Elle
Elle
Nakabalik din dito sa Manila
Elle
Ang daming nabago sa mga paborito kong tambayan non..
Elle
Natatandaan ko nung college, dito yung paborito naming tambayan ni Stell pagkatapos ng klase
Elle
Tapos food trip ng kwek-kwek at balut sa baba ng tulay bago umuwi..
Elle
Kumusta na kaya yung bano na 'yon?
Elle
Hindi pa kami nagkikita mula nung makabalik ako rito
Elle
I-surprise ko kaya si tukmol?
Elle
Kaso last time na sinurprise ko sya ang ending ako pa ang nasurpresa
Elle
Buti na lang talaga at game na game sila tita sa pasurprise ko kay Teytey
Elle
pinadala pa talaga nila sakin ang susi ng bahay nila 😁
Gumawa ng GC si Elle kasama ang pamilya ni Stell para kuntsabahin sila sa gusto nyang prank-surprise sa kanyang best friend.
Napag usapan nila na ang ipapaalam nila kay Stell ay magkakaroon lang sila ng birthday dinner celebration sa araw na 'yon. Sinadya nilang lahat na wala sa bahay at nagkunyaring mga busy sa labas ng bahay. Ang totoo ay umaga pa lang ay naghahanda sila sa pag dedecorate sa resort na inarkila nila para doon talaga i-celebrate ang birthday n'ya overnight.
Ang dapat na mangyayari ay pupuntahan n'ya sa bahay nang hapon na 'yon si Stell, para sabihing nag aaway at nagpisikalang away ang mama at papa n'ya sa store nila sa bayan. Susunduin n'ya kunyari si Stell para ipaawat yung "away" ng parents n'ya. Dapat OA ang acting n'ya sa harap ni Stell. Dapat convincing. Pang FAMAS. Best actress. Yung acting na mahihiya sina Vilma Santos at Angel Locsin sa gagawin n'ya. Pinaghandaan n'ya talaga ang moment na 'to. Ilang araw rin s'yang nagpractice sa harap ng salamin tuwing pagkatapos maligo.
*Bumuntong hininga sabay bukas ng pinto*
Elle
Aba hanep na batang 'to, ang lakas ng patugtog
Elle
Nandito pa lang ako sa sala rinig na rinig ko na yung speaker n'ya sa kwarto
*Dahandahang umakyat papunta sa kwarto ni Stell*
🎶🎵ikaw, ang pag ibig na hinintay🎶
🎵puso ay nalumbay nang kay tagal ngunit ngayo'y nandito na, ikaw🎶
*kalabog sa pagbukas ng pinto*
Stell
Anong ginagawa mo rito?
Aira
And who's this girl? Ate mo?
Stell
Ok, not by blood pero-
Elle
Magbestfriends tayo, Tey. Hirap na hirap banggitin?
Elle
Ok, listen, sorry for interrupting your business here
Elle
Babalik na lang ako mamayang hapon
Aira
Wait, bestfriends kayo?
Aira
And you have the access to enter their house and even my boyfriend's room easily?
Elle
Parang.. Ganun na nga?
Stell
Hinde, babe listen, para na kase kaming magkapatid ni Elle
Stell
And close na sya sa family ko since senior high school pa lang kami
Aira
Never mo s'yang nakwento sakin
Stell
Kase nga hindi mo pa sya kilala, babe. Ipapakilala pa lang sana kita sa kanya
Aira
Pero itinago mo sa'kin na may girl best friend ka
Stell
I didn't bother to mention you about her kase nga wala naman s'ya sa relasyon natin
Stell
You are important pero..
Gets mo naman sana di 'ba, bes?
Elle
Joke lang, bes. Alam ko naman, ano ka ba.
Elle
Kaya nga aalis na muna ako eh, chat ka na lang mamayang hapon
*Sa Park ng Subdivision*
Nauwi sa wala lahat ng pinaghandan nyang prank sana kay Stell. Pero ayos lang. Babawi na lang s'ya sa surpresa nila kay birthday boy mamayang gabi sa resort. Wag na sanang maudlot.
Elle
Naggirlfriend nang hindi kinukwento sa'kin
Elle
Daf*ck yun pa talagang si Aira na pinaglihi sa kaartehan ang niligawan n'ya
Elle
Ang dami daming babaeng naghahabol sa kanya sa campus, yun pa ang napili ni tukmol
Elle
E 'di sana sa aso na lang s'ya nagpahabol
Elle
May paganun ganun pang nalalaman si gago e
Stell
Hoy, nandito ka lang pala
Elle
Oy, kumusta naman ang birthday boy na may new girlfriend as his birthday present sa sarili?
Stell
Ba't ka sumugod sa bahay kanina?
Elle
Aalis na lang pala ako at parang may paparating na bagyo
Stell
De, joke lang, 'to naman
Stell
Alam ko namang birthday ko
Stell
Pero sana hindi ka bigla biglang sumusulpot na lang
Stell
Hindi ka nga kumatok sa kwarto
Elle
Ay wow, sorry ulet ha?
Elle
Malay ko ba na may ibang tao na pala ngayon na pwedeng pumasok sa kwarto mo bukod samin ng pamilya mo
Elle
Saka ang lakas lakas ng cringy song na pinapatugtog mo. Useless din ang katok, nuh
Stell
Hindi naman ako galit
Stell
Nagulat lang din talaga ako kanina
Elle
Oo nga e, kung anu-ano na pinagsasabi mo
Elle
Naging magpinsan pa tayo sa harap ng girlfriend mo
Elle
E nakasulat sa board kanina sa kama mo "will you be my girlfriend", ano yon?
Stell
Sinagot n'ya ako kanina after nung surprise ko sa kanya
Stell
Nag snacks sa sofa ng kwarto ko
Stell
Pinarinig ko sa kanya yung mga songs ni Moira na paborito ko,
Stell
Yun yung naabutan mo
Elle
Pero sure kang kumain lang kayo?
Elle
Nag usap lang kayo sa kwarto?
Stell
Gago hindi naman ako ganon na tao, nuh
Elle
E 'bat mo 'ko nimumura? 😠
Stell
Ikaw e, pinag iisipan mo ako ng masama
Elle
Defensive, wala naman akong sinabi.
Stell
So, bakit ka nga kase pumunta? Parang may sasabihin ka kaninang hindi mo na natuloy sabihin, e
Elle
Sila mama at papa mo kase
Elle
Nag aaway sa tindahan nyo nung dumating ako
Elle
Oo, sinakal ng mama mo si tito kaya tumakbo na ako dito para sana ipaawat sayo
Stell
Tanga lang maniniwala sayo, bes
Stell
dinudurog nga ni mama yung lamok na kumakagat kay papa kase ayaw nyang nasasaktan yon
Stell
Kung may definition ng OA na pagmamahalan, parents ko na 'yon
Elle
*dun ka pala siguro nagmana*
Stell
Ha? May sinasabi ka?
Elle
Pero seryoso nga, nag aaway sila kanina pero naayos ko rin naman
Stell
Anong ginawa mo? Pano mo sila napagbati?
Elle
Binigyan ko si tita ng kutsilyo, si tito naman binigyan ko ng malaking gunting
Elle
Magsaksakan kako kayo
Stell
Hahahah sira na yata ulo ng dalawang yun e, lakas ng trip minsan
Elle
Pero yung kanina, seryoso, anong nangyari after kong umalis?
Stell
Wala, I tried to explain pero ayaw n'yang makinig sa'kin
Stell
sinaktan ko raw s'ya by not telling her your existence
Stell
May halak yata sa utak yung babaeng 'yun e
Stell
Kaya ayun, makikipaghiwalay raw s'ya
Stell
Tapos nung sinabi ko namang "Okay, sige" lalong nagalit sakin tapos umiyak saka umalis
Elle
Gago, at hindi mo man lang hinabol?
Stell
Never in my life to chase someone as dumb as her
Stell
Ako ang hinahabol ng mga babae, ba't ko pa s'ya hahabulin?
Elle
Buti na lang talaga best friend kita
Elle
Red flag na red flag sa'kin yang ganyan e
Comments