CHAPTER 4: 10 Rules
Kerk's Point of View
Napuno ng hiyawan ang gymnasium dahil sa mga nakapasok sa highest ten. Humahanga ang karamihan sakanila dahil hindi talaga basta-basta makapasok do'n. Kailangan mo ng kaalaman at talino upang mapabilang.
Tumunog naman ang cellphone ko at may text na naman galing sa ama ko.
'Wala kang kwenta' basa ko sa text. Nakaramdam ako ng galit kaya ihinulog ko cellphone ko at inapakan 'yon.
Naalala ko 'yong bago niya ako hinatid dito at pinaaral. 'Yung sinabi niyang h'wag na ako magpapakita kapag hindi ako magiging highest ten at kalimutan ng anak niya ako. Pero hindi naman ako nagulat nang sinabi niya 'yon sa'kin. Isa lang naman akong laruan para sakan'ya kasi ako naging dahilan bakit namatay ang mama ko dahil pagbubuntis niya sa'kin.
Ganon naman palaging nangyayari samin ng ama ko. He command and I obey. Walang pagmamahal, walang feelings na naka attach kung hindi 'yung dugo ko lang bilang anak niya ang namamagitan lang samin.
Kaya pumayag ako na dito mag-aral kahit ayaw ko naman talaga. Wala akong magagawa kapag siya na nag-utos. Ayaw ko maulit ang nangyari noon kaya mas pipiliin kong sundin na lang ang utos niya.
Binalewala ko lang 'yung sabi ng ama ko at tumingin na lang ako sa harapan at nakinig sa sasabihin ng mga highest ten. Kung anong rules ba ipapatupad nila
"I'm Knoxx. Gusto ko lang ipatupad ang batas na walang away na magaganap dito sa campus. Ayaw ko lang ng ganun kasi masakit lang sa ulo. Gusto ko tahimik lang kaya paglalabag ka, aasahan mo na lang ang parusa."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Knoxx. Napuno ng kuryosidad ang sistema ko kung ano ang parusa at pano tatakbo ang ganitong klaseng sistema ng paaralan.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay 'yung babaeng hindi kataasan na naman ang nagsalita.
"Hi, I'm Avery Smith. Gusto ko lang din ipatupad ang walang malalate. Kapag nakita kong late at hindi ka pumasok ay malalagot ka sa'kin. Time limit to be exact. Papasok ng 7 AM uuwi ng 6 PM at kapag nakita pa kita sa mga ganong oras na hindi pumasok o hindi pa nakauwi ay good luck na lang sayo."
Medyo hindi ko nagustuhan ang batas ng babaeng 'to. Anong karapatan niyang pakialaman ang oras ng iba. Ayaw na ayaw ko pa naman na papakialaman oras ko. Kung ano mga gusto ko.
Ngumiti lang si Avery pagkatapos sabihin 'yon. Simula naman magsalita ang babaeng kasunod niya. Mag kasing ganda lang sila ni Avery pero lamang siya kasi matangkad.
"Cerenity Silversten, gusto ko lang ipatupad ang no bullying. Ayaw ko lang makakita ng studyante dito na binubully dahil hindi siya kagandahan o ano pa," may hiyang sabi niya at tumahimik na.
"I'm Aurelia Soleil Meradith. Rules ko lang ay always obey me. I command, you obey."
Napataas kilay naman akong tumingin sakan'ya. Ayaw na ayaw ko sa sinabi niya. Ano 'yon alipin lang kami niya na sundin lahat ng iuutos niya. Pareho sila ng ama ko magisip.
Kasunod naman magsalita 'yung isang babae. Pansin ko na halos babae ang nakapasok sa highest ten.
"I'm Starry Mendes. Gusto ko lang ipatupad ang kasabihin na walang pwedeng banggain ako. Kahit isa ka pa sa highest ten." Napatingin naman ang ibang highest ten sakan'ya at medyo nagulat sa sinabi.
Ngumiti naman ako kasi iba din siya magisip. Ang galing ng naisip niya.
Nag react naman yung ibang nauna kasi dapat ganon din sakanila pero kung ano yung nasabi mo na ay 'yon na talaga. Walang bawian, walang bagohan. Kaya wala silang nagawa kung hindi tumahimik na lang na naiinis kay Starry kaya natatawa ako lalo.
Naghiyawan na naman ang ibang babae ng kasunod ng magsasali 'yung lalaki na matangkad pero ewan ko na lang sakanila kung naguwa-guwapohan ba sila.
"Hi! I'm Kirby Arguilles. Ang ipapatupad ko lang naman ay 'yung lahat kayo ay tatawagin akong master at rerespetuhin ako na parang hari kahit isa kapang highest ten," may halong tawa niyang sabi.
Napa "Wow" naman ang lahat sa narinig. Kahit ako 'di ko nagustuhan narinig ko.
Binalewala ko na lang at simula ng magsalita 'yung katabi ni Kirby. Tsaka pansin ko kanina pa 'yan sumusulyap kay Kirby. Naalala ko din na isa siya sa kasama ko sa silid.
"Pollux Pérez, everyone. Misteso, guwapo at handang maging jowa niyo," natatawang sabi niya.
Naghiyawan at tumawa naman ang lahat kahit wala naman talagang nakakatawa.
"Joke lang 'yon syempre. So ito na nga, gusto ko lang ipatupad na walang pwedeng ayawan ako. Kung gusto kita o may gusto akong gawin na kasama ka ay sasama ka at gagawin mo kung hindi edi face your punishment," seryosong sabi niya.
Tinignan ko lang siya ng seryoso at inaalam ang gusto niyang mangyari. Ano 'yon? Pinipilit niya ang isang taong gustuhin siya kahit hindi naman talaga siya gusto.
Tumahimik na si Pollux at 'yung katabi naman niyang babae ang kasunod na magsasalita pero dahil sa awra niya ay tumahimik ang buong palagid.
"I'm Rose Derwett. Ayaw ko sa bobo. Kaya gusto ko ipatupad ang 'yung huwag niyo ako kakausapin o guguluhin kung alam niyo na mas bobo kayo sa'kin. Pero kung bibigyan naman kita ng pagkataon na magsalita mag salita ka. Okay lang sana kung friend tayo para kausapin mo ako kaya huwag niyo ako guguluhin kung ayaw niyo maging impyerno buhay niyo dito."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay walang gustong umimik o magingay dahil sa sinabi niya. Kaya nagsalita agad 'yung katabi niyang babae.
"Hi! I'm Jody Eichinizen. May rule is to respect me. Kahit highest ten man kayo kailangan niyo ako respetuhin kahit ano pa 'yang rules niyo. Mabait naman ako pero kapag seryoso ako dapat seryoso din kayo."
Tumingin naman siya sa direksyon ko at tumitig sa'kin. Totoo naman na mabait siya at friendly kaso nakakairita din siya minsan.
Umiwas na siya ng tingin at sumunod naman magsalita 'yung top one. Isa din siya sa kasamahan ko sa silid. Ako lang ata 'yung hindi nakapasok sa amin.
"I'm Kemelee Calzadilla. Mabait na medyo may pagkapilya. Kaya gusto ko ipatupad ang rule na no jowa allowed in this school. Bawal kayo magjowaan kasi gusto ko focus lang kayo kung bakit kayo andito."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay halos lahat nag react na di sumang-ayon sakan'ya.
Para sa'kin wala lang naman 'yon pero pwera na lang sa mga malalandi na jowang-jowa kaya di talaga makasang-ayon.
Pero wala padin silang magagawa kasi rule is a rule kaya tumahimik na sila no'ng tumikhim si Madame Serene.
"Malinaw naman siguro sainyong lahat ang rules nila. Kahit labag sa kalooban niyo ay wala kayong magagawa kasi rules are rules. Kung ayaw niyo sa patakaran nila edi sikapin niyo na maging highest ten," nakangiting pahayag ni Madame Serene.
Wala ng gustong mag ingay kasi totoo naman talaga na wala silang magagawa.
"Welcome to Los Satanikos University, everyone," masiglang baiti ni Madame Serene kaya naghiyawan na naman sila.
Madami pang sinabi si Madame Serene pero di na ako magaaksaya ng oras.
Tinawag ko 'yung lalaki na di kalayuan sa'kin. Hindi ko siya kilala kaya nag "Hoy" lang ako.
Lumingon naman to sa direksyon ko kaya inaksiyonan ko siya na pumunta sa direskyon ko.
Lumapit ito na nagtataka kung bakit ko siya tinawag. Uto-uto naman siya para pumunta.
"Ano pangalan mo?" tanong ko sakan'ya.
"Hercules Paganos," tipid niyang sagot.
Imbes na magsalita pa ako ay tumayo ako at bigla siyang sinuntok sa mukha kaya napaatras siya sa ginawa ko. Kita ko naman sa mga mata niya na di nagustuhan ang ginawa ko kaya napamura siya.
"Anong problema mo tangina!" sigaw niya sa'kin kaya nasa samin na ang atensyon ng lahat.
"Wala naman." Dahil sa sagot ko ay nainis siya kaya sumugod siya para suntukin ako. Pero agad naman ako nakailag.
Natawa naman ako dahil walang-wala siya. Sumugod ulit siya pero naunhan ko na siyang patumbahin at inupuan siya habang sinusuntok.
Pero di nagtagal ay dumating na mga guwardiya at inawat na kami.
Ano ba 'yan di pa ako nag-eenjoy kasi wala man lang akong gasgas o sugat.
Lumapit na si Madame Serene kasama ang mga highest ten.
"Knoxx, ikaw na bahala sakanila," wika ni Madame Serene kay Knoxx.
Tinignan naman ako ni Knoxx at ngumiti lang ako sakan'ya.
"Dalhin silang dalawa sa kulungan at ikulong sila ng isang araw. Walang pagkain at walang maiinom," malamig na sabi ni Knoxx.
Kaya agad-agad naman kaming kinaladkad ng mga guwardiya at dinala sa liblib na lugar na kung saan doon ang kulungan.
Ikinulong kami pareho ni Hercules kaya natatawa ako sa diwa ko.
Magharap lang ang selda namin ni Hercules kasi kapag iisa lang kami ng selda baka nagpatayan na kami. Kasi halata naman na galit na galit siya sa biro ko.
Ganito pala ang takbo ng sistema dito. Parang naging gusto ko na ang papalakad dito. It's going to be fun.
"**** you, fucker. Hindi pa tayo tapos!" galit na galit na sabi ni Hercules.
Ngumiti lang ako sakan'ya at nag earphone at pumikit na.
Mainis lang siya at magalit. The more he hate me, the more fun for me.
---
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments