Tara, punta na nga lang tayo sa gym. Iniwan na naman tayo ni master.
Jane
Mabuti pa nga. Hay, buhay!
Pinagtitinginan sila ng ilang mga basketball player na naglalaro.
Nina
Hay naku, heto na naman sila, mga mata nilang mapanghusga kapag tayong dalawa lang ang magkasama.
Jane
Oo nga, at ang mga bibig nilang walang humpay kung magbulung-bulungan ng mga walang katuturang bagay.
Basketball Player 1
Talaga nga naman, kapag napag-iiwanan, kakapit at kakapit.
Basketball Player 2
Iba talaga ang mga babae, ano, pre? Pagpipilitan at pagpipilitan ang sarili sa isang tao kahit halata namang ayaw sa kanila.
Basketball Player 3
Haha. Sinabi mo pa, pre. Dumidikit sa malakas para magmukhang malakas. Pero hindi nila alam, mas nagmumukha silang kawawa.
Nagtawanan sila at iba pang basketball player maliban sa isa.
Jane
Haist! Eh, ang yayabang pala ng mga ‘to, akala mo nag-champion na sa basketball state league!
Akmang tatayo na si Jane para sugurin ang mga basketbolista, pero napigilan siya ni Nina.
Nina
Oh, ano, susugurin mo ‘yang mga mokong na ‘yan? Alam mo, ikaw rin ang talo kung papatulan mo ‘yang mga ‘yan. Alam mo sa sarili mo na wala namang mangyayari, hindi ba?
Jane
Nakakaasar na kasi sila. Kung anu-anong pinagsasabi sa atin. Teka nga, bakit, ikaw, hindi ka ba naasar sa mga pinagsasabi ng mga ‘yan sa atin?
Nina
Oo, siyempre, naasar ako. Sino ba namang hindi. Pero, wala namang mangyayari kung papatulan ko sila. Do you think they will stop? Of course, not!
Comments