I~II

Yamang walang bantay-pintô ó alilang huming̃î ó magtanong ng̃ "billete" ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ¡oh icaw na bumabasa sa akin, catoto ó caaway! sacali't naaakit icaw ng̃ tugtog ng̃ orquesta, ng̃ ilaw ó ng̃ macahulugáng "clin-clan" ng̃ mg̃a pingga't cubiertos[12] at ibig mong mapanood cung paano ang mg̃a piguíng doon sa Perla ng̃ Casilang̃anan. Cung sa aking caibigán lamang at sa aking sariling caguinhawahan, hindî catá pápagalin sa pagsasaysay ng̃ calagayan ng̃ bahay; ng̃uni't lubháng mahalagá ito, palibhasa'y ang caraniwan sa mg̃a may camatayang gaya natin ay tulad sa pawican: hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa ating talucab ó tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang mg̃a anyô ng̃ asal, cawang̃is ng̃a ng̃ mg̃a pawican ang mg̃a may camatayan sa Filipinas.—Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng malowang na tahanang cung tawaguin doo'y "caida"[13], ayawán cung bakit, na ng̃ gabing ito'y guinagamit na "comedor"[14] at tuloy salón ng̃ orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan ng̃ marami at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa "colado," taglay ang catamistamisang mg̃a pang̃acò, at nagbabalà sa matatacuting binibini, sa walang malay na dalaga, ng̃ dalawang nacaiinip na oras sa casamahán ng̃ mg̃a hindî cakilala, na ang pananalita't mg̃a pakikikiusap ay ang caraniwa'y totoong cacaiba. Namúmucod ng̃ di ano lamang sa mg̃a ganitong handang sa mundo'y nauucol, ang sumasapader na mg̃a cuadrong tungcol sa religión, gaya bagá ng̃ "Ang Purgatorio," "Ang Infierno," "Ang hulíng Paghuhucom," "Ang pagcamatáy ng̃ banal," "Ang pagcamatáy ng̃ macasalanan," at sa duyo'y naliliguid nang isáng maring̃al at magandañg "marco" na anyong "Renacimiento"[15] na gawâ ni Arévalo, ang isáng mabuting ayos at malapad na "lienzo" na doo'y napapanood ang dalawang matandang babae. Ganitó ang saysay ng̃ doo'y titic: "Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, na sinasamba sa Antipolo, sa ilalim ng̃ anyong babaeng magpapalimos, dinadalaw sa canyang pagcacasakít ang banal at bantog na si Capitana Inés"[16]. Tunay mang ang pagcacapinta'y hindî nagpapakilala ng̃ "arte" at cabutihang lumikhâ, datapowa't nagsasaysay naman ng̃ caraniwang mamalas: ang babaeng may sakít ay tila na bangcay na nabûbuloc, dahil sa culay dilaw at azul ng̃ canyang mukhâ; ang mg̃a vaso't iba pang mg̃a casangcapan, iyang maraming mg̃a natitipong bagay bagay sa mahabang pagcacasakít ay doo'y lubhang mabuti ang pagcacasipì, na ano pa't napapanood patí ng̃ linálaman. Sa panonood ng̃ mg̃a calagayang iyong umaakit sa pagcacagana sa pagcain at nagúudyoc ng̃ ucol sa paglasáp ng̃ masasaráp na bagay bagay, marahil acalain ng̃ iláng may masamáng isipan ang may-arì ng̃ bahay, na napagkikilalang magalíng ang calooban ng̃ halos lahát ng̃ mg̃a magsisiupô sa mesa, at ng̃ huwag namáng máhalatang totoo ang canyang panucalà, nagsabit sa quízame ng̃ maririkít na lámparang gawâ sa China, mg̃a jaulang waláng ibon, mg̃a bolang cristal na may azogueng may culay pulá, verde at azul, mg̃a halamang pangbíting lantá na, mg̃a tuyóng isdáng botete na hinipa't ng̃ bumintóg, at iba pa, at ang lahát ng̃ ito'y nacúculong sa may dacong ílog ng̃ maiinam na mg̃a arcong cahoy, na ang anyo'y alang̃ang huguis europeo't alang̃ang huguis insíc, at may nátatanaw namáng isáng "azoteang"[17] may mg̃a balag at mg̃a "glorietang"[18] bahagyâ na naliliwanagan ng̃ mg̃a maliliit na farol na papel na may sarisaring culay.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play