GEM OF SECTION E
CHAPTER 1
THIRD PERSON PO'V
nakatayo si Hera sa tabi ng puno habang pinapanood ang dalawang batang lalaki at isang batang babae na nagmamadaling tumakbo para tumakas sa mga taong humahabol sa kanina , hindi niya makita ang kanilang mga mukha para bang may takip ito dahilan para hindi niya sila makilala , tumingin siya sa paligid at nakita ang mga matataas na punong nakapalibot sa kanila na labis niyang ipinagtaka
nasaan siya? , sino sila? , tanong sa kanyang isipan
"kuya si mommy" iyak na sigaw ng batang babae habang akay siya ng kanyang kapatid na lalaki , napalingon si Hera sa kanilang pwesto at doon ay nakita niya ang dalawang batang lalaki at isang batang babae habang nakatingin sa kanilang ina na nakikipag agawan ng baril sa isang lalaking naka maskara
"KRIS TAKBO , TUMAKAS NA KAYO NG MGA KAPATID MO" sigaw ng isang ginang sa kanyang mga anak
"HINDI MAMA , HINDI NAMIN KAYO IIWAN" sigaw naman ng isa pang batang lalaki na nasa harapan lang ni Hera
"hindi...hindi..." mahinang sambit niya habang nakatingin sa trahedyang dinadanas ng pamilya gusto niya itong tulungan ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang katawan tila bay isa siyang estatwa at kahit na anong pilit ay hindi niya maigalaw ni daliri niya
"MAKINIG KAYO KAY MAMA , UMALIS NA KAYO BILISAN NIYO PAPARATING NA SILA , ILIGTAS NIYO ANG SARILI NIYO" sigaw muli ng ina sa mga anak dahil ayaw nitong sumunod at tumakas
"NANDITO SILA BILISAN NIYO" sigaw ng kung sino sa di kalayuan , naririnig ni Hena ang papalapit at mabibigat na mga yabag
pilit niyang iginagalaw ang katawan para tulungan ang mga bata piro hindi niya ito magawa "TAKBO PAKIUSAP , TUMAKBO NA KAYOOOO" sigaw ni Hera ngunit tila bay hindi siya naririnig ng mga ito , nagsimula na ding tumulo ang kanyang luha habang tinitingnan ang madugong senaryo sa kanyang harapan
kahit papano ay nabawasan ang kanyang pag aalala ng makita niyang tumatakbo na papalayo ang mga bata, sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong nawala
gulong gulo siya sa mga nangyayari, hindi niya alam kung ano ang mararamdam sa sitwasyong ito
BANG~ BANG~ BANG~
nakakabinging putukan sa paligid , biglang nag echo ang pandinig niya , hindi niya na narinig ang sinasabi nila nawala nadin ang putok ng baril na tumatambol sa dibdib niya kanina , hanggang sa unti unti na ding nandidilim ang paningin niya
--------------------------------------------------------------------
"how is she Mike? " nag aalalang tanong ni Kairo habang naka tingin sa kapatid niyang walang malay na nakahiga sa kama
"she's fine Kairo nag pagod lang siya kaya nawalan siya ng malay , maya-maya ay magigising na din siya" mahinahong tugon ni Mike kay Kairo
"Bro I need to go, I still have an important meetings to attend to if anything happen again just call me" dugtong pa nito at tinapik ang balikat niya saka tuluyang umalis
"Kiel samahan mo siya" ani ni Kairo sa kanyang assistant na si Kiel , tumango naman ito at sinundan palabas si Mike
HERA KATHALENA RAZON PO'V
"WAG" sigaw ko kasabay nito ay ang pagdilat ng mata ko , malakas ang tibok ng puso ko para bang lalabas na sa dibdib ko
"Hera what happened" dali daling lumapit si kuya sakin at inalalayan akong umupo , panaginip lang pala, isang napakasamang panaginip
"wa-wala masamang panaginip lang" ani ko saka pilit na ngumiti
nilibot ko ang paningin sa buong silid
"saan to kuya?" tanong ko rito ng makita ang pamilyar na silid , kararating lang namin galing probinsya , naalala kong pababa na ako ng sasakyan ng bigla nalang nag dilim ang paningin ko
"This is your old room, bigla kang nawalan ng malay kanina habang pababa sa van kaya binuhat na kita papasok dito" paliwanag nito at inabutan ako ng isang basong tubig , tumango ako at kinuha ang baso saka uminom
pagkatapos ay tumayo ito at ginulo ang buhok ko "change your clothes at bumaba kana pagkatapos , ipapahanda kona ang tanghalian kay manang" ani nito , tumango naman ako bilang tugon
lumabas na ito ng kwarto kaya dahan dahan akong tumayo saka muling nilibot ang paningin ko ,kaya pala mapilyar , bumalik na kami sa dating bahay namin kung saan maraming masasayang alaalang naiwan , ganon pa din ang kwarto ko malinis piro walang pinagbago it's been five years since umalis kami dito, it's also been five years mula ng nawala sina mama at papa because of a car accident , simula non si kuya na ang pumasan ng lahat , nung una ay medyo nahihirapan pa kaming mag adjust,kaya napagdesisyonan ni kuya na umuwi sa probinsya para unti-unting makalimot , maraming nagbago palagi ng busy si kuya sa pag-aaral kung papano i mamanage yung kompanyang iniwan ng parents namin , piro kahit papano ay hindi niya ako pinabayaan at binibigay lahat ng kailangan ko , piro kahit na ganon pakiramdam ko ang layo ni kuya hindi ko siya maabot , kahit na hindi niya sinasabi alam kong marami siyang tinatago sakin
kumuha na ako ng damit sa maleta saka pumasok sa banyo para maligo para kahit papano ay ma himasmasan ako , pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at tumungo sa kusina, naabutan ko si kuya na abalang sa babasa ng paperwork habang si manang naman ay nag lalapag ng plato at pagkain sa mesa habang si Kiel naman ay nakatayo lang sa likuran ni kuya
"hi kuya" bati ko rito saka naupo sa kaharap niyang upuan
"Kiel ilagay mo to sa study ko mamaya ko nalang babasahin ulit" ani ni kuya at iniabot yung mga papel kay Kiel, tumango naman ito at agad itong kinuha
"nga pala, lunes na bukas kaya bumili ka na ng mga gamit mo sa school mamaya, isama mo nalang si Kiel para safe at di ka maligaw "ani nito saka nilagyan ng pagkain ang plato ko, tumango nalang ako saka nag simula ng kumain
"Hera ngayong nakabalik na tayo dito, you need to be careful, hindi na to probinsya" seryoso ang tuno ni kuya , nakikinig lang ako habang nag lalagay ng pagkain sa plato ko
"and from now on , Razon na ang apelyidong gagamitin mo sa school" pahabol pa nito na ikinataka ko
"bakit ?"takang tanong ko
"don't ask why , just do what I say"tugon nito kaya hindi na ako nag tanong pa ,alam ko naman hindi niya sasabihin ang dahilan
--------------------------------------------------------------------
|•AT THE MALL•|
"miss mag kano lahat?" tanong ko sa cashier
"897.25 lahat ma'am" tugon nito kaya nag bayad na ako, nilibot ko muli ang tingin sa loob, at nahagip ng mata ko ang isang poster ng library kaya naalala kong bibili din pala ako ng novel book yung bagong published na book ni Cleo my favorite author
binalik ko ang tingin sa cashier saka nag tanong "ah miss may bookstore po ba dito?"tanong ko habang abala siya sa pag silid ng pinamili ko
"meron po, nasa second floor, pagdating niyo sa taas may makikita kayong store na ang pangalan ay book cave, yan na po yun" ani nito at iniabot sakin ang supot sabay ngumiti , tumango ako rito bilang tugon saka lumabas ng store
umakyat na ako sa taas sakto namang nahagip ng mata ko yung store kaya dalidali akong pumasok dito at boom , paradise ang daming libro may mga comic book din sila dito, napangiti ako ng malawak saka nag simulang umikot sa loob, grabe ang dami na excite tuloy ako
gusto kung bilhin yung bagong published na book ni Cleo yung...
"When The Sun Glow"sambit ko ng makita ang libro, nagiisa nalang ito sa bookshelf, at akmang kukunin ko na ito ng may humawak sa kamay ko kaya nilingon ko ito , nakita ko ang isang lalaking nakangiti habang nakatingin sakin
"ah miss last copy na kasi yung libro and I need it ipang reregalo ko sa kaibigan ko, baka pwede sakin nalang" ani nito at ngumiti pa
"Im sorry sir piro gusto ko din kasi ang librong to kaya hindi ko pwedeng ipaubaya sayo" mahinahong ani ko at ngumiti din , para tuloy kaming tangang nag-ngingitian sa isat isa
"how about I give you one thousand" alok nito at naglapag ng pera, yawa balak pa kong bayaran, piro no way nag iisa nalang to
"two thousand" patung ko dito, gumagat ka please wala na akong pera huhu
"five thousand" seryosong ani nito at naglabas ulit ng pera sa bulsa niya, mukhang walang balak mag-paubaya ang luko , nabaling ang tingin ko sa bookshelf sa likuran niya, kaya napangiti ako
"Deal" ani ko at agad na binitawan ang libro, binitawan niya na din ang kamay ko at ibinigay yung five thousand
"thanks" ngumiti ako dito at dali daling kinuha yung isang pang copy ng libro sa may likuran niya
gwapo sana kaso tanga hehe Im rich, hindi niya nakita yung isa pang libro kaya naluko ko siya wahahahahahahaha
agad akong tumungo sa counter para magbayad "miss mag kano" tanong ko sa cashier at inalapag ang libro
"you..." napalingon ako sa likod ko ng may magsalita , gagi ang sama ng tingin niya sakin
"your good ah naloko mo ako, now give me my money back" inis na ani nito, gago akin nato noh wala ng bawian
"no we have a deal, I already give you the book"ani ko at tumalikod para sana kunin yung paper bag piro naunahan niya ako at itinago sa likod niya
"I won't give it to you unless you give me back my money "ani nito at humakbang papalapit sakin kaya napa atras ako hanggang sa wala na akong ma atrasan
"a--anong gagawin mo?" mahinang tanong ko ng dahan dahan niyang ilapit ang mukha niya sakin
"If you won't give me my money back maybe a kiss will do" ngumisi ito ng nakakaloko
loko to ah , gusto pakong nakawan ng first kiss , huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya ng deretso, mas lalo pa siyang ngumisi na parang tanga kala niya ata easy to get ako
"Ulol" inis na ani ko at...
BOGSH
"FVCK, YOU MAD WOMAN" sigaw nito at napahawak sa kanyang ulo ng iuntog ko ang ulo ko sa ulo niya
"buti nga" ani ko at dinilaan siya sabay hablot mg paper bag sa kamay niya
masakit yun piro ayos lang matigas naman yong ulo ko "kasalan mo yan, manyak" inis na dugtong kopa at agad na kinuha yung mga pinamili ko kanina , saka dali daling tumakbo papaalis doon
"YOU DAMN WOMEN GET BACK HERE" rinig kung sigaw niya piro hindi na ako nag-abalang lumingon pa at tuluyan ng bumaba
hingal na hingal akong nakarating sa parking lot kung saan naka park yung kotse , ng makita ko ito ay agad akong pumasok sa passenger seat at hinagis yung mga pinamili ko sa back seat
"anong nangyari sayo Hera, may humahabol ba sayo?" takang tanong ni Kiel at nilingon ako
"ah wa--wala may ano may gagawin pa kasi ako, oo may gagawin pako sa bahay kaya sige na umalis na tayo uwing uwi nako" pag papalusot so dito at pilit na ngumiti , tumango nalang ito at sinimulan ng paandarin ang sasakyan
nang makauwi na kami ay hindi ko nakita si kuya , inilagay ko na din muna sa kwarto yung mga binili ko at mamaya ko nalang aayusin tinatamad pa ko eh
"si kuya?" tanong ko kay Kiel ng makababa ako ng hagdan
"nasa kompanya , hindi niya na ako pinasama para bantayan ka , kaya kung may kailangan sabihin mo nalang sakin" ani nito
"Kiel laro tayo ng UNO" aya ko rito sabay hablot sa kanya papuntang sofa
enexplained ko muna sa kanya ang rules bago kami mag simulang maglaro , nagkasundo din kami na kung sino ang natalo ay susulatan sa mukha nang nanalo , nung una palagi pa akong nananalo piro ng di nagtagal ay nalalamangan na ko ni Kiel , sana pala di ko na siya tinuruan para panalo ako lagi
"wag kang malikot Hera" sambit nito habang sinusulatan yung mukha ko , talo nanaman kasi ako
"pag ako nanalo Kiel lagot talaga sakin yang noo mo" ani ko rito kanina pa siya sulat ng sulat sa mukha ko kainis
si Kiel nga pala ay kababata ni kuya , anak siya ng kaibigan ni papa , halos mag kasing edad lang ata sila ni kuya , nung mga bata pa kami sa tuwing dadalaw ang papa niya ay palagi siyang kasama kaya nakakalaro namin siya , hanggang sa nangyari na nga yung aksedinte kaya nung lumipat kami ni kuya sa probinsya ay hindi ko na ulit siya nakita , kala ko nga di na kami magkikita ulit piro nagulat ako nung bigla siyang sumulpot sa bahay namin , nalaman ko nalang na gusto niyang magtrabaho kay kuya , simula nun kinuha na siyang assitant ni kuya , hindi na siya tulad nang dati , palagi ng seryoso ang mukha niya kaya siguro wala siyang girlfriend , may itsura naman siya matangkad kaso di siya approchable tingnan yung aura niya kasi nakakatakot di na ngumingiti kala mo naman pinagsakluban ng langit at lupa , piro nasanay na ako
nasa kwarto na ako nakahiga sa kama natapos na din kaming maglaro ni Kiel grabe halos mapuno na yung mukha ko ng drawing niya , hindi na nga ako nakabawi kasi kahit na anong Gawin ko talo padin niya ako , pakiramdam ko nga dinadaya niya ako eh
TING
napalingon ako sa cellphone ko ng tumunog ito , agad ko itong kinuha at tiningnan ang message ni kuya , mamaya pa daw siya uuwi kasi marami pang inaasikaso , nag send nalang ako ng heart emoji saka ibinalik ang cellphone sa mesa , palagi naman yung busy sanay na ako , pinatay kona ang ilaw saka tuluyang pinikit ang mata para matulog
END OF CHAPTER 1
Gem Of section E
CHAPTER 2
HERA POV
|• KINABUKASAN •|
"where here Hera" tapik sakin ni kuya Kairo kaya nahimasmasan ako, napatingin ako sa labas ng bintana at nakitang nasa gate na kami ng UN University
lumabas ito at umikot para pag buksan ako ng pinto "bumaba kana" ani nito
"ah oo" sambit ko naman saka kinuha ang bag at akmang maglalakad na ng pigilan ako nito
"wait dalhin mo to, this is the campus map baka maligaw ka, Kiel can't go with you kaya mag iingat ka, tawagan mo ko kapag may nangyari understand?" para ko siyang magulang kung magsali , kaya napa ngiti ako
"opo" nakangusong tugon ko
"tsk tumigil ka mukha kang pato"ani nito na ikinasimangot ko
"kuya naman eh"angal ko kaya napa ngiti ito, pogi talaga ng kuya ko kaso sarap kaltukan minsan
"sige na baka ma late ka hahanapin mo pa yung classroom mo" ani nito kaya tumango nalang ako at nag paalam na
nang nakapasok na ako ng campus ay naglibot-libot ako gamit yung mapa na binigay ni kuya para hanapin yung classroom ko, grabe ang laki ng campus mas malaki to sa dating school ko parang maliligaw ata ako, nalilito din ako sa mga dereksiyon sa mapa di ko kasi maintindihan eh
"ahh" daing ko ng may bumangga mula sa likuran ko kaya napaupo ako sa lupa
"omg miss I'm sorry" tili ng babaeng nakabangga sakin at agad akong tinulungang tumayo, akmang papagpagan nito ang uniform ko ng agad ko siyang pinigilan
"a--ayus lang di naman masakit" ani ko rito at ngumiti, piro nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko at hinila ako papatakbo
"te-teka lang" angal ko habang patuloy padin kami sa pag takbo , ano to running
"mamaya kona ipapaliwanag may humahabol kasi sakin" tugon naman nito kaya nagpahila nalang ako
hanggang sa makarating kami sa hindi matao at nagtago sa isang bukas na classroom, nilibot ko ang paningin ko at napansing maraming nakatambak na upuan at kung ano ano pang gamit sa school , nakakatakot naman dito, sa tingin ko ay abandunadong school building to na ginawang bodega para tambakan ng mga sirang gamit
"hays" napalingon ako sa katabi ko ng dahan dahan itong tumayo at lumabas ng pinto, sumunod naman ako sa kanya
"a--ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko dito, piro hindi siya sunagot at nagpalingalinga , ng wala na siyang makita ay agad niya akong hinarap
"ah sorry nga pala kanina ah, sinama pa kitang magtago" hingi nito ng tawad piro embis na magalit ako ay hindi ko magawa ng makita ang napaka cute niyang mukha
umiling iling ako at nag salita"ayus lang, tsaka nga pala , sino ba yung mga humahabol sayo, bat ka nila hinahabol?"tanong kopa
"mga taga section D yung mga yun, gusto kasi nilang kunin yung pera ko kaso di ko binigay kaya hinabol nila ako" paliwanag nito
"bakit di mo i report sa teacher para mapagalitan, para di kana nila kulitin ulit" takang tanong ko piro umiling lang ito
"dina baka mas lalo lang nila akong hindi tigilan" ani nito , na ikinakunot ng noo ko, sa salita niya para bang sanay na siya
"nga pala bago kalang ba dito?, ngayon lang kasi kita nakita eh" naka ngiting tanong nito kaya tumango naman ako , gagi ang cute niga sarap niyang isilid sa bag
"nga pala alam mo ba kung saan yung section E , di ko kasi naintindihan tong mapa tsaka wala naman akong nakikitang section E dito" ani ko rito at ipinakita sa kanya yung map, totoo naman kasing nakakalito
natigilan ito at di makapaniwalang tumingin sakin "bakit may dumi ba sa mukha ko?" tanong ko dito saka winasiwas yung mukha ko
"Section E ka, may record kadin sa guidance tulad nila? "di makapaniwalang tanong nito
"ha?a--anong record? wala ah malinis yung record ko sa guidance promise" dali dali akong umiling at nag pis sign pa na ikinatawa niya
kahit nga ako nagtaka bat napunta ako sa section E, ayus naman yung grade ko at wala naman ako record sa guidance na sinasabi niya
"then bakit ka naka enroll dito? or di kaya nagkamali lang sila?" takang tanong niya itinaas ko naman ang dalawang balikat ko na nagpapahiwatig na hindi ko din alam
"di bali na nga" ani niya pa at napahawak sa kanyang ulo
"nga pala di mona kailangan hanapin yung classroom mo kasi nasa fourth floor na ng building na to" ani nito sabay turo sa taas
"teka diba bodega to?"naguguluhang tanong ko ng bigla niya akong tingnan ng seryoso para bang hindi siya nag bibiro
"what are you doing it's already time for classes" nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko, nanindig yung balahibo ko don ah
"sir Jake" sambit ni... teka sino nga ba to hindi ko pa alam yung pangalan niya
"I'm asking you why your still out here" seryoso ang mukha nito habang nakatingin samin pareho, gagi nakakatakot siya di ko alam piro naninindig yung balahibo ko, malakas din yung kabog ng puso ko
"sir kasi po hinahanap niyo yung classroom niya, transferee kasi siya kaya di niya pa alam yung pasikotsikot dito" halata sa boses niyang kinakabahan siya, nasa baba na din ang tingin niya , agad namang dumapo ang tingin sakin nung sir Jake
"section E" agad na bulyaw ko, alam ko namang magtatanong siya kaya uunahan kona
"then come with me saktong don ako papunta" ani nito at agad na nilagpasan kami, napatingin naman ako sa katabi ko ganon din siya sakin
"I'm Sandra Ebañes nga pala taga section B, sige aalis na ko ingat" nagmamadaling sambit nito at dalidaling tumakbo papaalis, anyari don?
"ahm" napalingon ako kay sir Jake ng umubo ito , gagi pinapasunod niya nga pala ako
dalidali akong sumunod sa kanya papaakyat ng hagdan ,di ko alam piro bakit pakiramdan ko minamalas ako, tapos nasa fourth floor pa talaga yung classroom ko eh takot ako sa matataas
di ko alam kung guniguni ko lang piro habang papalapit kami sa pupuntahan namin eh papalakas din yung sigawan na kanina kopa naririnig sa second floor palang
"don't enter unless I tell you" paalala nito ng pamarating kami sa harap ng...
"ano to" di makapaniwalang sambit ko ng makita yung pinto ng pinaghintuan namin, puno ng bandal yung mga pader kung ano ano yung naka sulat
"girls are not allowed"
"this is the territory of class E"
"mabaho mga taga class A"
"pagkain lang sapat na"
at kung ano ano pa, ngayon ko lang din napansing puno ng basura yung dinaanan namin kanina tapos ang ingay sa loob grabe ano ba sila mga speaker lalakas ng mga boses
"QUITE ALL OF YOU" halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang malakas na sigaw ni sir Jake sa loob , bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si sir Jake
"you can come in now" paanyaya ni sir kaya agad naman akong sumunod , mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng pakapasok na ako sa loob, ang kaninang napakaingay ay napalitan ng isang nakakabinging katahimikan
"we have a new student here and I hope that you will give her a warm welcome , Please introduce your self" basag ni sir sa katahimikan kaya naman huminga muna ako ng malalim sa humarap sa kanina
"Hi everyone I'm..." natigilan ako ng makita ang napaka gulo ang napakaduming silid sa harap ko, pati dito sa loob puno ng bandal mabaho din ang amoy nito at bakit...puro lalaki
"Go on" agaw atensiyon ni sir kaya nabalik ang ulirat ko
nagpatuloy na ako sa pagpapakilala "I'm Hera Kathalena Razon Fuentes fro--" hindi na tuloy ang sasabihin ko ng biglang may nagbato sakin ng bola mabuti nalang ay agad akong nakailag
"muntik na yun" sambit ko at napahawak sa dibdib
"gagi pre muntik na , bullseye sana whahahahahah" natatawang bulong nong may white yung buhok sa katabi niyang may panyo sa ulo , sinamaan ko siya ng tingin piro yung mukong nginitian lang ako
"who the hell did that" galit na tanong ni sir at hinampas ang table
"patay ka galit na" komento nung nasa gilid
"sir takot ako" ani naman nung isa at nag aktong nanginginig pa
"SIR SI CEDRIC" sigaw nung isang lalaking makapag yung kilay sa likuran , binato naman siya ng papel nung isa at sakto namang tumama ito sa ulo niya
"WHAHAHAHAHAH" malakas na halakhak nung nasa tabi niya muntik pa ngang mahulog sa upuan yung luko, grabe mabibingi ata ako dito ang lalakas ng boses nila
"sir sorry nadulas lang yung kamay ko" walang ganang sambit nung bumato sakin tiningnan ko naman siya ng masama , anong ginawa ko sakaniya at saka anong nadulas!? sa lakas non mukha bang nadulas yon
"nasan ang iba sa inyo?" pag iiba ng usapan ni sir habang nililibot ang paningin
"miss mo na sir?" tanong nung medyo chubby yung cheeks
"nasa damit nila" ani naman nung katabi niya
"hanapin mo may sarili ka namang mata" ani ulit nung nasa gilid
aba ang babastos sumagot ng mga to parang di tinuruan ng magulang kainis
napailing nalang si sir sa mga sagot nila "that's enough, Hera find a seat so we can start" ani ni sir Jake at hinalungkat ang bag niya
lumapit naman ako don sa may bakanting upuan sa first row sa gitna at akmang uupo na ng may naunang umupo doon
"sorry miss dito kasi ako naka upo eh" nakangising ani nito kaya hinayaan ko nalang at akmang uupo sa katabing bakanting upuan niya ng bigla niya akong pigilan , para siyang bata
"pasinsya na piro allergic kasi ako sa babae" pagpigil nito at hinarang ang isang kamay niya para di ako maka upo, inuubos niya yata yong pasensiya ko
ngumiti ako ng peke saka padabog na umupo sa may likuran niya , anong klasing allergy yan tsk
nagsimula ng mag turo si sir Jake habang ako naka sunod lang at sinusulat kung ano ang tinuturo niya ng biglang may bumato sakin ng papel
"aray" daing ko ng tumama ito sa ulo ko , kanina bola ngayon papel naman
"gagi pre tinamaan " bulong ng nasa may likuran ko , kala ata di ko naririnig ,kinuha ko yung papel at binuklat
"bawal babae dito" basa ko sa naka sulat at may naka drawing pa sa gilid , iwan ko kung ano to , hindi ko nalang ito pinansin at isinilid sa bulsa ang papel bumalik na ako sa pakikinig ng bigla nanamang may bumato sakin
"whahahahahahaha ako naman ako" rinig ko nanamang tawa sa may kanan ko , kaya nilingon ko ito , aba yung mga luko nagkunwaring may kanya kanyang ginagawa yung isa nag bibilang ng daliri yung isa naman nakatingin sa ceiling
pag ako talaga napikon mamaya kayo sakin , bumalik nalang ulit ako sa ginagawa hanggang sa matapos ng mag turo si sir
"class dismiss" ani nito at inilapag ang eraser sa table , teka wala pa naman akong naririnig na bell ah tapos na agad yung klase ano ba yan
"by the way your second subject is on leave, but your other teacher are here" dugtong pa nito saka tuluyang lumabas ng classroom
"YUNNNNN WALA SI KALBO" malakas na sigaw nung may white yung buhok
"PRAISE THE LORD" sigaw naman nung isa, nag taas pa siya ng dalawang kamay parang tanga
"AMEN" isa pang nakakabinging sigaw naman ng katabi niya
"MAGANDA NANAMAN YUNG ARAW KO WOHHHHH" sigaw naman nung nasa harap ko
at yung mga ungas nagdiwang na nga, nag batuhan pa sila ng papel muntik pakong matamaan pucha , para silang mga tanga, iilan nga lang kami sa room tapos subrang ingay pa
"aray" daing ko ng may bumato nanaman sakin this time basang papel na kaya medyo masakit na
lumingon ako sa likuran ko at sakto namang naka tingin din siya sakin naka ngisi pa yung unggoy , siya yung Cedric yung bumato sakin nang bola kanina, nakakainis yung ngiti niya sarap sapakin
"gago Cedric ma uubos yung papel ko wala nakong gagamitin pang quiz, pag ako di naka graduate kasalanan mo" ani nung makapal yung kilay sabay hablot nung papel niya sa Cedric na yun, hanggang sa mag agawan na nga sila
"ulol , Kaiser wag kang magpanggap di bagay sayo" Ani naman nung maputing lalaki, gagi parang siyang bampira mas maputi pa siya sakin eh
"Hena kalma , huminga ng malalim at huwag papatol sa mga kampon ni pennywise" bulong ko sa sarili at bumalik sa ayos na pag upo , piro mukhang sinusubok nila yung pasensiya ko dahil ayaw talaga nila akong tigilan
"punyimas" sambit ko at kinalabog ang desk sabay lakad papunta sa mga unggoy na nasa likod ko
natigilan sila ng mapansing nasa harap na nila ako "what? do you have a problem?" taas kilay na tanong ni Cedric , kaya nginitian ko naman siya ng peke , tumayo ito kaya napa atras ako , masama ang tingin na ibinigay niya sakin kaya napataas yung kilay ko
"gusto ko lang sanang sabihin sayo na hindi ako tapunan ng basura mo kaya itigil mo na yung pangbabato mo kasi nasa tabi mo lang naman yung lalagyan ng basura" inis na sambit ko na ikinatawa niya
tumaas ang kilay ko ng lumapit siya sa tambak na mga basura sa gilid at kinuha yung isang trashcan na puno ng basura saka lumapit ulit sakin , ngumiti ito ng nakakaluko at walang ano ano ay ibinuhos niya iyon sa ulo ko
"Ohhhhhhhhhhhh" di makapaniwalang reaksiyon nilang lahat , napapikit ako at sandaling naestatwa sa kinatatayuan ko , sa pagkakataong to ubos na ang talaga ang pasensiya ko naiiyak ako piro mas lamang yung galit na nararamdam ko
"ngayon basura kana din" sambit nito at naki pag apir pa sa katabi niya
"naaamoy mo ba yun dre? grabe ang baho whahahahahahahahaha"
"oo nga ano kaya yun? ay mali dapat pala SINO KAYA YUN WHAHAHAHAHAHA"
"gagi dre baka umiyak yan"
"patay ka Cedrick pinaiyak mo"
"iiyak na yan iiyak nayan"
mababakas ang kasiyahan sa mga boses nila at may halong pang-iinis ang mga komento nila piro hindi ko na ito pinansin pa at tumingin ng deretso sa kaharap kung nagpipigil ng tawa , ikinuyom ko ang kamao ko at ngumiti ng napakatamis na ikinatigil naman niya , akala niya ba iiyak ako huh
"GAGO" inis na sigaw ko at sinuntok siya sa mukha
"ARGGGGG FVCK" sigaw niya na umalingawngaw sa buong classroom , sabay sabay silang naglapitan sa kanya kaya umatras na ako
"SHIT BRO" di makapaniwalang sambit nung may white yung buhok tumingin ito sakin
"GAGI SAKIT NON" ani nung maputi
"GAGO DRE AYOS KALANG" ani naman nung isa pa
"WOHHH DALHIN NABA NATIN SA CLINIC?" tanong nung may white yung buhok
nagkakagulo sila kaya bago paman nila ako mapansin ulit ay dalidali ko nang kinuha yung bag at mga gamit ko para umalis sa room na to , piro bago pa man ko tuluyang makalabas ay nahagip nang mata ko ang isang lalaking nasa gilid , ngayon ko lang siya napansin , nakatingin din ito ng seryoso sakin , piro hindi ko na ito pinansin dahil ang gusto ko lang ngayon ay makaalis sa lugar na to
END OF CHAPTER 2
Download MangaToon APP on App Store and Google Play