Deus Domine

Inilapag ni Deus ang maletang dala at naupo sa malambot na kama. Makalipas ang halos isang araw nilang byahe ay nakarating din sila sa retreat house sa Baguio.

"Napakaganda pala rito sa Mirador, Prater kahit medyo iba ang pakiramdam ko rito sa bahay." wika sa kanya ng kapwa semenaristang si Alfredo. Silang dalawa ang magkasama sa kwarto para sa ilang araw nilang retreat session sa nasabing lugar.

Nagising si Alfredo sa kakaibang alinsangan na naramdaman nya. Takang taka dahil malamig sa Baguio at bukas ang bintana kaya't nakakapasok ang sariwang hangin subalit heto sya ngayon at humuhulas sa init.

Binuksan nya ang lamp shade na nakapatong sa table pagitan ng higaan nila Deus. Pupungaspungas ang mata ay sinipat nya ang oras sa relo. "3:00am" sa isip nya.

Bubuksan nya sana ang aircon at isasara ang bintana nang mapansin nyang wala si Deus sa higaan nito. Agad syang kinutuban nang makaamoy sya ng kandila at langis sa loob ng kwarto.

Dahan dahan syang tumayo at lumakad nang hindi binubuksan ang ilaw. Iniiwasan nya rin gumawa ng ingay sa paghakbang upang pasilip ang banyo kung nandoon nga si Deus.

Bahagyang nakabukas ang pinto kaya't kita nya ang liwanang ng kandila na nanggagaling sa loob ng cr. Lumalakas din ang amoy ng langis at kandila habang papalapit sya sa pinto.

..."EGO SUM ASMODEUS. DAEMONIUM LUXURIAE. EXAUDI ME DOMINE."...

Sinilip nya mula sa awang ng pinto si Deus nang marinig ang ritwal nito. Hindi pa sya mahusay sa mga dasaling latin subalit pamilyar sya sa mga salitang ito.

"Daemonium luxuriae. Demon of lust?" sa isip nya.

Naka clerical na itim si Deus na madalas nila noong gamitin sa pagseserve sa misa. Nakataas ang mga kamay na tila sumasamba. Nakaharap sa itim na kwadradong salamin na may nakasinding pinagdikitdikit na itim na kadila at nakatayo sa garapon na may langis.

"teka.. Ego sum Asmodeus? I am Asmodeus? Kaya Deus ang pangalan nya dahil sya si.. Asmodeus? The demon of lust?" Napagtagni nya ang mga ideya habang pinagmamasdan si Deus sa loob ng banyo.

Nanlamig ang buo nyang katawan nang makita ang repleksyon ni Deus sa salamin na tumingin sa kanya. Nanlilisik ang mata nito sa galit. Humakbang sya paatras subalit laking gulat nya nang lumingon sya at makita si Deus sa kanyang likuran na nakangisi at tila nahahayok sa kanyang amoy. Inaamoy at mariin sya nitong sinisiil ng halik sa leeg at pagkatapos ay doon na sya nawalan ng malay.

Kadiliman.

Nagising si Alfredo sa tila isang kawalan ng liwanag. Mag isa lang sya at napakadilim ng paligid. Tanging sarili nya lang ang nakikita nya. Maya maya pa ay para syang ihinehele ng mga haplos sa kanyang maselang bahagi ng katawan. Gustuhin man nyang tumanggi ay tila nasasarapan ang kanyang katawan.

Nagpakalunod na sya sa hindi mapigilang sensasyong dala nito sa kanya. "Aaasmodeus.." halinghing nya sa demonyong naglagay sa kanya sa itim na salamin.

---

Kumalat sa social media at tv news ang balita ng biglaang pagkamaty ng semenaristang si Alfredo sa isang retreat house sa Baguio. Ang sinasabing dahilan ng pagkamatay nito ay bangungot.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play