Sold Myself To A Billionaire

Sold Myself To A Billionaire

01

"Kuya, wala na po tayong bigas."

Napalingon ako sa mahinang boses ni Lance, ang anim na taong gulang kong kapatid. Bitbit niya ang walang lamang kaldero, nakalambitin sa payat niyang mga braso, parang mas mabigat pa ata yung takot niya kaysa sa kaldero.

Tumigil ang kamay ko sa paghuhugas ng pinaglumaan kong uniform. Basa pa ang palad ko nang kunin ko ang kaldero at silipin, tama siya. Ni isang butil ng bigas, wala. Napalunok ako, pilit na pinipigil ang luha habang tinatabunan ng ngiti ang pagkakapos namin sa pera.

"Okay lang yan. May tinapay pa yata sa kahon, di ba?"

"Kuya, last week pa yun. May amag na."

Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko kayang harapin ang gutom sa mata ng batang dapat naglalaro at tumatawa lang. Pero ngayon, ang mundo niya'y umiikot sa kung may makakain pa kami mamaya.

Kinuha ko ang pitaka ko. Bukod sa ID at isang lumang resibo, tatlong piso lang ang laman. Hindi man lang sapat para sa isang sachet ng kape.

"Maghihintay ka lang ha? Lalabas lang si kuya. Baka makahanap ako ng raket."

Tumango siya, pero ramdam kong hindi niya alam kung ano pa ang ibig sabihin ng salitang "raket"—basta alam lang niyang iyon ang ginagawa ng kuya niya tuwing walang ulam.

...

Binalikan ko ang kalsada—ang pangalawang tahanan ng mga tulad kong kinalimutan ng swerte. Nagbabakasakaling may pa-tulong, pa-deliver, o kahit anong trabahong biglaan.

Sa tapat ng isang cafe, napansin ko ang isang lalaking naka-itim na coat, parang hindi siya naaabala ng init. Nakasalamin, at may hawak na tablet. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, bago siya lumapit.

"Excuse me," aniya, mahinahon ang boses.

"Khel, right?".

Napatigil ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Baka gusto mong kumita ng malaki. Clean job. Pero... confidential. Here's my card."

Inabot niya ang business card—itim na may embossed na ginto ang sulat.

Dominic Trivillia. CEO. Trivillia Corporation.

"Call me if you're interested."

Hindi ko alam kung anong klaseng biro ‘yun. Hindi ko alam kung totoo. Pero ang alam ko lang ay wala akong pambili ng kahit pandesal. Kaya't kahit gutom na gutom na ako, hindi ko agad tinanggap ang panibagong delubyo. Pinilas ko ang tingin sa card at isinilid sa bulsa.

Wala pa ring siguridad. Pero may isang ginang na lumapit mula sa karinderya.

"Nakita kitang palakad-lakad dito, iho. Gusto mo ba ng pagkain?"

Hindi na ako nakasagot. Tumango lang ako, at sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang araw, may mainit na kanin at pritong itlog akong naisubo.

Hindi pa tapos ang laban at mga problema ko, pero ngayon, kahit papaano… busog ako.

...

Maya-maya lang, nagpasalamat ako sa ginang na nagbigay sakin ng pagkain, at may pasobra pa. Kaya inuwi ko sa kapatid ko.

"Kuya! May pagkain ka?"

"Oo, pero ikaw muna ha. Tapos matulog ka na agad."

Masaya siyang kumain kahit malamig na ang kanin. Ako? Busog na rin sa pakiramdam na kahit papaano, nabigyan ko siya ng kahit kaunting ginhawa ngayong gabi.

Ilang saglit pa, nahiga na si Lance sa lumang kutson na may tahi-tahi ko pa. Pinagmasdan ko ang mukha niyang payapa. Parang walang gutom, parang walang problema.

"Gabi na, kuya…" bulong niya habang pinipikit ang mga mata.

"Matulog ka na, Lance. Bukas, ayos na lahat."

Pero hindi ko alam kung totoo yung sinabi ko. Kasi wala pa ring kasiguraduhan ang bukas.

Nang marinig ko na ang marahan niyang paghilik, saka ko lang naalala ang bagay na isinilid ko sa bulsa kanina.

Hinugot ko ang business card.

Itim. Mabigat sa pakiramdam. Mukang mamahalin.

Dominic Trivillia. CEO. Trivillia Corporation.

Tiningnan ko yon ng matagal, parang inaamoy kung amoy swerte ba o pahamak.

"Anong klaseng trabaho kaya to?" bulong ko sa sarili. "At bakit ako?"

Pinaglaruan ko ang card sa pagitan ng mga daliri. Hindi ko alam kung tatawagan ko siya, o tuluyan ko na lang isasama sa listahan ng mga 'sayang na pagkakataon'.

Pero may kakaiba sa pangalan niya. Parang hindi lang basta alok, kundi simula ng isang bagay na hindi ko pa kayang unawain.

Hanggang sa hindi ko na napigilan.

Kinuha ko ang lumang cellphone ko.

At doon nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play