Kabanata 2

KAKALAPAG namin sa Surigao airport. At may naka abang ng SUV sa labas. Nagtaka ako. Pero bat pa ba ako magtataka baka itong baklang kasama ko ang nagpahanda nito. What money can do right? Bigla akong nagulat ng napatili si Marky.

"Shit ! Gurl guess what? Parehas tayo ng resort nila Colton at Ryan! Isn't it amazing? Isn't susprising, isn't it?" ngising aso niya.

Teka parang narining ko na yun ah. Napaisip ako. Hindi ko na inintindi na parehas kami ng resort ni Colton. Ano naman ngayon diba?

"Ano naman ngayon?" inirapan ko siya. Sakay na kami ngayon sa SUV papuntang Nay Palad Hideaway.

"God, remember our mission inggrata! Colton should pound you right?" sabay kindat niya. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil tumingin sa may rear view ang driver. Nasapo ko na lang ang ulo ko.

"Shut up! well you? gusto ko lang talagang makapunta dito no." inirapan ko siya

Hindi ko alam kong kilala ko ba talaga tong kaibigan ko. Binubugaw na ako. Kulang na lang ipagahasa ako kay Colton.

"Telege be? memetey?" aniya

Hindi ko na lang siya sinagot. Matapos ang dalawang oras narating na namin ang resort. Talaga ngang mamahalin ito sa etsura pa lang at mga mwebles. Papunta na kami sa mga suite namin. Hindi kami magkasama ng kwarto kasi nga daw ayaw niyang pagkamalan kaming mag jowa. Siya pa ang nandiri sa akin! Tsk. Pero magkatabi lang ang suite nami at share kami ng pool.

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko, binuksan ko ang glass door sa may harap ng pool at dagat. Balak kong puntahan si Marky sa kwarto niya since share lang naman kami ng pool. Dito na lang ako dadaan. Maraming halaman ang nakapalibot sa pool, naaamoy ko ang simoy ng hanging dagat. Suot ko ngayon ay red two piece at black see through cardigan. Napatingin ako sa dibdib kong eskandalosong tingnan na halos lumuwa na. Ako lang yata ang ayaw sa mabilog at malaking dibdib ko, nabibigatan kasi ako.

Papunta na sana ako sa kwarto ni Marky ng narinig ko ang lagaslas ng tubig. Napatingin ako sa likuran ko. Ngayon ko lang napansin may swimming pool din pala. May naliligo doon. Nakatalikod at pantay na pantay ang morenong kulay nito. Halatang inaalagan niya ang katawan niya, likod pa lang para na akong naiihi. Bigla siyang humarap at agad ko itong ikinagulat.

Si Colton.

Bigla akong nanlamig sa mga titig niya. Hinagod niya ako ng tingin mula paa pataas at nag tagal ang titig niya sa dibdib ko at agad kong tinabunan ito. Ngumisi ang gago.

"Nice boobs." aniya habang nakangisi.

Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya at sa nakabalandra niyang katawan, hangang bewang niya ang tubig kaya kita ko ang 4 sa mga shining shimmering splendid abs niya.

"Nice abs." sabi ko

Nagulat ako sa sinabi ko. Sinabi ko ba talaga yun? Pero totoo naman kasi. Tanalikuran ko na siya agad at pumasok na ako sa kwarto ni Marky.

"Yes bitch? What's with your face? Para kang nakakita ng multo diyan." ani Marky. Nakaupo ako sa kama niya.

"Nakita ko si Colton." simple kong sagot at napatili siya.

"Oh my God, Oh...my...God! where? lumabas ka ba ng di ako kasama?" Nakaisa ang isang kilay niya habang nakahalukipkip.

"Katabi ko siya ng room, nakita ko siya sa pool. Andun siya paglabas ko papunta dito."

Agad siyang pumunta sa double glass doors at sumilip ng kunti. Para siyang tangang tingnan na paunti unting sumisilip.Napailing na lang ako.

"Pssst gurl, halika tingnan mo may kasama siya!" nagtaka ako wala naman siyang kasama ah. Nakisilip na din ako. Kahalikan niya ang isang babaeng blonde ang buhok habang sinasabunutan siya nito. Sarap ba beh? Kinilabutan ako sa nakita ko at agad bumalik sa kama.

