CHAPTER 05 :: BREAK THE RULE

CHAPTER 5: Break the rule

Kerk's Point of View

Ilang oras na lang at makakalabas na kami dito sa kulungan. Inaamin ko na medyo nagugutom at nauuhaw na talaga ako pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko.

"Gutom na ba kayo?" boses ng lalaki kaya napatingin agad kami ni Hercules sa nagsalita.

"Sino ka?" tanong ni Hercules sakan'ya.

"Ako si Ben Sel at isa ako sa mga guro dito. Andito ako para bigyan kayo ng pagkain," seryosong sabi niya.

"Tapos?" sartastikong tanong ko.

"Kumain kayo," maikling saad niya naman.

"Alam kung papakainin mo kami kaya nga nagdala ka ng pagkain. Ibig kong sabihin ay bakit? Alam mo naman na bawal kami kumain," iritadong sabi ko sakan'ya.

"Gusto ko lang kayo tulungan. Nagmamagandang loob lang ako," inosenteng saad niya.

Ngumisi ako at tumango sakan'ya.

"Sige, samin na."

Binigay naman niya agad 'yung pagkain samin at agad-agad itong kinain ni Hercules. Halatang gutom na gutom lang.

Sumubo ako ng isang kutsara at habang nginunguya ko ay bigla na lang nahimatay si Hercules kaya tumawa 'yung lalaki at bigla na lang din ako nawalan ng malay.

---

Nagising ako na masakit 'yung ulo. Yung tipong parang pinupokpok ng martilyo sa sakit. Inilibot ko paningin ko at napansin ko na nasa silid na ako at naalala na may pagkain pa sa baba ko.

Dali-dali naman akong pumunta sa cr at iniluwa 'yung pagkain.

Tangina naman no'ng guro na 'yon. Anong klaseng iniligay niya sa pagkain namin. Akala niya siguro madadaan niya ako sa pang bobo niyang galawan. Ang kinainis ko pa ang tagal niya gumalaw kaya kahit hindi ako nahimatay ay natulog naman ako.

Bumalik na ako sa kuwarto at umupo sa higaan ng may mapansin akong uniporme. Kinuha ko ito at tinignan.

Kulay pula ito at may nakatatak na Los Satanikos. Sinuot ko ito at maya-maya lang ay may nag pop up sa screen ng tv. Naka lagay do'n ang pangalan ko at may mga schedule. Tapos sa bandang ibaba may mga mukha ng mga highest ten at nakalagay doon ang kanya-kanya nilang rules tapos sa pinaka ibaba may nakalagay na 'If you break your own rule, you must face the consequences' kaya napangiti ako sa nabasa ko.

Naghanda na ako para pumasok sa unang klase ko.

Math lang pala 'yung klase ko ngayon. Walang section sa paaralan na 'to kung hindi depende na lang sa schedule mo. Pero mas maayos na 'yon kasi nakakaumay din 'yung may section kasi pareho lang 'yung mukhang makikita mo buong klase.

Lumabas na ako sa silid at bumangad 'yung nakangiting mukha ni Pollux sa'kin.

Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya kamay ko. Nilingon ko siya kaya agad naman niyang binitawan ito.

"Math din klase mo ngayon diba?" tanong niya sa'kin.

"Oo," maikling sagot ko.

"Same pala tayo kaya tara na," masiglang saad niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa inasta niya. Lumakad na siya kaya sumunod na lang ako sakan'ya.

Tahimik lang ang buong paligid na kanya-kanyang pumunta sa mga klase nila.

May mga nagmamadali dahil natatakot ma late kasi isa din talaga 'yon sa rule. Medyo natataranta nadin si Pollux kakahintay sa'kin kasi wala talaga akong pake sa mga rule na 'yan. Oras ko 'to at wala silang magagawa do'n.

Kinuha ko naman earphone ko sa bulsa ko ng may nakabangga sa'kin.

Uminit ulo ko dahil do'n kasi ayaw ko sa tangang tao. Lalo na sa'kin niya pinapakita katangahan niya.

"Oy Kerk 'wag mo na 'yan patulan ah? Hindi niya naman sinasadya," sabi agad ni Pollux sa'kin ng makita niyang iritado kong pagmumukha.

"Hindi niya sinasadyang maging tanga?" sarkastikong tanong ko.

Nag taas naman ng mukha 'yung nakabangga sa'kin at napangiti akong si Hercules 'yon. Tanga nga talaga.

"Ang lakas mo makasabi sa'kin na tanga ah! Sino ka ba?"hambog niyang sabi.

Tumaas naman kilay ko sa tinanong niya "Hindi mo 'ko kilala?" balik tanong ko sakan'ya.

"Hindi," maikling sagot niya kaya nagtaka ako kasi parang hindi nga niya talaga ako kilala kasi naalala ko no'ng gabing 'yon na gustong-gusto niyang bumawi sa'kin pero ngayon hindi na niya ako kilala.

Magsasalita pa sana ako ng bigla akong hilahin ni Pollux papalayo.

Binitawan niya lang ako ng makapasok na kami sa classroom at nasa amin lahat ng atensyon nila.

Tinignan ko naman sila pabalik kaya umiwas na lang sila ng mga tingin.

Umupo ako sa pinakadulo at ganon din si Pollux.

Naka earphone lang ako at nakikinig ng kanta ng pumasok na 'yung guro namin. Medyo madami-dami din kami sa silid.

Nagsimula na silang bumati pero wala akong pakialam at pinatuloy lang ang pakikinig ng kanta. Tumingin ako sa bintana kisa tumingin sa harapan at sa nakakaumay na guro.

Nagsimula ng magpakilala sila isa-isa at medyo nababagot na ako dito. Konti na lang baka bigla na lang ako tatayo at aalis.

Nakapikit lang ako ng biglang sinipa ni Pollux upuan ko.

Iritado naman akong tumingin sakan'ya at nagtatanong ang mga labi.

Tinanggal ko earphone ko at sinabi niyang ako na daw ang magpakilala. Kaya tumayo ako kaya na sa sa'kin lahat ng atensyon nila.

"My name is Kerk and my surname is not important to tell you all," sabi ko at umupo ulit.

Pagkatapos ko 'yung sabihin ay bumalot ang katahimikan kaya tumikhim na lang si Sir.

Nagsimula ng mag turo si Sir pero hindi ako nakikinig at tumingin na lang sa bintana at minamasdan ang kalangitan.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi padin siya tapos mag turo. Gustong-gusto ko na umalis.

"Mr. Kerk," tawag ni Sir sa'kin kaya napatingin agad ako sakan'ya.

"It looks like you already know the topic kaya hindi ka nakikinig. P'wede ba kita matanong?" tanong niya sa'kin.

"You already questioning Sir," saad ko kaya nagtawanan ang buong klase at medyo naurat si Sir sa inasta ko.

"If you say so. Kaya sagutin mo to. How many terms are there if the first and the last are 5 and 395 respectively with a common difference of 5." seryosong sabi niya.

Ngumiti lang ako sa tanong niya. Seryoso ba siya sa tanong niya. Nakakatawa.

Tumayo ako kaya titig na titig sila lahat sa'kin.

"Hindi ko alam Sir. Ano ba ang sagot?" balik kong tanong sakan'ya.

Nagtawanan naman ang lahat at pati narin si Sir tumatawa kaya sarkastikong tumawa din ako.

"Need help Mr. Kerk?" tanong ni Sir sa'kin.

Tumango na lang ako at umupo na muli.

Tumaas naman ang kamay no'ng lalaki na nasa unahan.

"Oh Mr. Arguilles the top 5 of the highest ten. Ano sagot mo?" natutuwang sabi ni Sir.

"79 Sir," seryosong sabi niya.

"Nice, ganitong studyante ang nakaka proud," hambog na sabi ni Sir.

Nag earphone na lang ulit ako na parang walang nangyare.

Napaisip lang ako na kahit naman na masagutan ko 'yung tanong ni Sir ay walang ni isa magiging proud sa'kin. Kahit gawin ko ang lahat walang matutuwa sa mga medalya ko.

Nagpatuloy lang si Sir kakaturo at mga ilang oras ang dumaan ay nagpaalam na ito. Kaya nagsilabasan nadin ang lahat at dumiretso na sa kanya-kanyang silid para magpahinga.

Isa lang din naman ang subject sa isang araw kaya nakakabagot.

Pagabi na kaya nagmamadali na silang umuwi. Takot na takot sa rule.

Pinauna ko na din si Pollux kasi hindi naman kami close para lagi siyang didikit sa'kin.

Imbes na pumunta sa silid ay pumunta ako sa school garden at humiga sa damohan malapit sa malaking puno para magpahinga.

Tahimik na ang paligid kasi may time limit kaya bawal kanang lumabas sa oras na ito. At para sa'kin ay ito ang oras para mapag-isa ako. Kondi ang kadiliman ng paligid at hangin lang ang kasama ko.

Nakikinig lang ako ng kanta na nakapikit at dinadama ang lamig ng panahon ng may biglang tinanggal ang earphone sa tenga ko.

Tinignan ko naman kung sino at isang babaeng nakataas ang kilay na naka pamewang na nakatingin sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito? Dapat nasa silid kana kasi rules are rules," seryosong sabi niya sa'kin.

Umupo ako at nakasandal sa puno.

"Alam ko pero mas gusto ko dito. Tahimik at madilim kaya parang pakiramdam ko malaya akong gawin gusto kong gawin," saad ko sakan'ya.

Tumabi naman niya sa'kin.

"Gusto ko din 'yung sinabi mo kaya ginawa ko ang rule na 'to." Niyakap niya tuhod niya habang sinasabi 'yon.

"Sino ka pa nga ulit?" tanong ko sakan'ya.

"Avery Smith." Inabot niya kamay niya kaya hinawakan ko ito.

"Kerk," maikling sabi ko at nakipag shake handa sakan'ya.

"May problema ka ba?" tanong niya agad pagkatapos naming mag shake hands.

Tumango lang ako sa tanong niya.

"Ano naman?"

"Ang bobo ko para sa paaralan na 'to. Napilitan lang naman na mag-aral dito dahil sa ama ko. Wala akong kakampi sa pamamahay namin. Lumaki akong na parang ako lang mag-isa. Lumaki ako na taga sunod sa utos ng ama ko. Nabuhay lang siguro ako para maging laruan ng ama ko," sabi ko sakan'ya. Minsan lang ako mag open up sa ibang tao kasi lumaki akong dala-dala lahat ng mga hinanakit simula no'ng pinanganak ako kaya hindi ko alam bakit ang gaan ng pakiramdam ko kay Avery.

"Asan ba ina mo?" tanong niya naman sa'kin.

"Patay na ang totoo kong ina. Kaya step mother lang meron ako ngayon."

"Sobrang gulo pala ng buhay mo," saad niya.

Tumawa naman ako sa sinabi niya. "Anong klaseng parusa ba ipaparusa mo sa'kin?" Balewalang tanong ko sakan'ya.

"Wala, hahayaan lang kita na mamalagi dito. But let's keep it a secret between us," nakangiting sabi niya sa'kin.

Tumango naman ako at ngumiti pabalik sakan'ya. Pero nabigla ako ng yakapin niya ako.

"Don't worry Kerk. I'm here and I'm willing to help you," bulong niya habang yakap ako.

---

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play