I shift uneasily in my chair while listening to my prof who I admire, discussing about Charles Darwin and his theory of evolution. Palihim naman akong sinisiko ng makulit kong kaibigan.
"STOP IT!" pabulong ngunit may diin kong saway dito.
"Yoko' Yoko.." pabulong ding sabi nito pabalik. "Samahan mo nga kasi ako mamayang hapon." makulit na dugtong nito. Saka muli akong kinublit. Paglingon ko para iripan sana ay nag-iba ang mukha nito at boses nito. Saka ko rin namalayan na pati paligid na kanina lang ay nasa loob ako ng classroom, naka-upo--ngayon ay nasa kinasusuklamang lugar ako at nakatayo. Ilang hakbang din ang kailangang hakbangin upang marating ang kinaroroonan ko mula sa kinatatayuan nito.
"Pakinggan mo ako--plee--ease hear me out." nakikikiusap nitong sabi with his hopeful eyes. "Let me explain. I'll explain."
Bumigat ang didbdib ko na parang may nakadagan.
Marami man akong nais sabihin pero hindi bumubuka ang bibig ko. All I know my heart is crying watching his image that is so broken.
"Amyyy I love you! AMYYYYY--"
basag na sigaw nito sa pangalan ko when I turn my back and walk out. No-- I think I am running, running again like someone is chasing me. Dumadagundong ang dibdib ko habang naririnig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko.
"Amy--yy!" he's calling my name again like he's longing for me.
"Amy--yyy! Amyyyyy! Amethyst!"
Brennan's worried face, ang siyang bumungad sa aking mga mata.
"Ba--bakit?" nahihirapan kong bigkas. But Brennan didn't say a word instead he give me a rib cage breaking hug.
Malat ang lalamunan ko and I am panting too like I joined a 5 Kilometers run in Milo Marathon na siyang required namin noon sa P.E.
Nang tuluyang magising ang diwa ko ay bahagyang itinulak ko si Brennan. Para bumitaw sa mahigpit na pagkakayakap sa akin.
"Are you okay, now?" mapag-alalang tanong nito na tinanguan ko lang sabay inom sa tubig na inabot nito sa akin kanina. Hindi naman ito nangulit sa pagtanong. He is just there, standing while-- I don't know. I didn't mind him staring at me.
Masakit ang lalamunan ko. Sa tingin koy sisipunin ako bukas at sa susunod na mga araw. At pinaka-hate kong part ay yung first day or second day ng pagkakaroon ng sipon, I mean runny nose at clogged nose. I really hate those part. Trangkaso is waving too. Masakit ang bandang batok ko. Sana hindi matuloy at madala lang sa pag-inom ng gamot. I have another clients to meet up today.
Napa-angat ako ng tingin kay Brennan. He is there, standing, staring intensely at me. Kahit masakit ang lalamunan ay lumunok ako ng laway sabay ibinaling ang tingin sa digital clock. It's almost four in the morning. Napatingin ako sa batang katabi ko. Sa anak ko. She's sleeping soundly.
"I will call Mila that you will be absent for today." mahinahong sabi pero ikina-angat ko ulit ng ulo at nakipagtitigan kay Brennan.
"No! Kailangan ang presensya ko dun. Mila can't accommodate three clients a day. At pupuntahan pa ang mga venue. So I have to be present--
"Then cancel your meetings." hindi nababahalang suhestiyon nito.
"Tsk! Sayang din yung pagkakataon. Sayang yung pera na sana, maging bato pa." sabay tayo para pahinaan ang aircon.
"Ang sa akin lang ay magpahinga ka naman minsan." tugon nito. "Hindi ka na nagigisnan ng anak natin sa tuwing umaga dahil maaga kang umaalis. Sa gabi naman ay natutulog na siya pagdating mo. She's talking and asking about you lately. Namimiss ka na ng anak natin."
Napahinto ako sa narinig. Pero agad ding bumalik sa pwesto ng kinahihigaan ko kanina.
"Dun ka sa kabila kung gusto mong tabihan ang anak mo." pag-iiba ko ng topic at suhestiyon ko sa nakatayong si Brennan. Saka ibinaling ang tingin sa anak naming natutulog ng mahimbing. Sarap kurutin ng pisngi. Bubugbugin ng halik.
Sarap panggigilan.
"Hoy! Dahan-dahan naman baka magising si Brittany!" pabulong ngunit may diin kong saway kay Brennan ng halikan nito si Brittany na may kasamang panggigigil. Ako nga, sobrang pagpipigil ko. Dahil ayaw kong madisturbo ang tulog ng bata.
Ngumiti lang ang gago pabalik para mang-asar. Sarap tusukin ng mata nito. Napasimangot ako ng parang batang binelatan ako ni Brennan.
Kaasar talaga! Mas lalo akong naasar sa pagmumukha nito nang bumukas ang mga magagandang mga mata ni Brittany.
"Mom-mmyy.." nakapout na bigkas nito sa pangalan ko saka papungas-pungas na bumangon. Sinalubong ko naman ito ng yakap at halik.
"Go back to sleep, Baby." malambing kong wika. Saka inihiga ko ito sa aking braso sabay bigay ng mahinang tapik.
Buti nalang at ilang minuto ay nakatulog ito ulit.
"Pss--sstt!"
"Peste!--"
"Hey! Bad mouth! Don't curse infront of Brittany." saway nito sa akin sabay umayos sa pagtagilid para harapin ako.
"Eh--
sa nakakaasar ka!" may inis na pabulong kong tugon. "Atsaka, natutulog na ulit ang anak mo. Na ikaw ang dahilan kung ba't nandito ito ngayon natutulog sa bisig ko!" reklamo ko.
"Ang simple lang ng problema mo para tarayan mo ako ng ganito kaaga." natatawang sabi nito na parang naaaliw sa maagang pang-aasar sabay bangon at lumapit sa aking pwesto. "Akin na.." pabulong na hingi nito sa anak.
Dumikit ang braso nito sa aking braso para kunin ang anak namin.
Tsup!
Nabigla ako ng lumanding ang labi nito sa ilong ko. Mabilisan lang yun pero dama ko kung gaano kalambot iyon.
"Gago, talaga!" nahuhuling reaksyon ko. Sabay mahinang hampas sa matigas na braso nito.
"Arayyy! Baka magising ang anak natin. Ouch!" daing nito ng kurutin ko ito sa tagiliran. Dahil hindi ako nakuntento sa hampas lang.
"Bakit ka ba nambibigla?"
"Sige, sa susunod ay magpapaalam ako, asawa ko!"
Napangiwi naman ako sa naging sagot nito.
"Ewan ko sayo."
"I missed you, Amethyst!" sinserong sabi nito. "I missed those nights that we talk ramdom things til morning. I missed those nights sleeping next to you and Brittany. And in the morning I'll heard your non-stop complain, about me snoring and sleep talking. I--"
"I already have the papers." matigas kong sabi sabay iwas ng tingin.
"What? Anong klaseng papel? Intermediate o scratch paper? Ha-ha.." nakuha pa nitong magbiro. Pero ng di ako kumibo ay napatikhim ito. "What kind of papers?" walang kaalam-alam at may pagtataka na tanong nito sa sobrang katahimikan ko.
"Papers for separation. Papers for our annulment Brennan."
"A-anoo? Annulment paper?" di makapaniwalang tanong nito. Saka dahan-dahan na inihiga si Brittany sa kama.
"Yes! It's already inside my bag." nakangiti kong sabi habang nakatalikod dito. "I already signed it. Sayo nalang ang kulang pagkatapos mo ay ibalik mo sa akin dahil ipapasa ko pa yan sa abogado ko."
Bigla kong natanaw ang bulto nito sa harap ko. Napa-angat ako ng tingin. Dahan-dahan ako nitong pinantayan. He's eyes are asking many questions. He's lips are quivering, badly want to talk pero walang namumutawi.
What makes the whole scenario worst. He is down on his knees, with shaking shoulders, silently weeping.
Iniwas ko ang tingin. Dumapo ang tingin ko sa nakasabit naming wedding photo. Napangiti ako, magkahalong pait at tamis. I close my eyes for a second then deeply breath in and breath out. Finally! bulong ko sa sarili.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 23 Episodes
Comments
Lindy Studíøs
So captivating.
2023-07-18
1
Arjuna Cakra
I can't wait to see this book turned into a movie!
2023-07-18
1
Grecia Amiel
Heartfelt and beautiful. Thank you!
2023-07-18
1