Chapter 2

“HI, I’M Elvyra Montereal, nice to meet you all!”

What’s so excited about the first day of school? I don’t get it. This girl seems energetic over nothing.

It’s been two months since I graduated from senior high. And today is my first day in college.

Sa tatlong magkakapatid, ako ang bunso at ako na lang din ang nag-aaral. Lahat sila ay accounting graduates. Kaya iyon rin ang pinakuha nila sa akin.

Wala naman akong gusto na specific course, at wala rin akong pakialam kung ano man ang kunin ko. Confident ako sa IQ ko, kaya alam ko na kahit ano pa iyan, basta mapag-aaralan naman, makukuha ko rin.

“Hi, pwede patabi?”

Tsk, this Elvyra girl is malaking FC, feeling close! Makasmile parang wala nang bukas.

She has a pale ivory skin. At nagmumukha siyang maputla at sakitin sa white unform namin, dagdag pa na may kapayatan ang pangangatawan niya. Dibdib lang ang malusog. Tapos wavy at mahaba pa ang brown niya buhok.

“Dito ka na lang tumabi sa akin.”

“Vacant dito, dito ka na lang.”

“Miss Elvyra, sa unahan ka na lang. Huwag kang tumabi sa nerd, sige ka. Baka mahawa ka.”

At nagsimula nang lumakas ang kanilang pag-aagawan sa kanya.

She seems to be popular already in our class. First day pa lang, akala mo artista itong nakikita nila. Mas maganda naman ako.

“Fine by me.” Nameywangan siya at tumingin sa ibang students, specifically doon sa mga nag-offer.

“Mukha yatang ayaw niyo maupo sa pwesto niyo at kung maka-offer naman kayo, parang wala nang ibang mauupuan. Hello? Bulag ba kayo? Ang daming bakanteng seats. Wala akong makikitang nakaupo sa inyo, ha? Offer kayo nang offer, mga plastic.”

Natahimik ang lahat, pati na rin ang professor sa harap.

She’s something… She means trouble, I mean.

Pasimple akong huminga ng malalim.

One…

Two…

Three…

Nerd mode on!

Mahinahon at tila nahihiya na nagsalita ako.

“Miss Montereal…” Maupo ka kung saan mo gusto. Magtatanong pa kasi. You’re making a big deal out of it, you moron. Sayang sa oras! “Ah eh…”

Walang sabi-sabi ay naupo siya sa tabi ko at pinaandar ang bibig niya na ang tilin ng makina.

“Dito na lang ako sa tabi mo. Huwag mo na pansinin iyang mga iyan. Tawagin ka ba namang nerd, kung hindi ba naman mga sira. Paki ba nila? Why state the obvious, di ba? Tsk. So, anong name mo?”

Kalma, Lei. Kalma ka lang.

State the obvious nalalaman nito. Sasabog ako rito, promise. Masusuntok ko nang wala sa oras ang babaeng ito.

“Ashene Lei Castro po,” magalang na sagot ko.

“Ouch! Huwag ka na mag-po sa akin. I think magkaedad lang tayo except the looks. You look older than me. Anyways, nice to meet you, Ash.”

At kumindat pa talaga siya sa akin. Naku, nanggigigil na ako. Hindi ako makakatagal sa maghapon na siya ang katabi ko!

Pagkalipas pa ng ilang oras, pakiramdam ko daig ko pa ang nagtrabaho maghapon. To think dahil iyon sa babaeng walang humpay sa pagsasalita while in the middle of the class.

Bakit pa kasi sa akin tumabi iyon?! Gusto ko lang ng tahimik na buhay.

Tumingin ako sa wristwatch ko. I started to count down.

Three.

Two.

One.

Saktong pagpatak ng alas-singko sumabay ang pagtunog ng bell. Sa wakas tapos na rin ang first day of school na puro lang panlalait sa akin ng babaeng ito ang narinig ko.

Well, at least harap-harapan niya nilalait ang tao. I can say that’s good. Pero ibang usapan na kung maghapon niya iyon gagawin!I know I look like a nerd, but dude, wearing a thick glass doesn’t make me a nerd. What is this reasoning anyway?

May sinasabi pa siya na hindi raw ako marunong mag-ayos, ang manang kong tingnan. Turuan niya raw ako magpaganda para kaht papaano ay makahanap ako ng boyfriend.

Punyeta! Supalpalin ko na lang ang bunganga niya eh.

First of all, saan banda ang manang?

I am wearing the same uniform as her. I have long wavy black hair, and I just tied it up in an upsweep hairstyle.

And about getting a boyfriend, I’m gonna pass on that.

Inayos ko na ang mga gamit ko, at akma akong maglalakad palabas nang magsalita siya.

“Wait, Ash!”

Hindi ka pa ba tapos? I’m so tired! “Bakit?”

“Uuwi ka na ba, girl?” tanong niya habang nagre-retouch.

Isn’t it obvious? “Uhm, yeah?”

“Sabay ka na sa akin. Parating na rin ang sundo ko. Bukod sa mukha kang sakitin, baka ma-bully ka pa sa daan, konsensya ko pa.”Napamaang ako sa sinabi niya.

Can I punch her na ba? Baka ma-bully, eh sa talas pa lang ng dila niya, wala nang palag ang ibang bully.

“Ah huwag na. Salamat na lang. Susunduin ako ng kuya ko,” I said, smiling. I feel like my cheeks are going numb from wearing fake smiles all day.

“Ganoon ba?” Isinilid niya na ang make-up sa pouch niya. Tumayo na siya at sinukbit sa braso ang violet satchel niya and look at me with a bore look.

“Samahan na lang kita while you wait for your Kuya. Wala rin naman kasi akong gagawin. Nag-mall pa lang ako kahapon, and there are lots of fake bitches out there. So I’m gonna play it safe for a while,” she said. She even handed me her bag.

Oh? So this is the start of her reigning as a “queen?” I felt sorry for her. She chose the wrong girl to be her slave.

Without a word, tinalukiran ko siya. Hindi ko na inalam kung ano ang naging reaksyon niya.

Paglabas ko ng pinto, may iilan na estudyante roon. Hinihintay yata si Elvyra. And yup, she’s right about one thing.

“Fake bitches,” I mumbled.

They talk bad about her.

Kailangan ko bang mag-sorry and help her out of it? I can imagine her being the center of gossip from here on.

Bahala na nga siya. Kinuha ko na lang ang phone ko at nag-scroll lang nang nag-scroll. Wala ako sa mood i-open ang mga social media accounts ko, baka may makita lang ako na hindi ko magugustuhan at lumala pa ang inis ko sa buhay.

To be honest, blangko ang isip ko ngayon. Hindi ko na rin namalayan na nasa harap na rin ako ng school gate. Buti hindi ako natapilok sa daan at namatay.

Muli kong itinuon ang atensyon sa phone, only to see the safe folder open na hindi ko dapat binubuksan ngayon.Kasabay ng realization na iyon ay ang pagkabasag ng eardrums ko.

“Oh my gosh!”

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play