EP4

' FILIPINO LANGUAGE '

*Nang masagasaan ako , unang tumama ang ulo ko sa cotse at pag tapos napaupo ako , Hindi nag dugo ang ulo ko na tumama , wala akong marinig sa mga oras na ako ay masagasaan at yung paningin ko ay bigla nalang lumalabo , kaya napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit*

*agad tumakbo si papa papunta sakin*

"Ella ! Ella! , anak ayos ka lang ba? a-ano

may ma-sakit ba sayo?",papa

*Tanong sakin ni papa na hindi niya maitanong ng maayos dahil siguro sa kaba na kaniyang nararamdaman*

*lumabas din ang driver nang sasakyan at ang may ari rin ng sasakyan na naka bangga sakin , agad sila nag punta sakin at itinanong kung ayos lang ba ako, wala ako masagot sa mga tinatanong nila sakin sa pagkat hindi ko sila marinig , sinubukan kong ipikit ang mga mata ko ng 10 minutes wala akong ibang inisip kundi ang pagpahingahin ang sarili ko at pakalmahin,

nang kumakalma na ang sarili ko , maya maya ay naririnig kona ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko .

wala akong magawa kundi ang ngumiti ,

ngumiti ako sa saya na aking nadarama dahil hindi ko pa talaga oras , dahil kahit pano alam ko na may pag-asa pa ako na makasama si mama at mabuo ang pamilya ko at bumalik sa dating noon*

"Anak ayos ka lang ba?",papa

"Papa patawad*sambit ko kay papa habang ako ay umiiyak dahil sa takot na aking nadarama*",ella

"Hindi anak , hindi mo kailangan mag sorry hindi mo kasalanan ayos lang yan..* Sambit ni papa sakin habang yakap niya ako at may ngiti sa kaniyang labi na labis siyang masaya dahil sa ligtas ako*",papa

"papa , umuwi napo tayo * sambit ko kay papa , at wala na siyang sinabi at halik sa noo ang aking natanggap mula sa aking ama , at labis akong naging masaya*",ella

"oo anak uuwi na tayo",papa

*Habang buhat ako ni papa at ako naman ay yakap yakap ako sa kaniya ng mahigpit na may ngiti sa aking mga labi*

*Nang makauwi na kami sa bahay , hindi ko namalayan na nakatulog ako sa balikat ni ama ,

nang magising ako sa aking pag kakatulog , nakita ko si ama na hawak ang kamay ko habang tulog siya sa aking tabi *

"papa sana maintindihan ko ang nararamdaman mo nang saganun labis kitang naiintindihan , pag laki ko mauunawaan ko naba ang sitwasyon na nangyari sainyo ni mama , papa patawad hindi ko gusto na magalit sainyo , si mama labis labis siyang nasaktan, kaya ama pag dating ng tamang panahon na pag naintindihan na kita , sigurado akong maiintindihan narin kayo ni mama , gaya ng pag mamahal ko para sainyo sigurado ako na ganun din sainyo si mama",ella

*Hindi ko akalain na lahat na aking sinabi sa papa ko ay kaniyang narinig ,

bawat salita na aking sinasalita ay kaniya lang pinakikinggan at kasabay ang pag tulo ng kaniyang luha mula sa kaniyang mga mata na hindi ko namalayan.

nang matapos ko ang sinasalita ko para kay ama , muli kong ipinikit ang aking mga mata at pinag patuloy ang aking pag tulog , habang si papa naman ang siyang may sinalita para sa akin , at habang kaniyang sinasalita yun , hindi ko narinig pero dama ng puso ko ang lubos na sakit nadarama ni ama*

"Anak ella , pag dating ng panahon iyong malalaman ang ginagawa ni papa , Hindi man ako maging perpektong ama sayo , pero tatandaan mo walang ama ang hindi gagawin para sa kaniyang anak ,

Ella anak wag ka sana magagalit sakin , kinailangan ko lang gawin ito para sa kabutihan mo at para din sa kaligtasan mo , mahal na mahal ka ni papa",papa

*nang matapos na isalita ni papa ang lahat ng mga gusto niyang sabihin sakin siya ay lumabas ng bahay at uminom ng alak at dun niya lahat inilabas ang lahat ng kaniyang nararamdaman na sakit*

*BAR*

"Pa order pa ng tatlong beer",papa

*nag lasing buong araw si papa*

"Hoy kayo!! alam niyo ba yung nararamdaman ko !

*pa sigaw ni papa sa Bar sa dami na ng kaniyang nainom hindi na niya nagawang pigilan ang sarili niya*

Alam niyo ba yung hirap na pinag dadaanan ko para husgahan at pag tulakan niyo ako palayo !!! Lahat naman ginagawa ko!! lahat-lahat ,

*Sa bawat salita na sinasambit ni ama siya ay umiiyak*

Lahat ginawa ko!! pero bakit sa huli ako pa ang nag kamali !! Bakit ako ang maliii!! hirap na hirap na ako!!Bakit hindi nila makita yung hirap na pinag dadaanan ko bakit kasi kahit na nahihirapan ako huh!! pinipilit ko parin maging malakas sa lahat ng tao na makakakita sakin , at ngi-ngiti parin ako kahit na papagod na ako!! pwede bang pag bigyan niyo naman ako !!

*Patuloy lang si papa sa pag sasalita habang ang nga tao na nasa bar siya ay pinakikinggan lang*

Hayaan niyo naman na mag paliwanag ako at intindihin ang sitwasyon ko!! tao din naman ako ! nasasaktan at nahihirapan ako , hindi ko maipakita kasi isa na ako ama !! Naiintindihan niyo ba ako! may anak ako at ama na ako !! gusto ko pag nakikita ako ng anak ko malakas ako at hindi yung mahina pag dating sa ibang tao , na luluhod ako sa harapan nila para lang nang saganun mabuhay ko ang anak ko !!

*Patuloy si papa sa pagsasalita habang umiiyak*

Dahil kung isa kayong magulang mararamdaman niyo yung nararamdaman ko ! Dahil walang ama ang hindi gagawin para sa anak nila , alam niyo ba ! nung isinilang ang anak ko , nung una ko siyang makita hindi ko maipalagay ang sarili ko at tila hindi ko maintindihan yung saya na nadarama ko , habang yung anak ko nakatingin sakin habang may ngiti sa kaniyang mga labi ! at simula nang araw nayun sinabi ko sa sarili ko na magiging mabuting ama ako sa kaniya at bibigyan ko siya ng maayos na buhay",papa

*nang natapos nang ilabas ni papa ang lahat ng kaniyang nadarama siya nag lakad pauwi imbis na mag taxi , minsan na niyang nabanggit sakin , na kung gusto mo gumaan ang pakiramdam mo mag lakad ka hanggang sa gusto mo , at habang nag lalakad ka malalaman mo yung mga bagay na gusto mo at mga katanungan sa isip mo na sa paglalakad masasagot mo yung tanong ng iniisip mo , at habang nag lalakad ka mas maiintindihan mo ang nadarama ng puso mo ,

kaya ganun ang ginagawa ni papa na kahit lasing na siya , pinapaklama niya ang sarili niya habang siya ay nag lalakad at inisip niya ang magiging kasagutan sa problema niya,

nang makauwi na si papa , nag punta siya ng kwarto ko , habang siya ay nakatingin sakin , hinawakan niya ang kamay ko habang humihingi ng tawad sakin , ramdam ko rin ang pag patak ng mga luha niya mula sa aking kamay.

at dahil sa pag patak ng kaniyang luha nagising ako*

"papa ,*nang makita ko siya nakatingin lang siya sakin habang patuloy parin ang pag patak ng kaniyang mga luha*",ella

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play