Alas kwatro nang magising ako dahil naramdaman kong naiihi ako. I take a glimpse to my baby girl in her deep slumber at di ko mapigilang mapangiti at embes dumiretso sa C.R ay binigyan ko muna ito ng isang maingat na halik.
Ramdam ko na masakit ang mga kasu-kasuhan ko dahil sa paparty ni mommy for our little angel--Baby Pretty Brittany. My daughter just turned 3 years old yesterday. Sobrang busy namin kahapon lalo na't dinagsa kami ng maraming bisita. I lost count. Well, it is expected na marami talaga ang dadalo. Her lola is eager and more excited when it comes to her only apo party. Walang makakapigil dun! Hayysst! Paniguradong lalaki siyang bratenilla. Hoping, hindi masyado. Sinanay kasi sa bigay ng bigay. Ako lang naman ang pumipigil. Cause I don't want her to grow up and think that she has the right to get everything she wants. Though she has the power to do so lalo na at may tagasuporta siya sa ninanais niya pero-- may mga bagay parin sa mundo, kahit ikaw pa ang pinaka-malakas, mapera ka pa o kahit anong lamang mo sa lahat ng tao sa sanlibutan--may mga bagay na hinding-hindi mo makukuha. And that is frustrating!
Naibaling ko naman ang aking tingin sa malaking bulto na katabi nito. He is also peacefully sleeping. Thankful ako dahil nung nag tantrums ang anak namin ay nandun siya para aliwin ito. When it comes to parenting mas mataas ang pasensya nya kaysa sa akin. I could say, he is a good father. Masyado nitong mahal ang anak namin. Kapag ako kasi, napapalo ko sa puwet si Brittany. Si Brennan kasi, no matter how exhausting his day, may lakas pa siyang makipaglaro ng dolls with Baby Brit, magbasa ng favorite stories ni Baby Brit, makipag-usap at sumasagot sa mga walang katapusan at katuturang katanungan ni Baby Brit. Nang makatulog naman si Baby Brittany ay tinulungan din niya ako sa pagset-up ng venue para maaga ring matapos. He is good at it! Pero noon, the first time I saw him doing it. It's unbelievable! Ha-ha.. Gago lang kasi ang pagkakilala ko sa kanya. For him, the preparation of the party is going smooth. Not until there are kids. We know that kids are messy. Attention seeker at marami pang ibang kababalaghan because of their curious minds. But we didn't mind it. It's a kids party after all. Me and Brennan never missed the kids reactions, for how their eyes light up especially the birthday girl. I watched her every moves and heard her giggles. And I soak my self in the magic of those moments.
I am about to go in the toilet when Brennan sleep talk about the party, I can't help but stop for a while and smile. Masyado rin kasing ginalingan kahapon. I am close to the Comfort Room's door nang bigkasin niya ang tatlong salitang yun.
Parang tumigil sa pag-inog ang mundo ng masaksihan kong nakabukas ang kanyang mata tapos paunti-unting pumikit ulit and fall back to sleep.
"Hi, Baby Pretty!" masayang bungad sa auntie-ninang na beshy ko na si Jai in her flowy dress. "Where is manang Diday?" tanong nito sa aming katiwala sabay silip sa aking likod.
"Nagpaiwan ehh." sagot ko naman. "Ikaw? Asan si Conrad the fifth?" pabirong hanap ko sa panganay nilang anak ni Conrad. Well, Conrad din naman talaga ang ipinangalan nila sa panganay nilang anak. Conrad Jr. Gustong-gusto kasi ng daddy ni Conrad na Conrad din, na Conrad ang ipapangalan sa panganay niyang apo. Dahil yung lolo Conrad niya, yun daw ang hiling bago sumakabilang buhay. Kasi Conrad din daw ang tatay nun. Ay! Ewan! Basta ganun! Pero kalaunan--nagrereklamo itong beshy kong si Jai kasi kapag may tinatawag siyang Conrad, walang dumadating. Nagtuturuan at nagtutulakan pa kasi ang mag-amang magkapangalan.
"Nasa school, mamayang alas kwatro mo pa yun makikita." nakangiting tugon nito. "Halika! Lokaret ka! Tumuloy ka!"
"Ako pa ang lokaret?!" sabay kaming natawa ni Jai sa tanong ko.
Napatakbo naman si Baby Brittany sa Crib ni Baby Mat2x.
