I~IV

Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba[32] na napag-iwan sa escalaPáhiná 11fón[33] ng̃ Guardia Civil[34]. Bahagyâ na siya nagsásalita, datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ.—Ang isá sa mg̃a fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guintô, maaga ang pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa Binundóc at ng̃ mg̃a nacaraang tao'y naguing catedrático[35] sa San Juan de Letran[36]. Siya'y balitang "dialéctico"[37], caya ng̃a't ng̃ mg̃a panahong iyóng nang̃ang̃ahas pa ang mg̃a anac ni Guzmang[38] makipagsumag sa paligsahan ng̃ catalasan ng̃ ísip sa mg̃a "seglar"[39], hindî macuhang malitó siya ó mahuli cailan man ng̃ magalíng na "argumentador"[40] na si B. de Luna[41]; itinutulad siya ng̃ mg̃a "distingo"[42] ni Fr. Sibyla sa máng̃ing̃isdang ibig humuli ng̃ igat sa pamamag-itan ng̃ sílò. Hindî nagsasálitâ ang dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang mg̃a pananalità.

Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalitâ at lalò ng̃ maínam magcucumpás. Bagá man sumusung̃aw na ang mg̃a uban sa canyang balbás, wari'y nananatili ang lácas ng̃ canyang malusóg na pang̃ang̃atawán. Ang mukhâ niyang magandá ang tabas, ang canyang mg̃a pagting̃ing nacalálaguim, ang canyáng malalapad na mg̃a pang̃á at batìbot na pang̃ang̃atawan ay nagbibigay anyô sa canyáng isáng patricio romanong[43] nagbalát cayô, at cahi't hindî sinasadya'y inyóng mágugunitâ yaong tatlong monjeng[44] sinasabi ni Heine[45] sa canyáng "Dioses en el destierro"[46], na nagdaraang namamangcâ pagcahating gabi sa isang dagatan doon sa Tyrol,[47] cung "equinoccio"[48] ng̃ Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y inilálagay ng̃ abang mámamangca ang isáng salapíng pílac, malamíg na cawang̃is ng̃ "hielo," na siyang sa canya'y pumupuspos ng̃ panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hindî mahiwagang gaya nilá; siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng voces sa pananalità, tulad sa isang taong cailan ma'y hindi naaalang-alang, palibhasa'y ipinalálagay na banal at walâ ng̃ gágaling pa sa canyáng sinasabi, kinacatcat ang sacláp ng̃ gayóng ugalî ng̃ canyáng táwang masayá at bucás, at hangang sa napipilitan cang sa canya'y ipatawad ang pagpapakita ng̃ mg̃a paang waláng calcetín at mg̃a bintíng mabalahíbo, na icakikita ng̃ maraming pagcabuhay ng̃ isáng Mendicta sa mg̃a feria sa Kiapò.

Ang isa sa mg̃a paisano'y isang taong malingguit, maitím ang balbás at waláng íkinatatáng̃ì cung dî ang ilóng, na sa calakhá'y masasabing hindî canyá; ang isá, nama'y isang binatang culay guintô ang buhóc, na tila bagong datíng dito sa Filipinas: itó ang masilacbóng pinakikipagmatuwiranan ng̃ franciscano.

—Makikita rin ninyó—ang sabi ng̃ franciscano—pagca pô cayó'y nátirang iláng bowan dito, cayó'y maniniwálà sa aking sinasabi: ¡ibá ang mamahala ng̃ bayan ng̃ Madrid at ibá, ang mátira sa Filipinas!

—Ng̃uni't....

—Acó, sa halimbáwà—ang patuloy na pananalitâ ni Fr. Dámaso, na lalong itinaas ang voces at ng̃ dî na macaimíc ang canyang causap—aco'y mayroon na ritong dalawampo at tatlong taóng saguing at "morisqueta"[49], macapagsasabi aco ng̃ mapapaniwalâan tungcól sa bagay na iyan. Howág cayóng tumutol sa akin ng̃ alinsunod sa mg̃a carunung̃an at sa mabubuting pananalitâ, nakikilala co ang "indio"[50]. Acalain ninyong mulá ng̃ aco'y dumatíng sa lupaíng ito'y aco'y iniucol na sa isang bayang maliit ng̃a, ng̃uni't totoong dúmog sa pagsasaca. Hindî co pa nauunawang magalíng ang wicang tagalog, gayon ma'y kinúcumpisal co na ang mg̃a babae[51] at nagcacawatasan camí, at lubháng pinacaíbig nila aco, na ano pa't ng̃ macaraan ang tatlóng taón, ng̃ aco'y ilipat sa ibáng báyang lalong malakí, na waláng namamahálà dahil sa pagcamatáy ng̃ curang "indio" roon, nang̃agsipanang̃is ang lahat ng̃ babae, pinuspos acó ng̃ mg̃a handóg, inihatid nila acong may casamang música....

—Datapowa't iya'y nagpapakilala lamang....

—¡Hintáy cayó! ¡hintay cayó! ¡howag naman sana cayóng napacaning̃as! Ang humalili sa akin ay hindí totoong nagtagal na gaya co, at ng̃ siya'y umalís ay lalò ng̃ marami ang naghatíd, lalo ng̃ marami ang umiyác at lalo ng̃ mainam ang música, gayóng siya'y lalò ng̃ mainam mamálò at pinataas pa ang mg̃a "derechos ng̃ parroquia"[52], hangang sa halos nag-ibayo ang lakí.

—Ng̃uni't itutulot ninyó sa aking....

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play