"He's so hot," manghang mangha ang bakla "the way he kissed that bitch parang asong uhaw na uhaw! Dapat mas magaling ka pa doon, pero hindi ka nga pala nakakahalik." sapo niya ang ulo niya.

Oo wala pa ngang nakakahalik sa akin bukod sa cheeks.

"Are you really serious Marky? Ayoko nga, he's like a walking STD." Inirapan ko siya.

"Mayaman siya, malamang naman kaya niyang palinisan sarili niya no."

"Ayoko nga, at andito tayo para magbakasyon hindi para ipagahasa ako sa playboy na yun."

Matapos ang bangayan namin pumunta na kami agad sa lobby upang makakain ng tanghalian. Puno ito ng mga guest may isang table na lang na may apat na chairs ang natira kaya nagmadali kaming umupo doon at umorder. Kasisimula lang naming kumain ng natanaw ko si Colton kasama ang isang lalaki na kasing tangkad niya, maganda rin ang katawan nito at may dimples sa pisngi. Palinga linga silang dalawa, para bang may hinahanap.

Hindi kaya naghahanap sila ng mauupuan? Table na lang namin ang may bakanteng dalawang upuan! Hindi naman siguro sila makiki-share sa amin diba?

"Hi, mind if we join you?" sabi ng kasama ni Colton sa aming dalawa ni Marky. "Wala na kasing vacant, damn! I hope it's okay." kindat niya sa akin.

Si Marky na ang sumagot. "Sure, sure! have a seat." Ngising aso ng bakla. Agad ko siyang inirapan.

"Cool! aniya. "By the way I'm Ryan and this is Colton." lahad niya ang kamay niya at tinanggap namin yun, hindi naglahad ng kamay si Colton. Ngunit titig na titig siya sa akin.

Hindi ako makakalma dahil nahihiya ako, naiisip ko ang ginawa ko sa picture niyang pinag nasahan ko. Nagsimula na kaming kumain at napag usapan ang mga gagawing activities namin.

"Kailan lang kayo dito?" ani Marky, kunyari walang alam.

"Kaninang umaga, kayo ba?" ani Ryan sabay tingin at ngisi niya sa akin.

"Same," sabay pisil ni Marky sa legs ko. Kinikilig ang gaga. "And bukas sa Sugba Lagoon kami, how 'bout you guys?"

Napatingin si Ryan kay Colton na para bang naghahanap ng sagot.

"Pwedi kaming sumabay sa inyo." baritono niyang sagot. Habang hindi ako nilulubayan ng titig. Aalma na sana ako dahil ayokong makasama sila, I mean siya dahil nahihiya ako. Ewan ko ba basta nagi guilty ako sa ginawa ko.

"Of course! mas maganda yun, kami lang naman dalawa ni Reonn. Mas magiging masaya kung sabay na tayo." ani Marky

May magagawa pa ba ako? Desisyon ka teh!

Hindi na muna kami naglibot sa resort dahil maaga kaming aalis bukas kaya maaga kaming nagpahinga. Ready na din ang damit na susuotin ko bukas. Hindi ko na binisita si Marky dahil sigurado akong pag-uusapan na naman sila Colton.

Alas 6 na ng akoy nagising, sa kwarto na kami mag-aagahan ni Marky. Hinihintay ko na lang siya na pumunta dito.

"Good Morning bitch." suot niyay shorts at white tshirt. Kung hindi lang talaga bakla ang isang to, matagal ko na tong naikama. Ang gwapo din naman kasi ng isang to.

"Morning.." sabay tayo ko at punta ng banyo upang umihi.

"Gurl, this is it. Magagawa na natin ang plano. Dapat sexy at kaakit akit kang tingnan." Ngising aso ni Marky

"I'm wearing what I want and yes it's sexy but it's not for him it's for myself..." inirapan ko siya "tsaka hindi naman ako nagmamadaling mawala ang virginity ko no, gusto kong sa mahal ko isusuko ang pearl of the rising sun ko, hindi sa kahit sinong walking STD lang."

Hindi na ba talaga importante ang virginity ngayon? Oo gumagamit nga ako ng vibrator pero hindi naman sa ganun na gusto ko ng.. ng ganun. Di ako sure.

"What I'm trying to say is experience gurl, pagkatapos ay okay na. Para tigilan mo na ang kagagamit mo ng vibrator." naka ngiwi niyang sinabi.

Napailing na lang ako. Pagdating alas 7 agad na kaming bumaba at sumakay na sa isang van na maghahatid sa amin doon. Palinga linga ako sa paligid, akala ko ba magsasabay kami ng Colton na yun. Bakit wala pa sila? Nagkibit balikat na alang ako. Pagdating ng van agad bumukas ang front seat nito at si Ryan ang lumabas. Teka, bakit siya ang driver?

"Hey, come on. Malayo pa ang byahe natin." sabay kindat niya sa akin.

"Ahh.. bakit ikaw ang driver?" tanong ko.

"It's better and fun if tayo-tayo lang sa byahe, don't worry I'm gonna use a map." sabi ni Ryan

Nagkatinginan kami ni Marky at kumislap ang kanyang mga mata. Alam ko na ang nasa isip ng gaga.

"Okay, doon ka na sa likod Reonn sa front seat na ako." inunahan na akong ng bakla

Wala na akong nagawa. Bumukas bigla ang backseat at nandun nga si Colton. Naka white tshirt siya at sweat pants and slippers. Kahit simple lang ang suot niya. Sobrang gwapo niyang tingnan. Para siyang greek God na napadpad sa kasalukuyang panahon.

"Are you coming in or not?" aniya

Nakatulala pala ako. Hindi ko na lang siya sinagot at agad ng pumasok sa van. Nasa bintana siya pero gusto kong ako ang sa bintana dahil nahihilo ako pag nasa gitna ako.

"Can I sit there?" turo ko sa pwesto niya. Hindi ko namalayan nakaturo pala kamay ko sa may ano niya! Napatingin siya doon at ngumisi.

"Easy woman, we can't do it here with them." ngising aso niya. Napatingin ako kay Marky at Ryan na nakatingin na din sa akin.

Nakakahiya! Pero napatingin ako dun sa tinuro ko. Hulmang hulma ang malaking naka umbok doon.

"I mean diyan sa bintana, nahihilo ako pag hindi ako diyan." sabi ko

Umusog naman siya at naupo ako doon. Nagsimula na kaming bumiyahe papunta sa lagoon. Naka maong shorts ako at black crop top. Mas lalo itong umiksi dahil nakaupo ako. Pa simple akong tumingin sa kabilang bintana at nahagip ng tingin ko si Colton na nakatitig sa legs ko, agad siyang lumunok ng makailang ulit.

Masarap ba beh? sa isip ko. Bigla akong may naisip na develish idea. Matapos ang 30 mins, nagpa as if akong nakatulog pero hindi ko masyadong ipinikit ang mata ko, sakto lang na may kunting makita. Sinandal ko ang ulo sa may balikat niya, kinabahan ako baka gisingin niya ako. Pero hinayaan niya lang.

Naaamoy ko ang mamahaling pabango niya at sobrang tigas ng balikat niya.

Bigla siyang dumikit sakin ng kunti at nagpang abot ang mga tuhod at balat namin. Bigla akong nakaramdam ng init sa katawan. Tiningnan ko ang biceps niya, at ang balahibo niya sa may taas ng tuhod niya. Nakakaakit tingnan. Jusko.Bigla niyang nilagay ang kamay niya sa legs ko! sa legs ko!

My god, kung kanina init lang ang naramdaman ko, ngayon para na akong kinukuryente! Pero hindi ko kayang alisin ang kamay niya dahil malalaman niyang nagpapanggap lang akong tulog!

"We're here!" sigaw ni Marky

Kunyari tulog pa din ako.

Hinawakan ni Colton ang pisngi ko. At nilagay ang takas na buhok ko sa aking tenga.

"Hey, andito na tayo." napangisi ako sa isipan ko. Ang sweet pakinggan ng boses niya. Kinusot ko ang mata ko saka dumilat. Nang tiningnan ko siya ay agad siyang lumapit sa akin. At may ibinulong.

"Did you enjoy my hands in your legs hmm?.." sabay ngisi niya at labas sa van

Paano niya naman nasabi yun? Hindi naman ako gumalaw ah! Hindi naman siguro halatang nagpapanggap lang akong tulog. Nakakahiya! Bakit ko pa kasi naisip yun. Hindi ko na lang inisip ang sinabi niya. Bahala siya

aning isipin niya. Sana pagbaba ko ng van ay lamunin ako ng lupa!

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play