"Nakatulog sa kakahintay sayo, Baby Brit." nakangiting sabi ni Jai sa anak ko.
"Mat2x play?--"
"Baby Mat2x is sleeping, Baby Brit." mabilis na saway ko dito.
"After sleeping, Pretty Brit. Okay?" maamong singit at sagot ni Jai kay Brittany. Napatango naman si Brittany. "But you can play with yaya Tere--ee." magkasabay naman kaming napabaling sa maliit na babaeng kasambahay nila Jai.
"Hi, Pretty Brit!" magiliw na bati nito sa anak ko. Agad namang umakap si Baby Brit sa kararating lang na kasambahay.
"Hello! Yaya Tere--ee." magiliw ding bati pabalik ng anak ko.
"Ikaw munang magbabantay sa kanya Tere--ee. Tawagin mo lang si Sir Conrad mo kapag nagising na si Baby Mat2x." utos ni Jai sa kasambahay na mabilis namang tinanguan ng kasambahay. Kinaladkad naman ako ni Jai sa dirty kitchen niya.
"Mangangaladkad talaga?!" nakanguso kong tanong dito.
"Spill it! May problema ba kayo ni Brennan?" usisa nito sabay bigay sa akin ng kitchen knife para maghiwa ng rekados.
"Maliit na bagay lang--"
"Anong maliit na bagay lang?! Tumawag kay Conrad, malalim na ang gabi. ASAN NA BA YANG ASAWA MO AT NANG MAKUROT!--"
"Ha-ha.. naudlot na naman ang bebe time nyo." natatawang asar ko dito.
"OO! Ha-ha.. Wrong timing lagi yang asawa mo!" natatawang amin naman ng kaibigan ko. " Pero--ano ba talaga ang problema nyong dalawa? Ano na? Napaamin mo na siya?--"
"Tsk! Kahit umamin pa siya. Alam mo naman kung ano ang patutunguhan." mapakla kong tugon.
"Hayysst! Paano kung okay lang kay Tita Brenda na ikaw at si Brennan--"
"Jai-- alam mo naman na ako at si Brennan ay walang spark. Nothing at all--"
"Paano kung mahal ka niya at--"
"Paano kung walang mangyayari sa aming dalawa." mabilis na putol ko kay Jai kasabay nun ang biglaang pagpasok ni Conrad.
"Oh! Hi, Amy!" bati nito sa akin.
Tinanguan ko lang ito bilang tugon saka ipinokus ang sarili sa paghiwa ng rekados. Paniguradong lalanggamin ang kusina sa kasweetan ng dalawa.
"Pre! Yung ice na sinabi--"
Napahinto ito sa pagsasalita. Napahinto rin ako sa paghiwa Saka ibinaling tingin sa bungad ng kusina.
There. Brennan in his black Tee shirt and black short with his messy hair, with his longing eyes standing straight while staring at me.
Para kaming sumali sa eyes to eyes contest. Nagpapaligsahan ng titigan at kung sinong unang iiwas siyang talo. Pero sino ba ang laging talo? Well, masakit siya sa mata at masakit ang mata ko dahil kakahiwa ko lang ng sibuyas. Walang imik na iniwas ko ang tingin atsaka itinuloy ang paghihiwa.
"Uhmmm.." tikhim ni Jai sabay sundot sa aking tagiliran. "Ano yun? He-he.." kinikilig na tanong ni Jai.
"Wala lang yun! Lalo na at mawawalang bisa ang kasal namin." pabulong kong sabi.
"ANO?!"
"I already signed the paper. Ibinigay ko na yun kay Brennan. Hopeful na maisusumite ko agad tomorrow or next week." desidido kung saad. Without noticing that someone is listening.
"I am ready to go. All my things are already packed. Nakamit ko na ang pangarap ko." dagdag ko pa.
"Pero hindi ka parin masaya. Kailangan mo nang isang Brennan para sumaya.--"
"Ha-ha.. hindi ko kailangan ng isang Brennan Lim para sumaya. Alam mo namang tumatawa akong mag-isa." biro ko na sabay namang ikinahagalpak ng tawa ni Jai.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 23 Episodes
Comments
Millennium Earl
You can't just end the chapter like that, I need more!
2023-07-18
1
Shreya Das
Please don't leave us hanging! Keep the story going.
2023-07-18
1
Nơi đầy ánh nắng
I am hooked! I need more of this story!
2023-07-18
1