My friends wrapped me inside the two big towels, I look like a human burrito.
Naka upo lang ako. Grabe, tokang toka na ako ngayong hapon sa hiya. Apparently those men were not strangers. Yun yung tinutukoy ni Pheobe kaninang ibang tao na bisita ng pinsan nya.
There are three villas here, dumiretso sila sa pinag stay-an namin kasi akala nila available to at ito kasi ang pinaka likod, kaya pala sa backdoor sila nangaling kasi may parking pa sa dulo ng resort. Sakto, pagpasok nila nandon ako sa kitchen at kung ano ano ang ginagawa.
I said my sorry to them and bowed because it was really embarrassing, tumili pa ako sa takot. Paanong hindi ako matatakot, akala ko trespasser! Ang lalaki pang tao!
Tsk, downside talaga ‘to ng pandak.
Thankfully Pheobe cousin said it’s okay pero yung mukha nun parang hindi ako mapatawad. The other were just smiling at me pero hindi ko nakuhang ngumiti pabalik sakanila. They even look at me like I was their sister! Duh?
I pouted my lips without thinking.
“Get up, the boys are arranging a new pool game. Hayaan mo na ‘yun sina kuya, ‘di mo na ulit makikita mga ‘yon kasi nasa kabilang villa na sila.” True that, kasi medyo malayo yung kabilang Villa dito.
“Buti naunahan natin yung Pinsan mo sa pagkuha nito, Feebs.” Aly said.
“True, mas maganda kasi dito sa dulo.” sagot naman ni Pheobe.
“Kayo nalang, I’ll be fine here, Bantayan ko yung kanin. Liligo narin ako nito. I’m tired na eh.” sabat ko sa dalawa.
Tinignan nila akong pareho.
“What? Masakit na kaya braso at likod ko! Kanina pa ako langoy nang langoy ‘dun.”
“Sabagay, mukha kang isdang naka wala kanina.” pilosopong turan ni Aly, I bitchily roll my eyes on her.
“Fine, let’s go na Aly. Hinahanap na rin ako ni Drew.” Pagtutukoy niya sa Jowa niyang sinama nya dito sa party namin. Edi siya na may jowa, harot.
“Shoo.” sinimangutan nila akong pareho and when they left, I sighed heavily.
Sumukob ako sa mesa habang hinihintay matapos magluto yung rice cooker pero hindi ko inexpect na aantukin ako. My lids were heavy and moments later I fell asleep.
Medyo napamulagat ako nang maramdaman kong may umaayos sa buhok ko, rough hands were combing it. I thought it was one of my male classmate so I didn’t mind.
“Paki patay yung cooker, thanks.” I said half asleep.
Wala akong narinig na sagot pero rinig kong pinatay yung rice cooker, I turn my face left but eyes are still closed, bahala na sila kaya natulog ulit ako.
**
"Oh, man. C'mon, stop staring at them. May type ka ba?" Nakakalokong sabi Javier, habang ang inaasar nito ay hindi man lang siya liningon at patuloy parin tumitig sa kawalan.
Tinapik ni Javier ang braso ni Ray.
"Gagi pare, We didn't get the villa 3 because you're late! who decided to go here at 6 PM ba?" Pagrereklamo ni Seb kay Alec.
"I didn't know there will be another guest. Malay ko bang may pa party ang pinsan ko"
"Dude, the villa 3 is bigger--"
"Dami mong arte tangina Seb, uwi ka na nga gago." asar na sita naman ng isa sa kanila.
"**** you Liu!" And Seb raised his middle finger.
Napailing nalang si Ray sa mga kasama nya.
"Anong oras dadating sina Ari?" Tanong ng lalaki.
"Morning na daw, let's rest for tonight."
Tumango silang lahat at nagkanya kanya na. But Ray stopped because when he look at his pocket, his car keys are missing.
"****" He muttered. The men look at him.
"Why?'' It was Alec.
"I drop my keys."
"Tsk, balikan mo kung saan ka dumaan." Suwestyon ni Seb. Tumango lang naman ang Lalaki at tumalikod sa mga kasama.
**
"You've been staring at them for quite a while now, sino crush mo dyan?"
Pagtanong sakin ni Aly. Sinimangutan ko sya, halata ba?
"Hindi, familiar lang yung iba. Basta parang kilala ko, lalo na yung singkit." turan ko.
"Ahhhh, yung mukhang koreano! In fairness gwapo, ‘yun yung crush mo?" Makahulugan niyang tanong.
"Hindi! familiar lang!" inis kong deny.
"Oh, ba't galit ka? crush mo nga?" pangaasar pa nya lalo.
"Hindi kasi! napaka issue mo." Saka ko sya inirapan.
"Anong pinagaawayan niyo dyan?" Siya namang padating ni Pheobe kaya liningon namin siyang dalawa.
Nakaupo lang kami dito sa ilalim ng puno ng buko, medyo mataas kaya nakikita namin yung mga nasa baba, hindi ko naman inexpect na magiging view ko sila sa pag tambay ko dito.
I was just sitting here, wearing my pair of shorts and white top.
Tapos nakita ako ng dalawa kaya naki upo din.
"Oh." atsaka naman binigay ni Pheobe ang chips at juice.
Umalis lang sya para kumuha ng pagkain. Tapos ngayon may live show pa yata kaming mapapanood kasi may dalawa doon na nag m-make out na.
"Itong bunso natin, May crush na." pagiimporma ni Aly kay Pheobe.
Lumaki naman ang mata ng isa. I rolled my eyes on them, wala naman kasi akong crush. Curious lang talaga ako kasi super familiar ang mukha ng iba.
I wonder where party I met them?
"Oh? sino diyan? baka kilala ko kasi tropa lang naman ‘yan ni Kuya."
"Wala nga kasi, napa kulit nitong si Aly." sabay kunot noo ko silang tinapunan ng tingin.
"Kaya pala dito tumambay, umagang umaga kasi dito niya ma s-sight yung crush nya." Lalo pang dagdag ni Aly.
Ugh! napaka kulit.
"Pero sino nga dyan?"
"Wala! isa ka pa." masungit kong ismid sakanya.
"Yung singkit yata, sabi niya kilala eh."
"Hoy, sabi ko familiar! hindi kilala, fake news ka sis." tsaka ko tinampal ang braso niya.
"Ahhhh! Yung koreano! kaso di ko alam name niyan, pero ‘di nakapag tatakang magiging crush ‘yan ni Blythe. Mahilig yan sa Oppa eh." Sa sinabi ‘yon ni Pheobe napa halakhak si Aly, hangang sa para silang tangang tumatawa habang ako, inis na inis sa kanila.
"Saya ka? saya nyo ‘no?" Sarkastiko kong tanong. But the two of them just smirked at me.
Nagliwanag ang mata ni Pheobe, bigla ay kumaway siya sa harap namin. Bumilog ang mata ko, lalo na ng sumigaw sya ng "Cuz!"
Hindi ko alam pero bigla akong nag panic! Pinagtatapik ko siya pero ang gaga walang pakialam at tumayo pa sa kinauupuan naming bermuda!
"Punta tayo ‘dun dali!" Baling niya samin.
"Ayoko!" mabilis kong sagot
"Dali na, tawag tayo!"
"Ikaw lang, hindi kami kasali!" I fired back.
"Arte, pakilala pa kita sa Oppa mo!"
"Ihhh~ hindi ko nga crush!" Pinagpapadyak ko ang damo sa paa ko.
"Tara na, akala ko ba gusto mo nang magka jowa?" sabad naman ni Aly.
Sa huli, wala akong nagawa at bumaba kami sa padungdong na daan habang hawak hawak nila ako sa braso.
Muntik muntikan pa akong madapa! Hatak nang hatak hindi naman nila iniintindi ang paa ako! Plus, I'm barefooted for Christ’s sake!
Ang kati sa paa ng damo.
We arrived and most of his cousin friends were staring at us. Probably wondering why such college girls are coming inside their party.
"Wala ka ng bisita?" Pagtanong nong pinsan yata ni Pheobe.
Umiling naman ang kasama ko.
"They are still sleeping, Matindi pa tama ng mga ‘yun."
Tumango ang pinsan niya.
"It's still early, hindi ka uminom?" Pagtanong nito ulit habang nag-iihaw, kami naman ay sumilong sa cottage na mukhang ginawa lang nila.
"We did but only a little." She said pertaining to her and Aly. "Ito namang isa, hindi umiinom at tinutulugan lang kami." Baling niya sa ‘kin kaya sinimangutan ko siya.
I didn't care if anyone saw my face though. Anyway, I was hiding behind her back so I doubt if anyone saw me. Nasa gilid ko pa si Aly, eh napaka tangkad nitong katabi ko.
"Have you taken your breakfast?"
I know where he's coming, kinurot ko sa braso si Pheobe pero umakto syang walang paki alam.
"Hindi pa! May tamad kasing magluto sa ‘min." Saka nya ako nilingon, Implying that I was that person. This girl!
"Sakto, Nagluluto kami at kakain palang." Biglang may sumingit sa usapan at kaibigan ‘yon noong pinsan ni Pheobe.
I still don't know their name and even if I know, it doesn't matter.
"Patapos na rin ‘tong barbeques, hintayin niyo na at samahan niyo na kami dito." Pagpapatuloy nong isang lalaki kanina na sumingit.
He smiled at us, his eyes suddenly landed on mine so I smiled back at him. Lalong nagliwanag ang mata niya.
"He's right, eat with us. Kung magluluto pa kayo, late na." Pheobe's cousin voice is stiff, he sounds like commanding us instead of offering.
"Okay! Oh, by the way kuya. These girls are my friends." Gumilid ng kaunti si Pheobe kaya lumitaw ako sa harap ng mga nandon.
"This one is Alyssa, she's a varsity player that's why she's tall." Napa kunot ang noo ni Aly dahil doon pero tinanguan parin niya yong mga tao.
"And this one is Blythe, she's younger than me." pagpapakilala niya sakin.
"Hello." I said but then two guys offered their hands on me for a handshake.
Hindi ko alam ang gagawin ko noong una pero siniko ako ni Aly kaya binigay ko ang kamay ko.
Their hands were big at nag mukhang kamay ng sanggol ang akin.
"I'm Seb."
"Liu, here."
I just smiled at the two of them.
"I'm Alec." It was Pheobe's cousin who introduced himself. He just glanced at us though.
Most guys followed after, In the back of my mind I knew I was waiting for someone. Pero hindi ko pinahalata.
Sa pag libot ng mata ko, dumapo iyon sakanya ng hindi ko inaasahan. My mouth parted a bit because his expression looks dark while staring back at me.
Napa pikit ako dahil hindi ko inasahan ‘yun, did I do something wrong?
Nawala lang ang atensyon ko sa kanya ‘nong hindi ko na matiis ang kati ng paa ko.
Ugh, This is why I don't want to go down! Hindi man lang ako hinayaang mag tsinelas nong dalawa!
Naiirta akong pinagkikiskis ang paa ko kasi ang kati kati.
"Girls, seat here." It was Ari? Or lily? who called our attention.
Yong isa sa lima na babae na kasama nila.
Last night there were just only four of them. Ngayon ang dami ng bilang nila, probably half of our class numbers.
Dalawa lang sa lima na babae ang nagustohan ko ang atmosphere. Paano yung tatlo hindi man lang tinago yung pagka disgusto samin. Lalo na kaninang sunod sunod na nag pakilala ‘yong mga lalaki.
I even sense that they dislike me the most because they kept glaring at me. Sinimangutan ko lang sila, wala naman akong ginagawa bitter na bitter ang mga ate mo.
"This one is my cousin, and these are her friends." Pakilala nong Alec sa pinsan. Tumango ‘yong iba na hindi lumapit kanina.
The other girls became less tense with Pheobe after finding out he's Alec cousin. Pero ganon parin sa amin ni Aly.
Knowing Aly, she'll just shrug this away. Lalo na at may pagkain sa harap nya.
"Let's eat." It was Seb who said that. Agad ko syang natandaan kasi sya yung pinaka maingay.
He's kinda a breath of fresh air, lalo na sa pamilya ko lahat tahimik.
Ako na nga yung pinaka madaldal sa kanila.
Nagkanya kanyang upo na ‘yong iba, kahit si Pheobe na mukhang kinalimutan ako dahil sa pagkain.
Mga traydor.
In the end, wala akong upuan. Naubusan ako kaya nakatayo parin ako.
Hindi lang naman ako yung naka tayo pero ako lang yung babaeng walang upuan.
I let Aly sit first kasi.
Shit. Lalong nangati yung paa ko, its not just my foot now!
Hindi ko muna pinansin na wala akong upuan kasi nag squat talaga ako para I-scratch ang dalawa kong paa, I was kinda shock when I saw my legs were already red.
Kanina ko pa kasi pinagkikiskisan.
To my amazement, someone offered a slipper.
Agad kong naamoy yung mabangong pabango kaya tumingala ako.
Para akong hinugutan ng hininga nang makita kung sino ‘yun.
It was the man last night, the one with green eyes! I blink twice. Hawak parin niya yung slipper.
"Wear it." he said, Oh lord. His voice, dayum.
"A-ahm, thank you." I murmured.
After giving me a slipper he turn away. Tumayo na ako, pagkatayo ko may upuan na sa gilid ni Aly.
Did.. did he gave me a chair too?
Nagtaka naman ako at tahimik, kaya lumibot ang tingin ko pero ganon nalang ang pagkabigla ko nang halos silang lahat nakatingin sakin.
"Why?" diretso kong sagot sakanila.
"Ahem." Tumikhim si Ari, she even smiled at me.
"Let's dig in!" Masaya niyang basag at dahil don nag-ingay ulit ang mga kasama nila.
My eyes wonder to look for that man but to my disappointment he was seating far from me. I sighed.
"Sarap." Turan ni Aly.
Liningon ko siya.
"Lahat naman masarap para sa ‘yo" diretsong turan ko sa kaniya.
"Wag ka mag alala, favorite parin naman niyan ‘yung luto mo." Natatawang sabi ni Pheobe.
Habang ang isa eh busy kumain, tumawa din ako.
Lamon lang siya nang lamon dun sa inihaw na tahong.
I look at the seafoods in front of me. Gosh, favorite ko ‘to. Pero mas masarap kung linuto siya sa garlic and butter.
Tinikman ko muna bago ako kumuha ng marami, ‘nong nagustohan ko kumuha ako ulit.
"Wow, you liked it?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Pheobe, medyo malakas ang boses niya kaya tumingin sa ‘min sina Seb.
"Bakit, pihikan ba si Blythe sa ulam?" Tanong niya.
Umiling ako pero naunahan akong sumagot ng mahaderang Pheobe.
"Naku, kung hindi niyan sariling luto. Hindi ‘yan kakain!"
Parang ako yung nahiya sa sinabi ng kaibigan ko!
"Wow, you cook?!" mukhang di makapaniwala si Javier.
Tumango naman ako sa kaniya.
"Masarap magluto ‘yan, tamad lang madalas kaya minsan lang namin matikman ang luto niya!" Pagrereklamo ni Aly na mukhang komportable na kasi kaharap niya ang pagkain.
"She rarely eats someone else food too, ewan ko diyan ‘di naman maarte pero--'' Pheobe was cut off when a girl interrupted her.
"That's cooked by Ray! he cooks amazing!" She sounded like a proud girlfriend.
"Oh, masarap." walang ganang sagot ni Pheobe, ayaw na ayaw kasi nyang pinuputulan ng salita.
Kumunot ang noo ko sino ang Ray na tinutukoy niya, wala akong natandaang Ray na nagpakilala sa ‘kin.
"Sinong Ray?" Wala sa loob na tanong ko. Humagikgik naman si Liu nang marinig ako.
"Yung nagbigay ng upuan at tsinelas sa ‘yo" pag-iimporma nya sa ‘kin.
"Ahh." kako naman at dumapo ang mata ko doon sa lalaki kanina na Ray pala ang pangalan. To my embarrassment he's looking at my direction too pero mabilis niyang binawi.
Kumuha ako ng ibang luto at mas nagustohan ko iyong sinangang kaya nag spam ako.
"Masarap yung sinangag." I complimented. Nagustohan ko kasi talaga. It's soft and has a lot of garlic which I liked the most.
"Luh, totoo ‘yan?" di makapaniwalang tanong sa ‘kin ni Pheobe.
"Oo nga." sagot ko sa kaniya.
"Kuya! sino nagluto ng sinangag?!" malakas niyang tanong sa pinsan niya, na kinunutan lang naman siya ng noo. Napaka iskandalosa talaga.
"Hindi ko alam." Sagot nito.
"Si Jun!" It was Liu again who answered.
"Sinong Jun?" tanong ulit ng kaibigan ko.
Saka naman tinuro ni Liu ang singkit nilang kaibigan, na tumingin lang sa amin…
But because my friend is very dramatic suminghap siya ng malakas, liningon ako habang nanlaki ang mata.
Kumunot ang noo ko.
"OMG! Destiny?! crush mo ‘yun, tapos nagustohan mo pa yung sinangag nya!" Walang preno talaga ang bibig! Tinampal ko ang bunganga niya ng malakas, habang si Aly na napatigil sa paglamon at sinabunutan din ang kaibigan namin.
"Crush mo ‘to?!" Hindi makapaniwala si Seb doon, sabay pa sila ni Liu. Hindi man lang ako binigyan ng time tumanggi!
"Pare, crush ka daw!"
Hala, ang epal ni Javier!
Tumawa naman yung ibang babae, habang ako namula ang mukha kasi hindi naman totoo?!
But I couldn't deny it because if I did, mag mumukha ulit akong denial katulad kanina!
"Oops." it was only then when she realised her mistake kasi gigil ko syang tinignan.
"Crush mo 'tong supot na to?! grabe Blythe! dapat ako nalang, mas gwapo naman ako dito, tapos una pa akong nakipag shakehands sa ‘yo!" Pabirong sabi ni Seb. I couldn't help but laugh at him.
"Mahilig kasi siya sa Kdrama at Kpop, kaya type nya." Pagimporma ulit ni Pheobe kaya hindi ko na mapigilan na sabunutan sya.
"Hala hindi!" pagtangi ko at tumingin doon sa lalaking pinipilit nilang 'crush' ko daw. I said sorry to him and he just smiled at me.
"Pano ba ’yan, mahilig pala sa oppa. Yung isa, malayo sa mukha ng oppa." Pagpaparamdam ng mga lalaki at iilan sakanila eh humalakhak na parang may nakakatawa.
I sighed, I lost my appetite.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 6 Episodes
Comments