Kabanata 3

PAGDATING namin ng General Luna sumakay pa kami ng bangka papunta sa lagoon. It took almost an hour bago marating ang lagoon. Syempre kasama namin sa bangka si Colton at Ryan. Of course Marky beside Ryan talking dirty shits as usual.

Na enjoy ko ang byahe dahil mainit at mahangin. Hindi rin daw madami ang turista ngayon sabi ng driver nitong bangka. Matagal ko na talagang gustong makapunta dito, naiingngit kasi ako sa mga nakikita ko sa internet na photos wearing their bikinis or...with someone.

Ewan ko bigla na lang hinanap ng mga mata ko si Colton, at nagulat akong nakatitig pala sya sakin. His brows furrowed, at tumayo sya at naglakad papunta sakin.

"Are you afraid of the waves? you look pale.." napahawak ako sa mukha ko. And he smirked. Inirapan ko na lang sya. Mukhang niloloko lang yata ako ng gonggong na 'to. Kaya't sinapak ko sya sa braso.

"Ouch! easy woman..bigat ng kamay mo.." giit nya "by the way this is my first time to be here.." dugtong nya.

Sinong nagtatanong?

Bakit nya naman sinasabi ngayon yan? Tiningnan ko sya ngunit sa dagat ang tingin nya at mukhang malalim ang iniisip. Kaya't nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan sya.

Perfect nose, red lips at mukhang soft syang tingnan, walang ka pores pores! Jusme nahiya naman ang mukha ko, pati narin ang jawline nya na sobrang nagpa depina sa mukha nya. And lastly, his ruthless and cold eyes.

Tumingin sya sakin at may pagtataka ang kanyang mga mata. Hindi ko pa pala sya nasasagot sa sinabi nya! Pero di naman yun tanong diba?

Andito na kami sa lagoon pero hindi pa kami bumababa. Tumalon kasi si Ryan at sumama naman si Marky. As expected. Kaya hinihintay namin sila. Bago pa kami makadaong naisipan kong tawagin si Marky upang kuhanan ako ng picture.

"God! can't you see I'm enjoying? How 'bout Colton.." sabay baling nya kay Colton na katabi ko. "can you please take  a photo of her? Pangarap nya kasi tong lugar nato at makapag picture." ani Marky

Tumawa naman si Ryan na agad kong ipinagtaka.

"Wow, dude pareho pala kayo ni Reonn." ani Ryan at nagka tinginan kami ni Colton. Mayroong multo ng ngisi akong nakita pero agad namang nawala.

"Sure... saan mo ba gustong magpa picture?" ani Colton, na binalewala ang sinabi ni Ryan.

"Doon.." itinuro ko ang dulo ng bangka yun kasi lagi nakikita ko sa internet. Sa likod nito ay mga bukid na nakapalibot. Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad ng hinubad ang suot ko. Sinuot ko na kasi ang bikini sa ilalim ng damit ko. Kulay navy blue na bikini ang suot ko.

Mataas talaga ang confidence ko sa mga gantong damit dahil mahilig akong mag gym. At inaalagaan kong mabuti ang katawan ko. Bukod sa malaki ang pwet at boobs ko, hindi rin maipagkakaila ang curves ko. Palagi nga akong napupuri sa school dahil sa katawan ko.

Matapos kong mahubad ang lahat kitang kita ko ang pagtaas baba ng mga mata ni Colton sakin at lumunok ng makailang ulit. Typical boys. Hindi ko na lang sya pinansin. Una kong pose ay nakatalikod ako, sunod ay nakaharap hawak ko ang buko. Mga 5 picture yata yun at nakontento na ako ng lumapit si Ryan at Marky.

"Holy Shit!" ani Ryan habang nakatingin sakin. "you're so damn hot girl, swerte naman ng boyfriend mo." tawa ni Ryan. Napatingin ako kay Colton na nakatitig sa dagat and his jaw is keep on clenching. Galit ba sya? Bakit naman sya magagalit? At kanino sya nagagalit? Nagkibit balikat na lang ako saka ko sinagot si Ryan.

"Wala akong boyfriend Ryan." sabi ko dahilan kung bakit naging O shape ang bibig niya.

"Seriously? unbelievable.. but it's nice cause it means pwedi kang e date ng walang magagalit." ngisi nya

"Yeah, hindi pa yan nadidiligan kaya kailangan nya talagang magka boyfriend." ani Marky na ikinagulat ko!

Nakakahiya! Dilig pa talaga, anong akala nya sa akin plant? Na kailangan ng dilig? Siguro nga dry na dry na ako inside pero moisturized naman ang skin ko outside no at hindi dry! Okay na ako dun. Sa ngayon.

Tumawa silang lahat dahil sa sinabi ni Marky. Alam kong pulang pula na ang pisngi ko ngayon sa kahihiyan. Mananagot talaga sakin tong baklang to, puputulan ko talaga to ng kaligayahan! Inirapan ko sila.

"You're a ****** then?" sabi ni Colton

"Yeah.." taas noo kong sagot. And he smirked.

Matapos naming kumain ay agad naman kaming lumusob na sa dagat. Bawat isa sa amin ay may suot na life jacket. Maliban kay Colton at Ryan. Tuwang tuwa ako dahil ang daming isda ang nakita ko sa tuwing sisisid ako.

Habang lumalangoy bigla akong nakaramdam ng sakit sa paa ko pataas patungo sa tuhod ko, parang muscle cramps. Dahil isang oras na yata kaming nakalublub sa dagat ng hindi umaahon.

Nataranta ako dahil para akong malulunod dahil hindi ko na magamit isang paa ko dahil sobrang sakit, sa malas ko,  medyo malayo ako sa bangka.

"H-Help... tulong.." sabi ko habang kinakaway ang mga kamay ko. Mabuti na lang at nakita ako ni Colton at agad sya tumalon sa bangka at lumangoy papunta sakin.

Napapagod na ang isang paa ko, hindi ko na kaya at hindi ko pa nakikita si Colton. Bigla akong nanghina at nalublub sa tubig.

Katapusan ko na yata. Nauubusan na ako ng hininga hindi ko na kaya. Medyo dumidilim na din ang paningin ko. Kung ito na ang magiging katapusan ko, sana matanggap nila mommy at daddy at sana hindi nila sisihin ang mga kasama ko dahil wala naman silang kasalanan. Masaya naman akong mamamatay na ******. And everything went black.

Nagising akong bumubuga ako ng tubig at hinihingal. Nasa bangka na ako at nasa harap ko si Colton. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha nya. At nasa gilid ko si Marky na umiiyak. Nasa likod naman ni Colton si Ryan na may pag-aalala din sa mukha.

"My gosh Reonn, aatakihin ako sa puso sayo!" ani Marky "bakit ba kasi lumayo ka, kung hindi ka pa nakita ni Colton baka lumulutang kana ngayon! At bukas ako naman ang lulutang sa ilog Pasig dahil mapapatay ako ng daddy mo!" mangiyak ngiyak nyang sinabi.

"S-Sorry...nag enjoy kasi ako sa mga isda." sabi ko at tumingin ako kay Colton na nakatitig pa rin sakin.

"Salamat sa pagligtas mo sakin." his jaw clenched and his eyes bore into mine.

Bago sya tumayo at may sinabi sa driver ng bangka at tumango naman ito. Binuhay ng driver ang bangka at parang paalis na kami. Kahit medyo maaga pa hindi na ako nag protesta pa dahil alam kong nasira ko na ang araw nato. Kasalanan ko to. Kailangan kong bumawi sa kanila.

"Wear this." ani Ryan, inabot nya sakin ang jacket na suot nya kanina. Tinanggap ko naman iyon at isinuot. At nagpasalamat ako sa kanya. Hindi naman makatigil sa pag iyak si Marky. Talagang nag-alala sya sa nangyari sakin. Natutuwa din naman ako kasi kahit pala buang ang isang 'to eh mahal din pala naman ako nito.

"I'm sorry." sabay hagod at yakap ko kay Marky." hindi ko naman yun sinadya eh, at promise ko sa susunod hindi na ako lalayo sa inyo." Ngiti ko sa kanya. And he rolled his eyes.

Nag-aalala nga sya.Tsk

"Buti na lang talaga mabilis lumangoy si Colton, jusme!" nasapo nya noo nya. At napatawa ako dahil nae- stress na ang kaibigan ko sakin. Lumapit bigla sakin si Marky at may ibinulong. "Colton kissed you." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

No, No, Oh No, ngayon ko lang na realized kamuntik na pala akong malunod kanina. Ibig sabihin sinagip nya nga buhay ko sa pamamagitan ng CPR?!

WTF! ano ba naman 'tong araw nato.

Kailangan ko talagang bumawi lalo na sa kanya. Sayang hindi ko naramdaman first kiss ko! Lungkot kong naisip. Ano kaya feeling mahalikan ng gonggong na yun. Ew! Naisip ko bigla baka magka STD ako!

Biglang bumaliktad ang bituka ko sa naiisip ko. Imbis matuwa ako sa kiss na nangyari dahil nasagip nya ko, ikamamatay ko pa yata dahil baka mahawa ako ng STD!

Pagkadaong namin sa baybay, agad na kaming sumakay ulit sa van at bumiyahe pabalik sa hotel. Katabi ko pa din si Colton pero kanina pa sya walang imik simula noong nagpa salamat ako sa kanya. Hindi nya rin ako tinitingnan. Hindi ko na lang masyadong inisip ang nangyari at bigla akong dinalaw ng antok. Pa headbang headbang na ang ulo ko dahil sa sobrang antok ko.

Bigla akong nagulat ng maramdaman ang kamay ni Colton sa ulo ko. Iginiya nya ito papunta sa balikat nya. Ngayon komportable na ako. Hinayaan ko na lng sya sa ginawa nya. Pero mayroon syang sinabi.

"Such a careless woman." aniya, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit.

Pagdating namin deretso na kami agad sa kanya-kanyang mga kwarto namin. Andito din si Marky sa kwarto ko hindi ako iniwan. Ganito talaga sya kahit sa amerika pa kami sa tuwing masama ang pakiramdam ko or may problema ako, hindi nya ako iniiwan.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play