Sending Some 'Love'
' FILIPINO LANGUAGE '
*Gumigising ako ng umaga na simpleng umaga lang,
Tatayo ako sa higaan ko , at hahawiin ang kurtina nang saganun lumiwanag ang kwarto ko na madilim. pag tayo ko sa aking higaan nilikpit ko ng maayos ang pinag higaan ko*
*Lumabas ako ng bahay para bumili ng Milk sa grocery at nag punta naman ako ng bakery para bumili ng tinapay*
"Hoy Ella ano na ilang buwan kana hindi nag babayad ng utang sakin , kailangan ko na ng pera !! ",elice
"Nung isang linggo nag bayad ako sainyo hi-hindi ba? *nauutal na pananalita ko habang nanginginig sa takot*",Ella
"Hoy! ikaw *habang sinisipa ko siya sa paa niya* manang mana ka talaga sa nanay mo ! pareho kayong walang kwenta! yung tatay mong magaling huh! asan na yung tatay mo!!! , alam mo hindi na ako mag tataka kung iniwan niya kayo ! bakit nga naman niya ipipilit yung sarili niya sainyong mag ina , sira lang buhay niya sainyo !!!*sigh*",elice
"mukang alam niyo kung nasaan yung tatay ko! *sabi ko habang nakatitig ako sa mga mata niya nang masama*",ella
"a-ano ka-mo *nauutal na sabi ko* hoy ano ba yang mga sinasabi mo diyan!",elice
"kayo yung unang nag salita ng kung ano ano sakin*sigh*",ella
"Hoy , Hindi kaba pinalaki ng maayos ng mama mo! at syaka yang mga tingin mo nayan ! *binatukan ko siya* hindi ganyan yung tingin ng mga batang pinalaki ng magulang na may asal, ikaw kasi walang magulang nag aruga sayo!!*sigh*",elice
"Tama kayo!! *inangat ko ang ulo ko at tumitig ng masama sa kaniya* walang magulang na nag aruga sakin kaya ako lumaki ng ganito! alam mo kasi kung may isang tao sana diyan na hindi nagawang manira ng isang relasyon na maayos hindi magiging walang kwenta ang buhay ko ngayon!! sa tingin niyo sinong nag kamali akong anak ! o yung kabit!! na nagawang manira ng relasyon ng may pamilyang masaya*titig ko sa kaniya na habang siya ay iniiwas niya ang tingin niya sakin",ella
"Hoy! sa susunod na pag kikita natin hindi ko na hahayaan na pag salitaan mo ako ganyan! *sigh*",elice
*nang papalakad na siya palabas ng pintuan hinawakan ko yung braso niya*
"*tumingin ako ng masama * Tandaan niyo rin tong sasabihin ko , ang mga taong puno ng kasalanan at hindi magawang tanggapin ang kanilang pagkakamali darating din yung araw na sila naman ang makikiusap at hihingi ng tulong sa mga taong inaapakan nila ang pag katao , *lumapit ako sa kaniya at binulong ko ang salita na...* wag mong hintayin dumating yung karma sayo isa isa",ella
*tinitigan niya lang ako at wala na siyang nasabi at umalis na*
*nung pitong taong gulang ako dun nag umpisa na masira ang buhay ko , nakipag hiwalay si mama kay papa dahil sa may ibang karelasyon si papa , sa galit na nararamdaman ko sa papa ko ni hindi ko siya magawang tignan sa mga mata niya ng daretsyo , araw araw akong naghihintay sa gate sa pag uwi ni mama na baka isang araw maisipan niya na bumalik kaya naman araw araw akong nasa pintuan at pag ako ay matutulog na ako ay laging naglatag ng higaan ko sa pintuan para hintayin si mama sa pag babalik niya,
hindi din nag tagal si papa naman ang umalis at iniwan ako kay lola , mula nang ibigay niya ako kay lola pinilit ko na baguhin ang buhay ko at pinilit ko rin na kalimutan na may magulang ako.
nang mag 18 ako kinantahan ako ng lola ko ng Happy Birthday at ang mga sandaling yun masaya talaga ako , yun din ang una na ngumiti ako habang pinag mamasdan ko si lola , nang bumili ako ng kandila para sa cake na binigay sakin ni lola at sa huling pag kakataon na makita ko ang ngiti ni lola ni hindi ko man lang namalayan na nag papaalam na siya sakin , simbolo ang mga ngiti niya na muling nag pabuhay sakin sa mga oras nayun , at sa huling pag kakataon na ito , dito din pala nag wawakas ang ngiti sa aking mga labi , naka ngiti ako habang hawak ang kandila na binili ko habang ako ay naka ngiti , subalit nang makita ko si lola na nakapikit na ang mga mata niya unti unti nalang nag laho ang ngiti sa aking mga labi .
Mas lalong hindi ko na naisip yung mga bagay na gagawin ko ngayon na wala na si lola , si lola lang ang nag bigay ng pag mamahal na hindi nagawa ng mga magulang ko sakin*
*Gaya lang ng dati gigising ako ng umaga at hahawiin ang mga kurtina at muli mag bibigay ligawanag sa aking kwarto na madilim , at muling aayusin ang aking pinag higaan , at uupo sa lamesa at kakain nang mag isa habang pinag mamasdan ko ang picture ni lola na nakangiti sakin , kahit pano nawawala yung sakit na nararamdaman ko*
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments