Oh hey, DON’T FORGET TO READ MY SUPERSTAR AS WELL. :D another story ko rin yun lol I'll upload that one of these days here but for now, it's available on ******* and booklat 🤗 .
Here’s chapter 3
--
Chapter 3:
Matt's POV
"Danielle Gutierrez. Siya ang first love ko, Matt."
First love? Naging sila? I can't believe this. She's too young.
At parang magic, bigla niyang nasagot ang mga tanong na biglang nabuo sa utak ko.
"Matt. Alam kong nakakagulat pero 13 ako nung naging 'Official' kami." Sabi niya. Nakita niya siguro yung shocked face ko. "Makinig ka lang muna Matt. At sana wag mo ko husgahan." Sabi niya ulit dahilan para huminga akong malalim.
"I'm not gonna judge you, Aviana. I'm here to listen willingly. Tanggap padin kita kahit na ano pa nangyari sa inyo." Okay alam kong nag-ooverreact ako. Walang pwedeng mangyari sa isang 13 year old at 14 year old na couple.
Depende nalang kung parehas silang may horny hormones.
Uhh..ano ba iniisip ko? That would be too impossible..right? I mean, I can clearly tell that she’s not that kind of girl.
"Matt. Nagkakilala kami sa isang sayaw. Sa isang city dito sa Manila kami unang nagkakilala..." Patuloy lang siyang nagkwento sakin. Maaga pa. 3pm palang. Maaga kaming pinalabas dahil sa wala pa kaming ginagawa sa school. Mga 4:30 pa labas nung mga may detention. Kaya chance to para mag-open up siya sakin.
Nanatili akong nakikinig sa kwento niya. Kahit masakit. Wala eh, tinamaan ako eh.
"Naging tulay namin yung mutual friend namin." Nakangiti siya habang nagkukwento. She's telling me now on how they got aware of their feelings for each other. Sinasadya ata nung Danielle na lagi niyang dinadaanan si Ava. Pagpapapansin. Maraming times din daw silang nagkakatinginan at ngitian. Parehas silang nahihiya sa isa't isa.
Ngayon, lalo kong naisip na malayong magkaroon sila ng sexual interaction nung sila pa. malabong mangyari kung parehas silang mahiyain sa isa’t isa. Hindi ba?
"Nakakatuwa isipin, Matt. Para kaming mga sira. Ngitian lang ng ngitian. Papansin lang siya ng papansin. Nakakatawa siya nun." Ang lake ng ngiti ni Ava habang nagkukwento siya.
Ouch. Ano yung feeling na to? Sumisikip lalo dibdib ko.
"You know what Matt? May part pa nga nun na naka-upo kami sa benches ng Sports Complex tapos may eksenang sunset. I took a picture of that Sunset. It's so beautiful." Nakikinig lang ako ng maigi sa kanya habang nakatingin ako sa oras. 3:30 palang.
Ewan ko. Feeling ko kelangan kong bantayan ang oras dahil ayokong may ibang makaalam ng parte ng buhay ni Ava na ito. Syempre parang magkakaroon kaming parehas ng secret na kami lang nakakaalam.
Selfish man sa tingin niyo pero I just feel like it. Ang sarap kasi sa feeling na may bagay na kayong dalawa lang ang nakakaalam. Ayokong marinig ng iba pa niyang kaibigan dahil sigurado akong hindi niya pa ito nasabi kahit na kanino sa kanila.
"Habang pinipicturan ko yun, bigla siyang dumaan sa harap ko. Napatitig ako sa kanya. Nahiya ako. Para kong tanga dahil sa nakakahumaling na sunset. Tumigil paghinga ko nun sa sobrang kaba." Natatawa siya sa sarili niya nung kinwento niya yun. Parang hindi ‘ako’ ang kausap niya.
Parang hindi si ‘Matthew Collins’ na humingi ng permit sa kaniya na ligawan ko siya ang kausap niya sa mga oras na ito..
"Tapos pumunta sila ng barkada niya sa likod namin. Tapos..." Ah. Bigla siyang namula. Hindi ko naiwasang magsalubong ang mga kilay ko. Ewan ko. Ganito ba yung feeling ng..?
Ano nga tawag dun?
Uh..jealousy? Am I feeling jealous about her past?
"Tapos...Naghubad siya ng damit niya. May abs siya Matt. Masarap iyon hawakan." Nangingiti niyang sagot. Naramdaman kong namumutla ako. Ano ba talaga nangyari sa kanila?
Paano niya nasabing masarap yun hawakan?
"Naiinis ako nung time na yun. Kasi ang daming babae ang dumidikit sa kanya dahil sa ginawa niyang yon. Pero natawa ako, hindi pa kami non para makaramdam ako ng selos. Pagkatapos non..."
Bago pa matapos ang sasabihin niyang kasunod, sumingit ako dahil hindi na napigilan ng dila ko ang mga salitang kanina ko pa gustong itanong sa kaniya. "May nangyari ba sa inyo, Ava?"
"What?" Nagtatakang tanong niya.
"Narinig mo ko." galit kong sabi. Alam kong wala akong karapatan para magalit sa kaniya tungkol sa nakaraan niya pero ewan ko! Basta bigla akong nakaramdam ng galit sa hindi malamang dahilan.
Grabe naman! Ang sakit pala sa damdamin nitong selos na to! Nakakainis sa pakiramdam. Parang gusto kong manuntok.
"Stupid Matt! Walang nangyari. ****** pa ko! Juice ko Matthew! Wala pa yan sa isip ko!" Pagalit niyang sabi. Nagulat ako sa kaniya dahil sa salita na lumabas sa bibig niya pero natuwa ako. Kung sakali, ako makakakuha non. Buti naman.
Parang nawala pa nga ata sa isip niya na hindi lang kami ang tao sa convenience store na ito. Napansin kong napalingon samin yung nasa cashier. Agad naman akong ngumiti sa direksyon niya at nagsalubong lang ang mga kilay niya.
Siguro nasa isip niya ngayon na masyado kaming bata para pag-usapan ang mga bagay tulad nalang ng salitang iyon.
Hindi ko siya masisisi kung maiisip niya yun. I mean, parehas kami ni Ava na mukang bata pa at hindi pa nasuntok ng puberty. Hindi tulad ni Seth. *shakes head
"I'm sorry, Ava." Mahina kong sabi.
"..." Hindi siya sumagot.
"I'm sorry." Hinawakan ko kamay niya sa la mesa. Hindi naman niya inalis kamay ko. Thank goodness. Kinabahan pa ako dun ah. Whew!
"Should I continue on telling my lovestory?" Sabi niya habang nakangiti. It looks like I'm forgiven. Whew! Ngumiti ako sa kaniya at nag-grin siya sakin. "Yeah. Sure. Can I hold your hand while we're talking?" Sana pumayag.
"..." Tumango lang siya at sa tingin ko may nakita akong konting pahid ng pula sa mga pisngi niya. Wow. Hindi ko akalain na kahit hindi siya ganun kaputi gaya ng ibang babae e halata sa kaniya ang pamumula niya.
Natawa ako dahil dito at tinignan niya ako na para bang nagkaroon ako ng kulugo sa muka ko.
Nagpatuloy siyang magkwento. Naging official sila nung 13 na siya at 14 yung Danielle Gutierrez. Long-distance relationship ang meron sila. Nasa ibang city kasi yung lalake. Naka-dorm siya. Nabanggit niya din na tumawag isang beses si Danielle sa kanya at sa sobrang hiya nito, binaba niya ang telepono ng walang sinasabi. Ang torpe nung lalake.
Naks naman! Sakin pa talaga nang-galing yun ha? Isa rin ako sa mga toorpeng lalaki pero naglalakas ako ng loob ko ngayon para kay Ava. Ewan ko. Ang lakas talaga ng tama ko sa kaniya. Kahit na nung unang araw na nahuli ko siyang nakatingin sakin.
Parang may kumurot sa puso ko nun pero in a good way naman na klase. Shit. Kinikilig ako!
Nagpatuloy siya habang nakangiti ng bongga. Napatingin ako sa labi niya.
Shit. I want to kiss her right now. Kahit na feeling ko hindi ako ang first kiss niya kung sakali.
"Matt, we were so young that time. So innocent. A pure kind of love but..."
"but..."
Her big smile faded. Napalitan ito ng napakalungkot na expression. And her eyes, it looks so sad. So heartbreaking.
"He cheated on me."
Napalaki ako ng mata dahil sa bigla niyang sinabi at napalunok ako ng sobrang matunog dahil dito.
"What?"
But why?! I mean, when you look at her she’s not the kind of girl you wanted to cheat on! She’s so cute. So simple. So innocent. Paano niyang nagawang mag-cheat sa isang tulad niyang napaka-cute at ganda dahil sa innocence na aura na lumalabas sa kaniya!?
"He cheated on me, Matt. Kaya natatakot akong magtiwala sa mga tao. Proud na proud pa siyang may kapalit na ko kaagad." She smiled. A fake smile.
Hindi ko maiwasang hindi masaktan para sa kaniya. How dare he!
"So... Did you cry over him?" marahan kong pagtatanong sa kaniya. Ayoko kasing marinig niya sa boses ko na sobrang desperado ako sa kaniya eh. Baka isipin niyang katulad ako nung ga*o niyang ex. Shit. First love niya pa!
"No." Sagot niya agad. Nagulat naman akong bigla dahil sa agad agad niyang sinabi at walang halong pag-hehesitate.
Hindi ko alam kung ngingiti ako o maiinis eh.
"Akala ko ba mahal mo? Eh bakit parang okay lang sayo na pinalitan ka kaagad?" Tanong ko.
Ngumiti siya sakin at binigyan ng squeeze ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "Matt, kahit bata pa ko non naisip ko na hindi mag-wowork ang long distance relationship. So sabi ko sa sarili ko, madami pa dyan na boys kung sakaling mawala siya. Pero hindi ko ini-expect na ganun ang gagawin niya sakin. So I was a bit sad that time."
Hindi na ko nag-comment. She's a strong girl. Hinawakan ko kamay niya ng mahigpit. I really like her. I love her, so much. I want to protect her. Gusto ko siyang yakapin nung mga oras na yun. Kaso biglang dumating yung tatlo. The time went so fast. It's already 4:37pm. 4:30 labas nila Cherry, Bryan at Ren. Sakto lang dating nila.
“Yo! Hey guys!” biglang sigaw ni Ren samin. Napalingon sa kanilang tatlo yung iba pang tao na nandun na hindi namin namalayan na dumami na pala.
“Ang ingay mo, Ren!” pagbatok naman bigla ni Bryan sa kaibigan na naka-ani ng tawa sa ilang tao sa loob nakatingin na samin.
Humalakhak naman ng tawa si Cherry at napayuko sa table si Ava. Ewan ko kung bakit pero dahil na rin sa nahihiya na siya sa mga pinag-gagagawa ng mga kaibigan niya.
“Ugh. Pakipaalala sakin kung bakit ko sila kaibigan?” bulong niya dahilan para ikatawa ko. Napalingon naman sakin yung tatlo at halata sa mga mata nila na may amused expressions sila.
“Wow. Matthew’s laughing. Bakit kaya?” Bulong ni Cherry na para bang isa ako sa mga science experiments nila kung makatingin. Tumango naman ng sabay yung dalawa sabay ngiti sakin ng makahulugan.
Napailing nalang ako dahil kahit na naranasan yun ni Ava sa first love niya, may mga tao naman na nakapaligid sa kaniya na sobrang masayahin kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit naka-move on rin siya kaagad.
I mean, I’ve been with them for the last few days and I’ve seen how rowdy their group of friends are.
Masaya silang kasama kahit na madalas silang pagalitan ng mga teachers dahil sa maingay sila. Kaya nga nagka-detention tong tatlong to eh.
Magmurahan daw ba habang nasa school pa? *shakes head
“Guys, maupo kayo sa ibang table.” Sabi ni Ava nang iangat niya ulit ang ulo niya at tumingin ng masama sa mga kaibigan niya. Sabay sabay naman na ngumiti ng nakakaloko yung tatlo.
Sa totoo lang, para silang tatlong itlog ng group of friends nila. Si Cherry ang muse at yung dalawa ang mga bodyguards niya. Oo, ang lakas ng imagination ko. Kakanuod ko yata ng mga cartoons to eh.
Imagine..nasa highschool na ako pero naaaliw parin nila ako.
Nakiupo parin silang tatlo sa table namin kahit na binantaan sila ni Ava. Natawa nalang ako at sinamaan rin ako ni Ava ng tingin. Nag-shrug lang ako at napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.
“OH! Ano yan haaaa?” malamalisyang pagtatanong ni Cherry saming dalawa. Napatingin kaming apat sa kaniya at sinundan namin ang tinitignan niya.
Napasinghap ako ng hangin bigla bigla dahil sa nakaramdam ako ng hiya kasi nakita nilang magkahawak kamay kami ni Ava.
Ganun rin ang naging reaction ni Ava at bigla niyang hinatak ang kamay niya sabay tingin sa sahig.
Nagtawanan yung tatlo habang ako naman ay napatingin sa kamay ko at napayuko nalang ako sa table dahil alam kong namumula ako. Tinakpan ko rin ang tenga ko dahil naalala kong kinikilig rin ito. Weird.
Napansin ko rin naman na parang nahihiya si Ava. Napatulala pa ako ng mapansin kong nginunguya niya ang lower lip.
Pfftt..bakit ang cute nitong babaeng to?!
“Pfft..”
Napalingon naman sakin bigla si Ava at tinignan niya ako na para bang dumami ang kulugo sa muka ko. ‘Anong nakakatawa?” bulong niya sakin. Siguro para hindi siya marinig ng mga kaibigan niya na nagkekwentuhan na tungkol sa kung ano anong mga kalokohan na’ng nagawa nila.
“Nothing.” Bulong ko rin naman at hindi ko naiwasang hindi pigilan ang tawa ko dahil nangangati mga kamay ko para hawakan ang magkabilang pisngi niya. Nangangati rin labi ko para halikan ang labi niya.
Shit naman.
Tinignan niya ako ng masama at napansin kong nag-kucurve ang labi niya at sa tingin ko, pinipigilan niya ring tumawa. Pero kahit na ganun, halata sa mga mata niya na gusto niyang tumawa.
Ang weird nga e. Para siyang pumipikit pero pinipilit niya rin namang dumilat nalang. Hahaha!
Napatawa na ako ng malakas bigla dahil sa ka-cutan na taglay ng babaeng kanina lang e kahawak kamay ko.
“Hahaha! Shit! Hahaha!” tinakpan ko ang muka ko dahil sobrang happiness ang nararamdaman ko ngayon.
Dahil na rin siguro dahil sa babaeng nakitawa rin sakin at hinahampas hampas niya ang braso ko kakatawa.
.
.
.
.
.
.
.
6pm..
Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinatak ang wrist ni Ava. "Guys, iuuwi ko na si Aviana. It's getting late." Sabi ko sa tatlo. Dami nilang kwento. Hindi naman ako maka-relate. Mga stories ito nung freshman sila.
Napatingin silang tatlo sakin at ganun rin kay Ava. Nagsimula nanaman ang mga tingin nilang makahulugan. Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong magtatanong sila.
"Bakit mo kailangan ihatid si Ava, baby boy?" Sabi ni Cherry na may kasamang paglalambing sa boses. Natawa naman yung dalawa. Si Ava...omg. She's blushing. "Umm...you see, Seth and I are neighbors so since he's not around I'll be the one who will drop her safely at their house."
Pagpapaliwanag ko ng dere-deretso dahil wala naman akong sinasabing hindi totoo. Yun kasi ang bilin sakin ni Seth eh. Sa tuwing wala daw siya para asarin este para ihatid si Ava, ako nalang daw ang gumawa.
Gawin ko rin daw tong chance para gumawa ng ‘the moves’ niyang tinatawag. Nako. Marami akong matututunan kay Seth. Mga kalokohan niya.
"Ooohhhh.. Loverboy~" Sabay-sabay na sabi nila Cherry, Bryan at Ren. Stupid friends. Hahaha!
"Shut up guys!" Sabi ni Aviana. Napatingin kami sa kanya. Sabay tawa. Ang cute niya kasi eh! Nag-pout pa siya sabay baling ng tingin sa sahig. Ano ba meron sa sahig na lagi niyang tinitignan na wala sa muka ko?
Hamak na mas gwapo ako sa maduming sahig.
Haha! Banat lang. *wink!
"Aw baby girl. No need to be shy!" Sabi ni Cherry habang tumatawa. "Matt! Uwi na nga tayo." Naiinis niyang sabi. Tawa padin ng tawa yung tatlo hanggang sa nakalabas na kami.
Sa totoo lang, para lang matigil ako sa pakikipagtawanan ko sa tatlo, hinatak niya ako palabas at sabay takip sa bibig ko. Feeling ko pa nga, kaya niya inalis ito kaagad kasi naramdaman niya yung labi ko na dumikit sa palad niya.
Nilingon ko siya at ayun, namumula nanaman ang mga pisngi niya.
Nagkwentuhan lang kami ng kahit ano habang naglalakad kami pauwi sa kanila. Dami niya ring kwento. Ang daldal niya pala pero nakakatuwa kasi yung kaninang emote niya e wala na. Kaya ang saya niya kausap. Ang weird pa nga nung iba niyang kwento eh.
Tulad nung lumabas yung kape sa ilong ni Seth nung first year sila. Yun ata yung unang pagkakataon na ngsimula ang walang tigil nilang panlalait sa isa’t isa. lols Maasar nga yun minsan.
Magtatanong yun sakin malamang kung kanino ko nalaman at syempre proud na proud kong masasabi na galing yung kwento na yun kay Ava. At syempre, magiging proud rin sakin ang kaibigan kong yun dahil sa nagkaroon kami ng moment ni Ava.
Ang kaso, pwede niya rin akong mabugbog dahil sa kwento na yun. Haha!
.
.
.
.
Naihatid ko na si Aviana sa kanila.
"Thanks Matt." Pagpapasalamat niya sakin na may kasamang ngiti. Pambihira naman tong araw na ito.
Ang dami ko ng score ha. Holding hands kanina, yung pagkekwento niya ng first love niya, tapos pati ba naman yung mga ngiti niyang nakakakilig?! Shocks!
"No problem. Can I always do this?" tanong ko sa kaniya. Nilakasan ko na loob ko para habang puno pa ang confidence level ko e masabi ko na sa kaniya kaagad.
"Do what?" sagot niya sakin na may kasamang pagtagilid pa ng ulo niya sa isang side. Shit. Can’t she get any cuter?! I wanna squeeze her so bad right now!
Nginitian ko siya at sabay ipit ko sa buhok niya sa tenga niya. nakita ko siyang napahinga ng malalim dahil dito. "You know, ihahatid kita lagi. Kung pwede din, sunduin din kita." Kinakabahan ako.
Tinignan niya ako ng matagal at sa tingin ko pilit niyang binabasa ang mga nasa utak ko ngayon. Teka, hindi naman siguro siya mind reader hindi ba? Wala naman talagang taong ganun diba?
Ngumiti siya sakin pagkatapos niyang titigan ang mga mata ko sabay sagot. "Yeah. Sure!" She grinned at me and it makes me feel so happy right now cause that grin is one of her real smile. Yung nawawala yung mata niya? Oo, yun.
Niyakap ko siya dahil sobrang umaapaw na talaga ang nararamdaman ko. I can even hear my own heartbeat. I just wish that she wouldn’t hear it. Nakakahiya e. >.<
"Matt..." alam kong ayaw niyang yakapin ko siya pero hindi ko na talaga mapigilan.
Hingpitan ko lalo yakap ko. "Please, let me hug you. Sandali lang."
Hindi siya kumibo. Naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko. She hugged me back.
Matapos ang ilang minuto na magkayakap kami kasama ang mga stars at ilang constellations sa langit, lumayo siya sakin ng konti at sabay tingin nanaman sa sahig.
“S-sige na. Uh..uwi na. it’s getting late.” Sambit niya at ngumiti nalang ako sabay tulak sa kaniya ng marahan sa gate nila.
Inangat niya ang tingin niya at sabay ngiti sakin. “Go inside, then.” Pagpupumilit ko sa kaniya at tumango lang siya sakin sabay takbo sa gate nila at nakapasok na siya.
Napabuntong hininga nalang ulit ako dahil hindi ko alam ang dapat kong maging reaction. Una, hindi ako babae para magtititili dito sa kalsada dahil sa kilig. Pangalawa, nasa tapat pa ako ng bahay nila.
Nagsimula akong maglakad at syempre, bilang baliw sa isang babae. Nakangiti lang ako hanggang sa pag-uwi ko.
Kahit ang mga kapatid ko na ilang beses akong inasar dahil sa pagmumuka kong hindi maialis ang ngiti e hindi ko pinansin. Ayokong may sumira sa mood ko dahil sa totoo lang, sobrang saya ng feeling ko dahil kay Ava.
