MY EX BOYFRIEND MAKE ME PREGNANT
"MY EX BOYFRIEND MAKE ME PREGNANT"
START.
"Buntis ka?!"
Halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng biglang bumungad si Tita Fely sa harapan ko.
"T-tita sorry po..."
Nanginginig kong kinuha ang kamay ni Tita para mapakinggan niya ako ngunit hindi ko pa man iyon nahahawakan ay tinapik niya na ang kamay ko.
"Sinasabi ko na nga ba! Walang magandang dulot sa'yo ang lalaking 'yon!"
Napaiwas ako ng bigla niyang sampalin ang kaliwang pisngi ko.
"Tingnan mo, sinira niya ang buhay mo! Ang tigas-tigas kasi ng ulo mong bata ka!"
"T-tita tama na po!" Pagmamakaawa ko dahil ayaw niya akong tigilan sa pagsampal.
"Mahal po ako ni Andrew, alam ko pong papanagutan niya ako at ang baby namin." Lakas loob kong sabi. May tiwala ako sa boyfriend ko, at alam kong tatanggapin niya 'to.
"Mahal? Nagpapatawa ka ba Sydney? Hindi mo kilala ang ugali ng mga mayayaman! Paano ka nakakasigurong tatanggapin ka ng lalaking 'yon ha? Hindi ka ba nag-iisip?"
"A-aray! Tita tama na po!"
Muli kong pagmamakaawa kay tita matapos niya akong itulak ng malakas.
"Lumayas ka dito! Layas!"
"Tita papatunayan ko po sa inyo na mabuting tao si Andrew..."
Tumayo ako para muling kumbinsihin si tita na matatanggap ako ni Andrew.
"Sige, patunayan mo! Siguraduhin mo na pakakasalan ka ng lalaking 'yon. Dahil kapag hindi, huwag ka nang umasa na pababalikin pa kita dito, okay?"
Matapos akong itapon ni Tita sa labas ng gate ay kaagad akong pumara ng tricycle. Kailangan kong puntahan si Andrew, kailangan niyang malaman na magkaka-anak na kami.
"Manong dito na lang po!"
Nang makababa ako ng tricycle ay kaagad akong kumatok sa dorm ni Andrew.
Michael Andrew Claveria, ang nag-iisang anak ng mayamang pamilya Claveria. He's an engineering student. Third year college na siya samantalang ako naman ay graduating sa Senior High.
Nagkakilala kami noong grade eleven ako, siya naman ay second year, and we're on a relationship for almost a year. Sa susunod na buwan na ang aming first anniversary, and I think, magandang balita at regalo para sa amin itong baby sa sinapupunan ko.
"Sydney? W-what are you doing here?" Kabado at gulat na gulat ang ekspresyon niya matapos niya akong pagbuksan ng pinto.
"P-pwedeng pumasok? May importante akong sasabihin sa'yo Andrew..." Kinakabahan at hinihingal ko pang sabi. Sinubukan kong ipasok ang sarili ko sa loob ngunit buong pwersa niyang ihinarang ang katawan niya sa pintuan.
"Sydney wait,"
"B-bakit? May problema ba?" Pakiramdam ko'y muli na namang namumuo ang mga luha ko, anytime ay pwede na naman itong tumulo.
"Babe, who's there?"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses ng isang babae.
"Sandali, sino 'yon? May kasama kang babae dito?"
Pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa pintuan para tingnan kung sino ang babae.
"Oh, hi?"
Natigilan ako ng bumungad sa akin ang isang magandang babae. Bagong paligo lang siya dahil basang-basa pa ang mahabang buhok niya. Tanging puting tuwalya lang din ang nakatakip sa katawan niya.
"I'm sorry..."
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko sa aking mga mata. So, yeah. Karma ko na ba 'to dahil sa hindi ko pagsunod kay Tita Fely?
"Andrew bakit?" Nanghihina kong tanong.
"We're getting married." Simple at mataray na sagot ng babae na hindi ko alam ang pangalan.
Lalong nanghina ang buong katawan ko ng ipakita nito ang engagement ring sa daliri niya.
Nakatingin lang ako kay Andrew habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha ko. Hindi ko mabasa ang emosyong meron sa mga mata niya, ngunit isa lang ang nasisigurado ko, at iyon ay totoo ang lahat ng sinasabi ng babaeng kasama niya rito sa apartment niya.
"I. Hate. You!"
Sinubukan kong sampalin si Andrew ngunit nang akmang iaangat ko na ang kamay ko ay nanatili lang itong naka-angat, hindi ko siya magawang sampalin kahit na ang sakit-sakit nitong ginawa niya sa akin.
"I'm sorry Sydney...umalis ka na!"
Huling salitang sinabi niya bago niya tuluyang isinara ang pintuan ng apartment niya.
Wala na akong nagawa kundi ang iiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Baby, promise ni mommy na aalagaan at palalakihin kitang masaya...hindi ko ipaparamdam sa'yo na may kulang sa'yo...kahit na wala kang amang makikilala dahil niloko niya ako...hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para sabihin sa kanya ang pagkabuo mo."
Pinahid ko ang mga luhang bumabasa sa pisnge ko. Pagkatapos ay taas noo kong nilisan ang lugar na mula ngayon ay kasusuklaman ko na.
"I hate you Michael Andrew Claveria! Pinapangako kong pagsisisihan mong niloko mo ako! I hate youuu!"
---------𝐂𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐮𝐞...
VISIT MY FB ACCOUNT ( LANGIT MANUNULAT )
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments