Comeback to me
Dahil gusto ko mapag-isa at makapag-isip isip
Kung ano ang dapat kong gawin para bumalik sakin si Khen
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Kahit ako napapatanong sa sarili ko
Bakit ko yun nagawa sa pinaka mamahal kung Boyfriend?
Mahal ko siya, walang duda
Paano na ako, ngayon pang galit siya sakin at si ate pao
Nasaktan ko siya lalo na si ate Pao malaki ang tiwala sa akin ni Ate Pao na diko sasaktan si Khen
Pero nagawa ko pa din na saktan si Khen dahil babae lang akong madaling ma-attract sa lalaki.
Oo inaamin ko na may crush ako kay josh pero diko akalain na aabot kami sa may mang-yayari saaming dalawa.
Gusto kung puntahan si Khen at mag sorry ng mag-sorry hanggang sa mapatawad nya ako.
Kahit matagal mag-hihintay ako at gagawin ko ang lahat mapatawad niya lang ako
Habang nakatulala at nag iisip kung paano ako papatatawarin ni Khen may pumasok na ideya sa akin kung paano susuyuin si Khen.
Kaya naman tinext ko na sila Ate Geline, Lenlen at Miko
Para masabi ko at matulungan nila ako kung paano ko suyuin si Khen.
Karen
May ideya na ako kung paano ko susuyuin si Khen
Karen
sana tulungan nyo ako
Karen
Mahal ko siya, and i want him back
Karen
I love him very much
Karen
Hindi ko kayang mawala siya
Miko
Karen Suggest ko lang Hayaan mo muna si Khen na makapag-isip isip lalo na at sobra mo syang nasaktan
Karen
hindi ff kasi pag hinayaan ko sya para bang hindi ako nag-sisi sa ginawa ko
Karen
Ayokong tuluyang mawala si Khen sakin.
Geline
Karen kung umuwi na kaya tayo tapos puntahan natin si Khen sa Dorm nya
Geline
Mahal ka ni Khen hindi ka nya matiis pero kung galit talaga sya sayo kailangan mong tanggapin iyun, ok?
Karen
Tama uuwi na tayo ngayon deretso tayo sa Dorm nya.
Sabay sabay kaming tumayo para mag-handa sa pag-alis namin papunta sa dorm niya
Si kuya Jp na nag-drive ng Van
At nung makarating na kami sa lugar kung saan ang dorm niya
kinakabahan ako at baka itaboy ako
pero dagil nandito nako, lalakasan kona ang loob ko
kahit may takot sa puso ko susubukan ko pa din na pumasok sa loob ng dorm nya
Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga kasama ko
Karen
Ate Geline, Lenlen at Miko huwag nyo akong iwan ha
Miko
Oo naman Karen hihintayin ka namin lumabas ng Dorm ni Khen
Karen
Paano kaya kung samahan nyo nalang ako?
Len
Hindi pwede Karen kasi problema nyo yan kayo lang ang makaka-ayos nyan baka pag-sumama pa kami sayo lalo kayong gumulo
tumango ako at huminga ng malalim bago pumasok aa dorm niya
Pag-pasok ko sa dorm niya, tahimik at parang walang tao
Nakakapag-taka naman na walang tao e hindi naman naka-locked
at dahan dahan akong pumasok
Karen
Please mag-usap tayo, ayusin natin ito
Karen
Please, Mako I'm sorry
Ken
Ano may hindi pa ba ako alam?
Ken
Bukod sa may nangyari sainyo ni Pabs at nakipag-halikan ka sakanya?!
Ken
Ano karen sabihin mo ano pa ha? Hindi mo alam kung gaano mo ako nasaktan sa ginawa nyo napakasakit!
napayuko nalang ako dahil sa mga binibitawan niyang salita
Ken
binigay ko sayo ang lahat minahal kita ng sobra
Ken
Ikaw ang una kung girlfriend alam mo yan alam kong hindi ako perpektong Boyfriend pero sana naman hindi mo ako sinaktan ng sobra
Ken
Alam mo yung masakit karen?
Ken
Kahit ang laki ng kasalanan mo sakin mahal pa din kita
Nang-hihina ako hindi ko kayang makita ng ganito si Khen
Karen
Mahal ko please patawarin mo na ako
Karen
I swear hindi na mauulit iyun pangako ko sayo magiging good girl na ako at ikaw na ang huling mamahalin ko wala nang mangyayaring ganon ulit.
umangat ang mukha ni Khen at tumitig sa mga mata ko
Nakikita ko sa mga mata nya kung gaano sya nasaktan at the same time kung gaano nya ako kamahal
Ken
Karen kasalanan bang patawarin agad kita ngayon
Ken
Kasalanan bang ganito ako kabaliw sayo?
Hinawakan ko ang mukha ni Khen
At unti unti kung nilapit ang aking mga labi sa kanya
Hinalikan ko si Khen ng malalim gusto kung iparamdam sakanya kung gaano ko sya kamahal
Nung una akala ko hindi
mag-rerespond si Khen sa mga halik ko nagulat akong mag-respond sya
At ninamnam ko ang bawat sandali na yun
Mayamaya pa naramdaman ko ang pagtigil at pag-layo ng aming mga labi
Ken
Papatawarin na kita karen mangako ka sakin na hindi na yun mauulit
sabay turo ni Khen sa kung saan nakalagay ang puso nya
Karen
Hinding hindi na mauulit Mahal ko
Nag-lapat muli ang aming mga labi
Karen
ikaw na bahala sakin mahal
nangyari na ang dapat mangyari
Alas sais na ng gabi ng magising ako kayakap ko si Khen
Masaya ako na nag-kaayos na kami
Tumunog ang Cellphone ko at nakita kong si miko ang tumatawag
Miko
Karen umuwi na kami yung van mo sinauli na nila Lenlen sa bahay nyo
Miko
At pinauwi na din pala kami ni Khen sabi nya sya na daw bahala sayo
Miko
O sya end call ko na ito may date pa kami ni Baby JV ko babush
Natawa na lang ako kay ff kasi iba na naman ang kasama nya.
Tatlong linggo na simula ng nag-kabalikan kami ni Khen
Hindi ko alam pero natatakot ako sa mga nararamdaman ko this past few weeks
Kasi hindi ko na maintindihan ang katawan ko, nasusuka at nababahuan na ako sa mga naaamoy ko
Lalo na tuwing umaga lagi akong may morning sickness
at lagi den akong inaantok
Napatakip ako sa bibig ko nang may pumasok sa isipan ko hindi kaya buntis ako?
Iposibleng buntis ako dahil protected ang nangyari sa amin ni Khen?
hindi pwedeng si Khen ang ama kung Buntis nga ako
nanginginig ang mga kamay ko at natatakot ako na baka iwan ako ni Khen
mas magandang malaman muna ni khen to bago ako magisip ng kung ano ano
naiisipan kong bumili ng pregnancy test, para malaman kung meron o wala
at itinry ko na agad iyun sa kuwarto ko dalawang beses ko itong sinubukan
At dalawang Lines din ang lumabas sa dalawang Pt ko it means buntis ako.
Kahit nanghihina kinuha ko ang Phone ko at tinawagan si Khen,
Naka ilang ring lang bago nya sagutin
Karen
Mako pwede ba tayong mag-kita please
Ken
Mako bakit may nangyari ba sayo?
Karen
Wala naman may gusto lang akong sabihin sayo
Karen
usap tayo sa Starbucks
Ken
Ok, Kumalma ka pupunta na ako sayo.
Nung nasa Starbucks na kami ni Khen kung saan kami mag-kikita
Ken
Mako ano bang nangyari
At inabot kay Khen ang dalawang Pregnancy kit
Ken
it means, magiging daddy nako?
kita sa muka niya excitement, na lalong nagpadurog sakin
umiiyak nalang ako bilang pag respond sa sinabi niya
Umiiyak na umiling ako sa kanya
Karen
alam natin sa sarili natin na hindi ikaw ang ama neto khen
Napayuko na lamang si khen at hindi nagsalita
Itinaas nito ang ulo niya at hinawakan ang kamay ko
Ken
Aakuin ko ang bata ako
Ken
Ako ang tatayong ama niya at ako ang kikilalanin niyang ama
Ken
hindi kita hahayaang mag-isa
lalo akong naiiyak sa sinabi ni Khen at tumayo sa aking kinauupuan para yakapin siya
Ken
mahal na mahal kita karen
Karen
mahal na mahal din kita khen
Ken
at bibigyan natin ng magandang kinabuksan ang magiging anak natin
nagiisip ako kung tama ba lahat ng desisyon ko, tama ba na ipaako sa kanya na hindi naman siya ang ama ng bata. Makasarili mang isipin, pero hindi ko alam ang dapat gawin.
Comments