Marami akong nalaman na new feelings dahil sa kaniya. Kung paano ang feeling na mabaliw. Yung feeling na yakapin ka ng taong mahal mo. Yung feeling na kahawak kamay mo lang siya.
At lalo na yung feeling na alam mo sa sarili mo na mahal na mahal mo siya.
Ang saya. Hindi ko makakalimutan ang chance na maranasan ko ang mga ito kay Ava. Mabilis na lilipas ang panahon at darating ang time na magkakaroon kami ng kaniya kaniya naming mga trabaho at pagkakaabalahan.
Magkakahiwalay kaming magkakaklase pero isa lang ang nakikita ko.
Si Ava, ang babaeng gusto ko ngayon, siya lang ang nakikita ko sa future ko. Sigurado akong mahal na namin ang isa’t isa sa panahon na yun.
Ilang araw na rin ang lumipas nung nangyari yung gabing yun.
I haven’t popped the question again. I think it would be better for us to be friends first. Well, for now. Alam niyo na, parang get to know each other muna.
Nung sinabi ko ito kay Seth, akala ko ipupush niya ako na itanong ulit yung tanong na yun pero hindi. Nginitian niya pa ako at sabay sabi: “Dude! That’s fine! Ang haba ng oras niyo para magmadali. Duh!”
I mean, syempre! Si Seth! Ang bestfriend ko na kilala na ngayon bilang ultimate player sa school namin. Kahit sa labas kilala pangalan niya bilang bad boy at ganun rin ang pagiging playboy.
Walang pumapalya sa mga paraan niya basta i-push lang. Kaya nga akala ko e pati ako itutulak niya at pipilitin. Isa siyang mabait na tao.
Kaya para sakin na lagi niyang nakakasama? Hindi ko malaman kung bakit siya tinatawag ng ilang tao na ‘bad boy’. Nagtataka nalang ako dahil kahit na kelan, hindi ko siyang nakitang mag-sigarilyo ng patago o kaya mag-inom. Kahit ang mag-drugs o kahit ano pang masama.
Kahit na kami lang magkasama, wala akong nakikitang bad habit niya. Kaya sa tuwing may nagsasalita sa kaniya ng masama, napapalaban ako.
Ito siguro ang dahilan kung bakit naging mag-bestfriend na kami.
“Matt!” I looked over my shoulder who the heck called me. Napa-snort nalang ako dahil syempre, ang bestfriend ko lang pala na may mga kasunod na mga aso sa likod niya.
I mean, girls.
Nakilala ko pa yung ilang babae na sumusunod sa kaniya. I think she’s a freshman.
Napailing nalang ako dahil inaaksaya niya ang oras niya kay Seth. He’ll never look your way. Pasimple kong telepathy dun sa freshman. Sa tingin ko pa nga, narinig niya ako kasi bigla siyang tumingin sakin at ngumiti ng medyo..flirty ang dating. *shivers
Tumigil sa harap ko si Seth at sabay akbay sakin. ‘Kyaaa! Bromance!’
Sigaw nung isang freshman na kasama nung isang tumingin sakin. Natawa lang si Seth dahil dito at ako hindi ko naiwasang hindi umirap. Oo, natutunan ko kay Ava yan. Bakit ba!
“Dude, don’t put your arms around me. Baka isipin ni Ava bading ako.” Pag-wawarning ko sa bestfriend ko. Umiling iling lang siya at nag-snort.
“What the heck? You two are not even dating yet. That miniature girl is so numb. Hindi ba siya magkakagusto sa bestfriend ko? Kasing liit niya siguro yung feelings niya sayo kaya hindi pa mahulog sayo. Tsk. Ouch!” tuloy tuloy niyang sabi pero bago ko siya mapigilan sa mga sinasabi niya sakto naman ang paglabas ni Ava mula sa room.
I was waiting for her. Naging routine na talaga namin na ihatid-sundo ko siya.
“Who’s a miniature?” mataray niyang pagtatanong kay Seth na nakayuko. Hindi ko rin alam kung paano naabot ni Ava si Seth sa ulo pero mukang malakas ang pagkakabatok niya sa bestfriend ko. Haha!
Napangiti ako pero tinakpan ko kaagad ang bibig ko dahil sinamaan ako ng tingin ni Ava. “What are you smiling about?” tanong niya sakin pero umiling lang ako.
Napansin kong ngumiti siya sakin dahil na rin siguro sa napansin niyang nakangiti ako at tinatago ko to sa kaniya. Nagkaroon kami ng secret smile.
Ewan ko sa tuwing isa samin ay ngumingiti, napapagaya ng automatic ang isa. It feels good actually. Kami lang nakakaalam ng meaning nun.
“Anong nginingiti niyong dalawa?! Bakit di ako kasama sa joke niyo! Stupid lovers!” biglang singit ni Seth saming dalawa ni Ava. Baliw talaga bestfriend ko. Panira ng moment. Yun na yun eh! Magkatitigan na kami eh. >.
Napalingon ulit ako kay Ava at saktong magsasalita sana siya ng biglang may sumigaw na teacher mula sa room.
“Who swore?!” sigaw nito at biglang nagsitakbuhan ang mga freshman palayo dun. Nanlaki mata naming tatlo hindi ako nakagalaw kaagad.
“Matt!” napalingon ako kay Ava nang bigla niya akong tawagin. Napansin kong hinahatak niya ang polo ko. Nang magets ko ang ibig niya sabihin, naunahan ko siya sa pagtakbo at sabay hatak ko sa kamay niya.
“Shit!” bulong naman ng bestfriend ko na nasa tabi ko at tumatakbo rin.
Para kaming mga baliw dahil sa tinatakbuhan namin ang isang teacher dahil sa pagmumura ni Seth.
Nang makalayo na kami, nagulat ako ng biglang tumawa si Ava. Hawak ko siya sa kamay at ngayon ko lang napansin na naka-intertwine ang mga daliri ko sa kaniya. Napangiti ako dahil dito pero nawala rin concentration ko dun dahil sa mas lumakas ang tawa niya.
Nagkatinginan kami ni Seth at nakita ko rin sa muka niya na natatawa na rin siya. Napalingon kaming sabay kay Ava na tumatawa parin kahit na hatak hatak ko siya.
“What are you laughing at?” tanong ko sa kaniya at hinatak niya ang braso ko dahilan para mapalapit ako sa kaniya. Nakakapit siya ngayon sa braso ko habang tumatakbo kami.
Umiling lang siya at lalong tumawa. Maya maya lang tumawa na rin ng tuluyan si Seth at pati ako nahawa.
“That was funny! Hahaha!” natatawang sabi ni Ava habang nakakapit parin sakin.
Dahan dahan kaming bumabagal dahil na rin siguro sa tawa naming tatlo.
‘Yeah that was totally funny! Akalain mo yun, nakatakbo ka kasabay namin kahit na miniature ka? Hahah!” biglang banat ni Seth kay Ava. Napalingon akong bigla kay Seth at tinignan ko siya ng masama kahit na natatawa parin ako.
Bigla namang nawala ang tawa ni Ava at sinamaan ng tingin si Seth. “Well, you know what? If it wasn’t for you, I wouldn’t have ran. Cause you’re an idiot for swearing too much! Ha.ha!”
Nanlaki naman mata ko dahil sa nakakatawa silang tignan dahil ayan nanaman sila sa pag-aasaran. I shall see their little bickering again.
Behold..
My two important persons in life. *bows
“I’m sorry for I can’t abstain from it!”
“You think your ‘sorry’ is enough if ever we get caught?!”
“Well, obviously we’re not caught!”
Bago pa makapagsalita ulit si Ava, sumingit na ako sa kanila dahil sa totoo lang, nagugutom na ako at aabutin kami ng gabi dito sa kalsada kapag hindi ko sila pinigilan.
“Alright, guys! Stop it. Let’s head home, okay?” marahan kong sabi sabay hila kay Ava na nakatingin ng masama sa bestfriend ko. Si Seth naman na nakangiti ng may kasamang pagyayabang sa babaeng mahal ko.
Napailing nalang ako dahil halatang wala silang balak na magpatalo sa isa’t isa kung hindi ko sila pinigilan.
Nagsimula kaming maglakad pauwi at magpapatuloy parin sila sa pagtitinginan ng masama kung hindi ko sila parehas na nilibre ng ice cream. Yeah. That can make them calm.
Parehas pa silang nag-share ng mga ice cream nila sa isa’t isa! Para akong na-out of place dahil naging animated ang pag-uusap nila. *shakes head
Hinila ko si Ava at inakbayan. Alam kong walang meaning sa kaniya ang mga gestures ko kaya naman hinahayaan niya akong gawin sa kaniya ang mga simpleng hawak na to.
Holding hands o kaya akbay.
“Matt.” tawag niya sakin at napalingon ako sa kaniya. Sakto naman sa pagyuko ko e tumama sa ilong ko iyong ice cream niya.
Alam kong hindi niya yun sinasadya dahil kahit siya ay nagulat sa nangyari. “I was supposed to ask you if you want some of mine..” bulong niya at para siyang iiyak dahil sa ice cream niya na napunta na sa muka ko.
“Hahahaha! Damn it! You look like a lifeguard!” biglang turo naman sakin ni Seth. Hindi ko siya pinansin at hinayaan ko siyang tumawa mag-isa niya.
Ngumiti ako kay Ava at nagulat ako ng tumingala siya at mag tip toe. Sabay dila sa tip ng ilong ko.
Nanlaki mata ko at muntik ko ng mabitawan ang ice cream ko. Buti nalang nahawakan niya yun. O sabihin na nating kinuha niya sakin at tsaka niya kinaen ang ice cream ko.
Natulala ako sa ginawa niya dahilan para magkaroon siya ng chance para ubusin na ang ice cream ko. Sobrang bilis ng heartbeat ko at feeling ko sasabog ako anytime pero napigilan ito ng utak ko dahil bigla kong na-realize na inubos niya ang ice cream.
“Aviana..” tawag ko sa kaniya at bigla siyang tumakbo sa likod ni Seth na tumatawa na rin dahil sa nangyari. Ngumti ako sa kaniya pero alam niyang naasar niya ako.
She knows it. Whenever I call her first full name, I’m mad.
“Run while you can. If I catch you, you’re dead.” Malamig kong sabi habang nakangiti parin. Nag-squeal siyang bigla na parang bata at tsaka tumakbo. Kasunod niya si Seth na humarurot rin ng takbo. Alam niya ring naiinis ako sa kaniya dahil tinawanan niya ako.
Magkasundo talaga ang mga baliw ano?
Tumakbo ako papalapit sa kanila at syempre una kong tinakbo ay si Ava.
Nagsisisigaw siya habang tumatawa at nahuli ko siya ng pumasok siya sa isang playground.
Nang mahuli ko siya, inikot ko ang dalawa kong kamay sa kaniya at kahit na pumapalag siya, hindi siya nakatakas sakin.
It’s like how we are right now.
Kahit na ilang beses siyang tumakbo papalayo sakin, kahit na gaano pa siya kalayo. Maaabutan at maaabutan ko parin siya. Cause it’s meant to happen.
Kahit ilang beses pa niyang tanggihan ang feelings ko sa kaniya, sakin parin ang punta niya. Kahit anong gawin niyang pagkakamali, hahabulin at hahabulin ko parin siya.
Kahit magpumilit siyang tumakas at lumayo ulit sakin, mahahabol ko parin siya.
Sa kamay ko parin ang bagsak niya. Sakin parin siya mas sasaya.
I’ve never felt these things before but with her by my side, I learned a lot of them.
“You can’t run away from me now.” Bulong ko sa tenga niya dahilan para tumigil siya sa paglaban. Nag-gigiggle siya ng mahihina at dahan dahan siyang humarap sakin.
“Hmm..if you say so.” Sagot niya sakin sabay punas ng panyo sa muka ko. Napa-scrunch ako ng ilong dahil dito at narinig ko siyang tumawa ulit. Napangiti ako at dahan dahan kong minulat ang isa kong mata para lang makita siya kung paano ang expression niya habang paulit ulit na hinahalikan ang tip ng ilong ko.
“I got you. No more getting away from my hold now.” Bulong ko ulit sa kaniya at natigil ang paghalik niya sa ilong ko. Napadilat ako at nakita kong nakangiti lang siya.
Yung ngiti niya na nawawala ang mata niya.
“I know.”
Sa sinagot niya, nagtatambol ang puso ko. Hindi ko akalain na yun ang isasagot niya sakin. Kinilig ako kahit na two words lang yun.
--
End of 3.
VOTE COMMENT SHARE and don’t forget to ENJOY while reading this book *wink!
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments