod niya
"I won't give it to you unless you give me back my money "ani nito at humakbang papalapit sakin kaya napa atras ako hanggang sa wala na akong ma atrasan
"a--anong gagawin mo?" mahinang tanong ko ng dahan dahan niyang ilapit ang mukha niya sakin
"If you won't give me my money back maybe a kiss will do" ngumisi ito ng nakakaloko
loko to ah , gusto pakong nakawan ng first kiss , huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya ng deretso, mas lalo pa siyang ngumisi na parang tanga kala niya ata easy to get ako
"Ulol" inis na ani ko at...
BOGSH
"FVCK, YOU MAD WOMAN" sigaw nito at napahawak sa kanyang ulo ng iuntog ko ang ulo ko sa ulo niya
"buti nga" ani ko at dinilaan siya sabay hablot mg paper bag sa kamay niya
masakit yun piro ayos lang matigas naman yong ulo ko "kasalan mo yan, manyak" inis na dugtong kopa at agad na kinuha yung mga pinamili ko kanina , saka dali daling tumakbo papaalis doon
"YOU DAMN WOMEN GET BACK HERE" rinig kung sigaw niya piro hindi na ako nag-abalang lumingon pa at tuluyan ng bumaba
hingal na hingal akong nakarating sa parking lot kung saan naka park yung kotse , ng makita ko ito ay agad akong pumasok sa passenger seat at hinagis yung mga pinamili ko sa back seat
"anong nangyari sayo Hera, may humahabol ba sayo?" takang tanong ni Kiel at nilingon ako
"ah wa--wala may ano may gagawin pa kasi ako, oo may gagawin pako sa bahay kaya sige na umalis na tayo uwing uwi nako" pag papalusot so dito at pilit na ngumiti , tumango nalang ito at sinimulan ng paandarin ang sasakyan
nang makauwi na kami ay hindi ko nakita si kuya , inilagay ko na din muna sa kwarto yung mga binili ko at mamaya ko nalang aayusin tinatamad pa ko eh
"si kuya?" tanong ko kay Kiel ng makababa ako ng hagdan
"nasa kompanya , hindi niya na ako pinasama para bantayan ka , kaya kung may kailangan sabihin mo nalang sakin" ani nito
"Kiel laro tayo ng UNO" aya ko rito sabay hablot sa kanya papuntang sofa
enexplained ko muna sa kanya ang rules bago kami mag simulang maglaro , nagkasundo din kami na kung sino ang natalo ay susulatan sa mukha nang nanalo , nung una palagi pa akong nananalo piro ng di nagtagal ay nalalamangan na ko ni Kiel , sana pala di ko na siya tinuruan para panalo ako lagi
"wag kang malikot Hera" sambit nito habang sinusulatan yung mukha ko , talo nanaman kasi ako
"pag ako nanalo Kiel lagot talaga sakin yang noo mo" ani ko rito kanina pa siya sulat ng sulat sa mukha ko kainis
si Kiel nga pala ay kababata ni kuya , anak siya ng kaibigan ni papa , halos mag kasing edad lang ata sila ni kuya , nung mga bata pa kami sa tuwing dadalaw ang papa niya ay palagi siyang kasama kaya nakakalaro namin siya , hanggang sa nangyari na nga yung aksedinte kaya nung lumipat kami ni kuya sa probinsya ay hindi ko na ulit siya nakita , kala ko nga di na kami magkikita ulit piro nagulat ako nung bigla siyang sumulpot sa bahay namin , nalaman ko nalang na gusto niyang magtrabaho kay kuya , simula nun kinuha na siyang assitant ni kuya , hindi na siya tulad nang dati , palagi ng seryoso ang mukha niya kaya siguro wala siyang girlfriend , may itsura naman siya matangkad kaso di siya approchable tingnan yung aura niya kasi nakakatakot di na ngumingiti kala mo naman pinagsakluban ng langit at lupa , piro nasanay na ako
nasa kwarto na ako nakahiga sa kama natapos na din kaming maglaro ni Kiel grabe halos mapuno na yung mukha ko ng drawing niya , hindi na nga ako nakabawi kasi kahit na anong Gawin ko talo padin niya ako , pakiramdam ko nga dinadaya niya ako eh
TING
napalingon ako sa cellphone ko ng tumunog ito , agad ko itong kinuha at tiningnan ang message ni kuya , mamaya pa daw siya uuwi kasi marami pang inaasikaso , nag send nalang ako ng heart emoji saka ibinalik ang cellphone sa mesa , palagi naman yung busy sanay na ako , pinatay kona ang ilaw saka tuluyang pinikit ang mata para matulog
END OF CHAPTER 1
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments