SA Kelvin
Kinuha ang isa sa brown enveloped....
Info:
Name: Sofia Mendez
Real Name: 6th Princess Sofia Crystalia
Father: 5th Prince Rocco Crystalia
Mother: Sanya Mendez
Age:17 years old
Address:- - - - - - - -
Other Info
School: Crystal Academy
Grade 12 Room 3
Work: Smile Cafe
___________________
I. I
I. I
I. Picture. I
I. I
I__________________l
------------------------------------
(Sofia Pov's)
(Tumunog ang Alarm)
[Pinatay ang Alarm sabay bumangon]
[Gulo Gulo ang buhok na parang multong kakabangon lang sa hukay...]
[Nag asikaso na ng sarili para makapasok]
Ako nga pala si Sofia Mendez.. Well ilang years nadin akong nakatira dito sa bedspacer na inuupahan ko.. Malapit lang kasi ito sa school namin.. At isa pa malapit din sa trabaho ko...
Well kung nag tataka kayo ilang taon na ako.. Bat ako nag wowork.. Wala bang pamilya na nag papa aral saakin?.. Well mamaya malalaman nyo din...
(Sa school Gate)
Isang napakagandang umaga myself...
Sofia: Good morning po manong guard...
Guard: Good morning Sofia...
Sofia: Gusto nyo po bang bumili ng pulvoron? Pang kain ko lang po mamayang breaktime...
Guard: Syempre naman....
Well sa school kilala nila ako as pulvoron girl.. Well ako gumagawa nyan at masarap yan...
Guard: Masarap naman ba ito iha?
Sofia: Syempre naman po.... (nakangiting sabi ko)
I always didnt forget to smile.. Kasi nga kapag masaya ka more good vibes ang lalapit sayo...
Guard: Pabili ako ng 10... (sabay tingin sa iba pang guard) Huyyy bumili kayo dito masarap to promise...
Ayun nag sipag bilihan sila...
Sofia: Thank you manong guard the best ka talaga... (Nag approve hnd sign me kay manong guard)
Guard: Di ka talaga nauubusan ng ngiti iha..
Sofia: Syempre naman po para good vibes palagi... Salamat po pasok na po ako...
Guard: Ohh teka ID mo?
Sofia: Ayy oo nga pala nakalimutan ko...
(Hinanap ko sa bag ID ko)
Sofia: Ayun nahanap ko na... (Pinakita sa guard)
Guard: Okay sge pasok ka na....
Well ang ganda ng mood ko ng biglang may nakita ako sa hallway na malditang babae na hinagis yung salamin nung isang babae...
(Kyline and Andrea Argument)
Well makikialam na sana ako kaso baka madamay ako.. Wala akong laban sa mga brat girls na yan no.. Kailangan kong makapag aral ng ayus dito para kay mama....
Dumeretso nalang ako at di na sila pinakinggan at pinanood...
(at the room)
(Grade 12 Room 3)
Sofia: Good morning Bestfriend...
Jilian: Good morning... Mukhang good mood ka na naman ahh...
Sofia: Syempre naman makita ko lang kayo masaya na ako...
Elijah: Kailan ba sya naging bad mood?
Jilian: Sabagay lagi naman siyang good mood.. Akala mo walang problema sa mundo..
Elijah: Kamusta na pala ang mama mo?
Sofia:Well ganun padin.. No change...
Jilian: Wag kang mag alala gagaling din siya.. Ito naman si Elijah pinaalala na naman...
Sofia: Ayus lang sanay na naman ako...
(Breaktime)
Jilian: Tara na sa canteen..
Sofia: Kayo nalang wala akong budget pambili ngayon ehh...
Elijah: Tara na.. (Hinatak si Sofia)
Sofia: Pero wala akong pambili...
Elijah: Libre ko na...
Sofia: pero dami ko nang utang sayo...
Elijah: Wala ka nang choice hawak ka na namin...
\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=
Yan ang bestfriend ko si Jilian at si Elijah...
Si Jilian isa din sa palangiti kong friend.. Medyo may kaya sila sa buhay pero napagtripan niyang mag work sa Smile Cafe...
Si Elijah naman ang medyo mataray na friend ko.. Mayaman siya at sila din ang may ari ng Smile Cafe... Well minsan masakit siya magsalita at di ko alam ang emotions niya pero mabait at lagi niya akong nililibre...
\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=\=
(Sa Canteen)
Bumili na sila ng makakain namin... Medyo natagalan sila kaya napag isipan ko nalang kumuha muna ng tubig.. Yun lang kasi ang libre sa lahat ng naandito sa school namin...
Habang nag lalakad ako bitbit ang tubig may nakita akong kaguluhan.. Well nasa front kami kaya kitang kita ko...
Yung babae biglang sinampal yung lalaki...
(Kate and Kelvin Argument)
Well sino kaya sila?...
Nakatitig ako s mga pangyayari habang nag lalakad ng may bigla akong naramdaman na tumisod saakin..
Yung tubig na dala ko ehh nabuhos dun sa babae na naka short skirt and croptop with her jacket and a high boots..
Napatitig ako nang una.. Wow ang Ganda niya... Nang na realize ko na kailangan kong mag sorry sa nagawa ko...
Sofia: Ohh my gosh sorry di ko sinasadya...
Francine: Okay lang...
Sofia: Pero basa ka na...
Francine: Well may extra clothes naman ako...
Napayuko nalang ako sa sobrang nakakahiya.. Well natapunan ko siya ng tubig sa ulo tas di man lang siya nagalit sakin...
Francine: Well sana di ka maging sobrang clumsy here.. Kasi may iba na isang pag kakamali mo lang magagalit sayo at bubulihin ka.. So be careful next time.. Lalo na at mukha kang mahina..
Natauhan ako nang magsalita siya.. Yeah right .. Tama naman siya mabubuly ako here kapag di ako nag ingat tulad ng nangyari kanina dun sa babae na winasak yung salamin niya nung isang mataray na babae...
Sofia: Tatandaan ko yan.. Salamat...
Francine: Bakit ka nga pala dito pumasok?...
Sofia: Kasi....
Napa isip ako sa tanong niya... Bakit nga ba sa dinami dami ng school dito pa ako pumasok.. Ehh puro mayayaman ang naandito at higher chance na di ako maka survived lalo na kapag may na offend ako na isang nakakataas ang posisyon..
Sasagot na sana ako ng dumating ang friend ko na si Jillian..
Jillian: Sofia tara na kain na tayo... kanina ka pa namin hinahanap ehh..
Sofia: Ahh oo tara na...
Tumalikod na me at di ko na nasagot yung tanong nung babae.. Siya naman ay umalis na para siguro magpalit ng damit niya...
(After School)
(Sa Cafe)
Sofia: Isang magandang umaga na naman ito para saakin... Ayy tanghali na pala...
Jilian: (Pasimpleng ngiti) Ang dami na naman nating customer..
Sofia: Oo nga ehh.. At sarap na sarap sila sa tinitimpla natin na coffee..
Jilian: Lalo na sa cake...
(Kyline and friends)
(Pumasok sila sa Cafe)
Sofia: Welcome to Smile Cafe.. (Nakangiting bati ko)
Maris: Next target...
Napaisip ako sa sinabi nung babae na next target...
Nang may bigla siyang itinuro.. Tumuro siya saakin...
(Sa isip) Ako ba next target na bubulihin nila?.. Teka di ako ready di ko sila kayang matalo...
Maris: Miss Gusto ko yun...
Napatingin ako sa likod ko... At napa buntong hininga...
Hayystt kung ano ano pa ang inisip ko yung cake lang pala yung sinasabi niyang next target...
Sofia: Ahh sge po.. (Inihanda ko na ang order nila)
Inilagay ko na ang order nila sa table...
Maris:( Nakangiting sabi) Salamat ... The best talaga ang mga foods nyo..
Loisa: Yeah I agree.. Pati ang pag salubong niyo sa mga customer with that big smile of yours.. Naku nakakatuwa kaya ang dami nyong customer ehh...
Maris: Right Kyline?..
Kyline: (Tumango lang siya at nakatingin sakin) You look familiar....
Sofia: Ako po?.. Ahh siguro kasi lagi kayong naandito kaya nafafamiliarize nyo na ang mukha ko...
Kyline: No... Like I saw you somewhere... (Bigla nsiyang may naalala) I remember now.. Isa ka sa scholar ni lolo sa school with a high average sa school entrence exam for scholar right?...
Sofia: Ahh.. Lolo?.. It means Princesa ka po?...
Maris: Tumpak mo... siya si Princess Kyline Crystalia.. Ang apo ng owner ng Crystal academy...
Kyline: Well then you can go back to your work now..
Sofia: Thank you po...
Tatalikod na sana ako ng bigla niyang binanggit..
Kyline: I like the music.. (Napalingon ako at ngumiti sa kanya)
Well sino ba naman ang di magustuhan ang music na yan.. Ehh kanta yan ng sikat na Secret Singer na si Chryeart..
Sa isip ko well parang familiar din siya sakin.. Saan ko nga ba siya nakita?..
(After work)
Pag tapos ko sa work ay agad akong pumunta sa hospital...
Syempre bibisitahin ko muna ang maganda kong mama..
Pag dating ko sa hospital ay agad ko siyang niyakap kahit na di niya ako makita..
In coma si mama ilang years na due to a car accident na nangyari.. Si papa naman ehh wala na bago pa ako isilang sa mundong ito.. I dont know what happened.. Pero bago si mama magkaganyan ang lagi niya lang binabanggit. Mag aral ako sa Crystal Academy.. Galingan ko..
Kaya siguro yun ang naging reason ko kung bakit ako kumakapit hanggang ngayon at doon nag aaral kahit na mahirap...
Well may pera naman kami para maka survive si mama yun yung ipon niya at ni papa.. Di ko nalang kinukuhanan.. Hinagastos ko yun para dito sa hospital.. Kaso habang tumatagal lumalaki ang bill namin kaya nag work ako para kahit papano maka survive ako...
Sofia:: I love you ma sana magising ka na po.. Love na love po kita.. Miss na miss na po kita...
Unti unti tumulo ang luha ko dahil sa sakit...
(After a few days)
Manager: Sofia Tanggal ka na sa trabaho mo...
Sofia: Pero manager..
Manager: Im sorry.. Alam kong mabait kang bata at kailangan mo nang work para sa mama mo pero di ko pwedeng itolerate yung ginawa mo...
Sofia: Pero manager... (Lumuhod ako sa pag mamakaawa) Please po Manager wag nyo po ako tanggalin.. Kailangan ko po yung work na to..
Manager: Im sorry..
Iyak na ako ng iyak ng may pumasok sa nakasara naming cafe...
SA Kelvin: Good evening po.. Pasensya na at pumasok na ako ng deretso...
Manager: Ano ng kailangan mo dito...
SA Kelvin: Hinahanap ko si Sofia Mendez ...
Sofia: Ako po yun bakit po?
SA Kelvin: Pwede ba kitang makausap?
Sofia: Sge po...
(Umupo kami sa Cafe dahil naka sarado na naman ito at pinayagan kami ni Manager)
SA Kelvin: Ako nga pala si Kelvin Legaspi ang special assistant ng lolo mo..
Sofia: Lolo ko?.. Sino?...
SA Kelvin: Wala bang nabanggit sayo ang magulang mo?
Sofia: Wala... Sabi lang ni mama matagal nang patay ang lolo ko..
SA Kelvin: Ganito kasi yun.. Ikaw ay isang Crystalia...
Sofia: (Nagulat ako sa narinig ko) Ha?... Crystalia?... You mean isang Princesa?..
SA Kelvin: Oo ganun na nga...
Sofia: Pero pano nangyari yun?
SA Kelvin: Mahabang kwento pero kung gusto mong malaman ang lahat sumama ka sakin pabalik ng palasyo...
Sofia: Pero pano ang mama ko? Walang mag aalaga sa kanya...
SA Kelvin: Kami na ang bahala sa mama mo. At pwede mo padin naman siya mabisita kahit araw araw pa...
Sofia: Salamat po...
SA Kelvin: From now on kami na ang bahala sa mga kailangan mo...
Sumama ako sa kadahilanang gusto kong malaman ang katotohanan..
Lahat lahat... At umaasa din akong malalaman ko kung bakit namatay ang akong papa...
(Sa labas ng Palasyo)
Bumaba ako ng sasakyan at napatingin sa napakalaking palasyo.. Ohh my ang ganda...
Sana umpisa na to ng pag babago sa buhay ko..Yung mas maganda sana..
_______________________________
Abangan
(Sa library)
Tahimik na nag babasa si Andrea...
(Lumibot ang eksena habang tahimik siyang pinag mamasdan ng isang lalaki habang nakangiti)
(Sa classroom)
Patricia: Hoyy friends ka naman namin diba Andrea... Ibili mo nga kami ng tubig...
Andrea: Pero mag rereview pa ako...
Patricia: Wag ka nang mag palusot.. Ano maging friends o maging bully?...
Andrea: Sge bibilhin ko na..
(Pagbalik sa room)
Napatingin si Andrea sa upuan na bakante sa likod..
Andrea: Bakit kaya wala na naman siya...
Kyle: Ako ba ang hinahanap mo?
Andrea: Assumero... Bumalik ka na sa room mo...
(Lopez Residence)
Andrea: Mama bakit may naka empake na gamit dito? Aalis ka po ba?
Drea: Hindi.. Ikaw ang aalis na...
Andrea: Pero...Mama wag mo naman akong palayasin please..
_____________________________
Written By: CZ (Chelsea Zharhina)
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments